webnovel

Butterflies in my stomach ❤️

"Where are you going?"tanong ni Alexander sa bagong bihis na si Cassandra.

"To the convenience store, gusto mong sumama?"kinapa ni Cassandra ang bulsa para siguruhing dala niya ang susi ng kanyang kotse.

"I got my wallet and keys"ani Cassandra nang masigurong dala niya ang kailangan niya. Ibinaba ni Alexander ang binabasang libro at liningon si Cassandra na kasalukuyang inaayos ang sariling buhok .

"Akala ko ba may masakit sayo?"tanong ni Alexander. Bahagyang kumunot ang kanyang noo habang pinagmamasdan si Cassandra na abala sa pagpopony tail ng kanyang buhok.

"I'm fine now, thanks to the chocolates you bought...and to my spare pad"humarap ito kay Alexander nang matapos na ito sa ginagawa.

"Just...let your hair down"nakadekwatrong sabi ni Alexander.

"Huh? but I like it this way"sagot ni Cassandra at sinipat ang sariling repleksyon sa salamin. Nginitian ni Cassandra ang sarili sa salamin at ibinalik ang tingin kay Alexander na ngayon ay seryosong nakatingin sa kanya.

"Binibini, mas gumaganda po kayo kapag nakatali ang inyong buhok"komento ni Berry. Nakangiting nag thumbs up si Cassandra na ginaya rin agad ng tatlong katulong.

"See? I look better with this"nakangiting lumapit si Cassandra sa kinauupuan ni Alexander. Huminto siya nang mga isang dangkal na lang ang layo nito sa lalaki. Narinig niyang bumuntong hininga ang kaharap at masamang tiningnan ang tatlong katulong.

"Ah-eh..."nakayukong siniko ni Lily si Berry.

"Ta-tara na"bulong ni Berry sa dalawang kasama sabay tulak sa mga ito palabas ng sala.

"Pe-pero totoo naman diba?"hirit ni Sunny pero tuluyan na siyang hinila palabas ng kanyang mga kasama.

"Tsk. Anong oras na ba? It's almost six o clock"tumayo si Alexander at kinuha ang jacket na nasa arm rest ng sofa.

"Tara na"yaya ni Alexander.

Nasa convenience store na sila. Tulak tulak ni Alexander ang cart habang nakasunod kay Cassandra na abala naman sa paglalagay ng kung anung-anong madaanan nila. Kung anong hindi maabot ni Cassandra ay siya ang kumukuha para dito sabay lagay sa cart na hawak.

"We need to stock foods...Tara doon tayo!"

Tahimik lang na nakasunod si Alexander at hinahayaan na lang kung saan siya dalhin ni Cassandra.

"Hmm...ano pa bang kailangan natin? Oh!!! I almost forgot...I need real pads"tinungo niya ang section kung saan nakalagay ang mga sanitary items.

"This is so stressful"sa isip-isip ni Alexander habang pinagmamasdan ang tila walang kapagod-pagod na si Cassandra.

"This may be from woman instincts"sa isip ni Alexander.

"How does she know all of these stuff without getting confused? She exactly knows what brand to buy... she's even reading the label on it like... everything written on it"bored na inilibot niya ang tingin sa paligid. Halos maduling na rin siya sa dami ng mga pinamili nila na hindi naman niya alam kung para saan talaga gagamitin. Hinayaan na lamang niya si Cassandra sa paglalagay ng kung anu-ano dahil wala naman siyang kaalam-alam pagdating sa pamimili o pag go grocery.

"This is the pad that I'm looking for"ipinakita ni Cassandra ang isang brand ng napkin kay Alexander. Nalingunan niyang nakapangalumbaba ito habang nakatitig lang sa kanyang direksiyon. Hindi nakatakas sa kanyang pandinig ang malalim na buntong hininga mula rito.

"What's this for?"nagtatakang inabot ni Alexander ang napkin mula kay Cassandra.

"That's the pad I need...for...my period"kagat labing pahayag ni Cassandra.

"Whisper???with wings??? I didn't know you want pads that can fly"inosenteng tanong ng lalaki kay Cassandra. Biglang nakaramdam ng pag-iinit ng mukha si Cassandra nang magsimulang basahin ng malakas ni Alexander ang nakasulat sa cover ng napkin.

"Pshhh...do-don't read it out loud, nakakahiya"lumapit siya sa lalaki at tinakpan ang bibig nito. Lumingon lingon pa sa paligid si Cassandra.

