webnovel

Kabanata - XIX: Wedding

UMALINGAWNGAW ang tunog ng kampana rinig hanggang labas ng simbahan ng Baclaran. Tapos na ang kasal, ang lahat ay masiglang bumati nang 'Mabuhay ang bagong kasal' nagpalakpakan ang lahat saka nagsaboy ng bigas at talulot ng bulaklak.

"Binabati namin kayo, Mr. and Mrs. Valdez, mabuhay ang bagong kasal!" masayang bati ng mga tao, mahigpit akong niyakap ni Ate Carmen. Naluluha siya habang yakap ako, luha ng kaligayahan sigurado akong hinding-hindi siya pababayaan ni Mr. Valdez, ibig kong sabihin ni Kuya Alejandro.

"Ate Carmen, Kuya Alejandro congratulations sa inyong dalawa hangad ko ang walang hanggang kaligayahan ninyong dalawa at hihintayin ko ang pagdating ng pamangkin ko!" biro ko.

Nagtawanan ang mga tao sa paligid siguradong sabik din silang makita ang munting anghel na magiging bunga ng pagmamahalan nila.

"Simula ngayon pamilya na tayo, hindi lang ate mo ang makakasama mo kundi kaming lahat, magsasama tayo bilang isang buong pamilya."

Mahigpit nila akong hinagkan, masaya ako't ang masungit kong ate ay nagbago nang tuluyan. Mas naging maunawain siya at mapagkumbaba, naniniwala na rin siya sa wagas na pag-ibig. Ang pagmamahal sa puso, kabutihang loob ang magpapalaya sa anumang masakit na nakaraan.

Dumating si Miss Argenta, dapat pala Ate Argenta. "Congratulations sa inyong dalawa, tanggap ko nang hindi tayo maaari sa isa't isa, Alejandro matapos ang nangyaring sunog sa building napatunayan ko kung gaano mo kamahal ang babaeng 'yan! Maging masaya sana kayo, welcome to the family!"

Masungit lang siyang magsalita tulad ni ate, pero alam kong mabuti ang puso ni Ate Argenta, tanggap na niya ang pag-iibigan nina Ate Carmen at Kuya Alejandro. Hindi siya naging hadlang sa kasal nila, nagulat ang mga magulang ni Kuya Alejandro nang i-announce niya ang kasal nila subalit, madali rin nilang natanggap si ate sa pamilya nila.

May pinagawang bahay si Kuya Alejandro at doon kami titira, kasama ako syempre. Magpapatuloy ako sa pag-aaral at sisikapin kong makahanap ng magandang trabaho. Nag-resign na si ate sa kompanya dahil magfo-focus na siya sa pagiging butihing may bahay.

Matapos ang kasalan, deretso ang lahat sa wedding reception sa resort sa Laguna. Nagpaalam ako kay ate susunod na lang ako may kailangan akong puntahan. Hindi nakadalo si Switch at Ervine sa kasal ni ate. Nagpaabot naman sila ng pagbati at regalo, isang romantikong regalo ang binigay ni Switch sa kanilang dalawa.

Isang magical fireworks display ang magaganap mamayang gabi bago tuluyang matapos ang pagdiriwang ng kanilang kasal ito ang regalo ni Switch. Agad akong nagtungo sa lugar kung saan naghihintay sina Switch at Ervine.

Chương tiếp theo