webnovel

revelation about capiz

matinding galit ang naramdaman ko ng mga oras na hindi ko makita si iya.

nilagyan ko ng tubig ang sasakyan at sinubukang paandarin.

nag start naman ang sasakyan pero mas pinili kong manatili muna sa lugar kung saan biglang nawala si iya.

umaasa pa akong baka bumalik pa si iya.

dito na ako inabot ng umaga sa pag aantay.

7:30 na ng umaga kaya maliwanag na sa paligid.

wala talagang kabahay bahay at katao tao sa lugar nato.

kumuha ako ng backpack at nag dala ako ng isang balisong.

ni ready kuna din ang baril na binigay sa akin ni zyril at nilagay ko sa likod ko.

sinubukan kong puntahan ang bahay kung saan ako kumuha ng tubig dahil siguradong may alam ang matandang babae doon. nilagyan ng lason ang kapeng pinainom sakin ng matandang babae.

pinaandar ko ang sasakyan at pinuntahan ang bahay ng matandang babae. pero laking gulat ko dahil wala palang nakatira sa bahay na yun. isang bakanteng kubo na walang kahit ano.

habang paikot ikot ako sa loob ng bakanteng kubo, may isang binatang lalake na biglang pumasok sa loob .

binata: sino po kayo???

me: may nakatira ba sa bahay nato?

binata: matagal napong walang nakita sa bahay nayan.

me: anong wala? may isang matandang babae na nakatira dito kaninang madaling araw.

binata: may kasama po ba kayong nawawala?

me: pano mo nalaman?

sino ka?

binata: papunta po sana ako ng bukid para mag ani ng saging na pananim namin at napansin ko ang sasakyan nyo sa labas kaya sinubukan kong pumasok dito.

me: hinahanap ko kasi ang matandang babae dito.

binata: dalawang taon napo ang naka lipas. meron din akong nakitang matandang lalake dito ng ganitong oras din at hinahanap nya ang nawawala nyang anak na babae.

me: nawala kasi sa sasakyan ang asawa ko kaninang mga alas dos ng madaling araw. ano ba ang nangyayari dito?

binata: dilikado po sa lugar nato. marami nang nawawalang mga babae at hindi na nakikita.

me: alam mo ba kung saan matatagpuan ang mga taong yun.

binata: hindi kodin po alam. kasi halos 6 na buwan nadin na hindi namin nakikita ang ate ko. pero may nakatira sa aming isang matandang lalaki na napuntahan nya na daw ang lugar kung saan sila matatagpuan pero walang gustong subukan puntahan ang lugar dahil sa takot.

me: pwede moba ako samahan sa lalaking sinasabi mo?

binata: sige po sasamahan ko kayo!

nag madali na kami ng binatang lalaki na mapuntahan ang sinasabi nyang matanda na nakarating na sa lugar ng mga dumukot kay iya.

halos isang oras nang makarating kami sa lugar kung saan nakatira ang binatang lalaking kasama ko.

halos naka tingin samin ang lahat ng taong nadadaanan namin sa lugar nila.

me: bakit sila nakatingin sa atin??

binata: bihira lang po kasi may bumibisitang nakasasakyan dito sa amin. halos lahat ng nag babakasyong mga taga maynila ay natatakot pumasok sa lugar nato.

me: bakit naman?

binata: dahil malapit lng daw dito samin ang mga nangunguha ng mga babae.

me: wala bang mga pulis na pumupunta dito.

binata: hindi naniniwala ang mga pulis sa mga kwentokwento tungkol dito samin kaya binabaliwala lang nila.

me: wag kang mag alala! tutulungan kitang mahanap din ang kapatid mo.

binata: sasama po ako sa inyo sa pag hahanap sa asawa nyo.

me: hindi kaba natatakot?

binata: natatakot po pero dahil may kasama na ako. ipag hihiganti ko ang ginawa nilang pag kuha sa ate ko.

