webnovel

Chapter 41 the truth

Napigil ni Yra ang paghinga ng maramdaman ang paglutang ng katawan niya sa ere bago ang pagbagsak niya sa kama, buti nalang malambot ang foam niyon, kung nagkataon ay siguradong papasa ang kanyang likuran.

"Anu bang ginagawa mo?" asik niya dito, pero tumigil din siya sa pagsasalita ng kubabawan siya ni Jion.

"Who is that man?" gigil na tanong nito, "bakit sya nagpunta rito sa bahay mo?"

Nagpumilit syang makawala dito "Get off me! wala kang pakialam kung sino siya, kaya pwede ba umalis kana jan!" habang itinutulak ito palayo sa kanya.

"No, I won't! hindi ako aalis hanggat di mo sinasabi sakin ang tungkol sa lalaking yun!" hinigpitin nito ang pagkakahawak sa dalawang kamay niyang nakataas sa kanyang ulunan.

nagpakawala si Yra ng malalim na paghinga bago nagsalita, "Wala kaming relasyon okay! kaya umalis kana jan dahil kaibigan ko lang yung tao." mahinahon niyang sabi dito dahil alam niyang walang magagawa ang pagmamatigas niya sa mga oras na yun.

Dahan dahang sumilay ang ngiti sa mga labi nito, habang binibitawan ang dalawang kamay niya at sa isang mabilis na pagkilos nito ay nagkapalit sila ng posisyon, siya naman ang nasa ibabaw.

"I really miss you mahal ko!" saad nito bago itinaas ang isang kamay para ayusin ang sumabog niyang buhok at isingit iyon sa likod ng kanyang tainga.

Sa totoo lang miss na miss na talaga niya ito kaya hindi na sya nagsalita ng yakapin siya nito ng mahigpit, isinandig niya ang pisngi sa dibdib nito. Naririnig niya ang malakas na tibok ng puso ng binata teka kay Jion ba yun o sa kanya? wala na muna syang pakialam kung kaninong puso ang mas malakas ang pagtibok ang mahalaga ay ang mga oras na yun na magkasama sila. Kakalimutan muna niya ang nangyari kahit pansamantala lang.

Naramdaman ni Yra ang paghalik ni Jion sa ulo niya kaya tumingala siya para tingnan ang mukha nito. Sinalubong naman nito ang mga mata niya. Muli itong kumilos at pinagpalit ang posisyon nila, muli itong pumaibabaw sa kanya.

"I wish i can do this everyday. I want to hold you, I want to kiss you, I want to spend the rest of my life with you." pabulong na anas nito habang unti unti bumababa ang mukha nito palapit sa kanya.

Gusto niyang ipikit ang mga mata pero hindi niya magawa, para siyang hinihipnotismo ng mga titig nito.

Tuluyan ng sinakop ng bibig ni Jion ang mga labi ni Yra, isang malamyos na halik at masuyo, punong puno ng pagmamahal at pag iingat. Damang dama niya sa bawat kilos ng mga labi nito ang pagkasabik.

Pareho silang habol hininga ng maghiwalay ang kanilang mga labi. Tinulungan siya ni Jion na makabangon sa kama tapos ay naupo ito sa tabi niya. Hindi niya alam ang sasabihin, wala siyang makuhang salita para dito.

"Masaya akong malaman na magkaibigan lang kayong dalawa." basag ni Jion sa katahimikan "Akala ko, wala na akong babalikan Yra."

"Jion, wala ng dahilan para magbalikan pa tayo." nagbaba siya ng tingin habang pinipigil ang pagsungaw ng luha sa kanyang mata "you're with someone else's now, tinanggap ko na sa sarili kong magiging masaya kana sa piling ng iba."

"Wala kaming relasyon Yra, she is just my friend."

"Friend? may magkaibigan bang naghahalikan? abay kung ganon dapat pala ginawa ko din kay Francis yan." bigla ang paglabas ng galit niya ng maalala ang gabing yun.

"Yra, listen to me. Caroline is suffering from depression." madiin ang mga salita nito, "She lost her baby thats why she came back, it's just a misunderstanding."

Natigagal si Yra sa narinig, "She needs medical help! kaya hindi kita pinupuntahan dahil kailangan ko syang tulungan, hindi lang naman ako si kuya Juno at si Vince tumulong din. Isinantabi ko muna ang relasyon natin dahil naniniwala akong maaayos natin to Yra." patuloy ng binata.

"But she still kiss you, at hindi ka niya hahalikan kung hindi ka niya gusto." niyakap ni Yra ang dalawa niyang tuhod

"It really hurts kase sya ang first love mo, paano kung hanggang ngayun pala siya parin ang mahal mo?"

"I really thought that she's my first love before, until i realized na I just love her as my older sister and now I know the difference of loving you and her. She's like a family to me!" he came closer to her. "Youre the one i really love, Mahal ko, pwede bang tayo na uli?" kinuha nito ang dalawang kamay niya and he kiss her knuckles.

Tinitigan niya ito, binawi niya ang dalawang kamay dito at bigla itong niyakap, she really miss this man! hindi niya iyon maitatanggi sa higpit ng kanyang pagkakayakap dito. He hugs her back, he grab her waist and put her into his lap. Hinalikan siya ni Jion sa pisngi tsaka bumulong sa kanyang tainga "I really miss you and your voluptuous body!"

Bigla tuloy siyang napabitaw sa pagkakayakap dito, "Sabihin mo nga sakin ang totoo, kaya kaba nakipagbalikan sakin eh dahil lang sa katawan ko!?"

"Well part of it oo!" tatawa tawang sabi nito kaya dinampot niya ang unan at pinaghahampas ito, nang mapagod siya sa ginagawa ay muli siyang nahiga sa kama katabi nito, iniunan niya ang ulo sa braso nito, "Hindi ko kayang isipin na may ibang lalaking hahawak sayo the way I do." kinintalan siya ni Jion ng halik sa tainga.

"Ang sabihin mo lang manyak ka talaga!" saad niya dito bago tinapik ang pisngi nito.

"Hindi naman masyado!" saka siya pinupog ng halik nito, "pero alam mo ba, sa mga oras na ito gusto ng lumabas ng pagka maniac ko!" saka nito ikiniskis sa bewang niya ang matigas na bagay sa harapan nito.

Nanlaki ang mga mata niya sa pahiwatig nito, "Please!" bulong nito sa kanya. Hindi nya alam kung paano niya sasagutin ang binata, her face turn red. Pero nilaksan niya ang loob dahil matagal din niyang hindi nakita ang nobyo. Itinaas niya ang kamay at hinawakan ito sa pisngi pababa sa leeg nito, tumigil siya ng kaunti sa dibdib nito bago muling ibinaba ang kamay sa abs niyo, he grab her hand and put it there.

Chương tiếp theo