webnovel

FEAR OF LOSING HER

Naalimpungat si Marble nang maramdaman ang mga labing humahalik sa kanyang noo. Nakiramdam muna siya at kinapa ang asawa sa kanyang tabi habang nakatagilid siya at nakaakap ang isang braso sa katawan nito.

Dahan-dahan siyang nagdilat ng mga mata, namulatan niya itong titig na titig sa kanya pagkuwa'y ngumiti saka naglinis ng dumi sa mga mata nitong mamasa-masa.

Napakunut-noo siya.

"Bakit?"

Mahina itong tumawa, nagpakurap-kurap pagkuwa'y iniiwas ang tingin saka yumuko habang nakatagilid paharap sa kanya at ang isang siko'y nanatiling nakatukod sa kama.

"It's just a bit weird thinking about myself way back then when I was in Canada. I hated you badly because I thought, you had been devirginized by Gab on that day. So, as a revenge, I became womanizer thinking that, in that way or another, I could hurt you the same way that you've had hurt me," paliwanag nito, muling nagpakurap-kurap at ilang beses na lumunok na tila ba may kung anong nakabara sa lalamunan nito.

Nanatili lang siyang nakikinig, inaalam kung anong gusto nitong ipahiwatig.

Nag-angat ito ng mukha pagkuwan saka nagsalubong ang mga kilay.

"I only had fucked them once, there was no second time around and no strings attached. I never got jealous on something or of someone. I never attached myself to any girl though they were my type. I did all of those for revenge because I thought you betrayed me," tumigas ang boses nito, napayuko uli.

Lumungkot ang mukha niya pero nanatili pa ring nakikinig sa sasabihin pa nito.

"But when I saw you walking with Cathy on the hallway approaching us, it was as if all the hatred in me had flown away all of a sudden. The first thing I wanted to do at that moment was to hug and lock you in my arms." He lifted his hand to caress her cheek. Then suddenly, his jaw clenched as he looked away as if binabalikan nito ang naramdaman nung gabing 'yun.

"But I felt devastated when I saw Erland hugging you, kissing your head and then introducing you as his fiancee," dugtong uli nito, pumiyok ang boses.

Hindi niya alam kung bakit napahagikhik siya sa kabila ng pagdadrama nito lalo na nang mapansing halata sa mukha nitong matindi ang pagseselos kay Erland. Napisil niya tuloy ang likod nito kung saan siya nakayakap.

He gazed at her while touching her lips na kusang bumuka nang mailapat nito ang daliri duon.

"I thought I was already late. I thought you could never be mine so I decided to blackmail you through lolo's will and testament." Mahina na uli itong natawa, idinagan na ang isang paa sa kanyang balakang saka siya niyakap nang mahigpit.

"Honey...I just realized one thing now. What I did before wasn't for revenge but I was only afraid that I would lose you forever so took I every opportunity I had to take you back," patuloy nito sa pagkukwento na para bang wala nang bukas para sa bagay na 'yun kaya't binirahan na nito ngayon ng pagtatapat bg damdamin sa kanya, wari bang ngayon lang siya nililigawan, binabanatan ng matatamis na salita para makuha ang kanyang loob.

In fairness, kinikilig siya habang patuloy ito sa pag-amin ng totoong damdamin at ng mga kalokohang ginawa para lang makuha siya kay Erland.

Hinalikan nito nang mariin ang kanyang ulo, ikinulong siya sa mga bisig na para bang noon lang nito siya nayakap.

"You're my first and my true love, Marble. Please, don't think of leaving me again. Hindi mo lang alam kung ano'ng pinagdaanan ko kagabi para lang mahanap ka," saad nito, tuluyan nang gumaralgal ang boses.

Natigilan siya sandali, pagkuwa'y napahagikhik na uli at isiniksik ang mukha sa dibdib nito.

"Binbin..." usal niya, hinalikan ang dibdib nito.

