webnovel

CONFESSION

Si Marble ang tipo ng 'taong hindi basta sumusuko sa anumang hamon ng buhay at kahit siya pa ang pinakapangit at pinakabobong tao sa balat ng lupa, hindi 'yon magiging dahilan para sa kanya na magmukmok sa isang tabi upang umiyak at maawa sa sarili.

Kapag determinado siyang gawin ang isang bagay, go lang siya nang go. Walang puwang sa kanya ang salitang, "Hindi ko kaya."

Kaya heto siya ngayon, pagkatapos lang tumikim ng kanin at kunting ulam ay dumiretso na sa swimming pool para tanggalin ang mga mansanas duon nang 'di siya nandadaya kahit sabihin pang wala duon si Vendrick. Kahit may nakabitin pang bato ang mga 'yon, wala siyang hindi kakayanin makuha lang ang 50k bilang premyo sa kanya.

Dahan-dahan siyang lumusong sa tubig, nagsimulang mag inhale-exhale upang ihanda ang sarili sa gagawin.

"Kaya mo 'yan Boss Jols. Tandaan mong ikaw si Boss Jols, 'di basta-basta sumusuko sa laban," pagpapalakas niya ng loob sa sarili.

Anim na lang ang mga mansanas na naruon. Kung 'di kabigatan ang mga batong nakabitin sa bawat mansanas, wala pang dalawang minuto, maihahagis na niya palabas ang mga 'yon. Ang kalkula niya kanina sa minutong naubos niya sa apat na mga mansanas, tig-iisang minuto lang sa tatlong mansanas ang nagugol niya, dalawang minuto sa pang-apat kaya may labinlimang minuto pa siyang natitira para sa anim na mansanas na naruon.

Isang malalim na paghinga muna ang kanyang pinakawalan bago nagsimulang lumangoy sa tubig at lumapit sa panglimang mansanas na nakalutang. Tulad ng nauna, may tali nga uli ito at nang hilahin niya 'yong tali, may bato na namang nakabitin duon kaya mabilis niyang hinila ang tali at sumama agad 'yong bato sabay hagis ng mga 'yon sa labas ng pool kasama ang mansanas.

"Yes!" napahiyaw siya sa tuwa nang magawa ang bagay na 'yon sa loob lang ng isang minuto.

Lumangoy na uli siya palapit sa pang-anim na mansanas at gano'n uli ang ginawa kahit medyo mabigat na ang nakabitin duong bato hanggang sa di niya namalayang dalawa na lang ang mansanas na natira.

Nakaramdam siya ng ginaw sa ilalim ng tubig. Lumingon siya sa paligid, ando'n na pala siya sa pinakagitnang bahagi ng pool na 'yon. Ngunit 'di pwedeng manaig sa kanya ang takot. Kailangan niyang gawin 'yon.

Lakas-loob siyang lumapit sa pang syam na mansanas at hinila ang tali niyon ngunit mabigat ang nakabitin duong bato, hindi niya mahila kaya wala siyang magawa kundi ang magdive sa ilalim ng tubig at tanggalin ang tali duon nang 'di niya ginagalaw ang mansanas.

Nanunuot sa kanyang kalamnan ang lamig na nagmumula sa malalim na bahaging 'yon ng tubig. Pakiramdam niya, sinasakal siya sa lamig pero 'di siya pwedeng panghinaan ng loob. Tinanggal niya ang pagkakabuhol ng tali mula sa bato na madali naman niyang nagawa kaya't ikinampay niya agad ang mga paa paitaas hanggang sa lumutang siya sa tubig, saka niya lang naihagis sa labas ng pool ang pangsyam na mansanas.

"Yehey! Nagawa ko, nagawa ko!" tuwang-tuwa niyang sigaw sabay palakpak at nagsimula na uling lumangoy palapit sa pinakahuling mansanas nang bigla niyang marinig ang boses ni Gab.