me: ganun ba? nga pala, ako pala si kevin.

binata: ako po si paulo.

me: nice to meer you paulo.

dahil malakas naman ang loob ng batang to, hindi kona sya pipigilan sa desisyon nya.

nang makarating kami sa bahay ng sinasabing makakatulong sa amin.

nakita kong putol ang kaliwang kamay nya at puro peklat sa mukha.

paulo: tatang melvin!!!! tao po!

lumabas ang isang matandang lalake.

me: magandang araw po!

ako po si kevin.

tatang: kinuha din ba nila ang kasintahan mo iho?

me: opo tang. kaya kailangan kopo syang hanapin at tulungan, baka po kasi may nangyari ng masama sa asawa ko.

tatang: habang nag papastol ako sa mga alaga kong baka noon. may nakita akong limang tao na nasa gilid ng sapa,

naka suot sila ng itim na kapote at parang nag dadasal.

nag tago lang ako habang pinag mamasdan ang ginagawa nila.

ilang sandali pa ay may papalapit pang isang naka kapote na itim habang bitbit ang isang dalagang babae na parang wala sa sarili.

ihiniga nila ang babae sa isang malaking bato at hinubaran.

kitang kita ko ang pag halay sa babae ng tinatawag nilang pinuno.

me: kulto po ba ang sinasabi nyo tatang?

tatang: ganun na nga iho!

nandudukot sila ng mga babaeng magaganda at iaalay nila sa kanilang pinuno para halayin.

tinuturung nilang dyos ang pinuno nila.

sinubay bayan ko sila kung saan sila nag tatago, halos inabot ako ng hating gabi sa pag sunod sa kanila at nakita kong pumasok sila sa isang kuweba.

kaya binantayan ko ang kwebang yun hanggang madaling araw pero wala ni isang lumabas. sinubukan kong pumasok sa kweba at nakita kong naka paikot ang nasa labing limang naka kapote habang naka tali sa gilid nila ang tatlong babae na umiiyak at dalawang babae na walang malay. napansin ako ng isa sa kanila kaya nag madali akong tumakbo palabas para tumakas pero sinundan nila ako. nahawakan ako ng idang humahabol sa akin pero nahataw ko ng itak sa leeg at nakita kong tumagas ang dugo. nang sinilip ko ang muha ng initak ko, isang matandang babae na pulang pula ang mata. alam kong napatay ko ang tinaga ko kaya tumakbo na ako papalayo pero

nahulog ako sa isang mataas na bangin kaya naputol ang isa kong kamay at nag kasugat sugat ang mukha ko.

nailigtas din ako sa disgrasyang pagkahulog ko sa bangin. habang naka hilata ako sa pagkahulog ko,

rinig na rinig ko ang pag sigaw at pag iyak ng iba nyang kasama.

me: pwede nyo po ba ituro sa akin kung saan matatagpuan ang kwebang sinasabi nyo tatang?

tatang: handa mo bang iaalay ang buhay mo para sa taong minamahal mo iho?

me: opo tatang! gagawin kopo ang lahat para mailigtas kolang ang asawa ko, kahit buhay kopa ang kapalit.

tatang: sige iho, ihanda mona ang sarili mo dahil ngayon din mismo ay aalis tayo at sasamahan kita sa lungga ng mga demonyong yun.

oct.7 ng 1pm ay nag handa na kami ni tatang para puntahan ang lugar kung saan namin makikita ang pinaka mamahal kong si iya.

nag labas si tatang ng isang garapon na puno ng isang parang langis na malapot.

me: tatang para saan po yan?

tatang: anong armas ang dala mo jan na pwede nating ipang laban sa kanila?

inilabas ko ang baril at bala na binigay sakin ni zyril at ang balisong na daladala ko.

me: ito po tatang. pero para saan po yang nasa garapon?

