Nagising si Theo nang marinig ang bagay na nahulog sa sahig.
Nakita niya sa tapat ng pintuan si Rina at ang basag na mangkok at plato sa sahig. Nagkalat din ang mga pagkain at ulam doon.
Tumingin siya sa tabi. Nandoon ang kaniyang ina. Pareho silang mga hubad.
Mabilis siyang nagsuot ng pang-ibaba. Wala siyang matandaan sa nangyari. 'Ano ang ginawa niya?'
Kinuha ni Caridad ang kumot at binalot iyon sa sariling katawan. "Anak."
Lumingon si Theo kay Rina. Nakatakip pa rin ang bibig nito habang nakatingin sa kanilang mag-ina.
Lumapit siya rito at kinulong ito sa pader. "What did you do?" tanong niya.
Ang huling natatandaan niya ay ininom niya ang tubig na dinala nito kagabi. Nag-iba ang pakiramdam niya nang inumin niya iyon. Siguradong may hinalo ito sa tubig.
"Wala." Nanginginig na sumagot si Rina. Wala rin itong mapiling salita na sasabihin sa lalaki.
"Get out!"
Marahas na hinawakan ni Theo sa braso si Rina. Pwersahan niya itong pinalabas sa kuwarto niya.
"I told you to knock before you enter!"
Sumalampak si Rina na sahig pero tulala pa rin na nakatingin sa loob ng kuwarto.
Binagsakan ni Theo ng pinto ang babae pagkatapos ay lumuhod. "Mom, wala akong matandaan sa nangyari."
Narinig niya ang paghagulgol ng ina kaya nahampas niya ang sahig.
"Theo! Buksan mo 'to!"
Boses iyon ng kaniyang ama na kumakatok sa pinto. Napahawak siya sa sintido. Hindi niya alam ang gagawin.
Bumukas ang pinto. Humampas iyon nang malakas sa pader. Pumasok si Armando kasunod si Dr. Steve.
"Anong nangyari?" Palipat-lipat ang tingin ni Armando sa hubad na asawa at topless na anak. Nagngingitngit nitong hinawakan sa leeg ang anak at tinayo.
"Walang hiya ka! Baliw ka na talaga!"
Sinalo lahat ni Theo ang suntok at sipa ng kaniyang ama. Hindi rin siya maka-react dahil maging siya ay hindi makapaniwala sa nangyari.
Parang bato niyang tinanggap ang lahat ng suntok. Gusto niyang magsalita kaso walang lumalabas na boses sa bibig niya.
Pinigilan ni Dr. Steve si Armando. Nilayo niya ito sa anak. "Mr. Ledesma, kumalma kayo."
"Wala akong alam sa nangyari!"
Sa wakas ay nakahugot din ng boses si Theo.
"Halimaw ka! Dapat hindi na lang kita pinalaki. Kung alam ko lang ay sana hindi na kita binuhay pa. Wala kang kuwenta! Hinayaan na lang sana kita sa..."
Hindi natapos ni Armando ang sasabihin. Humawak ito sa kaniyang noo bago napaupo.
"Dad!"
"Mr. Ledesma!"
Lumapit si Theo sa ama subalit tinabig lang nito ang kaniyang kamay.
"Wala akong anak na baliw! Wala akong anak na halimaw!" hirap na hirap na sigaw ni Armando. Galit na galit ito at nanggigigil sa kaniyang anak.
Inalalayan ni Dr. Steve si Armando papunta sa kuwarto nito samantalang naiwan naman si Theo na nakasalampak sa sahig, may dugo sa labi at may pasa sa pisngi. Sumunod sina Rina at Caridad sa kuwarto ni Armando. Nag-aalala ang mga ito na mapasama ang matandang lalaki sa sobrang galit sa anak na si Theo.
Napahawak si Theo ng sintido. Wala siyang matandaan. Wala siyang alam sa nangyari. Basta ang natatandaan niya lang ng gabing iyon ay magkayakap sila ng ina. Mahal niya ang ina pero kahit na ganoon ang nararamdaman niya ay alam niyang mali na gawin iyon. Alam niyang hindi maaari iyon.
