webnovel

Chapter Five

Chapter 5

--

Year 1832

-Espina-

Pabalik na kami ng aking asawa sa aming tahanan, tinatahak na namin ang daan papunta roon.

Nasa bungad na kami at malapit na nang tumigil ang kalesa. Nagtaka ako kaya nagtanong ako kay lenor

"anong nangyayare lenor? bakit ka huminto?"

"nandito ang reyna, espina" nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi ni lenor. Bigla akong kinabahan, parang gusto kong wag na kaming tumuloy ni lenor at bumalik kay marina

"a-anong gagawin natin l-lenor?" huminga siya ng malalim at tumingin sa akin sabay hawak ng aking kamay at ito ay hinagkan

"tutuloy tayo" kinakabahan akong tumango at saka siya nagpatuloy. Nang makababa na kami ay sumalubong sa amin ang nakangiting reyna.

"kanina pa namin kayong hinihintay lenor at espina. Nais ko sanang makita ang aking anak" Napatingin ako sa likod niya, nasa sampung kawal ang kasama niya gamit ang karwahe ng palasyo.

"ahh g-ganoon po b-ba? nandiyan ba ang h-hari mahal na r-reyna?" ngumiti sa akin ang reyna at umiling. Salamat naman!

"wag kang mag-alala espina hindi malalaman ng asawa ko na nasa inyo si linhary, tumutupad ako sa usapan" sabi ng reyna na ikinatigalgal ko, nakokonsensiya ako.

Nakokonsensiya ako sa pagkawala ng mahal na prinsesa, nakokonsensiya ako dahil alam kong magiging malungkot ang reyna. Baka, baka pa magalit ito sa amin ni lenor! Nagsisisis ako na hindi ko siya isinama sa pagpunta sa kaniyang mahal na ina gayong nagpupumilit siyang sumama sakin nuong nakaraang araw.

Ako'y lubhang naiinis sa aking sarili!! baka mapahamak kami ni lenor!! dapat sinama na lang namin ang prinsesa!! sana, sana nandito pa siya!! wala na sanang prolema!! argh!

"a-ahh.. gusto niyo po bang pumasok m-muna?" pag-aalok ni lenor sa reyna. Tumingin sa akin si lenor at ngumiti kaya ngumiti din ako, kahit pilit

"ikinagagalak ko" natutuwang sabi ng reyna kaya't inuksan namin ang pintuan at pinaupo ang reyna. Hinandugan namin siya ng isang miryenda pati nadin ang mga kawal

"kamusta na nga pala ang mahal kong anak?? nasaan na ba siya?? gusto ko na siyang makita" napatingin ako kay lenor ganun din si lenor sa akin.

"a-ahh k-kase mahal na r-reyna ang prinsesa a-ay.... ay" kinakabahan ako, pano kapag nalaman niya? baka ipatapon kami sa malayong lugar at mapunta sa masamang mahika!

"ay ano espina?" napatingin ulit ako kay lenor, tumango lang siya sa akin. Huminga ako ng malalim, kailangang malaman ng reyna ang katotohanan. Karapatan niya iyon

"nawawala po ang prinsesa mahal na reyna, patawad!" sabi ko sabay yuko at luhod sa kaniya.

"nasaan ang anak ko?" ang kaninang nagagalak na tono ng reyna ay biglang naglaho at naging malamig ang kaniyang tono.

"h-hindi po namin a-alam"

"sinungaling!! isang hangal!!" biglang napatayo ang reyna na ikinagulat ko. Napatayo narin ako.

"patawad mahal na reyna. pagbalik namin galing sa palasyo ay wala na ang prinsesa" naiiyak kong sabi

"nagpunta ako dito dahil nalaman kong nawawala ang aking anak! sinabi sa akin ni marina ito!! sabihin mo nasaan ang aking anak!"

