webnovel

BACK AT THE OLD HOUSE

Pakiramdam ni Marble, nag-iigtingan ang kanyang mga ugat sa matinding pagnanasang nararamdaman, andun na siya, paakyat na sa taas kasama si Vendrick habang tila idinuduyan sila sa alapaap----kaso biglang lumagapak ang kanyang katawan sa matigas na semento.

"Ayyy!" napatili siya at agad bumalikwas ng bangon, yakap-yakap pa ang unang paulit-ulit na hinahalikan kanina lang.

"Panaginip lang pala?" dismayado niyang sambit at inis na ginulo ang buhok saka tumayo na at itinapon sa bed ang yakap na unan.

Gigil siyang nagtungo sa banyo at naghilamos duon. Akala niya totoo na. Panaginip lang pala. Hmmmmp!

Huh? Bakit biglang gumanda ang kanilang banyo? Nagkaruon ng Jacuzzi sa loob?

Sinampal niya nang bahagya ang sariling pisngi, baka naaalimpungatan lang siya.

Muli niyang itinuloy ang paghilamos at pagmumog sa lababo saka lumabas ng banyo.

Tiningnan niya ang sariling damit, maluwang na T-shirt, hanggang hita niya, okay lang naman sa tingin niya.

Pero---bakit parang ngayon lang niya nakita ang suot na yun? Kelan niya yun nabili?

Nalilitong inihilig niya ang ulo at nagtatakang lumabas ng kwarto. Baka gising na ang kanyang anak, hinihintay na siyang magluto ng agahan nito.

"Huh?" litong napatingin siya sa nilabasang pinto. Bakit iba na ang kulay ng pintura nun?

Hinimas pa niya ang pinto. Nagpunta ba dun si Erland para pinturahan yun? Ang aga naman atang bumisita ng lalaking yun sa kanila.

Nagkibit-balikat na lang siya't tutuloy sana sa kwarto ng anak subalit sa halip ay isang veranda ang kanyang napuntahan at isang tao lang naman ang kanyang natanaw sa labas, naliligo sa pool.

Napatanga na uli siya. Bakit may swimming pool na sila?

Kumaway ang lalaking kanyang natanawan sa pool.

Tumitig pa siya rito. Bakit ang mayabang na Vendrick ang kanyang nakikita? Nagpunta na naman ito sa kanila sa ganun kaaga?

Umahon ito sa tubig. Mabilis siyang tumalikod at nagtatakang inihilig na uli ang ulo.

Nananaginip pa rin ba siya? Baka naman panaginip din to?

"Senyorita, sabi po ni Senyorito Vendrick, dalhan ko raw kayong almusal pag nagising na kayo."

Nag-angat siya agad ng mukha at syempre nagulat sa nakita.

"Ate Bing!?" bulalas niya.

Nagulat din ang katulong, naguguluhang tumitig sa kanya.

Wait lang! Panaginip pa rin ba to? Para naman yatang totoo.

" Kilala niyo po ba ako, Senyorita?" takang tanong ng kaharap.

"Ate, sampalin mo nga ako." pakiusap niya rito.

"Po?!" bulalas nito.

"Panaginip lang to, di ba? Sampalin mo ako para magising na ako." utos niya rito, inilapit pa ang kabilang pisngi.

"Naku, hindi po kayo nananaginip, Senyorita. Andito po talaga kayo sa bahay nina Senyorito Vendrick." nangingiting sagot nito.

Gulat siyang napatitig rito, hindi agad nakapagsalita, iniikot lang ang tingin sa buong paligid at muling bumalik sa Veranda. Wala na duon si Vendrick sa pool.

Dismayado siyang bumalik kay Bing.

"You mean, andito talaga ako sa bahay na to? At duon ako natulog sa kwarto ng walanghiyang yun?" di makapaniwalang sambit niya.

Humagikhik si Bing.

"Honey, gising ka na pala." tawag ni Vendrick, palapit ito sa kanila, nakatowel lang, basa pa ang itaas na parte ng katawan.

Sandali na naman siyang natigilan at di maiwasang pagmasdan ang katawan ng binata. Lantad ang kamachuhan nito, patunay ang nakikita niyang six-pack abs na di nagawang itago ng towel na suot.

Nainom niya tuloy nang wala sa oras ang isang basong juice sa tray na hawak ni Bing.

Nakakalokong ngumiti si Vendrick saka siya inakbayan nang makalapit.

Itinulak niya ito agad.

"Sino'ng may sabi sayong dalhin mo ako rito?" pasuplada niyang tanong.

Hindi ito sumagot, humarap lang kay Bing.

"Ipalinis mo kay Marie ang silid namin." utos sa dalaga at kinuha ang tray dito saka walang sabi-sabing tumalikod at pumasok sa kwarto nito.

Tumalikod na rin ang katulong. Hinabol niya ito.

