webnovel

Thank you God. It's a blessing!

Four o'clock pa lang ay gising na si Cassandra. Tulad ng kanyang daily routine ay nagstreching siya for five minutes, nagjogging for about thirty minutes then twenty minutes para maglakad-lakad na minsan ay sinasamahan na niya ng jabs. Pagbalik niya ay nakaamoy siya ng ginigisang bawang at sibuyas mula sa kusina. Ang kaninang tahimik na paligid, ngayon ay maingay na.

"They're awake"litanya ni Cassandra pagkatapos ay kinuha niya ang face towel sa kanyang balikat at pinunasan ang pawis sa kanyang mukha at katawan.

"I need to take a shower"nasa hagdan na siya nang may boses siyang narinig mula sa kanyang likuran. Nilingon niya ang pinanggagalingan ng boses.

"Binibini, andiyan ka na pala! Magandang araw sayo! Ako si Kiss, kaibigan ni Gab- ayy! Alexander pala hihi"masiglang bati sa kanya ng babaeng may maamong mukha at mahabang itim na buhok. Hinarap niya ang babae at ginantihan ng malapad na ngiti ang energetic nitong pagbati sa kanya.

"Hi Kiss! ako si Anna, masaya akong makilala ka"nagulat si Cassandra nang bigla siyang niyakap ng mahigpit ng babae.

"Masaya rin akong makilala ang binibining pinakasalan ni Alexander"sabay tapik sa likod ni Cassandra. Mayamaya pa ay bumitaw si Kiss mula sa pagkakayakap sa kanya. Niyaya siya ng babae papuntang kusina. Hindi na siya nakatanggi nang hawakan siya nito at marahang iginiya patungo sa kusina.

"Naaamoy mo ba ang naaamoy ko, Binibini?Tiyak na nagluluto na ng almusal ang mga makikisig na tagapagluto dito sa Hill of Elf-hame"napahagikhik ng tawa si Kiss saka nilingon si Cassandra na nakasunod sa kanya.

"Anna na lang para sayo Kiss"nakangiting sabi ni Cassandra sa babae.

Natigil ito sa paglalakad pagkatapos ay nakangiting tumango sa kanya. Malayo pa lang ay dinig na dinig na niya ang tawanan at asaran ng mga boses lalaki at nadatnan nga niyang abala sa pagluluto ang apat na lalaki na walang pang itaas na kasuotan.

"Pasensiya ka na Anna pero ganyan talaga sila magluto, laging nakahubad... it's--it's a culture thing"paliwanag ni Kiss nang makita ang gulat sa mata ni Cassandra. Tiningnan ni Cassandra si Kiss pagkatapos ay tumango.

"Walang problema"nakangiting sagot ni Cassandra.

'If I were to guess...I believe they're werewolves or something similar to that...'ang naisip ni Cassandra habang pinagmamasdan ang mga kilos at bulto ng pangangatawan ng apat na lalaki. Ang dalawa sa kanila ay maingay na nag-aasaran, ang isa naman ay nakikitawa lang at ang isa ay tahimik lang at seryosong nakatuon ang pansin sa nilulutong pagkain.

Ilang sandali ay tumigil ang isa at lumingon sa kanilang gawi. Napansin sila ni Felix at agad itong yumuko at nahihiyang bumati kay Cassandra.

"Ma-magandang umaga binibini, a-andiyan ka na pala. Akala ko ay iniwan mo na si Gabriel...opps!"natutop ni Felix ang bibig nang mapagtantong nasabi niya ang nasa isip na tinawanan naman ni Mattios. Pinandilatan ni Kiss ang dalawang lalaki. Agad namang natahimik ang mga ito.

"Alexander pala hehe"dagdag ni Felix sabay kamot sa kanyang ulo.

"Magandang umaga sa inyo"bati ni Cassandra sa kanilang lahat.

"Ako si Anna Cassandra"sabay kaway sa kanila na ginaya naman ni Felix at Mattios.