"Marble! What are you doing there?" sigaw nito mula sa veranda ng pangatlong palapag ng bahay.

Kunut-noo niya itong tinanaw.

"Ano?" balik din niyang tanong. 'Di niya marinig ang sinasabi nito.

"Marble! Umahon ka d'yan!" sigaw na uli nito, puno ng pag-aalala sa boses.

Pero 'di niya ito marinig kaya't kinawayan na lang niya at muling humarap sa huling mansanas, saka nagsimulang bumulusok pailalim sa tubig hanggang sa maramdaman na uli niya ang sobrang lamig na nanunuot lalo sa kanyang mga binti hanggang sa 'di na niya maikampay ang isa niyon kaya't lumuhod na lang siya sa ilalim ng pool habang tinatanggal ang pagkakabuhol ng tali. Kung kelan matatanggal na niya iyo'y saka naman may biglang humawak sa braso niya at gusto siyang hilahin paitaas kaya't nagpumiglas siya at itinuloy ang ginagawa hanggang sa wakas ay natanggal na niya ang tali, saka lang siya tumayo at ikinampay ang mga kamay at isang paa paitaas sa tubig at itatapon na sana niya ang nadampot na mansanas nang bigla siyang yakapin ni Gab.

"Oh my God! I thought you were already dead right there at the bottom," garalgal ang boses na sambit nito.

Awtomatiko niya itong itinulak at naghahabol sa oras na itinapon ang mansanas.

"Ano ba'ng ginawa mo? Muntik na akong matalo dahil don," inis niyang wika rito.

Maang itong napatingin sa kanya.

"Ano'ng muntik ka nang matalo?" lito nitong usisa.

Napabuntunghininga na lang siya saka muling ikinampay ang mga paa, nakalimutang pinupulikat na pala ang isa niyang binti at nang mapwersa'y naramdaman niya ang paglagutok ng buto niyon.

"Aray!" sigaw niya.

Naalarma bigla ang kaharap na binata at agad siyang sinaklolohan. Ilang minuto lang ay karga na siya nito at iniaakyat sa hagdanan paahon sa pool hanggang sa iupo siya sa naruong bakal na silyang may cushion kaharap ng bakal ding mesa.

Lumuhod ito't sinimulang hilutin ang kanyang binti.

Iyon ang tagpong naratnan ni Vendrick nang magtungo sa kinaruruonan nila, pero hindi nila naramdaman ang paglapit nito.

"I already told you earlier to stay away from this pool. Baka mamaya, hindi na kita mailigtas sa ginagawa mo niyan. Pano na lang pala kung wala ako dito at walang nakatingin sayo? Malamang bangkay ka nang lumulutang jan sa tubig," sermon nito sa kanya ngunit halata ang pag-aalala sa boses.

Tinawanan niya lang ang sinabi nito.

"Ba't ba gano'n na lang ang takot mong malunod ako Sir Gab? 'Di naman ako natata---"

"It's because I do care for your safety because i love you!" bulalas nito.

Natigagal siya sa narinig nawala ang ngiti sa mga labi. Hindi lang pala siya, pati si Vendrick na nasa likuran lang nila, agad nagsalubong ang mga kilay nito at naikuyom ang mga kamao.

Hindi siya magaling sa english pero dinig na dinig niya ang sinabi ng binata at alam niya ang kahulugan no'n.

Hindi niya alam kung anong naramdaman ng mga sandaling 'yon pero pansin niya ang pamumula ng pisngi at tila paglaki ng kanyang ulo na awtomatiko niyang nabawi ang binti mula dito.

"S-sir Gab, pinulikat lang po ako, malayo pa 'yon sa kamatayan," buti na lang kusang bumubukas ang bibig niya sa oras na kailangang magsalita.

Napatitig ito sa kanya, nagtama ang paningin nila.

"I mean it, Marble. I love you," madamdamin nitong sagot.

Napalunok siya ngunit bigla ring tumawa.