tatang: ang ginamit ko kasing itak na pinang taga ko sa kasamahan nila ay ginamit ko muna sa pag taga sa puno ng saging, kaya maaring ang dagta ng saging ang pwede nating gamitin para sa kanila.

hindi ko man maintindihan ang sinasabi ni tatang pero sinunod ko nalang dahil sya naman ang nakaka alam sa lahat ng pwede naming gawin.

maya maya pa ay dumating si paulo,

may daladala ding buntot ng pagi at itak.

tatang: anong ginagawa mo dito paulo?

paulo: sasama po ako tatang!

tatang: pero dilikado para sa batang katulad mo ang pupuntahan namin.

paulo: sasama po ako tatang sa ayaw at gusto nyo!

kailangan kopong maipag higanti ang kapatid ko sa pag kuha nila.

tatang: handa kaba sa lahat ng mangyayari?

paulo: opo tatang. hinanda kona ang sarili ko sa lahat ng pwede mangyari mula ng mawala si ate.

me: paulo, kami nalang ang hahanap sa ate mo kaya pwede ka nlang maiwan dito dahil sobrang dilikado.

paulo: hindi po, sasama po ako kahit pigilan nyo ako.

tatang: mukhang hindi ka naman mapipigilan paulo sa desisyon mo.

akin na ang dala mong pwedeng gamitin sa kanila.

pinahidan nga ni tatang ang dala ni paulo at ang bawat isang bala na gagamitin ko maging ang balisong na dala ko.

bago pa kami umalis ay may pina inom samin si tatang na isang baso ng sinasabi nya na pangontra sa lason.

kung sakaling masugatan kami ng kahit anong gagamitin ng makaka laban namin.

1:30 na kami ng maka alis sa lugar nila.

pero sinubukan ko munang matawagan si zyril ng maka hanap ako ng signal sa cellphone ko.

sinabi kong dinukot si iya ng mga kulto na nag tatago sa lugar nato at humingi ako ng tulong dahil susubukan naming pasukin ang pinag tataguan nila.

halos 4pm na ng makarating kami sa sinasabi ni tatang na pinagtataguan ng mga kulto pero napansin namin na may naka bantay na dalawang naka kapote,

parang istatwa ang nka bantay dahil hindi manlang gumagalaw.

sinubukan namin mag antay ng mga ilang oras pa para mabigyan kami ng pagkaka taon na mka pasok.

inabot na kami ng dilim sa pag aantay at hinding hindi na mapakali si paulo, gustong gusto nya nang pasukin ang kweba pero pinipigilan sya ni tatang.

tatang: mag antay pa tayo kahit konting oras para sa ligtas na pag kilos natin.

nag antay nga kami at 8pm na ng gabi ng mapansin naming gumalaw ang dalawang naka bantay at pumasok sa loob ng kweba.

ito nadin ang pagkakataon para maka pasok kami sa loob ng dahan dahan.

unti unti kaming pumasok sa loob ng kweba, nakita namin ang halos dalawampong naka kapoteng itim na parang nag dadasal at nakita kong nasa gitna si iya at naka upo.

naka suot ng puting maikling dress, naka tulala at parang wala sa sarili.

nakita din namin ang napakadaming babae na na nasa gilid na halos nag iiyakan ang iba at yung iba naman ay wala nang malay.

nang matapos ang seremonyang ginagawa nila, nag si balikan sila sa kanya kanya nilang pwesto.

nakita kong may isang naka kapote na parang nakikipag usap kay iya habang naka bantay sa kanila ang limang kasamahan nya.

tatang: kevin! subukan mong makalapit sa asawa mo, kami na ni paulo ang bahala sa ibang kasamahan nila.

me: sige po tatang mag iingat kayo!

umalis si tatang at naiwan ako sa loob.

habang nag aantay ako ng pag kakataon, biglang simigaw ang kasamahan nila at dali daling tumakbo ang dalawang naka bantay.

