webnovel

Chapter 7

THE NEXT thing Rafael knew, he was breathing deeply. Pawisan ang buo niyang katawan kahit na malamig ang hangin na ibinubuga ng air conditioner sa kanyang kuwarto. He could even hear his heart's beat. Malakas ang pagtibok niyon na para bang tumakbo siya inwalong minuto na lamang ang natitira bago sumapit ang alas kuwatro nang umaga.

Sa pasok sa trabaho na alas-otso nang umaga, kalimitan ay alas-singko o alas-sais kung siya ay gumising. Naglalaan siya ng kulang tatlumpong minuto sa pag-eehersisyo at ang nalalabi ay para sa pag-aayos sa sarili at pag-uumagahan. Mas umikli pa ang oras niya dahil kailangan niyang gamutin ang mga sugat at tahi niya sa katawan. He has to apply ointment para mawala ang mga peklat niya. Pero sa wakas, makalipas pa ang ilang linggo ay wala na siyang nararamdamang pangingirot at wala na siyang iniindang sugat.

Muling sinubukan ni Rafael na bumalik sa pagtulog pero naunahan na siya ng hindi magandang gising. Kung ano man ang napanaginipan niya at ganoon na lamang kasama ang timpla niya, ibinuntonghininga na lamang niya ang lahat ng iyon.

He shove the blanket out of his body. Bago tuluyang umalis sa kinahihigaan ay nanalangin muna siya sa Diyos gaya ng nakasanayan na niya. Tanging boxer shorts lamang ang saplot niya sa katawan. He went inside the bathroom and have some quick shower.

Nakatapis na lang ng tuwalya ang pang-ibaba ni Rafael nang lumabas siya sa banyo. Kumuha siya ng sweatpants at jacket sa may dresser at inihanda ang running shoes na regalo pa ng ina sa kanya noong pasko. Balak niyang mag-jogging sa subdivision. Tamang-tama dahil malamig ang panahon at tahimik ang paligid. At para na rin muling mabatak ang mga buto niya sa katawan na hindi niya nagalaw nang ilang sandali dahil sa insidente.

Nakapatay pa ang mga ilaw sa unang palapag ng mansyon nang bumaba si Rafael. Kumuha siya ng bottled water sa may refrigerator, saka lumabas.

Napapikit siya ng mga mata nang salubungin siya ng malamig na pang-umagang hangin nang buksan niya ang main door ng mansyon. Nakangiting huminga siya nang malalim. Ilang saglit siyang hindi kumibo upang namnamin ang malamyos na daloy ng hangin.

He plugged the headset into his ears at pinindot ang play button sa kanyang cell phone. It was a solemn yet happy song. Bago siya umarangkada ay nag-unat muna siya ng katawan. At ilang saglit pa ay tuluyan na siyang tumakbo paalis sa luha.

Ngunit hindi pa man siya nakakalabas sa gate ng mansyon ay napahinto siya nang mapansin niyang may mga yabag ng paa na palapit sa kanya. Mabibilis ang paghakbang niyon na para bang hinahabol siya.

Napalingon sa likuran si Rafael at natutop ang mga labi nang makita ang taong ilang araw rin niyang pilit na nilalayuan dahil sa kakaibang pakiramdam. Pero sa tuwing nilalayuan niya ito ay siya namang lapit ng dalaga.

Her hair was tied in a bun at tulad niya ay nakasuot din ito ng jacket — a varsity jacket perhaps, kulay pula ang katawan at puti sa mga manggas, at sa bandang kaliwa ay may maliit na nakaimprintang I Love Isabela — at pajama.

"What are you doing at this hour, Hannah?"

Parang may sumuntok sa puso ni Rafael nang muli na namang magtagpo ang mga mata nila ni Hannah. Kahit na nakangiti ay pansin niya ang kalungkutan sa mga mata ng nito. Saglit siyang natigalgal si Rafael pero sinikap niyang kontrolin ang sarili. Nag-iwas na lamang siya ng tingin.

"Amm... Sir Rafael... hindi po kasi ako makatulog nang maayos. At napansin ko pong mukhang lalabas po kayo para magbanat ng katawan at gusto ko rin pong maglibot-libot para makapag-isip nang mabuti." Napansin ni Rafael na nilalabanan ni Hannah ang hiya. Ipinagkrus niya ang mga braso. "P-Puwede po bang sumama? Kung okay lang po sa inyo?"