Humikbi ito bilang tugon. Ngayon niya lang narinig si Vendrick na humihikbi, na gumagaralgal ang boses habang nakayakap sa kanya dahil lang sa natakot itong baka iniwan na niya ito kagabi.

Naramdaman niya ang pagyugyog ng mga balikat nito. Gosh, umiiyak nga si Vendrick! Umiiyak ito dahil lang sa kanya!

"Marble, don't ever try leaving me again. I don't know what will happen to me if you really do that," pakiusap nito, tuluyan nang lumambot ang puso at umiyak.

Gusto niyang humagalpak nang tawa at asarin ito tulad ng ginagawa nila dati. Pero ramdam niyang seryoso ang asawa kaya sa halip na pagtawanan ay hinagod na lang niya ang likod nito.

"Hindi mo lang din alam kung ano'ng pinagdaanan ko bago mo ako natagpuan," sa wakas ay tugon niya sa kadramahan nito.

Tumawa ito nang pagak, maya-maya' kusa nang kumawala sa pagkakayap sa kanya pero iniunat nito ang isang braso para gawin niyang unan saka hinagod ang kanyang buhok sa likuran.

"Hon..." Iniangat niya ang mukha saka ito tinitigan.

"Hm?"

"Di ba sabi mo isang beses mo lang tinitikman ang mga babaeng 'yun sa Canada? Eh si Chelsea, ilang beses ba?" pasimple niyang usisa.

"Five times. The last time was four months ago. But she was using contraceptives and I was using condom," pag-amin nito.

Natigilan siya, napaisip. Four months ago? Bakit ang sabi ng nurse, four weeks pa lang ang ipinagbubuntis ni Chelsea? Ibig sabihin, hindi ang asawa ang ama ng bata?! Pero bakit nito iyon ipinaako kay Vendrick? Alam ba ng huli ang bagay na 'yun?

"Hon..." tawag niya uli.

"Hm?" Wala na ang pumipiyok nitong boses, nakabawi na sa pagdadrama kanina.

"Hindi pa ba tayo kakain? Nagugutom na ako eh," sa halip na magtanong tungkol kay Chelsea ay tanong na lang niya. Siya na ang kusang aalam ng bagay na itinatago ng dalaga.

Kumunot ang noo nito.

"Juice lang iniinom mo sa umaga di ba? Di ka ba nakakain kagabi?" balik-tanong nito.

Kumilos siya't tumihaya, ito nama'y tuluyan nang bumangon at dahan-dahang binawi ang braso mula sa pagkakaunan niya.

"Kumain naman, kaso lang walang kanin. Apat na tobleron 'yun tsaka mansanas, tsaka saging at isang supot ng mani," kaswal niyang sagot, hinila ang kumot pataas sa kanyang dibdib nang mapansing sando ng asawa ang ipinasuot nito sa kanya habang mahimbing siyang natutulog kagabi, wala siyang kahit na anong panloob.

Lalong lumukot ang noo nito, pinagmasdan ang kanyang mukha, pagkuwa'y ngumiti.

"It's just 4 AM hon, ipagluluto na lang kita ng noodles at boiled egg," wika nito saka umusad na pababa sa kama.

"Ayuko ng noodles, boiled egg na lang, apat ha?"

Napalingon na ito, nagtatakang muli siyang tinitigan.

"Wala ka bang sakit?" nag-aalala nitong tanong.

Umiling siya saka pumikit. Paggising ko kailangan may itlog na, ha?" aniya't naghikab at umayos na nang higa.

Lumapit ang asawa sa kanya, sinalat ang kanyang noo para seguraduhing wala siyang sakit.

"Aalis pala ako ngayon, hon. May pupuntahan lang ako," paalam nito.

"Uhm!" tipid niyang sagot at muli nang nakatulog, ni di na niya naramdamang lumabas ng kwarto ang asawa.

Chương tiếp theo