"Ako si Felix"

"Ako naman si Mattios"

'Ang makukulit sa kanila' sa isip ni Cassandra.

"Ako si Lucas, magandang araw Binibini"nakangiting yumuko nang bahagya ang nagpakilalang Lucas.

'Maybe he's the leader or alpha of this group' sa isip ay patuloy sa paghula si Cassandra.

"Ako si Hunter"pakilala naman ng tahimik sa kanila.

'The dangerous one' muli ay naisip ni Cassandra.

"Alam niyo guys, hindi niyo na kailangang magsinungaling sa akin. Alam ko na si Alexander ay si Gabriel"pagtatapat niya na ikinagulat ng kanyang mga kaharap lalo na si Kiss na kanina lang ay halatang todo effort sa pagtago sa tunay na pagkatao ni Alexander.

"Talaga? ang ibig bang sabihin ay ang pamilya ng Binibini lamang ang hindi nakakaalam?"tanong ni Lucas.

"That's right! ang totoo kasi...ayoko silang mag-alala kaya hangga't maaari ay sa atin na muna ito...pero plano ko pa rin namang sabihin sa kanila, hindi lang sa ngayon. Okay lang ba sa inyo?"kagat labing naghintay ng sagot si Cassandra.

"Oo naman, walang problema"nakangiting sagot ni Kiss sa kanya. Tumango naman ang iba bilang pagsang-ayon.

"Salamat"nakangiting pasasalamat ni Cassandra.

"Binibini, tikman mo itong niluto kong pritong itlog!Titimplahan ka na lang din ni Felix ng gatas, diba Felix?"sabay siko ni Mattios sa lalaking nakatalikod.

"Ha--ha?Ah wala akong ginagawang masama ah"tila gulat na napatingin si Felix kay Mattios.

"Ahhh...may krimen kang ginagawa. Teka ano yang nasa likod mo? kinain mo ang itlog ko!!Tapos-- Lucas ohh!!!sinira na niya ang niluluto ko!!"sumbong ni Mattios nang mapansin ang nagkalat na yolk ng sunny side up na niluluto niya. Sa halip na mag sorry ay binelatan ni Felix si Mattios. Umawat na si Lucas nang simulang sugurin ni Mattios si Felix.

"Ano ba? hindi ba kayo nahihiya sa Binibini?"kalmado ang boses ni Lucas. Hindi naawat ang dalawa kaya naman sabay silang kinurot ni Lucas sa gilidang buhok ng kanilang mga ulo. Parehong napatip toe ang dalawang lalaki sa sakit.

"A-aray!!!Lucas...pa-pasensiya na"pakiusap ni Felix habang hinihimas ang kamay ni Lucas.

"Di na mauulit. Pangako"parang mga batang nagsusumamo ang mga ito.

"Naku Binibini!!!pasensiya ka na. Hindi mo dapat makita ang away ng mga asong kalye. Gusto mo sa labas muna tayo?"pag-aaya ni Kiss pero sa halip na sumunod ay tumayo si Cassandra at naglakad palapit sa kalan.

"Hindi kami asong kalye!!"sagot ng dalawa kay Kiss.

Natahimik lang sila nang tumayo si Cassandra sa harap ng mga niluluto nila.

"Lulutuan ko na lang kayo basta wag na kayong mag-aaway"ani Cassandra. Ang tahimik na si Hunter ay hinayaan na lamang si Cassandra sa ginagawa.

Inalis ni Cassandra ang suot na jacket at naiwan ang kulay itim na sando na may print ng minions. Inayos niya ang nakapony tail niyang buhok at sinimulan niyang pakialaman ang mga gamit sa kusina. Tahimik na nakamasid sa kanya ang kanina'y nag-aaway na mga lalaki. Ilang sandali pa ay napuno na ng nakakatakam na amoy ang kusina.

"Tapusin na natin yung niluluto natin"suhestiyon ni Lucas nang maalala niya ang nilulutong sinangag na kanin. Tumayo na rin ang iba at nagsimulang magtrabaho.

"What are you guys cooking?"tinig ni Alexander.

