[ Ang chapter na ito ay rated SPG, no teens allowed!]
Dineadma ni Yra si Jion pagbalik nito galing sa lunchdate nito, nagkunwari syang busy sa computer at hindi napansin ang pagdating nito.
"Ms. Brijino to my office now!" sabi pa nito sa kanya bago siya nilampasan nito.
Huminga muna si Yra ng malalim bago lumakad papasok sa opisina nito, iniwan niya si Minjy na nagaayos ng mga dala nitong papeles sa table nito.
"iihhh!!" pagbukas ni Yra ng pinto napatili siya ng bigla siyang hilahin ni Jion papasok sa loob ng kwartong iyon at diretsong inilock ang pinto.
He pinned her to the back of the door at masiil siyang hinalikan sa labi. Pilit niyang iniiwas ang labi niya rito dahil naiinis siya sa ginawa nito kanina, kaya sa leeg niya naglanding ang bibig nito. Parang bampira ito na sinipsip ang leeg niya.
"Ouch!" nagawa niyang itulak ang lalaki bago hinawakan ang nasaktang leeg. "Ano bang problema mo?" Galit na singhal niya dito. "ikaw na nga tong lumabas na may kasamang iba, mananakit kapa!"
"I just want to say na hindi ka dapat mag-isip ng masama sa ginawa ko kanina." seryosong sabi nito sa kanya. "dahil sinamahan ko lang syang maglunch para pirmahan ng tatay niya ang kontrata namin."
Kasama iyon sa mga briefings ni Minjy sa kanya, na kung minsan talaga ay kailangan nilang makipaglunch at dinner sa mga kliyente nila.
"Hindi naman sya maganda bakit ako mag-aalala!?" inirapan uli niya si Jion tsaka humalukipkip ang mga kamay niya sa dibdib.
Niyakap naman siya ni Jion, "Yan ang gusto ko sayo eh! Alam na alam mong sa buong mundo ikaw ang pinakamaganda sa paningin ko!" tsaka siya hinalikan nito sa pisngi.
"Aba ayos ah! yan din kase ang tingin ko sa sarili ko!" naiinis pa rin siya dito kahit kase alam ni Yra ang dahilan ng paglabas nito kanina ay di pa rin niya maiwasan ang selos na nararamdaman niya.
Niyakap siya ni Jion mula sa likuran "Alam ko kung gaano kalupit ang imahinasyon mo mahal ko! kaya gusto ko sanang hinggin sayo ang tiwala mo sa lahat ng ginagawa ko." hinawi nito ang kanyang buhok at hinalikan ang parte ng leeg niyang nasaktan nito kanina.
Napapikit si Yra sa mainit na sensasyong dala ng mga labi nito sa leeg niya kaya napahawak siya ng mahigpit sa mga kamay nitong sumasakop sa maliit niyang bewang, nagpatuloy naman ito sa paghalik sa kanyang leeg patungo sa kanyang batok at pabalik doon. Nagrigidon na ang puso ni Yra sa sobrang kaba, parang may nagrarambulang mga daga sa sikmura niya kaya itinaas niya ang kanang kamay para pigilan sana ito sa ginagawa habang nasa huwisyo pa sya, pero wrong move pala iyon dahil sa ginawa niya ay nakalaya ang kamay nito at dumiretso sa kanyang dib-dib. Napasinghap si Yra sa ginawa ni Jion at sa halip na pigilan niya ito ay napahawak na lamang siya sa ulo nito. "Umph." impit na ungol niya, halos maging marshmallow sa lambot ang kanyang tuhod na bibigay na anumang oras.
Naramdaman ni Yra na mas lalong humigpit ang pagyakap ni Jion sa kanya at mas lalong lumalalim ang paghalik nito sa kanyang leeg gayundin ang pagkiskis ng matigas na bagay sa kanyang likuran, maya-maya pa ay naramdaman niya ang pagtaas ng itim niyang palda at paglalakbay ng kamay ni Jion sa mga hita niya.
"wait! teka lang." pigil niya sa kamay nitong malapit ng maglanding sa dako pa roon.. "Sandali" Napatigil naman niya si Jion sa pamamapak sa leeg niya.
Tinanggal ni Yra ang dalawang kamay nitong nagpipiyesta sa katawan niya.
"Why?" malalim ang boses na tanong sa kanya ni Jion.
Ibinaba ni Yra ang medyo nakataas niyang palda. "Nasa office tayo, baka may makakita sa atin!"
"At sinong maglalakas loob pumasok sa opisina ko?" muli siyang hinila ni Jion palapit dito. "Wala kahit isa."
"Kahit na, opisina mo pa rin to!" muli siyang lumayo dito at tuluyan ng inayos ni Yra ang nagulo niyang kasuotan. "hindi pa rin tayo dapat gumagawa ng ganito dito."
Nginisihan siya nito "Bakit san ba natin to dapat gawin? Sa hotel o sa bahay ko?"
Ay buset! niyayaya talaga siya ng lintek! Sige na Yra pumayag kana! bulong ng demonyito sa kaliwang tainga niya, tutal ay gusto mo rin naman!.
"Wag ka ngang ano dyan!" sabi niya rito ng masiguro niyang balik na sa dati ang itsura niya.
"Anong ano na naman?" natatawang tanong sa kanya nito.
"Manyak!" iniwan na niya ang nobyo at lumabas sa kwarto nito.
Pagbalik ni Yra sa pwesto niya ay naghanap kaagad siya ng pamaypay, ramdam kase niyang hindi sapat ang lamig ng aircon para mapatay ang init na nararamdaman niya.
"Here!" iniaabot sa kanya ni Minjy ang ang Isang maliit na paperbag.
"huh?" napatingala siya dito. "ano to?" tinanggap niya ang paperbag at inusisa ang laman noon. Kinuha niya ang maliit na box sa loob noon. "Concealer!" nagtatakang tingin ang binigay niya kay Minjy.
"Binili ko yan kanina!" paliwanag nito "baka kasi kailanganin mo."
"Talaga! salamat, kaso hindi naman ako nag ma-make up eh." habang binabasa niya ang nakasulat sa kahon.
"Para dyan sa leeg mo." itinuro pa ni Minjy ang sarili nitong leeg para maintindihan niya ang ibig nitong sabihin.
Kaagad niyang dinampot ang salamin sa harapan niya at tiningnan ang tinuro nito. tinakpan niya ang sariling bibig para hindi sya mapasigaw. Ang laki kasi ng Kiss mark niya doon, halos singlaki ng piso at napakatingkad ng pagkapula. Tinakpan niya ng kanang kamay ang leeg, Hiyang- hiya siya kay Minjy.
"Salamat. Mag si Cr lang ako sandali" paalam niya dito, pero sa halip na sa ladies room sya pumunta ay bumalik siya sa opisina ni Jion. iniisip kase niyang baka may makakita sa kanyang ibang empleyado pag sa employees restroom sya nagpunta.
Hindi na siya kumatok at diretso siyang pumasok sa loob.
"Nagbalik ka? gusto mo bang ituloy ang ginagawa natin kanina?" parang sadya nitong inaabangan ang pagbalik niya.
"Bakit mo ako nilagyan nito? nakakahiya kitang-kita ng mga tao!" maktol niya rito
"Pwede mo namang takpan ah!" iwinagayway pa nito ang inihandang Louise Vuitton na panyo.
"Hmmp. hindi ko yan kailangan no!" ipinakita niya dito ang concealer na binigay sa kanya ni Minjy. "Pagamit ng Cr mo."