Nagising si Marble na nakayapos pa sa unan.
Napasarap ata ang tulog niya ngayon. Sinipat niya ang orasan sa dingding. Alas Syete y medya na pala pero tulog pa rin ang kanyang alaga. Para yatang napasarap din ang tulog nito ngayon.
Bumaba siya sa kama at naghilamos ng mukha sa banyo. Pagkalabas niya'y nahagip ng kanyang paningin ang flower vase sa ibabaw ng center table, may laman iyong orchids.
"Wow!" bulalas niya. Ngayon lang siya nakakita ng gano'n kagagandang mga bulaklak, tila mga dalagang nagsasayaw. Ang gaganda. Ano kayang pangalan ng mga 'yon?
Kumuha siya ng isang tangkay at tuwang pinagmasdan ang bawat talulot niyon, pagkuwa'y ilang beses na inamoy-amy. Sino kaya ang naglagay niyon do'n? 'Wag sabihing si Vendrick eh may sakit 'yon.
Wala pa sana siyang balak na ibalik ang bulaklak sa lalagyan ngunit naisip niyang baka magising na ang kanyang alaga. Kukuha siya ng kanilang almusal para paggsing nito, mag-aalmusal agad sila.
"Hoy, alam niyo ba ang balita? Nakaligtas daw si Senyorito Karl, kagabi lang daw nagising."
Pagkapasok lang niya sa loob ng kusina, tsismis na agad ni Manang Viola ang sumalubong sa kanya. Patay-malisya lang siyang lumapit rito habang ang mga katulong ay curious na naghintay ng iba pa nitong sasabihin.
"Good morning po!" bati niya sa lahat.
Natuon sa kanya ang atensyon ng mga to.
"Hindi ba hinanap si Lorie?" usisa ni Eva na mas matindi ata ang curiosity kesa sa iba.
"Pa'nong hahanapin, malamang sa laki ng pinsala niyon sa ulo, magka-amnesia 'yon," sabad ni Shena na di nagpaapekto't nagpatuloy sa pag-aalmusal.
"Manang, kukuha na po akong almusal," baling niya sa mayordoma.
"Ayy, oo sige. Ikaw na ang kumuha," utos sa kanya.
"Bitin ka naman Manang magkwento," atat na sambit ni Marie, itinuloy na din ang paghigop ng kape sa tasa.
"Walang amnesia, Oy! Si Lorie agad ang hinanap niya," patuloy ng matanda.
"Ows?!" nagkuros ang lahat, pati siya nakisabay din.
"Eh Manang, pa'no mo naman nalaman? 'Di ka pa naman umaalis ng bahay ngayon," nagdududang tanong ni Melly.
"Syempre! Tumawag si Madam sa kanya. 'Di ba Manang?" kumpirma ni Bing.
Humagikhik ang matanda. Alam na alam ni Bing ang isasagot nito.
Napangiti na lang siya at 'di na inantay ang sasabihin pa sana ni Manang Viola nang bigla nitong banggitin si Lorie.
"Kaya ayun, andaming naghahanap ngayon kay Lorie. Ang problema, 'di daw siya mahanap."
Napalingon siya sa mayordoma.
"Try nila kamo sa lugar ni Ate Lorie," sabad niya.
"'Yon lang. Walang nakakaalam kung saan siya sa Cebu o talagang taga-Cebu siya. Mapera naman ang mga amo natin, mahahanap din nila si Lorie," sagot nito.
Tila nabunutan siya ng tinik pagkarinig sa balitang 'yon. Kahit papa'no, may kunsensya naman pala ang kapatid ni Vendrick. Ang kababayan agad ang hinanap nito nang magising. Magandang pangitain 'yon.
Ang lapad ng kanyang ngiti paglabas sa kusina. Nawala lang 'yon nang makita si Chelsea na papasok ng bahay, dumiretso sa hagdanan hanggang sa tapat ng kwarto ni Vendrick, kumatok do'n pero walang nagbubukas ng pinto.
Sinamantala niya ang pagkakataong 'di siya nito nakikita, mamaya pagtripan na naman siya.
Halos takbuhin niya paakyat hanggang sa makapasok sa pinto ng kanilang kwarto.
"Woohh!"
Magkakaruon ata siya ng sakit sa puso dahil sa babae. Para lang 'di magsanga ang kanilang landas, siya na lang ang umiiwas dito.