His face went totally blank. Hindi alam ni Rafael kung ano ang tamang i-react sa sinabi ni Hannah o papaano niya sasabihin sa dalaga na kung maaari ay gusto niyang mapag-isa. Pero ayaw rin niyang mapahiya ito.

Napatingin siya sa sapatos ni Hannah. Converse iyon na nagsisimula nang bumuka ang mga gilid. "Yes, you can. Pero hindi ako makakapayag na iyan ang susuotin mong sapatos. Baka mapano ka pa," maotoridad na sabi niya.

"Pero ito lang po ang mayroon a—"

Hindi na natapos ni Hannah ang sasabihin nang hawakan ni Rafael ang kamay nito. Pero saglit na napahinto siya nang maramdamang parang nakukuryente siya. Napalunok na lamang siya at kaagad na binitiwan ang kamay ni Hannah. "Follow me."

"Saan po tayo pupunta, Sir Rafael?" naguguluhang tanong ni Hannah.

"Just follow me," tipid na sabi ni Rafael, na diretso lamang ang tingin sa daan pabalik sa mansyon. Dumiretso siya sa kanyang kuwarto habang si Hannah naman ay naiwan sa labas ng pinto. Pumunta siya sa cabinet kung saan naroon ang koleksyon niya ng mga sapatos at kinuha niya ang isang itim na Nike running shoes na sa tingin niya ay kakasya naman sa dalaga.

"Here." Iniabot ni Rafael ang sapatos kay Hannah. Tinitigan lang iyon ng dalaga na para bang walang balak na kunin mula sa kamay niya. "Mas kumportable kang tumakbo kung ito ang isusuot mo."

"S-Sir, pasensya na po pero hindi ko matatanggap iyan." May bahid ng pag-aalinlangan sa tinig ni Hannah. "Mamahalin po iyan, e. Baka po masira ko? At isa pa, okay na po ako sa saptos ko."

"I insist." Si Rafael na mismo ang nag-abot ng sapatos sa dalaga. "I don't mind kung masira iyan. Hakuna Matata. No worries. Marami akong ganyan sa loob."

Napabuka ang mga labi ni Hannah pero walang salitang lumabas roon.

Tumaas ang isang kilay ni Rafael. "Time is ticking. Mas magandang mag-jogging kapag madilim pa lang so better hurry or else, iiwan na lang kita rito. O baka naman gusto mong ako pa ang magsuot niyan sa iyo? It's your choice." Sinimulan niyang inihakbang ang mga paa.

"Ay, Sir Rafael, isusuot ko na po." Nagmamadaling isinuot ni Hannah ang sapatos at dali-daling hinabol si Rafael.

~•~

"BROD, mukhang masaya tayo ngayon, ah? Tell me what happened." There's a hint of sarcasm on Liam's voice.

Ting!

Tuluyan nang bumukas ang elevator, tanda na narating na nilang dalawa ang third floor ng ospital kung saan naka-admit si Patrick. Lumabas na rin silang dalawa.

Kaninang umaga ay nakatanggap si Rafael ng mensahe mula sa isa sa mga pulis na nagbabantay kay Patrick at ayon dito, gising na raw ang binata. Ilamg linggo rin itong comatose at sa lahat ng mga na-ospital na suspek ay ito na lang ang hindi pa nadi-discharge.

"It's none of your business, Lee," sabi ni Rafael at lumiko siya pakaliwa.

"It's my business, Brod," pabalik na tugon ng nangingiting si Liam. At halos pabulong na sinabing "lalo na 'pag babae ang pinag-uusapan."

Napangisi na lang din si Rafael. Pagdating sa babae, number one na pakialamero ang kaibigan niya. "Masaya lang ako na gising na si Patrick. That's it," pagsisinungaling niya. "Siya na lang ang pag-asa natin para malutas ang kasong hawak natin."

