webnovel

Chapter 32

Chapter 32: Rence' Advice

Aroud 2 Pm na nang makarating ako sa bahay, actually it supposed to be 1 Pm pero  sobrang traffic talaga. Hindi na ako hinatid ng mga kaibigan ko pauwi dahil mga pagod na raw sila pwera lang kay Oliver na nagpumilit talaga.

"I gotta go, sabihin mo na sa pamilya mo na nakita mo na ulit siya, ha? Para mabuo na 'yan desisyon mo," Nandito na ako sa gate namin at magpapaalam na kay Oliver.

I just gave him my fake smiles and nodded, doubful if I really can.

"Bye."

-

Agad akong nakapasok sa loob ng kwarto ko nang hindi ko manlang nakita sina Kuya at Mama, siguro ay may klase pa si Kuya even today is sunday, he's still had a classes at mamaya pa sigurong gabi ang uwi ni Mama from her work.

Umupo ako sa gilid ng kama ko at paulit-ulit iniisip kung kaya ko bang sabihin kila Mama 'yong pagkikita namin ni Papa. But eventually, I guess it's better to keep it as a secret from now, but still, sasabihin ko rin naman sa kanila kapag nakahanap na ako ng perfect time. I hope this decision would be the better decision I had. Hays.

-

Kinagabihan, nandito na ako sa dining table at kumakain na ng hapunan kasama sina Mama at Kuya. As like what I expected, tinatanong nila ako kung kamusta ba raw ako doon sa Laguna, kung ano nang bagong nangyari doon, kung kamusta na raw ba sila Tita Bella at kung masaya raw ba 'yong fiesta.

"Eh, 'yong bahay? Isang taon din tayong hindi na naka-visit ulit doon. Dapat na bang linisin?" Natigilan ako sa tinanong ni Mama, hindi ko dapat sagutin nang tama 'yong tanong niya dahil may konting connect ito kay Papa.

"Hindi naman po, I-inaalagaan po kasi ni Tita Bella." Pagsisingungaling ko. Si Papa talaga ang naglilinis nito not my Tita Bella.

"Aw, ang sipag naman niya, hindi na niya dapat ginagawa pa 'yon kasi mahihirapan pa siyang gawin 'yon."

"Okay lang naman daw po."

"Si Rico, kamusta na raw?" Mabuti't itong tanong ni Kuya ay malayo tungkol kay Papa and at the same time ay maiiba nang kaunti 'yong topic. Makakasagot ako nang maayos nito dahil medyo mawawala na 'yong kaba ko.

"He is also fine. You know what, Kuya? Mukha na-inlove pa sa kaibigan kong si Jess, kasi lagi niyang sinusundan si Jess sa bahay natin doon."

"Haha, ang loko talaga. Baka mamaya, gumaya 'yong kay Aivin at magpalipat na lang din 'yon ng school."

"Kaya nga, eh."

"Nothing more chitchat about our house, Anak?" Napatingin ulit ako kay Mama nang may tinanong ulit ito sa akin. Nakakagulat naman, unti-unti na ulit bumabalik 'yong kaba ko na nawala na kanina. Hays.

"What do you mean, 'Ma?"

"Gusto ko lang malaman kung kailangan ko pa bang bumalik doon at maglinis?"

"'Ma, okay nga lang 'yong bahay, malinis, walang kalat at sobrang ayos."

"Hindi, Anak. Nararamdam kong parang may dumi na, na parang ako dapat ang mismong maglinis no'n," Pareho kaming naguguluhan ni Kuya dahil sa sinabi ni Mama. Ano bang gusto niyang i-point out?

"O-okay po, 'Ma? So, what you're going to do?" Tanong ni Kuya kay Mama.

"Gusto kong ako muna ang mag-visit do'n at linisin," Nakangiti nitong sagot. Naguguluhan na ako. Sobrang weird ng mga sinasagot niya sa amin.

"Bawal!" Bulyaw ko.

"Why, Anak?" Kunot-noong tanong sa akin ni Mama.

"Ano.. Po.. Kasi.. May trabaho pa po kayo at bawal po kayong um-absent, 'di po ba?"

Hindi siya pwedeng pumunta roon kasi nandoon si Papa, baka magkita sila. Even though, pwede naman talaga sila magkita kaso natatakot lang ako na baka mahulog ulit 'yong loob ni Mama kay Papa. 'Yon kasi ang hindi na pwedeng mangyari, baka kasi in the end, masaktan lang ulit si Mama. OA na kung OA but it's a reality.

