webnovel

MEMORIES OF THAT SIMPLE KISS

"Tatay... Nanay..." mahinang sambit ni Marble sa pangalan ng mga magulang habang nakatingin sa bintana ng bus at pumapatak ang luha sa mga mata.

Sa edad na 17, ngayon lang siya nawalay sa mga ito, ngayon lang siya napalayo sa Cebu, ngayon lang siya aapak sa Manila. Ang challenge na 'to sa kanyang buhay, ang ibang kasing edad niya'y 'di marahil susubuking gawin ang kanyang ginawa. Kahit siya'y natatakot gawin 'to, ngunit kailangan niyang maging matatag at ipakita sa mga magulang na kaya na niyang tumindig sa sariling mga paa at makatulong sa paghahanapbuhay ng ama.

Ang alam marahil ng lahat, matapang siya dahil lakas-loob siyang nagpresentang sumama sa kanyang tyang Amanda nang malaman niyang pinasasama siya rito ng ina, upang 'di mapahiya ang kanyang nanay sa kapatid nito.

Hindi alam ng lahat na natatakot siya ngayon pa lang. Hindi niya alam kung ano'ng mangyayari sa kanya sa Manila. Pa'no kung masama pala ang kahantungan niya ruon? Paano kung maging malupit ang tyang niya sa kanya o ang pamilya nito?

Panakaw niyang sinulyapan ang tyahing abala sa pagdutdot sa cellphone nitong hawak na tila walang pakialam sa kanya.

Unang tingin pa lang niya rito kanina, parang iba ang ugali sa kanyang nanay. Ngayon lang sila nito nagkita at agad na siyang sumama pa Manila.

"Diyos ko, 'wag mo po akong pababayaan sa paglalakbay ko," taimtim niyang dasal habang panay tulo ang kanyang mga luha, hanggang sa 'di niya namamalayang unti-unti nang bumibigat ang kanyang mga talukap...hanggang sa tuluyan na siyang makatulog na yakap-yakap ang backpack.

***********

Dumeretso si Vendrick sa bahay nila nang makabalik sa Manila. Sa pagod ay 'di na niya pinansin ang mga katulong na tila mga tuliro habang paulit-ulit na iniikot ang buong bahay. Tuloy-tuloy siya sa kanyang kwarto at nagbihis muna ng damit bago tumihaya sa malambot na kamang bagong palit ng bedsheet at kumot pati mga punda ng dalawang unan.

Tumingin siya sa kisame. Hanggang ngayon, maloloko siya kakaisip kung ano'ng nakita ni Gab sa pangit na babaeng nagtitinda ng buko juice sa Cebu. Ni 'di na niya maalala ang mukha nito. Ang tangi lang niyang natatandaan ay kung paano nito hilain ang kwelyo ng kanyang polo shirt noon at kung pa'no siyang hinalikan.

"Fuck!" Napamura siya sabay tagilid ng higa.

Halos isang buwan na ang nakakaraan mula nang mangyari ang insidente pero bakit naiinis pa rin siya 'pag naiisip 'yon? Pakiramdam niya, lahat ng parte ng kanyang katawan nagwawala sa galit. Parang muli niyang nalalasahan ang laway nitong dumikit sa kanyang mga labi, naririndi siya na parang lumalaki ang kanyang ulo at naninindig ang kanyang mga balahibo sa pandidiri sa halik nito.

Galit siyang napabangon at pumasok sa loob ng banyo saka naghilamos duon at tiningnan ang sarili sa harap ng salamin.

Ano ba'ng nangyayari sa kanya? Sa tuwing naiisip niya ang bagay na 'yon, bumibilis agad ang tibok ng kanyang puso. Nandidiri siya na nakakaramdam ng sobrang galit. Halik lang 'yon, simpleng halik lang pero bakit gano'n siya kaapektado?

Ah kailangan niyang makalimutan ang halik ng bampirang 'yon. Hahalikan niya si Chelsea kahit magalit ito. Alam niyang matamis ang halik ng dalaga lalo't crush niya ito mula pa noon.

"Drick! Drick!"

Tila may telepathy sa pagitan nilang dalawa na isipin niya lang ay heto, pumasok na ang dalaga sa kwarto niya at tinatawag siya.

Agad siyang lumabas ng banyo at walang sabi-sabing nilapitan ang dalaga.

"Drick, tinawagan ako ni Tita. Nawawala raw si lolo---"

Hindi na nito na natapos ang sasabihin nang bigla niyang sinakop ang bibig nito at matagal na hinalikan hanggang sa ilayo niya ang sariling katawan mula rito.

Namimilog ang mga mata nito sa pagkagulat, sandaling natigilan at 'di agad nakapagsalita saka nagtatanong ang mga matang tumitig sa kanya.

Siya nama'y naguluhan sa sariling damdamin. Bakit wala siyang naramdamang iba? Bakit wala 'yong mabilis na pintig ng kanyang puso sa ginawa niya? Bakit wala 'yong tila panlalaki ng kanyang ulo at paninindig ng kanyang balahibo? Dahil ba sa 'di siya nandidiri sa halik nito? Ibig sabihin nagustuhan niya ang mga labi ni Chelsea? Naguguluhan siya.

Biglang umiyak si Chelsea at tumakbo palabas ng kwarto.

Noon niya lang na-realize kung anong mali sa ginawa niya.

"Chelsea! I'm sorry! I didn't mean it. I was just confused!" habol niya sa dalaga at lumabas na rin ng kwarto ngunit 'di man lang lumingon sa kanya ang kababata, tuluy-tuloy sa labas ng bahay.

Wala siyang nagawa kundi pagmasdan na lang ito habang nakahawak sa barandilya ng hallway sa ikalawang palapag ng bahay sa tapat ng kanyang kwarto.

Eksakto namang paakyat ng hagdanan ang kanyang inang namumutla sa takot.

"Vendrick, hanapin mo sa labas ng bahay si Papa. Baka nakatakas na naman yun at nasa labas na ng bahay," utos nito sa kanya.

Sandali niyang ipinilig ang ulo upang maiabsorb sa utak ang sinabi ng ina.

"Tumakas na naman si Lolo?" gulat na wika niya nang muling iangat ang ulo.

"Kaya nga hanapin mo sa labas baka kung saan na naman yun mapunta," aburido nang sagot ng ina.

Hindi na siya nagdalawang-isip at halos takbuhin ang pagbaba ng hagdanan makalabas lang agad ng bahay.

Nagkaroon ng Alzheimer's disease ang kanyang lolo nang mamatay ang lola niya limang taon na ang nakararaan. Habang dumadaan ang mga taon ay 'di na sila nito nakikilala at lagi itong tumatakas nung isang nurse pa lang ang nagbabantay rito kaya ginawa nilang tatlo ang tagabantay ngayon pero natakasan pa rin ang mga ito.

Chương tiếp theo