ito na ang pag kakataon ko para mailigtas ko si iya.

lumabas ako sa pinag tataguan ko at tinutukan ko ng raril ang apat n naka kapote.

me: walang gagalaw! babarilin ko kayo!

nagtawanan lang ang mga nka kapoteng itim na parang mga demonyo.

patakbong papalapit sa akin kaya mabilis ko silang pina putukan.

tinamaan ang tatlo pero pumunta sa likod ni iya ang isang naka kapote at tinutukan ng mahabang itak si iya sa leeg.

kulto: andito kaba para kay iya??

me: sino ka? bakit nyo ginagawa to?

kulto: sino ako????? hahahhahahah

ako ang dyos nila!!

kagustuhan kolang ang kanilang sinusunod!

me: hindi ka dyos!! kung totoong dyos ka, hindi ka sana natatakot sa bala, hindi ka sana nasusugatan sa kahit anong bagay at hindi ka sana isang duwag na nag tatago sa likod ng isang babae pwehhh.

kulto: tingin mo ba tatablan ako nyan?

me: oo naman! bagsak nga yung tatlong alagad mo eih ikaw pa kaya.

kulto: masyado kang matapang kevin! hahahhahah

me: bakit mo ako kilala? sino kaba?

hinubad ng kulto ang kapote nya pero diko padin kilala kung sino sya!

me: sino kaba??? peymus kaba?

kulto: tingnan mong maige ang mukha ko kevin.

biglang pumasok ang picture ni aron na nasa files na binigay sa akin ni zyril.

me: aron?

kulto: ako nga kevin.! antagal kong inantay ang prinsesa kong si iya tapos gusto mong mabawi sya?

me: ikaw din ba ang dahilan kung bakit nangyayari kay iya ang sakit nya tuwing unang sabado ng pag pasok ng buwan?

aron: oo kevin, masyado kaming makapangyarihan para matalo mo.

hindi mo kami kayang patayin gamit lang yang baril na dala mo!

dahan dahang tumatayo ang tatlong tinamaan ko kanina pero pinagbabaril ko ulit. nakita kong tumagas ang mga dugo ng tatlo at naramdaman kong may isang patakbo papalapit sa akin mula sa gilid para hatawin ako ng itak pero bhoom!!! 1 hit lang sa ulo.

me: akala koba makapang yarihan kayo??

tinatablan din nman kayo ng bala eih.

aron: hindi ko alam kung pano mo nalaman ang kahinaan namin pero mamamatay muna si iya bago mo sya makuha sa akin.

me: aron! bakit moba ginagawa to?

ano bang ginawa ni iya at ng pamilya nya sayo bakit mo sila ginaganyan?

aron: maganda ang pakikitungo ko kila iya noon! akala ko hindi nila ilalayo sa akin ang babaeng pinaka mamahal ko.

pero nang malaman kong aalis sila,

me: nang malaman mong aalis sila at pupuntang maynila sinubukan mo silang patayin? ganun ba aron?

aron: hindi lang ako ang may kagagawan nun kevin.

me: kasama moba ang mga tauhan mong yan?

aron: kasama ko si tita hazel kevin. gusto nyang makuha ang kayamanang meron sila iya noon. matagal nang kasapi ng grupo namin si tita hazel.

sa katunayan nga, sya ang pinabantay namin kay iya. pero nag trahidor sya sa akin at itininakas nya si iya papuntang maynila.

me: kasabwat mo si tita hazel?

aron: oo kevin at ang totoo pa nyan, si tita hazel talaga ang pumatay sa mga magulang ni iya.

si tita hazel din at ang mga umampon sa akin ang unang nag tayo ng kulto dito sa capiz.

me: ibig sabihin, isa sa mga kasamahan mo dito si tita hazel?

kevin: pinatay kuna si tita hazel ng malaman ko ang totoong pakay nya kaya sya bumalik dito, gusto nyang kunin ang gamot para gumaling si iya.

me: anong gamot? ibig sabihin ikaw din ang may kagagawan kung bakit pati ako nakakaranas ng mga pangitaing yun?

aron: oo kevin, kasama ka sa plano para maihatid mo si iya sa akin.

pinainom kadin ni tita hazel na kagaya ng pinapainom nya kay iya.