Hindi niya na mapigilan ang sarili. Maging siya ay naiinis sa sarili niya. Bakit wala siyang matandaan? Ano ba talaga ang nangyari? Nagising siya nang marinig ang nahulog na plato na nabitiwan ni Rina at doon niya napagtanto na magkatabi sila ng ina at kapwa sila hubad. Pilit niyang inaalala ang nangyari subalit wala talagang pumapasok sa utak niya.
Pumasok si Rina sa loob ng kuwarto ni Theo upang linisin ang mga kalat na naiwan niya. Natagpuan niya si Theo na nakayuko at halos halikan na ang sahig. Gumagalaw ang balikat nito habang patuloy sa paghampas sa tiles.
Tumingin si Theo sa kaniya.
"Anong ginagawa mo rito?" Bakas ang mga luha sa mata ni Theo na nakatitig kay Rina.
"Lilinisin ko lang sana 'to," sagot ni Rina sabay turo sa mga bubog at nagkalat na kanin sa sahig.
Napaatras siya nang tumayo si Theo at sinara ang pinto. Nanlilisik ang mata nito at dahan-dahang lumapit sa kaniya.
"Anong gagawin mo?" tanong ni Rina.
Hinawakan ni Theo ang damit ng babae at tinulak ito pahiga sa kama. "Tutal, hindi niyo naman ako pinaniniwalaan. Gagawin ko na lang ang iniisip niyo tungkol sa 'kin."
Pumatong siya kay Rina at inangat ang damit nito. Tinakpan niya ang bibig ng babae para hindi ito makasigaw.
"This is me. A beast hiding in this hell."
Pumapalag si Rina pero hindi niya kaya ang lakas ng lalaki.
"The—"
Hinalikan ni Theo ang labi ng babae. Nasa tiyan ng babae ang kamay niya. Papagapangin niya na sana ang kamay sa dibdib ng babae pero napansin niya ang luha ni Rina.
Tumayo siya. "Labas!"
Lumakad siya papunta sa salamin at paulit-ulit na sinuntok iyon. Nagbagsakan ang mga sirang piraso ng basag na salamin sa sahig dahil sa ginawa niya. Nagdudugo na rin ang kaniyang mga kamay pero wala siyang nararamdaman na sakit. Wala siyang pakialam kahit masugatan pa siya! Ang nais niya lang sa mga oras na iyon ay ang ilabas lahat ng galit niya!
Nang magsawa siya sa pagsuntok ay sumigaw siya nang malakas. Bakit ganito ang buhay niya? Bakit? Pinili niyang itago ang sarili sa mansion para hindi niya na maranasan muli ang naranasan noon sa labas pero bakit hindi pa rin maganda ang nangyayari sa kaniya sa loob?
Napansin niya na nakaupo pa rin si Rina sa kama. Nakatingin ito sa kaniya. "Lumabas ka na!" sigaw niya muli rito.
Natatarantang tumakbo si Rina palabas sa silid. Naiwan na nito ang walis at dustpan sa pagmamadaling makaalis sa kuwarto ni Theo.
Matapos ihatid ni Dr. Steve si Armando sa silid nito ay nagpasya siyang balikan si Theo.
Mula sa malayo ay nakita niya na tumakbo si Rina galing sa kuwarto ni Theo.
Pumasok siya sa loob.
Nagkalat ang bubog sa sahig, basag na plato at salamin, mga butil ng kanin at ulam. Magulo rin ang kama at nasa sahig ang kumot at unan.
Binalik ni Dr. Steve ang tingin kay Theo. Tulala ito at nagdudugo ang kamao. Umiling siya. Sobra na ang nangyari sa pasyente niya. Marami na itong pinagdaanan mula pagkabata.
Kinuha niya ang first aid kit sa cabinet ni Theo.
"Pati ba ikaw? Huhusgahan mo rin ako?"
"Maniniwala ako sa lahat ng sasabihin mo," pagsisinungaling niya bago ngumiti ng peke. Ang totoo ay hindi malabong gawin iyon ni Theo lalo pa at nabanggit nito na attracted ito sa ina.