"Gabriel..."tawag ni Mattios na parang batang nakakita ng kakampi. Tumakbo ito at kumapit sa braso ni Alexander sabay turo kay Felix.

"Nagluto ako ng itlog kanina tapos kinain ni Felix!!!tulungan mo ako Gabriel, pinagtulungan nila ako ni Lucas"napabuntong hininga na lamang si Alexander.

"Tama na Mattios, may nakatingin sayo. Nasaan na ang sinasabi mong magiting at makisig na Mattios?"natigil sa drama si Mattios at tahimik na inirapan si Felix.

"Pa-pasensiya na."nakatungong sagot ni Mattios.

"Anong niluluto mo?"tanong ni Alexander kay Cassandra. Tahimik na nakatingin ang lahat sa kanila na parang nanonood ng telenovela. Si Felix ay napakagat sa sandok na hawak.

"Aray!!!Ang init---"natigil ito sa pagsasalita nang takpan ni Kiss ang kanyang bibig.

"Ang sabi ko, anong niluluto mo?"ulit ni Alexander nang hindi siya napansin ni Cassandra at patuloy pa rin sa paghalo sa kanyang niluluto.

"Ohh Goodmorning"nakangiting bati ni Cassandra kay Alexander.

"Ahh sinigang na bangus tapos nagluto na rin ako ng maraming sunny side up, dinamihan ko na para mamayang lunch ay may makain pa rin sila"sagot ni Cassandra at ibinalik ang atensiyon sa ginagawa. Napabuntong hininga na lang si Alexander. Lumapit si Alexander sa kinatatayuan ni Cassandra at walang anu-ano'y niyakap ito mula sa likuran. Inamoy niya ang niluluto ni Cassandra saka marahang ipinatong ang kanyang baba sa balikat ni Cassandra. Naramdaman niya ang pagkabigla ni Cassandra dahil para itong nanigas sa kinatatayuan nito.

"What are you doing?"natigilan sa ginagawa si Cassandra pagkatapos ay nahihiyang tiningnan ang mga kasama sa likod.

"I said, what are you doing Alexander? May kasama tayo, ano ba?"pabulong na saway ni Cassandra. Sa halip na sumunod ay bahagya pang pumikit si Alexander.

"Wala lang, bawal ko bang yakapin ang asawa ko?"at mas lalo niyang hinigpitan ang pagyakap kay Cassandra. Mariing napapikit si Cassandra dahil sa narinig. Hindi siya sanay sa term na "asawa" pero hindi rin siya naiilang bagkus ay naghatid pa ito ng kilig sa kanya. Ibinaba ni Cassandra ang hawak na sandok at pilit na iniharap ang sarili kay Alexander.

"Ahemm...Tara muna sa labas. Bigyan natin ng bebe taym ang bagong kasal"yaya ni Kiss sa apat na lalaki.

"Tara na Mahal"yaya ni Lucas kay Kiss at hinawakan ito sa beywang.

"Ayiee... ba't ako kinikilig sa kanila?Sana ol"kinikilig na komento ni Mattios. Hindi niya namalayang nasa likuran niya ang nobyang si Rebecca.

"Aray!!Si--mahal?!Anong problema?"nanlalambot na tanong ni Mattios nang makita niyang si Rebecca pala ang nambatok sa kanya.

"Anong sabi mo?! Sana ol?Ano yan?"nakataas ang kilay na tanong sa kanya ni Rebecca.

"Mahal naman"nanlalambing na niyakap niya si Rebecca. Hinila niya ang nobya palabas ng kusina at tuluyang na ngang naiwan sina Cassandra at Alexander.

"Ahemm...ku-kumain na tayo Alexander, may pupuntahan pa tayo... remember?"paalala ni Cassandra kay Alexander. Pinilit balewalain ni Cassandra ang nararamdamang pag-iinit ng kanyang mukha dulot ng biglaang pagyakap sa kanya ni Alexander kanina.

"Hmmm...okay, sabi mo eh"bumitaw si Alexander kay Cassandra at naupo.