"mahal na r-reyna sa palagay namin ay napunta siya sa...ibang panahon" nakita ko ang pagkuyom ng kamao ng reyna, nag-apoy ito! napatingin ako sa reyna at nakita kong kulay pula na ang mata nito

"inaasahan kong magiging mabuti ang kalagayan ng anak ko sa inyo espina!! bakit niyo siya pinabayaan!!" nag apoy nadin ang kalahating buhok ng reyna.

"h-hindi po namin siya p-pinabayaan mahal na reyna, sa katunayan hinala namin ay kasama ng prinsesa si eli"

"puro lang kayo hinala?!! ibalik niyo ang anak ko!! bibigyan ko kayo ng apat na araw! kapag hindi mo siya naibalik, mamamatay ang iyong asawa..... at pati narin ikaw" nanlaki ang aking mata sa kaniyang sinabi

"mahal na reyna" nagmamakaawa kong sabi. Imposibleng aibalik namin ang prinsesa sa loob ng apat na araw! lalo na at nasa ibang panahon ang prinsesa!

"sapat na ang apat na araw espina, hihiramin ko muna ang asawa mo para hindi ka makatakas" Biglang pumasok ang mga kawal at hinawakan si lenor. Napatingin ako kay lenor, nag-aalala siya

"mahal na reyna.. hindi ako tatakas pangako! wag niyo lang isama ang aking asawa! mas maganda kung sabay kaming maghahanap para mas lalong dumali ang aming paghahanap!"

"ayoko ng magtiwala espina, pinagbigyan na kita" sabi ng reyna at nawala na ang apoy sa kaniyang mga kamay at buhok. Tumalikod na siya at akmang aalis na kasama ang aking asawa ng pigilan ko sila gamit ang pinagalaw kong halaman

"ESPINA!! HUWAG!!" sigaw sa akin ni lenor. Wala akong magagawa, kailangan kong lumaban

Tumaob ang kanilang karwahe, nagpagalaw pa ako ng mga halaman at isa isang itinaas ang mga kawal na dala ng reyna.

"pakawalan mo ang aking asawa mahal na reyna!! kung hindi papatayin ko ang mga kawal!!" Lumabas ang reyna sa tumaob na karwahe na nag-aapoy ang uong katawan.

"HINDI!!" malakas niyang sigaw at nagpaulan ng apoy papunta sa akin. Nagpagalaw ako ng ilan pang halaman at ginawang kweba pang harang ngunit nasunog ang halaman dahil sa paulit ulit niyang pagpapaulan ng apoy.

Gumawa ako ng isang espada mula sa halaman na nakakabit sa aking kanang kamay at sinugod ang reyna. Hindi kumibo ang reyna sa pwesto niya at tumigil siya sa pagpapaulan ng apoy. Naguluhan man ay wala akong pakealam!

Sasaksakin ko na sana siya ng bigla siyang lumipad. Nakatungtong siya sa bilog na kapiraso ng lupa at sa ilalim noon ay may apoy.

Nagulat ako pero diko pinahalata, tutal ay mayroon namang lupa sa kaniyang inaapakan ay nagpagalaw ako ng halaman at ipinulupot ko ito sa paa niya ngunit nasunog lang ito!! argh!

Lugi ako!! napatingin ako kay lenor na hindi makaibo dahil nasugatan siya sa pagtaob ng karwahe. Kailangan kong talunin ang mahal na reyna upang hindi malayo sa akin si lenor!

Tiningnan ko ang reyna at saka nagpagalaw ng malalaking ugat ng puno, pinatilos ko ang mga dulo nito at saka ko kinumpas ang aking kamay. Nagsigalaw ang mga ugat at paulit ulit na sinusubukang tamaan ang reyna.

Tanging pag-iwas lang ang ginagawa ng reyna hanggang sa masugatan siya sa kaniyang balikat ng isa sa aking ugat na pinagalaw. Ewan ko pero kahit nasugatan na ang reyna ay nakangiti padin siya!

Tumulo ang dugo niya, bago pa ito pumatak sa lupa ay nagliyab ito na ikinalaki ng mata ko. Mabilis akong nagpagalaw ng malaking ugat mula sa ilali ng lupa para saluhin ito at hindi malaglag sa lupa ngunit tumagos ito sa aking ginawa at nasunog ang ugat na aking ginawa!