"Ate Bing!" tawag niya.

Nagtataka naman itong pumihit paharap.

"Pano niyo po akong nakilala Senyorita?"

Hinampasa niya ito sa braso.

"Ano ka ba, ako to, si Marble." pakilala niya.

Tumawa ito nang malakas.

"Sensya na po Senyorita pero malayo po ang mukha ni Marble sa inyo." sagot nito at tumalikod na uli sa kanya.

Tinakbo na niya ang hagdanan pababa. Si Manang Viola ang kanyang kakausapin. Tiyak may alam ito kung pano siyang napunta sa bahay na yun.

"Manang! Manang!" tawag niya sa pinto pa lang ng kusina.

Natuon agad ang atensyon ng lahat sa kanya lalo na si Manang Viola na nakatayo patalikod sa lababo, alam niyang may itsinitsismis na naman sa mga katulong.

Nagmamadali niya itong nilapitan at pabulong na kinausap.

"Manang, alam mo kung pano akong napunta rito?" usisa niya.

"Aba, natural. Kitang kita ko nga kayong parang batang karga ni Senyorito Vendrick kagabi." sagot agad ng mayordoma.

"What?!" bulalasa niya sabay tawa nang mapakla at tumalikod rito.

Imposible yun. Imposibleng di siya pumalag. Hindi naman siya lasing kagabi. Ni hindi siya uminom, yung lady's drink nga lang ang tinikman niya.

Biglang nanlaki ang kanyang mga mata sa naalala. Anong nangyari kagabi pagkatapos niyang uminom ng lady's drink na yun? Bakit wala siyang matandaan?

Awang ang mga labing napahrap siya uli sa matanda, hindi pansin ang nagpakatangang mga katulong habang amazed na nakatitig sa maganda niyang mukha.

"Segurado kayo Manang? Talagang karga ako ni Vendrick kagabi?" paniniguro niya.

"Oo segurado yun. Bakit po, lasing ka ba kagabi?" ito naman ang nagtanong.

Hindi siya nakaimik at muling tumalikod rito, duon lang napatingin sa mga katulong na sa loob ng limang taon ay wala yatang nagbago sa mga itsura.

Alanganin siyang ngumiti sa lahat, kumaway pa sa mga itong nakapalibot sa lamesa at kumakain pero natigil lang nang pumasok siya ruon.

"Musta kayo, ate Marie, Ate Eva. Ate Melly, ate Shena." bati niya, lumingon din sa mayordoma.

"Salamat po sa info Manang Viola."

Lalong lumaki ang awang ng mga bibig nito sa kanyang sinabi. Nang umalis siya duo'y nagtanungan ang mga ito sa isa't isa.

"Sino yun? Bakit niya tayo kilala?"

Narinig pa niyang tanong ni Eva pagkalabas niya lang sa kusina.

Nasalubong pa niya si Bing na papasok sa kanyang nilabasan.

Umakyat uli siya sa hagdanan, tuluy-tuloy sa kwarto ni Vendrick.

Naabutan niya itong nagsusuot ng T-shirt.

"How did i get here?" agad niyang tanong.

Isang sulyap lang ang iginanti nito, pagkuwa'y ngumiti.

"Seguro kinidnap mo ako no?" panghuhula niya.

Tumawa ito nang malakas saka siya nilapitan, hinawakan siya sa kamay sabay hila sa kanya palapit dito, syempre pumalag siya, itinulak ito.

"Hindi ako nakikipagbiruan sayo." matigas niyang sambit.

"I'm not either." sagot din ng binata.

"We just had sex last night with your command, i just complied." malagkit ang tinging ipinukol nito sa kanya.

Namutla siya agad, tila naging tuod sa kinatatayuan.

No! Hindi yun totoo! Pero hindi niya maikakailang masakit ang pagitan ng kanyang mga hita. Bakit? Anong nangyari? Yung panaginip niya, totoo ba yun? Di nga, totoo yun?

Ibig sabihin, alam na nito ang kanyang sekreto?

Dismayado siyang tumingin rito.

"Nagsisinungaling ka lang. Hindi ko gagawin yun." pagtatanggol niya sa sarili.

Muli na namang itong tumawa, humakbang pa palapit sa kanya at niyakap siya sa likuran.

"Sayang, di mo naalala ang ginawa natin kagabi. It was the most memorable night to me, indeed!" panunudyo sa kanya nang bumulong sa likod ng kanyang tenga.

Nakagat niya ang ibabang labi lalo na nang maramdamang nagreact agad ang kanyang katawan sa sinabi nito. Totoo ba talaga ang kanyang panaginip? Hindi lang yun natapos kasi nahulog siya sa kama?

Bakit wala siyang matandaaan?

"By the way. Let's make our wedding private. Ayuko nang magarbong kasalan." bulong na uli sa kanya.

"What?!"

Chương tiếp theo