**************
"Hey Dude! Wazzup!" Hiyaw ng papalapit na si Livy sa kanila ni Gab sa skating rink sa MOA.
Umaga pa lang kasi nagyaya na si Gab na magskating sila na tila walang nangyari noong nakaraang linggo. Balik na uli sila sa dati bilang matalik na magkaibigan. Subalit aminin man niya o hindi, marami nang nagbago sa kanilang dalawa.
Kumaway sila kay Livy. Nakabuntot naman dito ang lima pa nilang barkada kasama ang prangkang si Paul.
"Dude! Ang aga niyo magyaya ng skating ah," puna ni Dave na nang mga sandaling 'yon ay tumapik muna sa kanyang balikat saka siya inakbayan.
"Si Gab ang may pakana nito," anya't ininguso ang katabing kaibigan sabay ngisi.
"Matagal din kasi akong hindi lumabas ng bahay mga Dude. Babawi ako ngayon," sagot naman ni Gab, sinabayan pa ng tawa ang sinabi.
"By the way, kelan ang balik niyo sa Canada? Sorry pala Dude sa nangyari sa kuya mo," sabad ni Erland, sa kanya nakatingin. Isa rin ito sa mga barkada niya, pinakamakinis ata ang balat sa kanilang lahat kaya napagkakamalang bakla.
Inayos muna niya ang suot na skating shoes bago ito sinagot.
"Nakapagpa-enrol na kami ni Chelsea Dude. Si Gab na lang ang hindi. Sabagay, siya ang pinakamayaman dito, isang tawag lang sa Canada, enrol na agad siya," pabiro niyang sagot, may katutuhanan naman 'yon. Ang kanyang lolo lang ang mayaman sa kanila, pero ikumpara ang mga magulang niya at ang mga magulang ni Gab, mas mayaman ang mga magulang ni Gab.
Inayos na rin ng binata ang shoes nito at nagsimula nang umikot sa rink, nakipaghabulan dito ang iba, naiwan sila ni Paul.
"Dude, ano tong nabalitaan kong nag-away daw kayo ni Gab no'ng party?"
Salubong ang kilay na napatingin siya rito.
"Who told you that?" curious niyang tanong.
Inakbayan siya nito.
"Nakita ko kayo sa may veranda, Dude," pag-amin nito.
"Payo ko lang, Dude. Sayang naman ang pagkakaibigan natin kung masisira lang dahil sa babae," anito't tinapik siya sa balikat saka humabol na rin sa mga kaibigan.
Sandali siyang natahimik. Nakita pala sila nito nang gabing yun.
Isang malalim na buntunghininga ang kanyang pinakawalan. Ayaw niyang isipin 'yon ngayon. Ang mahalaga masaya siya. Masaya rin si Gab. Tama na 'yon.
Ilang oras silang naglaro sa loob ng rink nang makaramdam ng gutom si Livy at nagyaya nang kumain sa Mcdo. Sumunod naman sila, kung saan ang isa, dun silang lahat.
Napapatingin tuloy sa kanila ang ilang kadalagahan, puno ng paghanga sa mga mata ng mga ito. Hindi naman sa pagmamayabang pero lahat sila ay may ibubuga ang katawan at mukha, idagdag pang ang pinakapandak lang sa kanila ay si Dave na 5'7" ang hieght.
Lahat sila ay kilala ang mga magulang. Ang parents nga ni Livy ay mga celebrity kaya madami ang naghihikayat sa binatang mag-artista, napapasama na din sila. Ayaw lang nito, mas gusto ang easy-go-lucky na buhay tulad ng ginagawa nila ngayon.
"Hi, may I know your name?" may isang babaeng naglakas ng loob na lumapit sa kanila habang sabay-sabay silang nakapila sa harap ng counter sa MCdo.
Siniko ni Dave si Paul. "Nakatingin sa'yo oh."
"Well, I'm Paul. And yours?" banat nito.
Napapangiti na lang sila.
"I'm Livy."
"Ows..." ani Paul saka kinalabit si Livy na noo'y naka-focus sa pagpili ng makakain.
"Dude, kapangalan mo, tirahin mo na," bulong nito sa binata.
"You fool--" pabulong nitong ganti saka bumaling sa babaeng may mga kasama din palang magaganda ring mga dalaga. Walo din lahat ang mga 'to.
"Wew! Parang pinagtapo tayo ng tadahana ah," pansin ni Livy sa babae, bahagyang itinulak si Gab para ito na ang pumili sa kanilang pagkain at nakipagkamay sa dalagang katukayo nito.