Pumatak ang dugong nagliliyab sa lupa dahilan upang masunog ang buong puno at halaman sa paligid. Nagliliyab na ito!

Isa na lang ang paraan! gaya ng alaga kong si eli ay nagsummon ako. Mga maliliit na nilalang na parang bubuyog na kapag dumampo sayo ay magdadala ng labis na lason.

"SuUGOD!!" utos ko pero bago pa makasugod ay natamaan na ako ng isang bolang apoy ng reyna (fire ball) kaya napahiga ako

"ESPINA!!" umuubong napatingin ako sa aking asawa at ngumite, hindi pa ako mamamatay dahil hindi naman ganoon kalakas ang ibinigay sa akin ng reyna, marahil ay gusto pa niya akong buhayin

"hindi ka mananalo sa isang katulad ko espina. Isa kang ordinaryo, bibigyan ulit kita ng pagkakataon. Hanapin mo ang anak ko at ibabalik ko ang asawa mo" sabi sakin ng reyna at hinawakan ang makakapal na halaman na nakapulupot sa mga kawal. Nagliyab iyon dahilan para makaalpas ang mga kawal.

"ang apat na araw ay magsisimula bukas" sabi ng reyna at walang kahirap hirap na itinayo ang karwahe at saka nila ako nilisan.

Napahagulhol na lang ako, mahal kong asawa babawiin kita.

--

Present Day----2019

-Ashtonn-

Dahil sa inis ko kay taong gubat umuwi na lang kami at nag-order na lang ako online para naman hindi na makapang gulo pa etong taong gubat nato! peste sa buhay!! argh!

"comissa----"

"huwag kang magsalita! ayaw kitang makausap!" sabi ko habang hindi tumitingin sa kaniya. Nakaorder na ako ng bagong t.v. na katulad na katulad ng t.v. naming nasira at cellphone ko na din.

Habang nagla-laptop ay bigla na lang may nagdoor bell, tiningnan ko ang wrist watch ko. Hmmm ang bilis namang duating ng inorder ko? napatingin ulit ako sa laptop ko

Bukas pa dapat ang dating, bakit nandito na? It's 3:45 pm na and.......wait

Loading...

Shit!!! baka si ley yon!! Mabilis akong pumunta sa pintuan para pigilan ang isa naming katulong sa pagbubukas nito

"ako na" sabi ko kaya tumango naman siya at umalis na. Nagdoorbell ulit yung nasa labas at mukhang sisirain na niya yung door bell!! shit si ley nga yon! agad akong napatingin kay taong gubat na nakakunot ang nuo habang naka upo sa couch

"hoy taong gubat!" tumingin siya sakin

"ginoong comissan ano iyong naririnig kong tunog??"

"umakyat ka sa kwarto mo!!" sabi ko na hindi niya sinunod. Lintek! binuksan ko ang pintuan at tinanaw ang nasa labas ng gate. Si ashley nga!! kasama sina luke!! shit! bawal nilang makita si taong gubat! pamihadong isusumbong nila ako kay mom!!

"hehehe SAGLIT LANG!!" sigaw ko sa kanila at sinarado ang pintuan. Madali akong pumunta sa pwesto ni taong gubat at hinila siya papunta sa kwarto niya

"ginoong comissan bakit?" nagtataka niyang tanong sa akin ng makarating na kami sa kwarto niya

"wala, basta wag kang lalabas ng kwarto mo hanggat hindi ko sinasabi ha?" tumango naman siya sakin

"good at kapag naman may bumukas ng pintuan nitong kwarto mo kahit hindi mo pa nakikita kung sino ang bubukas magtago kana kung saan pwedeng magtago. naintindihan mo ba?"

"oo comissan"

"good sige alis nako"

"saglit" napatigil ako at napalingon sa kaniya

"bakit?"

