webnovel

Chapter Nine

"A-are we seriously using this for our travel?" Beatrix exclaimed, hindi nailihim ang pagkadismaya sa mukha habang nakatingin sa luma at halos kinakalawang na pick-up truck na ipinarada ni Xander sa harap ng mansion.

Malakas na isinara ni Xander ang pintuan ng driver's side bago ito malapad na ngumiti sa kanya "what's wrong with my truck, princess?"

Ugh! I seriously can't believe this! Uuwi na nga lang sa probinsya, ito pa ang sasakyan?! You are seriously trying to kill me Xander de Silva! Himutok ng kalooban niya.

"kung hindi mo gustong sumakay dito, eh di huwag ka na lang sumama" anang binata at akmang muli nang sasakay sa sasakyan

"w-wait!" pigil ni Beatrix

Xander paused to look at her, mukhang naiinip ito sa susunod niyang sasabihin.

"I- I will ask the maids to bring down my luggage" mahinang wika niya

Muling isinara ni Xander ang pintuan ng sasakyan at nilapitan siya. He stopped inches away from her, his eyes intently surveying her face, at kagaya ng dati ay parang naghahabulan na naman ang daga sa dibdib ni Beatrix sa pagkakalapit nito sa kanya.

"ayoko ng babaeng mareklamo" he whispered to her bago tuluyang pumasok sa mansion.

Sinundan ito ng tingin ni Beatrix. You can't make me give up this easy Xander! I will latch on to this marriage whether you like it or not! Nagdadabog na sinundan niya ito sa kabahayan.

*****

"Ah! My son in law is here!" bati ni Emilio sa kanya nang makita siya. Agad siyang lumapit dito upang magalang na magmano. He admires the old man kahit pa galit siya sa bunsong anak nito dahil sa panlilinlang nito sa kanya.

"Hindi ko na ba mababago ang isip mo sa pag uwi sa San Gabriel?" tanong ni Emilio sa manugang "you know the VP position at Montecillo Holdings is still waiting for you" muling alok nito at tinapik si Xander sa balikat.

He smiled at his father in law "hindi naman ho related ang kursong tinapos ko para sa posisyon na yan, tito"

"Papa. Call me papa from now on, Xander" pagtatama ng matandang lalaki sa kanya "kahit pa hindi related ang kurso mo, natitiyak kong madali mong matutunanan ang pamamalakad sa negosyo. May tiwala ako sa'yo"

Xander chuckled "Salamat ho sa tiwala, pero mas nais ko ho sanang magsimula sa ibaba at magkaroon ng kabuhayan sa sarili kong pagsisikap"

"ah! That foolish pride!" nailing na sagot ng biyenan

Natawa si Xander. Ang totoo ay hindi iilang ulit siyang pinilit kumbinsihin ng ama ni Beatrix na kuhanin ang posisyon ng Vice President sa kumpanya nito kahit pa malayo sa kurso niyang Agricultural Engineering ang role na iniaalok nito. Alam niyang isa sa dahilan ay upang maiwasan ang inianunsyo niyang pag-uwi at paninirahan nila ni Beatrix sa San Gabriel. Hindi rin naman niya masisi si Emilio pagkat malaking pagbabago para sa mga Montecillo ang mapalayo and unica hija ng mga ito.

Ilang buwan na ang nakalipas mula ng ikasal sila ni Beatrix, ngunit tila walang masyadong nagbago sa kanilang estado, bukod sa kapirasong papel na kanilang pinirmahan ng araw na iyon. Beatrix continued to live with her parents until the semester is over for both of them, dahil siya ay nanatiling nangungupahan sa boarding house.

Naipagpasalamat niyang hindi na ipinilit ng mga magulang ng dalaga na patirahin sila sa isa sa mga bahay ng mga ito sa Maynila, ang totoo kasi ay iniiwasan niyang makahalubilo ang dalaga magmula ng insidente sa pagitan nilang dalawa sa gabi ng kasal nila, kaya't maging sa unibersidad ay iniiwasan niya ito. He knows she is probably very pissed off by now, dahil maliban sa pagbisita niya sa mansion once a week ay halos hindi niya ito kinokontak man lang. Well princess, not everything will go as you wish...

"huwag ho kayong mag alala. Hindi ko ho hahayaang magutom si Beatrix" biro niya rito

Tumikhim si Emilio at seryoso siyang tinignan "about that, hijo..." Emilio paused na para bang iniisip mabuti ang susunod na sasaihin "I know Beatrix is spoiled. Sana ay bahala ka ng pagpasensyhan ang asawa mo.." the old man sighed "at sana ay matutunan mo ring mahalin ang anak ko..."

Hindi agad nakasagot si Xander sa tinuran ng matandang lalaki, nakita niya ang pakiusap sa mga mata nito.

"pagsisikapan ko pong maging mabuting asawa, sa abot ng aking makakaya"

"iba ang pagiging mabuting asawa sa pagmamahal ng isang asawa, Xander"

Tumiim ang bagang niya. Hindi niya kayang ipangako ang pagmamahal. Ginawa na niya ang nais ng mga ito - pinakasalan niya si Beatrix kahit pa alam niyang hindi tama. Ibinigay niya ang pangalan dito at sisikapin niyang maging mabuting asawa sa babae, hindi ba kalabisan na ang hilinging ibigay niya maging ang puso niya rito?