"I'm Livy Madrigal. And yours?" pakilala nito sa babae.
"Livy Salmonte. My father is a Governor," pakilala din ng babae habang malagkit ang titig kay Livy.
Napatingin silang lahat sa kaibigan sabay thumbs-up dito.
Ang simpleng hapunan lang sa Mcdo, tila naging acquaintance party para sa kanila.
"Dapat pala, sa beer house tayo nagpunta," bulong ni Dave sa kanya.
Ngumiti lang siya saka kumuha ng isang pirasong fried chicken sa bucket.
"Hi! I think you're a snob type. Ikaw lang kasi ang 'di nagsasalita sa kanilang lahat," baling sa kanya ng babae sa tapat ng mesa, isa sa mga kasama nung nagpakilalang Livy.
Napasulyap siya kay Gab, masaya na itong nakikipag-usap sa kaharap din nito sa table.
Nagkibit-balikat lang siya at itinuloy ang pagkain.
"Are you taken already?" usisa ng dalaga sa kanya.
"Yes," maagap niyang sagot.
Siniko siya ni Dave saka pasimpleng binulungan.
"You're cruel. Wala naman dito si Chelsea. Magkunwari ka munang single ngayon," anito sa kanya.
Gumanti din siya ng bulong sa kaibigan.
"I'm not talking about Chelsea. I'm talking about my GF."
Napanganga ang binata, inilayo ang mukha sa kanya, naguguluhan siyang tinitigan.
Nagkibit-balikat lang siya at sinulyapan ang kaharap na dalaga.
"I have to go, if you don't mind," aniya dito pero 'di inantay ang isasagot nito, tumayo na agad siya't nagtungo sa rest room.
Paglabas ay nagpaalam muna siya sa lahat na mag-iikot-ikot lang sa loob ng Mall. Tawagan na lang siya pag tapos na ang mga itong kumain.
Walang laman ang kanyang isip kundi ang mga bagay na gusto ni Marble habang nag-iikot sa malawak na Mall.
Mahilig kaya to sa sandals? Absolutely not! Napangisi siya. Mas bagay ata dun ang sneaker? Rubber shoes? Or boots?
Subalit sa huli, pinili niyang wag na itong bilhan ng kahit na ano, except sa isang bagay na nahagip ng kanyang paningin sa loob ng national bookstore, kung bakit siya napadpad do'n, bakit nga ba?
Hawak na niya ang bagay na 'yon nang marinig ang pamilyar na boses.
"Dude, you're also here?" takang wika ni Gab nang makita siya, halos magkabunggo pa ang kanilang mga balikat ng kaibigan.
"Well, yes. May tinitingnan lang ako," anya, hindi na kinuha ang gustong bilhin.
Eksakto namang nakita ito ni Gab.
"Oh, looks nice. Magustuhan kaya to ni Marble?" anito saka dinampot ang balak na sana niyang bilhin.
Nagsalubong agad ang kanyang kilay ngunit 'di nagpahalata dito't iniiwas ang tingin.
"'Di ba nag-aaral na siya ngayon? Segurado magugustuhan niya 'to. What do you think?" tanong sa kanya.
"Ahm--- Yeah. I think so, mukhang pera kasi 'yon kaya seguradong magugustuhan niya 'yan, " sagot na lang niya.
"Hey Dude! Bakit ganyan ka magsalita sa kanya?" nagtatampong saway nito.
Ngumiti lang siya, wala sa sariling inihimas ang kamay sa bibig subalit sa isip niya, gusto niya iyong bawiin sa kaibigan. Siya ang unang nakakita niyon. Pero para walang gulo, tumahimik na lang siya.
"Hey, what are you doing here?"
Awtomatiko ang kanyang pagtalikod pagkarinig lang sa boses ni Chelsea. Ano'ng ginagawa ng babaeng to dito? Tsk! Tsk! Sinabi na naman ata ni Gab na andun sila sa lugar na 'yon.
"Love, you wanna buy something for me kaya ka andito?" Mabilis itong pumulupot sa kanyang siko.
Pakiramdam niya, makati sa balat ang mga kamay nito kaya agad siyang kumawala, nagkunwaring lalabas na ng bookstore.
'Marble... Marble... Ano kayang bibilhin ko para sa'yo?' paulit-ulit na umuukilkil sa kanyang utak.