webnovel

Chapter 65 Family picture

Hindi na talaga to masaya! ng makita ni Yrang iniabot ni Juno ang garter kay Jion ay napailing siya, naloko na! kanina pa niya iniiwasan ang close contact sa lalaki, sa twing napapalapit ito sa gawi niya ay lumalayo kaagad siya, she act like he's not there. Napakagat labi siya ng sabihin ng emcee ang majic word, Kailangan isuot sa kanyang legs ang garter. She looked around and saw her mother giving her a deathly looks.

Its been years now and yet they still despised him because of what she'd been through. Although she knew na hindi iyon ginusto ni Jion at wala itong kasalanan sa mga nangyari, pero sa mata ng mga magulang niya ay ito pa rin ang dahilan ng lahat ng iyon.

"To our very lovely maid of honor, please maupo ka rito sa gitna." saad ng emcee habang inaalalayan syang makaakyat sa maliit na entablado, "ayan, among the lady's in here you are the luckiest na masusuotan ng ginintuang garter ng tadhana ng ating super handome and super hot na best man!" patuloy nito, "Sir please put on her legs the garter slowly!"

Naghiyawan ang mga tao roon ng lumuhod si Jion sa carpeted na sahig, nakatagilid sila sa mga manonood, he holds her ankle to remove her shoe, sa simpleng paghawak nito sa kanyang sakong ay dumaloy ang libo libong boltahe ng kuryente sa buo nyang katawan.

Napahawak sya ng mahigpit sa armrest ng simulan nitong isuot ang garter sa paa.

"Huy ateng, wag kang masyadong tensyonado! nasa paa palang yang garter wala pa sa hita mo!" sabi ng baklang emcee na kaibigan ni Anjo, maysakit kase ito kaya nag pa sub muna sa iba.

She felt her chicks turn red dahil hindi naman basta isinusuot ni Jion ang garter sa kanya, sinasadya nitong bagalan at pasayadin lahat ng dulo ng mga daliri nito sa kanyang balat habang hindi nito inaalis ang pagkakatitig sa kanya.

"Higher! higher! higher!" sabay sabay na sigaw nina Juno, Vince at Minjy kaya nakigaya na lahat ng bisitang naroroon.

Ng makarating na sa may tuhod niya ang garter ay bigla itong nagsalita, "Open your legs wider." at bahagya pang itinulak ng likod ng kamay nito ang isa niyang tuhod.

Nanlaki ang mga mata niya dahil sa ginawa nito, damn it! what are you doing? ipinatong niya ang isang kamay sa tuhod para pigilan ang ang pag akyat pa nito pataas. "Stop it or ill kick you here!" banta niya dito.

He only smirks at her and continued to push in the garter on her thigh while keeping his stares at her.

Nakahanda na si Yrang Suntukin sa mukha si Jion ng magsalita ang emcee, "Okey, stop na!" pigil nito kay Jion "Dahil malapit ng mahimatay ng maid of honor natin." tatawa tawang sabi nito, "sorry Mr. handsome pero hanggang jan ka nalang!"

wooohh!!! napuno ng halakhakan at palakpakan ang loob ng reception area dahil sa ginawang pagpigil ng emcee kay Jion, nakahinga naman ng maluwag si Yra ng akmang tatayo na ang binata. Pero bago ito tumayo ay pinisil muna nito ang ilalim ng kanyang tuhod.

"Wag ka munang umalis jan Mr. best man, picture taking muna tayo para may souvenir naman kayu ni Ms. Gorgeous!" sinenyasan nito ang photographer para sana kunan sila ng litrato pero natigil ito ng makita ang maliit na batang tumatakbo palapit sa entablado.

Nagising na pala si Xymon dahil sa ingay at nakawala sa kandungan ng lola nito at ng makita siya sa stage ay tumakbo ito palapit sa kanya.

"Mama pichul!" habang umaakyat ito sa dalawang baitang na hagdan, kaagad namang sinalubong ni Yra ang anak para hindi ito mahulog doon.

"Awww! napakacute na bata! kaya pala hindi komportable si Ms. Maid of Honor dahil may asawa na sya!" sabi ng emcee, "Isama nalang po natin ang bata sa picture pero hindi magselos ang asawa ni Miss Yra okey!"

Dahil andon na sila sa stage ay wala ng nagawa si Yra kundi hayaan silang kunan ng picture ng photographer, animoy photoshoot iyon sa dami ng angulo at pwestong ipinagawa sa kanila ng mga kumukuha ng litrato.

"Okey! since hindi na pwedeng ikiss ni Best man si Miss Maid of honor dahil baka may magselos at bigla nalang siyang masuntok don sa labas, Yung bata nalang po ang ikikiss nila!" sabi ng emcee ng muli itong magsalita. "Pakilagay nalang po yung bata sa gitna and in the count of three sabay ninyong hahalikan si baby sa pisngi, okey!"

Pinagpapawisan si Yra ng malamig, hindi nya alam kung susunod ba sya sa emcee o bababa na sa stage ng maramdaman niya ang isang kamay ni Jion sa likod ng kanyang bewang at hinapit siya palapit nito kasabay ng paghawak sa kanyang braso na may buhat sa kanyang anak.

Nagmistulang yakap silang mag ina ni Jion habang nakahalik ito sa pisngi ng bata at siya namay nakatingin lang rito.

"Wow, they looks perfect!" saad ng emcee ng matapos ang picture taking. Kaagad naman siyang bumaba sa entablado at hindi na hinintay ang binata, pababa na sana siya sa hagdan ng maalalang isa lang ang suot niyang sapatos, andon pa pala ang kabaak ng sapatos niyang tinanggal ni Jion ng suotan siya ng garter nito.

Babalik sana sya sa gitna ng stage para kunin iyon pero naunahan sya ni Jion, dinampot nito ang sapatos niya at lumapit sa kanya, muli itong lumuhod sa harapan niya at isinuot ang isang sapatos sa paa niya.

Kung wala lang sana silang nakaraan ay kikiligin na sya sa kasweetan nito, pero heto nga sya at karga karga pa ang ebidensya ng pagmamahal niya sa dating nobyo. Hays! life is unfair talaga.

"Thank you." sabi niya rito saka nilampasan ito at lumapit sa bride at groom na malapit lang sa kanila nakapwesto.

"Masaya kanaba?" tanong niya kay heshi na halos umabot na sa tainga ang pagkakangiti.

"Mas magiging masaya ako kung magiging magbilas uli tayo!" sagot nito, "Syanga pala Hon," baling ni heshi sa asawa, "I want you to meet Xymon, my nephew!"

"Nephew? of course i know him!" nakangiting sagot ni Juno

Chương tiếp theo