"Yes, but it's just nothing. May day off naman ako, kaso next month pa nga lang 'yon. De bale na, mabilis umusad ang araw," Uminom siya ng juice.

"Sure na po ba talaga kayo?"

"Ba't parang masyadong kang worried? It's there any problem, Jamilla?" Napatingin ako kay Kuya.

"Wala naman. Hehe." Sagot ko at binaling na ulit 'yong atensiyon ko sa pagkain ko. Alam kong parang ramdam na nila na may tinatago ako kaso hindi pa rin ito ang perfect time na hinahanap ko para sabihin sa kanila 'yong pagkikita namin ni Papa. Kung magkikita man sila ni Mama ay sana hindi tama 'yong naging expectations ko kanina.

-

Naisipan kong tumambay muna ngayon gabi rito sa balkonahe ng kwarto ko para lumanghap ng sariwang hangin. Gusto ko lang mag-isip-isip.

Napatingin ako sa phone ko nang bigla itong mag-vibrate. Napatakip ako ng bibig nang makitang tumatawag si Rence. Himala at ngayon lang ulit siya nagparamdam, not like before na umaga, tanghali at ginagabihan ay lagi akong nakakatanggap ng greetings from him.

"Hello, Rence?"

"Whoo, thank's God, you're still alive. Akala ko, kinalimutan mo na ako."

"Hindi naman. Hindi mo lang talaga ako tinetext."

"What? Eh, everyday kitang kinocontact, naghahanap ng updates sa 'yo. Halos 30 messages ang sinesend ko sa 'yo bawat araw, knowing if you're still okay," I suddenly smiled. Anong klaseng secret admirer ito at parang todo efforts at sobrang concern ang ibinibigay sa akin? Hindi ito pwede, dapat magpakilala na siya.

"Siguro, hindi ko lang narereceive 'yong mga text mo or hindi ko lang naririnig 'yong tunog ng phone ko. Sorry, ha. Minsan lang ako mag-phone, eh kaya hindi ko nakikita 'yan mga messages mo. But yeah, I'm okay. Nandito na ulit ako sa bahay."

"I hope so, hindi halata sa mata mo ang saya kanina d'yan sa balkonahe mo, parang ang lalim ng iniisip mo."

"Gosh. Are you here?!" Inilibot ko ang paningin ko at hinahanap kung saan may tao sa may labas ng kalsada, ngunit wala manlang akong makita ni-isa. Nagtatago yata siya sa kung saan.

"Don't find me because you can't. Mahirapan ka pa. Hayaan mong silayan ko 'yang napakaganda mong mukha."

"You're unbelievable! You're not type of secret admirer I've ever met. Stalking na 'yan ginagawa mo kaya nakakatakot ka na. Magugulat na lang akong isang araw ay may papasok na lang sa loob ng kwarto ko at babastusin ako. Gosh," Inis kong saad.

"Relax, Jamilla. Hindi ko magagawa 'yon sa 'yo."

"Paano ako makakasigurado? Eh, I have no idea who truly you are!" Agad akong pumasok sa loob ng kwarto ko, sinarado at pinaka ko 'yong pinto sa balkonahe. Iba na ang panahon ngayon, baka ito 'yong paraan niya para i-murder ako.

"Maybe, hindi mo 'ko kilala pero alam kong kilala mo 'ko,"  Weird.

"What are you refer to? Direct to the point. Magpakilala ka na kasi sa akin, i-meet mo 'ko, then after that, I will start to trusting you. Simple like that. Malay ko ba na murder ka."

"Look, hindi ako murderer, besides secret admirer mo nga ako, hindi na matatawag na secret admirer kapag nagpakilala na ako sa 'yo."

"Yes, pero sapat na 'yong pagiging secret admirer mo para makilala na kita."

"Just trust me, matagal pa bago mo malalaman kung sino ako pero sinasabi ko sa 'yo, wala akong balak na masama. Believe me, I'm a good person. Kung masama man ako e di, dapat nilason na kita sa mga pagkain na binibigay ko sa 'yo."

"Sabagay," Umupo ako sa tabi ng kama at huminga nang malalim. May point naman siya. Sige na nga, napataas niya ng kaunting percent 'yong tiwala ko sa kanya. "Can I have a favor?"

"Siyempre naman."

"Can I have your ear for a while and listen on what I'm going to say? Like have you said, malalim nga 'yong iniisip ko kanina. Pahinging advice."