"Stop it Love, they're looking at us"pabulong na sabi ni Cassandra. May iilang tao ang napalingon sa kanilang gawi kapagkuwan ay ibinalik ang atensiyon sa kanilang ginagawa. Nahihiyang ibinalik ni Cassandra ang tingin kay Alexander.

"Hmm?"ani Alexander.

"Love???Am I hearing things now?" tanong ni Alexander sa kanyang isip.

"Just hush...okay?"napatitig siya sa mga mata ni Alexander. Nakatitig lang ito sa kanya.

His pupils are dilating.

Natigilan siya nang mapagtantong tanging kamay na lang niya ang nagsisilbing harang sa pagitan ng mukha nila ni Alexander.

"Ah...eh..."mabilis niyang binawi ang kanyang kamay. Gusto niyang tumakbo palayo sa lalaki dahil sa bilis at lakas ng heart beat nito. Pakiramdam niya ay naririnig ito ni Alexander.

Lihim siyang napatitig sa kanyang kamay. Ramdam pa rin niya ang mainit na hininga ni Alexander sa kanyang palad, pati ang labi ni Alexander...his moistened lips...This guy...

Why does he smell so nice?

Nahihiyang umatras siya palayo sa lalaki at umaktong may hinahanap pa sa mga shelves.

"Uhmm...A-ano pa bang ku-kulang?"gustong batukan ni Cassandra ang sarili dahil sa sobrang hiya. Alam niyang binabasa na naman ni Alexander ang nasa isip niya.

Ang tanga mo Cassandra! You've let your guard down this time...

Nahinto siya sa ginagawa nang hawakan ni Alexander ang kanyang ulo at ginulo ang kanyang buhok.

"Let's finished this already, it's getting late"malamig na boses ni Alexander ang kanyang narinig.

Pakiramdam ni Cassandra ay pulang-pula siya nang mga oras na iyon.

Darn this feeling! I can't control myself but feel this...strange feeling!

Ang init!!!

"Ah-eh....oo... te-teka bakit mo ginulo ang buhok ko?stop doing that, I'm not your pet"tinakpan niya ng pagkainis ang hiyang nararamdaman nang mga oras na iyon. Kinuha niya ang tali ng kanyang buhok at hinayaan na lamang niyang malugay ang mga ito. Lingid sa kanyang kaalaman na sinadyang guluhin ni Alexander ang kanyang buhok dahil sa lalaking kanina pa nakatingin sa kanila, partikular kay Cassandra. Matapos nilang bayaran ang kanilang pinamili ay nagtungo na sila sa parking lot.

"Hi!"masiglang bati nung estrangherong lalaki sa loob ng store. Naghintay pala ito hanggang sa makalabas si Cassandra para lang makausap ang babae. Inakala pa ng estranghero nung una na baka kamukha lang ni Cassandra si Anna Cassandra Montague pero hindi siya makapaniwalang totoo talagang si Cassandra ang nasa harapan niya ngayon! Nung una ay medyo kumunot ang noo ni Cassandra pero nginitian niya rin ito sa huli.

"Hi!?"sagot ni Cassandra sa lalaki.

"Tama nga ako!!! Wow, I can't believe my own eyes!!!"halos mapatalon sa tuwa ang lalaki.

"Excuse me? But do I know you?"magalang na tanong ni Cassandra sa lalaki.

"I'm sorry, uhmm...Miss Anna, I'm Dean Charles, I'm a big fan of you hehe...I- actually, kanina pa kita nakita dun sa grocery store...Umm...I...I kinda like you"nahihiyang napahawak sa kanyang leeg ang lalaki. Medyo nagulat si Cassandra sa biglaang confession mula sa lalaki. He looks so young...

"Uhh...okay. That's so sweet of you. Are you still studying?"tanong ni Cassandra sa kalmadong boses. Kumislap naman ang mata ni Dean Charles sa tanong ni Cassandra.

"Yes miss, uhh... actually, I'm pursuing a fashion designing career just like you... you're my inspiration after all"malapad ang ngiti ni Dean habang nakatingin kay Cassandra.

Nakatingin lang si Alexander sa dalawa habang nakasandal sa kotse.

It's obvious, that guy is into her! and it's also pretty obvious that I wanna slit his throat right now!

You're jealous Gabriel...

"No I'm not. I just don't like that guy...he seems suspicious"sagot ni Alexander sa maliit na tinig na nasa kanyang kaloob-looban.

Oh come on! Gabriel...we both know you're lying! You like that human... accept it!!!

"Whatever, just shut up!"napipikong saway ni Alexander sa tinig. Ang tinig na ito ang lagi niyang naririnig kapag nasa ganitong sitwasyon siya. Kung saan mauuwi na naman sa pagkawala niya ng kontrol sa kanyang sarili. It's his demon. A beast! A beast ready to destroy everything to him, including himself.