"Alam kong hindi ka pinalaking sinungaling nina Tito't titay, Brod, pero iba ang kaligayahan natin ngayon, e. Daig mo pa ang nanalo ng isang bilyong piso sa lotto. Look's like..." Siniko siya ni Liam sabay kindat. "Look's like you're in love! Finally, Brod! Akala ko buong buhay ka nang magiging tigang. Sino naman siya, Brod? Tingnan ko nga kung papasa siya bilang future Mrs. Del Vista."

Napahugot na lamang ng isang malalim na hininga si Rafael, saka umiling.

"Pero seriously, Brod, masaya ako para sa 'yo. Kung sino man 'yan, susuportahan kita. If you love her, huwag mo nang pakawalan. Sige ka, baka sa katorpehan, may ibang agilang dadagit sa kanya. Parang kami ni Rachel. Hindi ko siya tinantanan hanggang hindi niya ako pakasalanan. Tingnan mo kami ngayon. We're happy and blessed."

Minabuti na lamang ni Rafael na manahimik. Tiyak naman niya na kahit ano ang paliwanag niya na hindi babae ang dahilan kung bakit siya nagkakaganoon — na siya ngang talaga — ay hindi siya paniniwalaan ni Liam.

Saktong pagliko niya sa kanan ay aksidenteng may nabunggo siyang babaeng nurse na may hila-hilang wheel chair na may sakay na pasyente. Narinig niya ang mahina nitong sigaw habang natutumba patalikod pero agad siyang nakakilos. Nasalo niya ito.

"I'm sorry, Miss," paghingi niya ng tawad pero tinaasan lang siya nito ng kilay na parang galit na galit at dali-daling umalis.

Nagsalubong ang mga kilay niya nang pinapasadahan ng tingin ang paglalakad ng nurse. Para siyang napahiya kay Liam. Nang makaalis kasi ang babae ay pansin niyang pinipigil ng kaibigan na matawa.

"Wala ka palang panama sa kanya, e!"

Napailing at napabuntonghininga na lang si Rafael at kibit-balikat na nagpatuloy sa paglalakad.

His pace went slow. Maging si Liam ay bumagal din ang paglalakad nang makarinig sila ng mga nagmamadaling yabag ng mga sapatos na palapit sa kanila. May mga naririnig din siyang ingay. Boses iyon ng mga lalaki na may sinasabi tungkol sa pagtakas o pag-kidnap.

Ilang saglit pa ay tumunog ang cell phone ni Rafael. Dinukot niya iyon mula sa bulsa ng suot na slacks. It was one of the men deployed to guard Patrick. Sinagot niya ang tawag.

"Officer Mendoza..."

Napansin niyang hinihingal ang pulis.

"What?" Hindi napigilan ni Rafael na magtaas ng boses sa masamang balitang hatid ng pulis sa kanya. "Sige, sige. Call the guards to lock the area!"

Dali-dali niyang ibinulsa ang cell phone at dinukot sa gun belt ang service firearm. Tiningnan niya si Liam na gulong-gulo ang isipan. "May nagtakas kay Patrick!"

Naalarma na rin sa wakas si Liam. Dinukot din nito ang baril at saka sinundan si Rafael na naglalakad pabalik.

"Dapat nagtaka na ako kanina sa kanya!" paninisi ni Rafael sa sarili. "I felt something off to her! Dapat nagsuspetsa na ako!"

"Sino'ng tinutukoy mo, Brod?"

"That nurse!" pasigaw na sabi niya. "The pendant of her necklace! Pareho iyon sa mga ebidensyang hawak natin! Argh! Nakikipaglaro sila sa akin!"

Nagsimula nang magtaka si Rafael simula pa noong una. Dahil una, sino'ng suspek ang gustong ipakita ang pagkakakilanlan? Alphas was a big group. If they wanted their group to be mysterious, kung gusto ng mga ito na pahirapan pa ang mga pulis na puksain ang kasamaan nito, para saan ang simbulo? Para saan ang mga ebidensya?

Ilang bagay lang ang pumasok sa isip ni Rafael. Gusto nitong ikalat sa buong Makati o Pilipinas na malaking grupo ang Alphas, na maraming uri ng krimen ang kayang gawin ng mga ito, na dapat itong katakutan ng mga tao.

"If they're playing a game with us, gagawin ko ang lahat para matigil ang kasamaan nila."

Chương tiếp theo