Sabi ng iba, mas magaan sa loob kapag nag-open up ka ng problem mo sa taong hindi mo kilala or sa hindi mo lubusan pang kilala. So, I'll take this as an opportunity para makahingi manlang ako ng kaunting advice na galing kay Rence.

"Of course, yes. Ikaw pa."

"I have a problem with my father. Humihingi siya ng kapatawaran sa nagawa niyang kasalanan sa akin, at hindi pa alam ng pamilya ko na nagkita na nga kami ni Papa. So, I don't think if my decision is correct even without their consent—" Naputol ang sasabihin ko dahil bigla siyang nagtanong.

"What's your decision, then?"

"Na huwag siyang patawarin kasi ang hirap no'ng pinagdaanan namin nina Mama at Kuya no'ng iniwan niya kami kaya pinili kong huwag na lang siyang patawarin."

"Hmm.. I see, pero bakit parang nalilito ka pa? At parang nagdadalawang isip ka pa? Bakit kailangan mong humingi pa ng advice mula sa akin?"

"Huh? Kasi—"

"Mali 'yan desisyon mo dahil ganiyan ang kinikilos mo or should I say you're not happy."  Dalawang tao na ang nagsasabi sa akin na mali itong ginawa ko. Dapat ko na bang sabihin sa pamilya ko 'to para malaman ko rin 'yong desisyon nila? Kaso sigurado ako na gano'n din 'yong isasagot nila sa akin, eh. Hays, this is so hard.

"Para kasing ang dali lang kapag pinatawad ko siya pero alam kong ito ang ikasasaya ng pamilya ko. Even, masaya na naman kami pero alam kong mas sasaya pa kami kapag kasama na namin siya," Naguguluhan talaga ako, kapag pinatawad ko siya, parang binaliwala ko lang 'yong paghihirap na naranasan namin pero kapag hindi ko naman siya pinatawad ay parang ipinagkait ko sa pamilya ko 'yong saya na kasama 'yong haligi ng tahanan.

"Don't look back the trials that he made to. Everyone deserves a second chance. And your father deserves it too. Kapag hindi nag-work, e di bangon ulit. Unfair ang mundo pero minsan ay nagiging fair ito kapag nakisama ka."

"E di, kailangan kong bawiin 'yong desisyon ko?"

"Hindi ko sinasabi na 'oo' pero parang gano'n na nga. Pero sabihin mo muna 'yan sa pamilya mo para sigurado ka talaga sa pagbawi niyan."

"Hays.. Bakit kasi nagparamdaman ulit siya. Pwede naman na huwag na. E di, sana'y hindi ako naguguluhan nang ganito ngayon."

"Mas mabuti nga 'yan, Jamilla. Kasi makakasama mo ulit siya."

"Ba't parang may karanasan ka na rin?"

"I have a situation like yours before, tulad mo, nahirapan din ako no'ng una pero biglang sumagi sa akin 'yong sinabi ng bago kong kaibigan na I should always look forward to the positive side that I'll make. Hindi 'yan 'yong exact niyang sinabi pero may connect din naman 'yan kaya ginamit ko na rin. Ni-try kong patawarin 'yong tatay ko at thankful ako dahil nag-work. Sobra talaga akong nagpapasalamat sa kaibigan ko."

"Ano bang pinaka sinabi ng kaibigan mo sa 'yo?" Made by my curiosity, hindi ko alam kung bakit parang gusto ko iyon malaman.

"Just always give your mind a positive thoughts and don't let negative thoughts seize it."

"It seems familiar." Narinig ko na 'yong line na 'yon sa kung saan. Pero hindi ko alam kung narinig ko nga lang ba talaga.

"Maybe."

"Thank you, Rence. But I still keep it as my secret in my family about my father. Ngunit alam ko sa sarili ko na buo na 'yong desisyon ko na patawarin ko na siya. Not now but soon."

"You're welcome."

Ilan minuto pa kaming nag-usap ni Rence ng kung ano-ano lang. Sigurado na ako sa sarili ko na tama na 'yong desisyon na bawiin ko 'yong hindi pagtawad kay Papa kahit huwag ko nang sabihin pa kina Mama at Kuya tungkol dito, alam kong papatawarin pa rin nila si Papa dahil alam kong mahal pa rin nila ito, lalo na si Mama. Iba na kasi ang nagagawa ng pag-ibig, nakakabulag sa nakaraan.

Chương tiếp theo