"Good morning beautiful" Xander wound his arms around her waist, kasabay ng pagbaba ng labi nito sa kanyang batok. She giggled. Nilingon niya ito at hindi niya mapigil ang paglapad ng ngiti.
"Gising ka na pala" muli niyang ibinalik ang paningin sa niluluto. There was a contented smile on her lips. Dalawang linggo na ang nakalilipas simula ng malaman ni Xander ang tunay na relasyon nila. Tila iyon na ang naging hudyat ng unti-unting pag ayos ng pagsasama nilang mag asawa. Unti-unti ay tila bumabalik na ang Xander na kilala niya.
"Pupunta ako ngayon sa Princess Luna, I have a meeting with Arthur" sagot nito at pinakawalan siya "gusto mong sumama?" tinungo nito ang coffee maker at nagsalin ng kape sa dalawang tasa.
"Do you want me to go with you?" hinango niya ang bacon sa plato at inilapag iyon sa mesa.
"Yeah. why not?" Naupo si Xander sa upuang katapat niya at inilapag ang tasa ng kapeng kinuha nito para sa kanya.
"Xander... I just wanted to say...thank you...for accepting me and Mico in your life again" she said. She focused her eyes on her plate, medyo nahihiya siyang salubungin ang mga mata ng asawa.
"Ako nga dapat ang magpasalamat sa iyo. You stayed with me kahit pa malabo pa rin itong isip ko" he chuckled
"You know that I..I love you Xander" she glanced at him.
Ngumiti ito sa kanya and she almost gasped. Araw araw niya itong nakikita ngunit hindi pa rin masanay ang puso niya sa ngiting iyon. Xander is irritatingly attractive. Sa hindi mabilang na mga guwapong modelo at artistang nakilala at nakahalubilo niya ay walang nakapukaw ng ganoong damdamin sa kanya. Only Xander can send shivers down her spine with those black, piercing eyes. Only he can make her knees melt with that devilishly handsome smile.
"I know that, Beatrix. Sana ay mas habaan mo pa ang pasensya mo sa akin..." she understood what he meant. Hindi pa nasasabi sa kanya ni Xander ang katagang 'mahal kita' kahit pa mas naging normal na ang pagsasama nila.
Nakakaunawa siyang tumango "I understand, love. Don't rush yourself. Nandito lang ako. I will not ever leave you again, no matter what" she gave him a tender smile.
"Say that again" he commanded.
"I said, that I will never leave you again-"
"No. Ulitin mo yung itinawag mo sa akin"
"L-love?"
Xander closed his eyes briefly. He could hear that voice in his head, calling him that. Now he's sure it was Beatrix's voice all along. Ilang mga panaginip din niya nagparinig ang tinig na iyon, dangan nga lamang sa panaginip niya ay hindi niya malinaw na makita ang babae. She was laughing so joyful sometimes in his dreams, ngunit hindi niya malilimutan ang pagtawag nito sa kanya ng endearment na iyon.
"Okay ka lang ba?" untag ni Beatrix sa kanya, her voice a little worried.
He opened his eyes "Yes. Now I know it was your voice I was hearing in my dreams"
"M-my voice?"
He nodded "Hindi iilang pagkakataong narinig ko ang tinig na iyon sa panaginip ko. Someone was using that endearment to me, ngunit hindi ko makita kung sino" Umabot siya ng pagkain at naglagay sa pinggan ng biglang may maalala. Sa isa sa mga panaginip niya ay mayroon siyang natatandaang isang eksenang palagiang sumusulpot.
"By any chance, did we get married under any special circumstance?"
Nakita niya ang pag guhit ng pagkabahala sa magandang mukha ng asawa na iglap ding nawala.
"What do you mean?"
He shrugged "in my dreams I was furious at this woman, na para bang na entrap ako somehow" ipinilig niya ang ulo "pero hindi ko alam, laging putol kaya hindi ko rin masiguro ang nais ipahiwatig ng panaginip na iyon" dinala niya ang kutsara sa bibig at sumubo.
"Ah..w-well...Maybe it was just a silly dream, Xander"
"Siguro nga" aniya na nagpatuloy sa pagkain.
*******
Ilang ulit umikot si Beatrix sa harap ng salamin upang sipatin ang sarili. This is the first time na inaya siyang kusang loob ni Xander na sumama sa lakad nito and she wanted to look perfect. Dahil may kainitan ang panahon ay napag pasiyahan niyang magsuot lamang ng shorts na katamtaman ang ikli at ternuhan iyon ng isang simpleng t-shirt na ipinaloob niya ang laylayan sa shorts. On her feet were white designer sneakers. Sa edad niyang beinte tres ay maaari pa siyang pagkamalang teenager kapag naka ayos siya ng ganito.