Matapos makapag paalam sa mga magulang at kapatid ay mabibigat ang mga paa ni Beatrix na sumakay sa dala niyang lumang truck. Gusto niyang matawang maawa rito nang hindi nito malaman kung paano uupo upang hindi madikit sa gilid ng pintuan ng sasakyan na may kalawang. Ubod ng ingat nitong hinatak ang lumang seatbelt upang isuot, tila diring diri ito at parang matetetano.

He watched her in amusement as she spent a few minutes trying to put it on. Nang hindi na siya makatiis ay dumukwang siya rito mula sa kinauupuan at kinuha mula rito ang seatbelt upang ikabit. He heard her draw a deep breath nang ilapit niya ang katawan dito. Napatingin siya kay Beatrix, wala pa siyang ginagawa rito but her face already looks flushed, bahagyang namumula ang mga pisngi nito. His gaze unknowingly travelled to her lips, at hindi niya alam kung bakit bigla ang pagsagi sa kanyang ala-ala ng mga halik na iginawad niya sa mga labing iyon.

Beatrix gulped "is it done?" tanong nito

Tila natauhan si Xander at agad na inilapat ang dulo ng seatbelt upang i-secure iyon. He cleared his throat bago muling umayos ng posisyon sa pagmamaneho. He discreetly shook his head. Damn it! What's wrong with you Xander? he silently cursed himself.

Sa loob ng limang oras na biyahe ay halos hindi magkibuan ang dalawa. Maliban sa manaka nakang tanong ni Beatrix ukol sa ilang mga nakikita nito sa daan ay nanatili itong tahimik o kaya naman ay nakatuon ang atensyon sa screen ng telepono nito. Gusto niyang mapailing sa hindi mabilang na selfie na kinuha nito habang biyahe.

"nagugutom ka ba?" pagkuway tanong niya rito, bahagyang nilingon ang dalaga.

"a little" she replied "bakit? may restaurant ba on the way? matagal pa ba tayo?" sunod sunod na tanong nito

"restaurant? wala. Karinderya, meron. Mga isang oras na lang at nasa San Gabriel na tayo" he glanced at her "dati kang umuuwi sa San Gabriel, hindi mo ba natatandaan ang byahe?"

"I don't really pay attention. I mostly sleep in the car. And what's a carinderia?"

Malakas na tumawa si Xander na mukhang ikinagulat ni Beatrix.

"what's so funny?" she asked, looking confused

"hindi ko lang mapaniwalaang hindi mo alam kung ano ang karinderya, your highness" nakangising sagot niya. The pampered princess doesn't know what a damn eatery is!

"well... I've never been to one" taas noong sagot nito

"Should I take you to one then? may madalas kaming kinakainan ni Frances dito kapag lumuluwas kami ng Mayni-"

"Forget it! I don't want to try it! hindi ako gutom!" salubong ang kilay na putol nito sa sinasabi niya. Humalukipkip ito at ipinikit ang mga mata.

Nilingon niya ito. He did not mean to say that but it accidentally slipped off his lips. Bumuntong hininga siya. It felt like yesterday when he met that lovely innocent girl in San Gabriel. She must have been 9 or 10 years old, habang siya noon ay isang kinse anyos na binatilyong probinsya. Sa batang mata niya noon ay tila ito isang prinsesa - she had the fairest, silkiest skin na nasilayan niya sa tanang buhay niya, cute ang ilong nito at maamo ang mga matang may malalantik na pilik mata. She had small lips like cherry and two small dimples showed when she smiled. He instantly felt protective towards the girl, na ipinakilala ng kanyang mga magulang bilang unica hija ng kanilang kaibigang may ari ng mansiong pinangangalagaan ng mga ito. Kaya naman palagi ay tila siya tagapag bantay nito sa tuwing umuuwi ang mga ito sa probinsya upang magbakasyon. Parati ay tatlo sila ng kuya nitong si Zachary na magkakasama sa pamamasyal sa bayang iyon, sa mga taniman at maging sa pamimitas ng mga prutas. He smiled as he remembered those fond childhood memories.

He glimpsed at Beatrix again. That little girl was gone, at sa halip ay isang napakagandang dalaga ngayon ang nasa kanyang harapan... na ngayon ay kanya ng asawa. Kung tutuusin ay hibang na siguro siya upang magalit at itaboy palayo ang isang Beatrix Luna Montecillo. Tunay na kakaibang ganda at pang akit ang taglay nito, kaya naman isa ito sa pinaka hinahangaan sa campus. Sa ibang pagkakataon ay dapat ngang maging masaya siya, na sa dinami-rami ng mga nagkakagusto rito ay sinabi ng dalagang siya ang gusto at mahal nito. Still, hindi niya maialis sa isip ang panloloko nito sa kanya, ang pagiging makasarili, makuha lamang ang gusto. Muli ang pagkulimlim ng kanyang mukha sa kaisipang iyon.