"Tsk. That woman...is it really necessary for her to smile while talking to the other guys?"dumilim ang anyo ni Alexander.

Let's just kill that kid!

"Shut up fucker!"angil niya sa boses.

"Tara na?"yaya ni Cassandra nang makalapit na ito kay Alexander. Umalis mula sa pagkakasandal si Alexander at tahimik na pumasok sa kotse.

"Hmm?"takang sinundan na lamang ni Cassandra ng tingin ang lalaki.

What's with him???

Pumasok na rin si Cassandra sa kotse. Pasimple niyang sinulyapan si Alexander. Tahimik lang ito na nakatanaw sa harapan ng kotse at mahigpit na nakahawak sa manibela. Napailing na lang si Cassandra.

Saktong nakapag seatbelt na si Cassandra nang tumunog ang cellphone niya. May dumating na email galing kay Kirsty. Binasa niya ito at napatango na lang sa nabasa. Kirsty requested for a day off tomorrow. She's not feeling well. Her secretary sent her schedule for tommorow.

(Hello?)boses mula sa kabilang linya.

"Hello"sagot naman ni Cassandra. Nakilala naman agad ni Kirsty ang boses niya.

(Miss? Go-good evening!)

"Are you okay?"tanong ni Cassandra sa babae.

(It's just that... I'm sorry Miss... but I feel sick. My whole body aches and I feel a bit dizzy)

"Hmmm...Take a rest Kirsty. You can get back to work if you're already well, understood?"

(Yes miss, thank you and I'm so sorry for this...I feel very incompetent and--)

"You don't have to be sorry Kirsty, come on...just take a rest, okay? and you know that you're a very reliable person. We've been working together for years and I know you're capabilities... I'm glad I choose you"putol niya sa iba pang sasabihin ng kanyang sekretarya.

(Okay miss...Thank you)

Matapos nilang mag-usap ni Kirsty ay ibinalik na niya ang kanyang cellphone at tiningnan si Alexander na katabi niya sa front seat ng kotse.

"What?"tanong ni Alexander nang titigan siya ni Cassandra nang matagal.

"Nothing"at ibinalik ni Cassandra ang tingin sa harap ng kotse. Pinaandar na niya ang kotse at nagsimulang magmaneho.

Mood swings???tanong ni Cassandra sa sarili. Napailing na lang siya habang nagmamaneho.

Kinabukasan ay nagpunta si Cassandra sa ACE CLOTHING APPAREL, ang clothing line niya, para umattend sa meeting. Pagkatapos ng meeting ay agad siyang nagpunta sa Cussalea Fashion School para asikasuhin ang mga kailangan tapusin dahil next week ay nasa Parañaque siya para sa one-week business trip. Isasabay na rin niya ang Greenworld Action-activities nila ng mga members kung saan magtatanim sila ng mga mangroves at magdodonate ng mga seedlings sa mga maliliit na magsasaka.

Pasulyap-sulyap siya kay Alexander na matiyagang naghihintay sa kanya. Nakaupo ito sa malaking couch at binubuklat ang isang magazine kung saan ay nai-feature siya.

"You look great here"komento ni Alexander sa isang pahina kung saan nakaupo si Cassandra kasama ang iba pang sikat na mga fashion designers sa bansa.

Nakaschedule na ang flight ni Cassandra next week papuntang Parañaque para sa one-week business trip nila.

"Hindi ka pa ba nagugutom?"tanong ni Cassandra sa lalaki sabay click ng send button ng email na kanyang ginawa.

"Now that you ask, gutom na pala ako."

"Then tara, tapos na rin ako dito"sabay kuha niya sa kanyang purse at tumayo.

Lumabas sila at kumain sa pinakamalapit na restaurant. Pagkatapos nilang kumain ay umuwi na sila.

(Talaga?)gulat na tanong ni Cassalea sa anak nang tumawag ito ng gabing iyon. Ipinaalam ni Cassandra ang tungkol sa business trip niya sa susunod na linggo.

"Yes po, do you need something?like... pasalubong?"nasa kwarto na si Cassandra at katatapos lang niyang maligo. Nakaharap siya sa kanyang laptop at nirereview ang monthly sales report ng ACE CLOTHING APPAREL. Tumaas ng forty-five percent ang sales ng kanyang clothing line kumpara nung nakaraang buwan.

(Hmmm...ano nga ba? why don't you come here tommorow morning so we can have a chat, arasso?)