"Anong gagawin ko?" tanong nito.
Huminga siya nang malalim. "Gawin mo ang dapat na matagal mo ng gawin."
Kinuha niya ang kamay ng pasyente. Nilinis niya ang sugat nito at binalutan iyon ng bandage.
Tumayo si Theo. "Salamat, alam ko na ang gagawin."
Blangko ang isip ni Dr. Steve nang lumabas si Theo sa kuwarto. Hindi niya alam kung ano ang iniisip ng kaniyang pasyente. Nagkibit-balikat na lamang siya at nagsimulang iligpit ang kalat sa kuwarto nito.
Nagmadaling pumunta si Theo sa silid ng ama. Matapos kumatok ay dumiretso ito sa loob. Nakahiga ang ama niya sa kama at nakahawak sa ulo.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong nito nang makita siyang pumasok.
"Hayaan mo na tumulong ako sa negosyo natin," sabi niya habang nakatindig nang tuwid.
"Sa tingin mo ba kapag ginawa mo 'yon ay makakalimutan ko na ang kasalanan mo?" tanong ni Armando."
"Let me try it." Lumuhod si Theo sa harap ng ama. Sa una pa lang ay hindi na sila magkasundo ng ama. Palagi itong abala sa business nila. Hindi rin sila nakakapag-usap dahil wala naman ito palagi sa mansion. Iyon ang kinaiinis niya sa ama minsan. Mas mahalaga pa rito ang negosyo kaysa sa sariling anak at pamilya. Mas pinapahalagahan pa nito ang mga sasabihin ng ibang tao o ang tingin ng tao kaysa sa anak niya.
"Paano mo gagawin iyon samantalang hindi ka nga makalabas ng bahay na 'to?"
"Let me try. Habang nandito ako sa bahay ay nag-o-online business na rin ako. Mayroon na akong experience sa business management."
Umupo si Armando sa kama niya at huminga nang malalim. Nagbaba ito ng tingin sa nakaluhod na anak sa sahig.
"Bibigyan kita ng pagkakataon na patunayan ang sarili mo...hahayaan kitang tumulong sa business natin sa Manila."
May tatlong branches ang LED hotel na business ng Ledesma—sa Manila, Cebu at Baguio. Ang main brach ay sa Baguio kung saan naglalagi si Armando. Malayo iyon sa San Pascual kaya naman bibihira na makauwi ang mag-asawa sa mansion. Sa halip na umuwi ay nananatili na lang sila sa hotel.
Sa bawat branch ay mayroong manager. Aminado si Armando na hindi lahat ng branch ay lumalago. May umaangat at mayroon ding naiiwan. Ang branch sa Baguio kung nasaan siya ang mas malaki ang kita, pangalawa sa Cebu na pinamamahalaan ng kuya niya na si Eduardo at panghuli o ang pinakamababa ay ang sa Manila na kasalukuyang pinamamahalan ni Cliff, ang pinsan ni Theo. Unti-unti nang bumabagsak ang hotel branch nila sa Manila dahil na rin sa kakulangan ng kakayahan ni Theo kaya nag-aalala rin si Armando rito.
"Pero huwag kang umasa na ilalagay kita sa mataas na posisyon. Si Cliff pa rin ang hotel manager doon. Tutulungan mo lamang siya. Ilalagay kita sa Administrative—Marketing and advertising."
Tumayo na si Theo. Buo na ang loob niya na tumulong sa negosyo. Ipapakita niya sa ama na mayroon itong maipagmamalaking anak. Ipapakita niya rito na mali ito ng tingin sa kaniya. Ipapamukha niya sa ama na maling isipin nito na isa siyang walang kuwenta anak.
Tutulong siya hindi para sa negosyo ng pamilya kundi para sa sarili niya. Gusto niyang iangat ang sarili niya. Nais niyang ipakita sa mga ito ang kakayahan niya. Isasalba niya ang negosyo sa Manila para makakuha ng papuri sa mga taong nasa paligid niya.