"ano yong 'good'?" napailing na lang ako

"mamaya ko na sasabihin basta wag kang lalabas diyan okay?"

"sige!" sabi niya kaya sinara ko na ang pinto at nagmadaling lumabas at pinagbukasan ng gate sina ashley, rain, yuan at luke

"bakit ang tagal mo ha?! naiinip na ko ha!!" gigil na sabi ni ashley o tawagin ko na lang sa kaniyang palayaw na Ley.

"hehe sorry na may tinapos lang ako hehe" sabi sabay kamot sa ulo ko

"at ano namang tinapos mo?" tanong ni luke

"ahm ano.. yung paglalaro ko hehe" sabay kamot ko ulit ng ulo ko

"tsk! mas inuna mo pa ang candy crush mo kesa samin? papasok nga!" sabi ni ley kaya pinapasok ko sila sa bahay

"nasaan na yung t.v. niyo?"nagtatakang tanong ni rain

"ahh yun? pinapaltan ko hehe luma na ehh"

"ahhh mapera ka ha" napakamot na lang ako sa ulo ko. napansin ko naman na naka uniform padin sila

"naka uniform ata kayo? dito kayo agad pumunta samin?"

"oo! bigla bigla ka kaseng nawala sa paglilibot kanina sa museum! tapos umabsent kapa! ano bang nangyare ha?" tanong ni ley habang prenteng nakaupo sa couch

"ahh sumama lang ang pakiramdam ko"

"tinawagan ka namin hindi ka sumasagot" sabi ni yuan habang nakatutok sa cellphone niya

"ahh.. nasira kase hehe nabitawan ko ayun basag" napatango tango lang sila.

"by the way may group project pala tayo sa science and as usual tayong lima ang magkakagroup mates. Bukas na ang pasa kaya napagdesisyonan namin na dito matulog sa inyo" sabi ni rain na ikinalaki ng mata ko

NO WAY!! baka makita nila si taong gubat!!

"ha? bakit hindi nalang kina luke?"

"mag-o-overnight kase ang friends nina ate sa house kaya hindi pwede" sabi ni luke

"kina yuan?"

"ayoko" maikling saad niya. Bwiset!! dito pa talaga ha?

"umuwi muna kayo at magpalit nakauniform pa kayo ohh" sabi ko para naman maalis ko si taong gubat dito

"no.. meron kaming dalang damit, sa dati kong kwarto ako matutulog ha?" sabi ni ley at nagpunta ng hagdan. Jusko po! nandun pa naman si taong gubat!

"ay hindi pwede ley!!!"

"at bakit??"

"kase ang pangit mo.. bumalik ka na doon sa couch at umupo, pag-uusapan natin ang project natin" sabi ko at pinatalikod ko siya sabay tulak

"saan ako matutulog?"

"sa guest room kayong lahat! wag ka na mag-inarte! tungkol saan ba ang gagawing project ha?" pagliligoy ko

"kainis naman!" sabi ni ley at inis na umupo. Nagpahanda ako ng meryenda para sa kanila, nakakahiya naman kase sa kanila

Napag-usapan na rin namin ang gagawin namin. Ang gawain ko lang ay magresearch para sa gagawin naming video project. Mga examples para magkaroon ng idea ganon

"sir si ms. linhary po dadalhan ko rin ba?" tanong ni yaya melinda na ikinalaki ng mata ko. Napatingin ako sa mga kaibigan ko at lahat sila ay takang nakatingin sa akin

Shet na malagket

"who is linhary? ash?" tanong ni rain na hindi ko nasagot. Shete naman yaya melinda!! wrong timing ka!

"oh my god ash! nag-uwi ka ba ng babae dito sa house niyo? isusumbong kita kay tita!!" sabi ni ley at akmang tatawagan na si mom ng kuhanin ko ang phone niya at inoff

"hey!"

"wala yung linhary na yon! bago naming aso yon!" dahilan ko at saka ibinigay kay ley ang cellphone niya. Naniwala naman sila kaya napahinga ako ng maluwag.