Nabalik ang atensiyon niya sa kanyang ina. Nangingiti na lang siya dahil sa nanay niyang kinain na ng Kdrama. Like mother like daughter talaga, tumango siya kahit na di naman siya nakikita ng kausap.

"Nae, saranghae eommoni. Dolboda!!!"sagot niya sa ina. Napahagikhik naman si Cassalea na nasa kabilang linya.

(Fighting!!!)sagot ni Cassalea sa anak. Natapos na ang pag-uusap nila ng kanyang ina ay nanatiling nakangiti pa rin si Cassandra. Talking with her mom gives a warm feeling. Tinungo niya ang kanyang drawer at nagsimulang maglagay ng kanyang skin care routine. Nahiga siya para di mahulog ang face mask na suot nang may tatlong mahihinang katok ang pumukaw sa lumilipad niyang isip. Dahan-dahan siyang bumangon at binuksan ang pinto. Tumambad sa kanyang harapan si Alexander na may dalang malaking unan. Nakasuot ito ng puting sando at pajama na kulay dark blue. Lihim na kinabahan si Cassandra nang malanghap niya ang amoy alak sa hininga ng lalaki. Anong nasa isip ng lalaking 'to at linalasing ang sarili ng ganitong oras?

Iniharang niya ang dalawang kamay sa pinto para makasiguradong hindi makakapasok ang lalaki sa kanyang silid.

"Gabi na ah? Anong ginagawa mo dito?"tanong niya sa lalaki kahit na ang totoo ay alam na niya ang pakay nito.

"I can't sleep in my room so I decided to sleep here"medyo paos na sagot ni Alexander.

"You're drunk, Mister. You can't sleep here"hindi maintindihan ni Cassandra kung bakit ganun na lamang ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib ng mga oras na iyon.

"I'm not drunk Wife, tipsy lang...now could you please move backward so I could rest na?"sumilay ang pilyong ngiti sa labi ni Alexander.

"Ha? pe-pero..."naputol ang iba pang sasabihin ni Cassandra nang bumagsak na si Alexander sa kanyang balikat.

"My God!!! What happened to this guy?"dahil sa bigat ni Alexander ay hinila na lamang niya ito sa kamay at buong lakas niyang hinila patungo sa kanyang kama.

"Ano ba talagang problema, Gabriel?"tanong ni Cassandra kay Alexander na mahimbing na natutulog. Umupo siya sa gilid ng kama at tinitigan si Alexander.

"What's bothering you?"tanong ni Cassandra kay Alexander habang matamang pinagmamasdan ito.

Lub.dub.Lub.dub.

"Lasing ba ako?"tinapik niya ang magkabilang pisngi niya.

Did I just saw his bare face? Siya naman yung lasing ah...For a second...I thought I just saw his face...

He's ...breathtakingly beautiful...

Lumayo siya kay Alexander at tiningnan ang lalaki. Bumalik na ito sa normal nitong anyo. Ang anyong nakasanayan niya na...his shadow figure.

"I feel... something in my stomach"wala sa sariling naisatinig niya ang nasa isip. Halos mabingi na si Cassandra sa lakas at bilis ng pagkabog ng kanyang dibdib.

Bumaba siya papuntang kusina para kumuha ng isang basong tubig. She's thirsty!

"My heart beats abnormally..."ibinaba niya ang hawak na baso at dahan-dahang hinawakan ang kanyang dibdib.

This is new to me...sa isip ni Cassandra.

"It feels different... what's wrong with me? I shouldn't feel this way...hindi pa kami nag-iisang buwan at..."naalala niya bigla ang nangyari nung nag grocery sila ni Alexander.

The moment we stared to each other...I saw his green eyes sparkling and dilating and at that moment, I know something is going on in his mind and that gave me butterflies in my stomach.

Dumating na ang araw ng flight ni Cassandra papuntang Parañaque. She needs to give herself space. Maybe after this one week of separation, things will go back to normal. She needs to stop this fondness from growing. Ang tatlong katulong ang naghatid sa kanya sa airport. Umaga pa lang ay wala na si Alexander. May inasikaso daw ito ayon kay Berry. Lihim siyang nalungkot pero nagpapasalamat pa rin siya atleast hindi malalaman ni Alexander ang tunay niyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Dumating din si Cassalea para makita si Cassandra.

Nakatake off na ang eroplanong sinasakyan ni Cassandra. Kitang-kita niya ang paglayo ng sinasakyang eroplano sa kanilang lugar...and it brought her melancholic feeling.

"This will be a long flight"anas niya sa sarili.

Chương tiếp theo