*****

Nagising si Beatrix sa mahinang pagyugyog sa kanyang balikat. She slowly opened her eyes, feeling a little bit disoriented.

"we're here" anang baritonong tinig sa kanya.

Umayos siya ng pagkakaupo at agad naramdaman ang pananakit ng likod. God! ang tigas naman kase ng upuan! She silently protested.

Iginala niya ang mata sa paligid, nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Agad niyang natanaw ang nagtataasang mga puno ng niyog at iba't ibang luntiang halaman sa paligid, sumasayaw ang mga ito sa ihip ng hangin. Hindi man niya gustong aminin ay bigla niyang naramdaman ang pananabik sa sariwang hanging at tanawin ng San Gabriel. Nauna si Xander na bumaba ng sasakyan upang isa isang kuhanin mula sa likod ng pick-up ang kanilang mga maleta.

Beatrix pushed open the passenger door, sabik na nilanghap ang sariwang hanging humampas sa kanyang mukha. She closed her eyes and smiled. At least this is one thing she likes about the province, ang ganito kasariwang hangin ay hindi mo masasamyo saan man sa siyudad.

Dahan dahan siyang bumaba ng sasakyan, only for her feet to touch something mushy as soon as they landed on the ground.

What the?!? she slowly looked at her feet and shrieked.

Patakbo siyang nilapitan ni Xander ng marinig ang tili niya.

"what's wrong? what happened?" he asked, nasa tinig ang pag aalala.

"oh God!" lalong lumalim ang kunot ng kanyang noo, tila maiiyak na siya.

"what is it princess?! ano'ng nangyari?" hinawakan nito ang magkabilang balikat niya at sinuyod siya ng tingin hanggang sa likuran niya "are you hurt?"

"I...I stepped on...poop!" she exclaimed, nag init ang kanyang mga mata. Dear God! kadarating lang niya! heto at sa taeng kalabaw pa siya naapak agad?!

"Shit!" malakas na mura ni Xander. Nasa mga mata nito ang galit "did you want to scare me to death?!" asik nito sa kanya

"nagagalit ka pa ako na nga itong minalas!" she looked down at the Chanel espadrilles she was wearing, her designer shoes are now covered in dark brown, stinky, cow poop!

"papatayin mo ako sa takot! akala ko kung napaano ka na!" galit na wika ni Xander sa kanya

"well this is horrifying! what do you expect me to do?" tuluyan na siyang naiyak dahil sinisigawan pa siya nito.

Namaywang si Xander at tumingala sa langit na tila ba pinipilit kontrolin ang galit. After a few seconds ay muling ibinalik nito ang tingin sa kanya "okay. Remove your shoes, princess" he commanded

"what?! balak mo akong paglakaring naka paa sa mabatong daan na yan?" she looked at the road leading to the house with a horror in her eyes. Hindi man lamang simentado ang daan at maraming maliliit na mga batong nakasabog doon.

"Tsk!" Xander crossed the small distance between them and scooped her in his arms without warning. Napatili siya sa gulat sa ginawa nito. Her arms wound around his neck sa takot niyang mahulog.

"paki hubad niyo na po ang sapatos ninyo, mahal na prinsesa" anito

Halos hindi narinig ni Beatrix ang sinabi nito dahil parang nabudol na naman siya sa pagkakatitig sa guwapong mukha nito. Kahit naiinis ito at nakasimangot ay lalo lamang yatang nakadaragdag sa kagandahang lalaki nito. Her heart thundered in her chest, halos mabingi siya sa pagwawala ng puso niya.

"I said remove them-" he said again, as he looked down to see her face. Nakita ni Beatrix na natigilan ito, their eyes locked, and for her, it's as if the world spun a little slower than usual. All of a sudden, pakiramdam niya ay sila lamang dalawa ang tao sa bandang iyon ng mundo.

Inilapit ni Xander ang mukha sa kanya, so close that she smelt his breath. Agad na bumalik sa kanyang isip ang mga labing iyon na minsan ay mainit na inangkin ang mga labi niya.

Please kiss me again Xander. Piping dalangin ng puso niya.

Lakas loob niyang bahagya pang inilapit ang sariling labi sa asawa, almost touching but not kissing. One of her hands moved to his cheek to gently touch his face, she then let it slid down to his chest. Her palm felt his heartbeat - malakas, na tila rin isang drum na kumakabog sa dibdib nito.

"Xander..."

Just when she thought he would kiss her, ay walang warning siya nitong muling ibinaba mula sa mga braso nito. Mabuway siyang tumayo at napakapit sa sasakyang nasa gilid nila to support herself.

"I think you can walk on your own" malamig na wika nito at muling dinampot ang mga bag na dala. Walang lingon likod nitong tinahak ang daan patungong bahay, leaving her behind.

Hindi agad nakabawi si Beatrix, ni hindi na niya napansin ang sapatos na nangangamoy sa mga paa. She placed her hand on her chest at sunod sunod ang ginawang pagsinghap ng hangin upang kalmahin ang puso.

Inis na sinundan niya ng tingin ang binata. Cold, heartless bastard!

Chương tiếp theo