webnovel

Chapter 14

"Yesha, anong ginagawa mo r'yan?"

Napalingon si Yesha kay Ken na nakatayo hindi kalayuan sa tinutung-tungan niyang mataas na upuan habang hawak ang Cellphone. Bahagya ata siyang nakatingkayad upang maghanap ng signal. "Naghahanap ng signal para ma-text si Kalix."

"Alam mo, kahit pumunta ka pa sa bobong ng mansion na 'to wala kang masasagap na signal for your phone. Don't worry, naibigay ko na sa kanya ang address at direksyon papaunta rito. Hindi 'yon maliligaw," sabi ni Ken.

Napabuntong-hininga na lang siya bago nag desisyon na bumaba. At nang lumapat ang buong talampakan niya sa ibabaw ng mataas na upuan, nagsimula itong gumalaw-galaw dahilan para mawalan siya ng balance. "Shoot! Not again—"

"I got you, baby!"

Dahan-dahan niyang inalis ang mga palad sa pagkatakip sa kanyang mukha. Nakangiti at gwapong mukha ni Ken ang bumungad sa paningin niya. Naramdaman na naman niya ang pag-init ng mga pisngi niya sa pagtama ng mga mata nilang dalawa. Feeling niya parang silang nasa isang commercial ng toothpaste dahil sa ganda ng ngiti nito.

"Kahit kalian talaga ang clumsy mo. Paano na lang kapag hindi ako ang kasama mo?"

"P-Pwede mo na ako ibaba."

Nagsisimula na naman niyang maramdaman ang kakaibang tibok ng puso niya. Kung bakit kasi ang lakas mag paka-super hero nitong si Ken kapag kasama niya. Pakiramdam niya tuloy ay nilikha ang beking ito upang saluhin siya sa mga clumsiness niya.

"Waley man lang ba akes na kiss d'yan bilang pa thank you?" sabi pa nito nang maibaba siya.

"Nakakadiri ka, Ken!" bahagya niya itong itinulak kasabay ng pagtawa sa inaarte ng beki. Hindi kasi siya sanay na umaarte itong bakla.

"Just kidding. Baka mabuntal pa ako ni Papsy pag narinig niya ako na ganito. Tara na." hinawakan ni Ken ang kamany niya. "Baka kanina pa tayo hinahanap nina Mamita."

Hindi na siya nakatanggi sumunod kay Ken na nagsimulang maglakad papasok ng bahay. Pakiramdam niya tuloy ngayon, sa tuwing kasama niya ito ay safe na safe siya. 'Yong pakiramdam na kahit kalian, hindi pa niya naramdaman noon. Kahit noong kasama niya si Kalix.

"Ang ganda naman talaga ng girlfriend mo, Ken," sabi ni Tita Arlyn na isa sa mga bisita sa gabi ng ikalawang selebrasyon ng kaarawan ni Mamita. Kaedaran ito ng mommy ni Ken na hindi nakasunod ng Cebu dahil sa negosyo sa maynila.

"Alam niyo naman, Tita, na pihikan sina Mamita. Baka itakwil ako nila Papsy, mahirap na. Mabuti na nabilog ko pa ang ulo nitong si Yesha."

"Grabe ka naman!" natatawang singhal ni Yesha.

Kung gaano kabongga ang party na ginanap noon sa hotel ay triple ang bongga ngayon dito sa Cebu. Siguro dahil andito ang karamihan sa mga kamag-anak ng pamilya ni Ken. At kagaya ng dati, si Ken ang pumili at namili ng lahat ng susuotin niya para sa gabing ito. Hindi niya nahalos makilala ang sarili sa sobrang ganda ng maayusan ng kakilala nitong bakla na nagmamay-ari ng parlor malapit sa mansion.

"Ngayon pa lang nae-excite na akong makita ang magiging little Ken o little Yesha ng pamilya Refariz. Hindi mo lang kasi alam kung gaano katagal kaming mga taga rito na mag hihintay na ipakilala ni Ken ang babaeng papakasalan niya at magdadala ng apelyido ng pamilya."

"Ako naman po, medyo kinakabahan na," sabi ni Yesha na totoo naman na kinakabahan.

Kahit kalian kasi ay hindi pa siya nakasama sa usapan ng sariling kasalan ang topic. Noon siguro sa kanila ni Kalix na alam niyang biruan lang. Ngayon kasi, alam niyang lahat ng tao sa paligid nila ay seryoso ang tingin sa relasyon na namamagitan sa kanila ni Ken.

"Kinakabahan ka?, Yesha?" nagtatakang tanong ni Tita Arlyn.

"Hmm ang ibig niyang sabihin,Tita, na e-excite na siya kapag kasal ang pinag-uusapan," paliwanag ni Ken na bahagyang pinisil ang hawak na kamay ni Yesha. "Right? Baby,"

"Yes! Of course. Excited talaga ako, baby," biglang sagot niya na may matamis na ngiti. "Baby, kukuha lang ako ng mai-inom."

"I'll get one for you."