Nagpahid siya ng manipis na lipstick sa mga labi ng mapahinto dahil naalala ang tinuran ni Xander kanina.
In my dreams I was furious at this woman... I felt entrapped for some reason.
Hindi niya maiwasan ang mag-alala. Lahat halos ay naipagtapat na niya kay Xander, maliban sa sirkumstansya ng pagpapakasal nila at ang kasunduan nila noon na magsama ng tatlong buwan upang pirmahan nito ang annulment papers nila. She was just too scared to think of what he will do kapag nalaman nito ang totoo. And what will he think of her kung malaman nitong nagkaroon siya noon ng fiancee despite na hindi naman annulled ang kasal nila? Will he think of her as a wayward woman? Paano kung nagsisimula pa lamang manumbalik ang magandang relasyon nila ay mapalitan iyon ng pag aalinlangan?
She shook her head. No. She will tell Xander the truth in due time. Sa ngayon ay mas kailangang manumbalik ng tuluyan ang ala-ala nito, the rest will follow after that. Kailangan lamang maalala ni Xander na mahal siya nito.
Matapos makapag ayos ay bumaba na siya ng silid. Inabutan niya si Xander na naghihintay sa kanya sa landing ng hagdan. He was looking like a modern day Greek God sa suot nitong hapit na maong at itim na leather jacket. Kagaya niya ay nakasuot din ito ng puting sneakers sa mga paa.
She secretly grinned nang makita niya ang paghagod nito ng tingin sa kanyang kabuuan sa kanyang pagbaba. Hindi maikakaila ang paghangang nakiraan sa mga mata nito.
"Kahit pa itago mo ang mukha sa dambuhalang shades, maaari ka pa ring makilala ng mga tao, you know"
"huh? Bakit naman?"
"Well, tignan mo nga ang itsura mo, you looked like a lady straight out of a magazine"
She laughed softly at bahagyang inilapit ang mukha sa binata ng makarating siya sa tapat nito "I will take that as a compliment, Mr. De Silva" pilya siyang ngumiti kay Xander.
*******
Xander frowned, his eyes raked her "This seems like deja vu. Parang nangyari na ito?"
He clearly saw a brief flashback in his head. Si Beatrix, mas bata kaysa ngayon, descending from the stairs.
I will take that as a compliment, Mr. De Silva.... didn't she say something along those lines too?
Saglit na huminto si Beatrix at tila nag isip. Pagkatapos ay nagliwanag ang mukha at namilog ang mga mata.
"You're right! Something similar to this happened before!" excited na wika nito "You see, I think it was the first day of school or something. Magkasabay tayong papasok and you were irritated because I took long getting ready" humagikgik ito at walang sabi sabing ikinawit ang mga kamay sa leeg niya "I think your memories are starting to come back!"
Hinapit niya sa baywang ang dalaga. Gago talaga siya dahil simula ng malaman niyang asawa niya ito ay parang lalong hindi niya maawat ang sariling hindi mapalapit dito. Para siyang isang gamu-gamong naaakit sa apoy sa tuwing malapit ang dalaga sa kanya. He couldn't help touching her and kissing her, and God knows how many times he had died over again upang pigilan ang sariling huwag gumawa ng higit pa sa halik kay Beatrix. But he can't let himself do anything to her na wala siyang ni anong maalala pa ukol sa asawa. It will be unfair to her. Kaya naman kahit pa anong tukso ang sumasalakay sa katawan niya na magsama na sila sa iisang silid nang umuwi sila ng San Gabriel mula Maunila, ay pinaglabanan niya. Not that he thinks Beatrix will say no, but he promised himself not to take her until he's sure of his feelings.
Eversince they came back from that visit in Manila ay napag pasyahan niyang bigyan ng tsansa ang kanilang pagsasama. Asawa niya ito and despite not remembering, alam niyang he had always been a person who makes sensible decisions at hindi siya magpapakasal sa isang taong hindi niya mahal. Hindi pa rin malinaw sa kanya ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal nila ni Frances, because Beatrix's expalantion had always been vague. Siguro ay sadyang na fall out of love lamang siya dito at na inlove kay Beatrix? Maybe it was indeed kind of a whirlwind romance?
"Are you that happy if my memories are coming back?" pinisil niya ang ilong nito.
"Of course! ang sungit mo kaya lalo kapag hindi mo pa ako naalala" she said na lumabing parang bata.
