webnovel

Chapter 2 next morning

"Ouch!" napahawak si Yra sa ulo nya ng pilitin nyang bumangon, maliwanag na ang buong kwarto ng magmulat sya ng mata, Kwarto? Sandali lang! kaninong kwarto to? Asan na ba ako? Napapikit ng mariin si Yra ng may dumantay na braso sa bewang niya.

Dahan dahan siyang tumingin sa pinangalingan ng kamay na iyon at tsaran! Bumulaga sa mukha nya ang natutulog at gwapong gwapong nilalang.

Si Jion? Paano? Anong? Diyos miyo Corazon! Anong nangyari? bakit ako nandito? Habang pinipilit nyang alalahanin ang mga nangyari ng nagdaang gabi.

Kalma lang Yra, kalma lang! pinakiramdaman nya ang sarili habang marahan niyang iaalis ang kamay ni jion sa bewang niya, Aw! Shit! Napangiwi nalang sya ng maramdaman ang sakit sa ibabang bahagi ng katawan, mukhang mahihirapan syang bumangon ng deretso.

Ibinaba nya ang paa sa kama habang hindi binibitawan ang kumot na tanging tumatabing sa katawan nya, paghakbang niya ay may naapakan syang kung ano na medyo madulas, tumungo si Yra para makita kung ano ito, Wrapper ng condom! At hindi yon nag-iisa, isa dalawa tatlo binibilang nya ang nagkalat na pakete sa sahig, anong dami naman ng balat na ito!? What the f- ginamit ba namin ang lahat ng to? OMG! Para akong lumaban ng marathon nito ah,! kaya pala para akong nagswiming maghapon! Bulong nya sa sarili.

"Good morning!" muntik na syang mapatalon ng magsalita si Jion, gising na pala ito pinapanood sya sa ginagawang pagbibilang ng bituin este balat ng condom na nagkalat sa sahig. "Anung ginagawa mo?" bumangon na rin ito sa kama at naupo sa gilid niyon.

Hinigpitan naman ni Yra ang pagkakahawak sa kumot, nagaalala kasi syang mabitawan niya ito "hinahanap ko lang ang mga damit ko!" hindi sya tumitingin dito at isa isa nyang dimampot ang mga damit nya na nagkalat din sa sahig.

"Magpapadeliver lang ang ako pagkain." hinila ni Jion ang isang unan at ipinatong sa mga hita nito para matakluban ang boxer short na suot nito. "Para makapag almusal muna tayo!"

Heh! "May suot syang boxer pero bakit ako wala!" bulong nya sa sarili. "Hindi na, wag ka ng magabala," naglakad na sya papuntang banyo "kailangan ko ng umalis agad! Hindi na ako makakakain, marami pa akong gagawin." Halos magbuhol buhol ang kanyang sinasabi, ano kaba Yra pareho lang kayong may ginawa! Kung ikaw may nagising sa kwarto ng iba siya naman nagising na may kasamang iba!

Dali dali syang pumasok sa banyo.para di na ito makapagsalita pa.

Paglabas niya ng banyo ay nakabihis na rin ito at hinihintay sya.

"Ihahatid na kita!" inabot nito sa kanya ang shoulder bag niya at nagpatiuna sa pinto kaya wala na syang nagawa kundi sumunod sa nalang dito.

Paglabas nya ng silid ay bumungad sa kanya ang isang hagdan sumilip sya sa baba nito at nakita niya ang napakagandang sala.

Wow! Ngayun lang sya nakakita ng ganoon kagandang interior ng bahay. Bumaba na rin siya at sumunod sa lalaki.

"Coffee?" didiretso sana ito sa isang pathway na sa hinala niya ay papuntang kusina, nakailang hakbang na ito papasok roon.

"Ahm, wag na salamat nalang pero kailangan ko na talagang umalis." Bigla itong lumingon sa kanya "hindi mo na rin ako kailangang ihatid, magtataxi nalang ako pauwi!" nilingon niya ang direksyon ng malaking pinto "ito ba ang daan palabas?" sabay turo doon.

Napabuntong hininga na lamang ito saka tumango "Ok. Pero ihahatid nalang kita sa baba kung talagang ayaw mong magpahatid pauwi." Madilim na ang ekspresyon ng mukha nito. "bago ka umalis, wala kabang gusting sabihin?" mukhang may gusto itong siguraduhin sa kanya.