"Ako na'ng bahala. Mukha may paparating ka pang mga bisita na kailangan mong aasikasuhin," sagot niya nang makita ang paparating na mga bagong bisita na halos kaedaran nila bago bumaling kay Tita Arlyn. "Excuse lang, Tita," paalam niya bago bumitaw sa kamay ni Ken at naglakad papunta sa mahabang mesa na puno ng pagkain at inumin.

Hindi naman talaga siya na u-uhaw. Gusto niya lang takasan muna ang usapang kasalan. Kahit alam niyang nagpapanggap lang silang dalawa ay hindi niya alam kung bakit gano'n na lamang ang epekto no'n sa kanya.Parang totoong-totoo ang kaba na umaatake sa dibdib niya.

"So, ikaw pala ang popular girlfriend/ fiancee ni Ken?"

Nalingunan niya ang isang matangkad na babae na parang pang-beauty queen ang ayos, katawan at ganda.

"I'm Monica Valeza, Ken's girlfriend for six years. Oops! I'm sorry. I mean, ex-girlfriend," sabi nito at saka inilahad ang kamay. Parang may paghahamon ang tingin nito at tuno ng pananalita.

Ininom muna ni Yesha ang alak na nasa kupita bago inabot ang kamay nito. "I'm Yesha Aragaki, Yesha na lang ang itawag mo sa'kin."

"Nice meeting you, Yesha," sabi ni Monica ng mabitawan na ang kamay niya. "Maganda naman pala talaga ang ipinalit sa akin ni Ken. Medyo nakulanagan lang sa…" sabi nito at saka nagsimulang tingnan siya mula ulo at saglit na huminto sa may dibdib bago ibinaba ang tingin hanggang sa kanyang paa. " Sa height…"

Napataas na ang isang kilay niya sa sinabing 'yon ni Monica. Alam niyang pinagpala ito sa dibdib pero hindi naman 'yon dahilan upag hamakin nito ang sa kanya. Kahit pa height ang huling salitang binitawan nito ay sigurado siyang ang dibdib niya ang tinutukoy ng kausap.

"Hi, Monica!"

At bago pa siya nakasagot sa nanlalait sa dibdib niya ay naramdaman na niya ang kamay ng bagong dating na si Ken sa may baywang niya. Nakaramdam na naman siya ng pagkailang na para bang hindi beki ang nagmamay-ari ng kamay na nakahawak sa kanya ngayon.

"nagkakilala na pala kayo ng baby ko."

"Hi, Ken," tugon ni Monica na malandi pang humalik sa pisngi ni Ken na kina-inis niya bigla. "Good to know na naka-move on ka na sa akin. It's been, how many years na nga? Two? Three?"

"Four years and two months to be exact, Monica."

"Oh? Four years and two months at ngayon ka lang naka move-on? Good for you, Ken."

"Good for me talaga, right? I owe everything kay Yesha. Pinaramdam niya kasi sa akin kung gaano kasarap magmahal at mahalin ng totoo. 'Yong walang halong panloloko at walang salawahan. 'Yong tipong kahit kaming dalawa lang ang magkasama ay ok na, masaya na kami. Kahit walang malaking plano para sa future. Walang material na bagay ang kailangan ibigay. 'Yong puro pagmamahal lang sapat na. Pina-realize niya sa akin na kung ano ang love… kung ano ang true love…"

Hindi niya napansin na nakatingin na pala siya sa mukha ni Ken na kababakasan ng pagkaseryoso. Parang tumatagos sa dibdib niya ang bawat salitang binitawan nito. Parang totoo.

"Si Yesha lang ang nagparamdam sa akin na kung mahal mo ang isang tao, dapat hindi ka na magiging mapaghanap. Dapat hindi ka nang i-iwan sa ere. Dapat marunong kang makuntento sa pagmamahal na meron kayo para sa isa't-isa." Dugtong pa ni Ken.

Halata naming naapektuhan si Monica sa mga sinabi ni Ken. Saglit kasi siyang natahimik. "I-I have to leave now. Nice meeting you again, Yesha," sabi nito bago umalis na walang sabi-sabi.

"Baby, are you ok?" nag-aalalang tanong ni Ken bago hinarap si Yesha at ikinulong sa magkabilang palad ang mga pisngi ng dalaga. Alam kasi nito kung gaano ka war-freak si Monica.

"I'm ok. Hindi pa naman niya ako ina-away masyado. 'Yong bo*bs ko pa lang."

Napalunok si Ken bago tumawa. "Ano'ng meron sa bo*bs mo?"

"Oh, isa ka pa. 'Wag mo na nga pansinin. Nagugutom na ako. Tara na nga lang at kumain," kunwa'y sabi niya "In fairness, ang ganda ng dialogue mo kanina…ang lakas maka-writer…"

.

.

.

.

.

.

follow niyo ako sa IG (kaneza.kenlet) ko for more novels to come :)... and pati na rin sa fb ko (kaneza kenlet) for updates.... thank u guys for reading this novel... alam kung hindi pa dito nagtatapos ang lahat nagsisimula pa lang tayo... first time kung gumawa nang ganito sana magustuhan niyo at sana suportahan niyo rin.... thank you again, guys. :)

Chương tiếp theo