'Whew...that was tough, I could barely hold myself' sa isip ni Cassandra nang lumayo na ang lalaki.

Pagkatapos magsandok ng pagkain ay nagpaalam muna si Cassandra kay Alexander na gigisingin ang nanay at kaibigang si Kris.

(Tok.Tok.Tok)

Idinungaw ng pintuan ang bagong gising na si Cassalea. Papungas-pungas pa ito ng mata.

"Goodmorning Mom, how's your sleep?"nakangiting bungad ni Cassandra sa ina.

"I feel so much better now baby"niluwagan ni Cassalea ang pagkakabukas ng pinto.

"Kris!!!"tumalon sa kama si Cassandra.

"Bestie? Ang aga pa ah"pumikit muli si Kris.

"Goodmorning sleepyhead, bangon na at diba may meeting ka pa with the supervisors"parang binuhusan ng tubig si Kris na agad napabangon nang maalala ang meeting na tinutukoy ni Cassandra.

"Salamat bestie, anong oras na ba?"nagmamadaling nagsuot ng pantalon si Kris.

"Seven so may one hour ka pa para maghanda, nakahanda na ang almusal sa baba...hintayin ko na lang kayo, okay?"naglakad na palabas si Cassandra.

Nanghihinang napaupo ulit sa kama si Kris.

"Mom, I'll be waiting for you..."bumaba na si Cassandra. Pagpasok niya sa dining room ay nakaupo na silang lahat at tatlong upuan na lang ang bakante.

Hindi namalayan ni Cassandra ang ngiti na sumilay sa kanyang labi nang mapagtantong bagong pamilya ang kaharap niya ngayon, isang malaking bagong pamilya.

"Tatayo ka na lang ba diyan?"tanong ni Alexander sa kanya.

"Ah...."

"Come here"ani Alexander sabay lahad ng kanyang kamay.

"Ah andyan na"inabot niya ang kamay ni Alexander.

"What's with that weird expression wife?"bulong sa kanya ni Alexander. Ipinaghila siya nito ng upuan bago naupo sa kanyang tabi.

"Masaya lang ako anoh, salamat nga pala"hindi na naitago ni Cassandra ang saya na nadarama ng mga oras na iyon. Ilang sandali pa ay bumaba na si Cassalea at Kris. Nakaupo na ang lahat nang biglang nag initiate ng toast si Kris. Hawak ang kanya kanyang baso na may lamang juice o di kaya'y kape ay sabay-sabay nilang itinaas ang mga ito.

"Para sa masagana at masayang pagsasama nina Alexander at Anna"puno ng energy na pagkakasabi ni Kris.

"Para sa bagong kasal!!!"sabay-sabay na sabi ng lahat. Okay na sana kaso ay may pahabol si Felix na ikinatigil ng lahat.

"Para sa magiging supling ng bagong kasal!!! Yung maraming supling! Isang batalyon!!!!"masayang masaya ito habang hinihintay ang reaksyon ng mga kasama. Nasamid si Cassandra at natigil naman si Alexander sa pag-angat ng basong hawak.

Nakatingin silang lahat kay Felix na clueless na naghihintay ng sagot.

"Ano? Wala kayong sasabihin? Di ba mas maganda kung mas maraming Gabriel ang makikita natin?"paliwanag niya sa mga kasama.

"Kumain ka na nga, kung ano pang nasasabi mo diyan"sinubuan ni Kiss ng pagkain ang bibig ni Felix.

"Kain na tayo!!!"excited na sabi ni Mattios. Nagsimula na silang kumain. Napuno ng papuri ang luto ni Cassandra lalo na ang sinigang bangus nito na bago sa panlasa ng mga kasama.

"I've got another blessing...and it's a big! BIG family. Thank you God" ang nasa isip ni Cassandra ng mga oras na iyon. Lihim na napangiti si Alexander sa narinig mula kay Cassandra.

'She doesn't know that, she's the biggest blessing I could ever have' sa isip ni Alexander.

Chương tiếp theo