Saglit na nagisip si Yra "Ahm, pwede bang kalimutan nalang natin ang nangyari." Tuluyan ng nagsalubong ang kilay ni Jion "wag kang magalala, hindi ako mang gugulo, hindi rin kitang kukulitin. Hindi rin ako maninira ng relasyon kaya wala kang dapat isipin." Hay nakakatakot sya! may mali ba sa sinabi ko? Bakit ganon ang mukha nya? "Kailangan ko na talagang umalis, baka maabutan pa ako dito ng girlfriend mo."

"Wala akong Girlfriend." Salubong pa rin ang kilay nito. Naku patay! mukhang may asawa na sya! Kailangan ko na talagang bilisan at baka maabutan ako ng asawa nya, ayokong makalbo! Lord, di napo ako uulit!

"Wala din akong asawa." Mukhang binabasa nito ang iniisip nya, Gusto sana niyang ipaulit dito ang huling sinabi nito. Napangiti nalang siya bahagya ng maisip iyon. Wala siyang girlfriend at wala ding asawa? Talaga Ba!? Teka baka naman meron itong boyfriend? Huh! Naloko na baka magka STD ako!.

"Hey! Whatever youre thinking, stop it already!" his doe eyes stared at her again.

Wala nga itong girlfriend o asawa pero may boyfriend na sya! Bigla nyang naalala kaya nabura kaagad ang ngiti sa labi nya.

"Wala ka ngang girlfriend may boyfriend naman ako!" bulong nya hmmp.

Hindi naman iyon nakaligtas sa pandinig ni Jion. Biglang nawala ang kunot sa noo ito "may boyfriend ka?"parang hindi ito makapaniwala sa sinabi niya, "talaga!?"

"Hep! Hep! Hep!. Wag mo ng ituloy ang sasabihin mo, kailangan ko na talagang umalis." Pinigilan niya ito sa pagsasalita dahil alam niya ang ibig sabihin ng pagkagulat nito.

Tumalikod sya palabas sa pinto iniwan na nya itong nakatulala sa ere. Hindi na sya naghintay para maihatid nito. Paglabas na paglabas niya ng building na iyon ay kaagad din naman siyang nakasakay ng taksi.

Ibinagsak kaagad ni Yra ang katawan nya sa kama pagkatapos nyang maligo. Hay, naalala na naman niya si Jion at yung nangyari kagabi. Hindi na niya maalala kung pano sila nakarating sa bahay nito, ang natatandaan nalang niya ay marami na siyang nainom pero hindi pa rin dumadating ang kaibigan niyang nakalimutan na ata siya at si Jion na nasa tabi niya, kahit hindi nagsasalita hangang yayain sya nitong sumayaw at ng halikan sya nito.

Ipinikit ni Yra ang mga mata niya at Pilit inalala ang mga nangyari.

Ahhh! Nakakatorture isipin, napapadyak siya sa kama, di niya mapigil mapamura, six years na silang mag on ni Winston pero hindi niya naibigay dito ang sarili kahit ilang beses nito sinubukang humirit sa kanya, palagi niyang sinasabi dito na gusto nyang humarap sa altar ng malinis, hindi naman siya pinipilit nito, pero ngayon sa isang iglap lang, sa isang tao pa na hindi naman niya kilala at noon lang niya nakita isinuko niya lahat.

Hay ano bang ginagawa niya? Anong gagawin niya niya pag nalaman ng boyfriend niya na nakipag one night stand sya? Sigurado maghahalo ang balat sa tinalupan at tuluyan na syang mawawalan ng nobyo.

Kinapa niya ang sariling kalooban, bakit parang hindi naman siya nagsisisi? Parang hindi naman mabigat sa dib dib niya na mawawalan siya ng boyfriend kung sakaling malaman nito ang ginawa nya, o mas kailangan na nyang ihanda ang sarili! Dahil hindi naman habang buhay ay pwede niyang pagtaguan ang nobyo at lalong hindi naman pwedeng hindi nito malaman ang nagawa nya.

Ay ano ba talaga ang gagawin niya?

Mas mabuti siguro wag na muna nyang isipin, matutulog muna sya para makabawi sa nawala nyang lakas, hahaha! yon ang higit na kailangan nyang gawin sa ngayon, bakit nga ba? Bakit nga ba sa tagal ng relasyon nila ng boyfriend nya hindi nagawang isuko ang sarili dito?

Chương tiếp theo