sa tabing dagat malapit sa labas ng hotel kung saan tumuloy sila fella at alex ay agad nyang tinawag si juancho nang ito ay kanyang makita. " fella.. kaw pala yan... pasensya ha di na kita ginising..sige mauna na ko" wika ni juancho. "wala ka bang sasabihin" wika ni fella. " alam mong wala akong dapat sabihin sayo fella" wika ni juancho. "wala.. katulad ng lahat ng ginawa natin at nangyari wala... juancho alam kong hindi ko to dapat ginagawa.. alam kong mali to.. sa kagustuhan ko na maging masaya.. binili kita.. pero alam mo sana di ko nalang pala iyon ginawa..sana hindi nalang...alam mo kung bakit.. kase sa ikli ng panahon na nakasama kita.. naging mahalaga ka na sakin.. naging masaya ako.. at sa maikling panahon na iyon maniwala ka naging special ka sakin" wika ni fella. " fella tama na alam mong hindi pwede" sagot ni juancho"akala ko ba mahalaga ako sayo, juancho nararamdaman ko na mahal mo rin ako.. .naramdaman ko iyon.. kung papaano mo kung hawakan kung papaano mo ko yakapin, tignan.. juancho alam ko lahat ng iyon totoo" wika ni fella habang umiiyak "isang araw lang fella.. isang araw lang na pinagbigyan kita.. pero di nangangahulugan na magiging sayo ako kailanman fella mahirap ba na ipaliwanag sayo na may mahal ako iba... fella mahal ko sya"wika ni juancho. "mahal kita..... ako.. mahal mo ba." tanong ni fella bago umiwas ng tingin si juancho. " maging masaya ka nalang sana para sakin fella.. kalimutan mo narin ang lahat lahat ng nangyari.. kakalimutan ko narin ang lahat ang lahat lahat.... kasama ka" masakit na wika ni juancho bago umalis at iniwan si fellang mag isa habang umiiyak.
mula ng mga sandalung iyon.. ay di paipaliwanag ni fella ang sakit na kanyang nararamdaman..ang bigat ng dibdib na tila nakalutang sa kawalan.. mga matang babad sa luha at latang nya katawan umaapaw na sakit na walang paglagyan.
sa pagpatak ng ika isa ng hapon ay nilisan na nga ni fella at alex ang la union..lugar na minsan naging mundo ng kanyang kaligayahan at lugar na naging sanhi ng kanyang kalungkuta. sa isang kapeteria sa dagupan ay napiling kumain nila fell at alex. "sessy hoy..ok ka lang ba talaga kanina ka pa dyan tulala.. ni hindi mo nga nagalaw yang pagkain mo oh..wika ni alex. " alam mo tama ung sinabi ng pamangkin ko e
kung hindi mo man daw makita ang kaligayaham mo sa taong akala mo ay para sayo.. hayaan mo nalang syang lumigaya sa ibang tao. hindi lang talaga siguro kami ni juancho para sa isat isa...parang pinagtagpo pero di tinadhana" wika ni fell bago tumawa. "tama ka dyan..nako girl napakadaming lalaki sa mundo..hindi ka mauubusan" wika ni alex bago sila ng tawanan.
matapos nilang kumain ay kaagad na rin silang umalis sa kapeteriang iyon. " sure ka ba talaga fella na ok lang .. pasensya kana talaga ha di na kita maihahatid hangga manila" wika ni alex. " ano kaba ok lang iyon mag ba bus nalang ako..mag ingat ka ha" sagot ni fella. " ikaw din..sessy mag ingat ka" ani ni alex bago sila nag yakap at naghiwalay.