10 yrs ang inantay namin para madala mo ulit si iya dito. si iya ang kauna unahang babaeng naging biktima namin dito kevin.

me: kahit ano pang sabihin mo aron, ililigtas ko si iya hanggang sa makakaya ko.

aron: pag hindi mo binaba yang barail mo, papatayin ko si iya!

ibababa kona sana ang baril, pero may isang nka kapoteng itim ang lumapit sa likod ko, tinutukan ako ng kutsilyo sa leeg at kinuha ang baril sakin.

aron: hahahahahhah pano ba yan kevin?????? mukhang dito kanadin mamamatay! masyado ka kasing matapang para kalabanin mo ang dyos.

unti unting lumapit sa akin aron. nang mga ilang hakbang nalang ay may narinig akong putok ng baril sa gilid ko.

mukhang hindi ko nga maililigtas si iya, hanggang dito nalang siguro talaga ako. patawarin moko iya kung hindi ko natupad ang pangako ko sayong pang habang buhay.

nakapikit padin ako, pero parang wala namang masakit sa katawan ko,

nang dumilat ako napansin kong naka hilata na si aron.

anong nangyari?

"ayos kalang ba kevin??

narinig ko ang salita mula sa nka kapoteng tumutok sa akin ng ng itak.

si tatang pala yun at nag panggap na kasamahan nila para mabigyan ng pagkakataong mabaril si aron.

nakahinga ako ng maluwag pero unti unti ding bumagaak si tatang sa tabi ko. puro dugo si tatang at puro saksak ang katawan.

tatang: sobrang saya ko dahil natalo natin sila!

umalis na kayo dito, iligtas mo ang asawa mo at ang iba pang mga babaeng bihag nila.

nawalan na nga ng hininga si tatang at namatay.

napansin kong gumagalaw si aron, unti-unting tumatayo habang hawak ang itak nya.

me: akala ko ba ikaw ang dyos?

akala ko ba malakas ka?

pinaputukan ko si aron sa kanang hita at sa kaliwang hita hanggang sa mapaluhod sya.

me: isa kalang tao aron!

hindi ka dyos! sumuko ka nalang dahil papadating na ang mga pulis para ikulong ka.

unti unting may dinudukot si aaron samay likuran nya kaya binatil ko ulit sa dibdib.

aron: arayy!

me: nasasaktan ka pala eih! wag kana kasing gumalaw.

aron: kunin mo ang nasa likod ko.

isang maliit na bote na puno ng langis ang nasa likod nya.

me: ano to?

aron: ayan yung gamot tanga.

me: ahhh ito ba yun?

kinuha ni aron ang kamay kong may baril at bigla nyang ipinutok sa ulo nya.

kitang kita ng dalawang mata ko ang pagkamatay ni aron.

nilapitan ko si iya at ginigising pero wala padin sya sa sarili.

inilabas ko sa kweba si iya at ang ibang mga babae para mawala ang takot na nararamdaman nila.

nag antay kami ng mga isang oras para mag pahinga sa labas ng kweba habang yakap yakap ko si iya na nawalan na ng malay.

ilang sandali pa may mga taong dumating, mga brgy tanod at ang iba pang tao mula sa ibang brgy.

naka hinga ako ng maluwag dahil ligtas na kami.

inakay na kami ng ibang brgy tanod para maka alis at pumasok naman sa loob ng kweba ang iba.

meron pa tayong isang chapter guys😊

hindi nag kasya dito eih😅

may wedding pa sila iya at kevin.

thank you po sa pag babasa😊

Chương tiếp theo