"It's because you are sticking with me like a stubborn super glue, miss"
"Pasalamat ka nga maha kita noh" bumitaw ito mula sa pagkakayapos sa leeg niya.
"Oo na nga, I'm thankful. Now, let's go at ma le-late na ako sa meeting ko"
"What?! Is this what we're using to go to Princess Luna?" nanlalaki ang mata nitong nakatingin sa itim na motorsiklo sa harapan nito.
"What's wrong with this?" he asked as he put his helmet on. Ang totoo ay matagal na niyang hindi nagagamit ang motorsiklong iyon.
"There's nothing wrong with it but...I'm kinda scared" she confessed.
Tumawa siya at iniabot ang kay Beatrix ang helmet "Wala ka bang tiwala sa akin?"
"M-meron naman p-pero..."
"Hop on. Ako'ng bahala sa iyo, okay?"
Bakas man ang kaba sa mukha nito ay sumunod ito at umangkas sa kanyang likod. Halos hindi yata siya makahinga sa higpit ng pagkakakapit nito sa katawan niya hindi pa man sila nagsisimulang umandar.
"Sweetheart, could you please loosen your grip a little bit? Baka hindi ako sa aksidente mamatay kundi sa hindi paghinga"
"Oh, sorry"
"Ready?"
Napatili pa ito ng sinimulan niyang pahaharurutin ang motorskilo.
Hindi nagtagal ay tinatahak na nila ang daan patungong Princess Luna.
"Ayos ka lang?" tanong niya rito, bahagyang nilakasan ang tinig upang marinig siya ni Beatrix.
"Yeah. I didn't know this could be quite enjoyable" ipinatong nito ang baba sa balikat niya at bahagyang hinigpitan ang pagkakayakap sa katawan niya.
Ilang sandali pa ay narating nila ang resort farm. He parked his motorcycle on the reserved parking spot malapit sa entrance ng cottage.
"whew!" masiglang hinubad ni Beatrix ang helmet at iniabot iyon sa kanya. "That was actually quite fun! Can you teach me how to drive that too?"
Naiiling niyang kinuha ang helmet mula sa asawa "kanina lang takot na takot ang ale, ngayon gusto pang magpaturo"
"Well that was my first time you know. Sa mga nagawa kong scenes laging may double kapag motorsiklo ang eskena"
"Pasahero ka na lang muna, huwag ka na munang mag aral at baka mapaano ka pa" he started walking towards the cottage.
Makulit na sumunod si Beatrix sa kanya "Sige na love...turuan mo na ako ha, okay?" hinawakan siya nito sa braso at nagpapa cute na ngumiti. Hinubad nito ang sunglasses and gave him the puppy eyes.
He stopped walking and stared at her, disbelief on his face "Daig mo pa ang dise-sais anyos na bata, Beatrix!"
"Pllleaaasse?"
He irritatedly scratched his head "Oo na! Sige na, mamaya okay?" Diyan muna tayo sa area ng manggahan na walang tao at baka mamaya makasagasa ka pa"
"Yess!!! Thank you!" mabilis nitong hinalikan ang pisngi niya at nagpatiuna ng pumasok ng gusali.
*******
"Pare, I'm glad you and Beatrix are working things out" ani Arthur sa kanya. Sinulyapan siya nito mula sa pagbabasa ng mga hawak na dokumento.
"Sa totoo lang pare, marami pa ring tanong sa isip ko"
Tumawa si Arthur "Gago ka na lang pare kapag ikaw pa ang umayaw sa isang Beatrix Montecillo. You are one lucky son of a bitch you know"
He laughed at what his friend said. Tama ito, isang malaking gago ang taong aayaw kay Beatrix. Maganda, matalino, mabait, mayaman. All in one package eka nga, ano pa ba ang ipinagdadalawang isip niya?
"Hindi naman sa hindi ko gusto si Beatrix pare, pero parang may malaking bahagi ng puzzle na hindi ko pa natutuklasan"
"Just talk to her" inabot nito ang fountain pen at nagsimulang pirmahan ang mga dokumento "Ang alam ko lang, this Princess Luna, you built this for that woman. Pero kung ano ang nilalaman niyan..." his friend pointed at his chest "...iyan ang hindi ko masasagot para sa iyo".
He sighed at sumandal sa swivel chair, ang mga mata ay nakatuon sa puting kisame. If he built this business for Beatrix, and even named it after her, isn't that proof enough that he was indeed in love with her?
Nasa ganoon siyang pag iisip ng may kumatok sa silid.
"Sir, sorry to interrupt po pero..." bungad ng receptionist niya. Magkasalubong ang kilay nito at nasa mukha ang pagkabahala.