"Ikaw talaga Sir Gab, gino-good time mo na naman ako," gusto niyang ibahin agad ang kakaibang ihip ng hanging bumalot sa kanila.

"I said I mean it! Mahal kita," giit nito sabay hawak sa kanyang kamay na ikinagulat niya kaya agad niya iyong hinablot.

"Sir, hindi ko po alam kung anong pumasok sa isip niyo bakit takot kayong malunod ako sa pool. Pero marunong po akong lumangoy, hindi ako basta malulunod jan malibang matakot ako sa lalim ng tubig. Hindi niyo naman seguro kailangang gawing madrama ang tagpong 'to," paliwanag niya.

"Marble, listen to me. Totoong mahal kita noon pa mang una kitang makita. Alam yan ni Vendrick dahil siya ang kasama kong magpunta sa Cebu para hanapin ka. Pero sabi ng Papa mo, andito ka na daw sa Manila kaya hinanap kita dito sa Manila. Kung ayaw mong maniwalang totoo ang nararamdaman ko sayo, ngayon din mismo, pupunta ako sa mga magulang mo para hingin ang kamay mo sa kanila," paliwanag din nito, halatang seryoso sa sinasabi.

"Ha?" nalito siya bigla.

Ano ba'ng nangyari? Bakit naging gano'n na ang takbo ng story nila? Tinanggal niya lang naman 'yong mga mansanas sa pool, pag-ahon niya gan'to na sila ka romantic ni Sir Gab. Walang pumapasok sa utak niya sa mga sinasabi nito. Ni 'di niya mafeel kung anong love ba ang binabanggit nito? Tulad ng nararamdaman niya kay Aldrick noon kahit di siya nito pinapansin? Ano ba 'yon, wala na siyang maaalala sa feelings na 'yon.

Itinaas niya ang kamay at tinapik-tapik ang balikat ng binatang nakaluhod pa rin nang mga sandaling 'yon.

"Relax---relax Sir Gab. Hindi pa ako mamamatay. Saka mo na sabihin 'yan pag naghihingalo na ako," aniya para pagaanin ang nararamdaman nito, baka nga natakot lang ito dahil ang akala'y malulunod na siya.

"Hindi mo nauunawaan, Marble. Love kita. Mahal kita noon pa," muli nitong giit sabay hawak na uli sa kamay niyang tila napaso sa palad nito kaya't hinablot niya uli iyon at akmang tatayo nang mabigla na naman ang kanyang binti't mawalan siya ng balanse.

Ang akala niya'y babagsak sila ni Gab sa semento dahil naikapit niya ang kamay sa balikat nito ngunit nagulat na lang siya nang walang anuman siyang binuhat ni Vendrick na 'di niya alam kung panong napunta ruon at kung kelan pa ando'n.

Maging si Gab ay 'di nakakilos sa bilis ng pangyayari.

Awtomatikong ipinulupot niya ang mga kamay sa leeg ng binata. 'Di nakuntento't pati braso'y ipinulupot na duon at tiningnan si Sir Gab sa likuran, 'di niya pansing magkadikit na ang kanilang mga mukha ng binata habang ito nama'y tahimik siyang karga palayo.

"Sir Gab. 'Wag kang mag-alala, okey lang ako. Payapain mo ang sarili mo. Chill ka lang. You can do it," hiyaw pa niya sa lalaki sabay ngiti dito saka sumulyap sa nagkakarga sa kanya.

"Ang bilis mong sumalo ah. Seguro kanina ka pa do'n. Narinig mo 'yong sinabi ni Sir Gab sa'kin? Mahal daw niya ako? Hekhekhek! Lasing seguro 'yon," an'ya ngunit nagtaka siya't tahimik lang ito, ni walang salitang lumabas sa bibig.

'Huh? Bakit biglang umiba ang ihip ng hangin ngayon? Kanina lang, si Sir Gab, ngayon naman itong giatay na 'to. Anong nangyayari? What's happening?'

Chương tiếp theo