"What is it?"
"Yung kasama niyo po kasing babae kanina sir, nasaktan raw ho sa labas"
"Ha?!" marahas siyang napatayo sa kinauupuan "anon'ng nangyari?" malakas na tanong niya at halos patakbong tinungo ang pinto. Hindi niya nakita ang pagsunod ng tingin sa kanya ng kaibigan na iiling iling.
"Xander, you bastard. You were head over heels in love with Beatrix" anito sa sarili bago ipinagpatuloy ang ginagawang paglagda.
Humahangos siya ng marating ang labas ng resort. Mula sa hindi kalayuan ay natanaw na niya si Beatrix na tinutulungang makatayo ng dalawang lalaking tauhan niya. Hindi kalayuan mula sa dalaga ay ang motorsiklong nakatumba.
Fuck! What has she done?! Nilamon ng kaba at takot ang buo niyang pagkatao. Mabilis pa sa alas quatro ang pagtakbong ginawa niya palapit sa asawa.
"Beatrix!" he called out her name in panic. Mabilis niya itong nilapitan at inalalayan. Iika-ika ito na hindi mailakad ng maayos ang kaliwang paa.
"Shit!" malakas na mura niya ng makita ang pagdurugo ng tuhod at gasgas nito maging sa mga braso "What the fuck are you doing?! Are you hurting elsewhere? Ano pa ang masakit sa iyo? Shit!" isinuklay niya ang isang kamay sa ulo.
"I-I'm okay, Xander. Baka na sprain lang itong paa ko"
"Shit!" malakas na mura niya at pinangko ang asawa.
"I... I can walk Xander...and I'm sorry about your bike" iniiwas nito ang tingin sa kanya.
"I don't fucking care about the damn bike!" malakas na asik niya rito. "You being hurt is what I fucking care about!"
"Stop cursing, pinagtitinginan ka na ng mga tauhan mo. I'm alright, really. Kaunting gasgas lang ito...Mas na hurt ang ego ko sa totoo lang" she buried her face on his neck, at naramdaman niya ang mahinang paghikbi nito.
"You silly girl!" he hissed. "Get me a room! bilis!" utos niya sa receptionist niyang nakatigagal na nakatingin sa nangyayari na animo'y nanonood ng isang pelikula.
"Y-yes , sir" mabilis itong bumalik sa resort at tumalima.
He carried her inside the resort at deretsong dinala sa silid na ibinigay ng receptionist. He very carefully laid her on the bed, at pagkatapos ay nagmamadaling kinuha ang palanggana ng tubig na may bimpo at first aid box na iniwan doon ng empleyado.
He knelt on the floor in front of her at kinuha ang binti ng dalagang may dugo. He removed her shoes at nagsimulang punasan ng basang bimpo ang binti nito.
"Ouch" medyo napaigtad si Beatrix sa hapdi.
"Shit! look at you! Ano ba ang naisip mo ha?"
"I..I thought I would surprise you if I learn on my own..."
"Muntik mo na akong patayin sa nerbyos!" mahigpit niyang hinawakan ang bukong bukong nito at ipinagpatuloy ang pagpupunas.
"X-Xander..."
"You scared me to death! Akala ko kung ano na ang nanyari sa iyo!" patuloy siya sa pagsesermon. He looked up to glance at her and saw her biting her lower lip. Her eyes looked like they were about to shed tears any time.
He can't explain why but he had the urge to comfort her. Hindi niya alam kung bakit ang makitang nasasaktan ito ay tila mayroon ding patalim na tumatarak sa kanyang puso.
Tatayo sana siya upang maupo sa tabi ng asawa ng biglang may ala-alang sumingit sa kanyang isipan...
...Beatrix was sitting on the table in the kitchen. Tangan niya ang binti nito dahil nasugatan ang paa mula sa nabasag na baso. His eyes travelled from her long, perfectly shaped legs, up to her body. Suot nito ang isang ternong pink satin na pantulog. Spaghetti strap iyon at may kaiklian ang shorts na katerno. Nakalantad sa kanyang paningin ang kagandahan ni Beatrix. He gulped. And without thinking clearly ay walang pasintabi niya itong siniil ng halik sa mga labi....
"Xander?" untag ni Beatrix sa kanya. He must've been staring into space for a few minutes.
Nag angat siyang muli ng paningin dito. His eyes surveyed her face. Tumaas bumaba ang dibdib niya sa sari-saring emosyon.
"Sorry for being careless... I-"
Without a word, he crossed the distance between them and silenced her lips with a kiss. Just like how he saw it in his memory.