webnovel

Chapter 9

Chapter 9: Meet Daenice

Dumaan ang isang araw nang payapa sa akin. Hindi kasi ako pumasok kahapon kasi nagkadahilan ako kina mama and kuya that I got sick. Super thankful ako do'n sa bawang na inilagay ko sa kili-kili ko. Dati, hindi ako naniniwala na effective 'yon but when I try it, totoo nga talaga. Parang mapapadalas ang paggamit ko no'n, ah.

Now, I am still here in front of our house having argue with my Mother. Pinipilit niya pa rin ako na 'wag daw muna akong pumasok kasi raw ay kakagaling ko pa lang sa sakit.

"Mama! Okay na ako. Gusto ko nang pumasok," pagpupumilit ko.

"Sige na nga. Basta, after your lunch, drink your medicine, okay?" nag-aalalang tugon niya sa akin. Gosh. Hindi na ako magtataka kung kanino ako nagmana ng pagiging OA and pagiging over thinker.

"Opo, 'Ma. Alis na po ako. I love you." Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa kaliwang pisngi. Nagpaka-sweet na lang ako para payagan niya na 'ko.

"I love you, too."

Sinuklian ko siya ng ngiti at sinimulan ko nang paandarin ang bisekleta ko. Sa totoo lang, ayoko pa munang pumasok ngayon kasi gawa ni Oliver, until now ay nahihiya pa rin ako sa kanya dahil sa nangyari no'ng last wenesday kaso naisip ko na kaka-first week pa lang, may absent na agad akong dalawa, it's much better kapag isa lang and at the same time, tinatakasan ko 'yong pagiging alipin niya sa akin nang isang araw. In other words, Oliver is the reason why I didn't want to attend my classes yesterday.

-

Habang naglalakad ako sa hallway ng school namin ay may humarang sa akin na magandang babae, naka-cross arm ito at parang pinapatay na ako dahil sa lalim ng titig niya sa akin.

"Ikaw si Jamilla, right?" mataray na tanong niya sa akin. Wait? I can't even remember that I did something wrong with her. Bakit ganiyan siya umasta?

"Yes, why?" nagtataka kong tanong.

"Oh, okay? First of all, I have a question for you, are you aware that you are not pretty?" Hindi ako sumagot at hinintay na lang ang sunod niya pang sasabihin. Ang weird niya. "Probably, you wasn't. In fact, you look like a sitaw dahil ang payat-payat mo. Gosh, why those stupid students here kept saying that you are pretty? Kahit sa ngayon na nakikita kita, I can't even seek anything," sunod-sunod niyang sami. Kumunot bigla ang noo ko ngunit binawi ko rin iyon dahil binigyan ko siya ng sweet smile. Hinarang niya ba ako para sabihin niya lang iyon?

Pansin ko lang, bakit sunod-sunod 'yong mga taong pinapamukha sa akin na hindi ako kagandahan? Nakakairita na. Maganda kaya ako sabi ni Mama at kapag nakikita ko rin sarili ko sa salamin.

"Nonsence," tipid kong sabi. Nagsimula na ulit akong maglakad at nilagpasan siya. Kapag may paiwan pa siyang sabi, doon na lang ako gaganti o lalaban. Kumbaga, this is her first warning.

"Tinatalikuran mo ba ako?" Mabilis siyang lumapit sa akin para harangan muli ako. So, this is a signal that I've waiting for.

"Obviously." Huminga muna ako nang malalim until I spoke again. "Hmm.. Para sigurado muna ako, are you just a transferee here?"

"Yes!" proud niya pang sagot. Sino kayang walang isip na haharang sa harapan ko ng isang tranferee lamang? Napakawalang-hiya ng babaeng ito. Sobrang taas ng tapang at confidence.

"So, kung transferee ka pa lang pala rito, ibig sabihin, you had no idea who am I, you had no idea what I else I can do," sabat ko. "Maaari na ba akong umalis?" kalmado ko lang tanong sa kanya ngunit binigyan ko ito nang kaunting diin.

"I don't care who truly you are. But I know how flirty you are, pati si Oliver ay nilalandi mo."

Okay, everything is already clarified in my mind, si Oliver pala ang issue niya rito. Pa'no niya nasabing nilalandi ko si Oliver? Tumango-tango muna ako bagong bahagyang tumawa na nang-aasar. Palibhasa kasi ay wala siyang alam. Kung alam niya lang na si Oliver ang nagpupumilit na mapalapit sa akin.

"Why are you laughing?" iritado niyang tanong.

"I smell something stinking on here." Tinakpan ko pa ang ibaba ng ilong ko para mas lalo pa siya maasar. Halata sa mukha niya ang pagtataka, inis, at pikon.

"What?"

"May isa kasing babaeng nangangamoy ang kaniyang insecurity sa katawan. Have you smell it also? Ang baho, 'di ba?"

Halata sa kanya na para bang sasabog na siya sa galit. Kung lalabanan niya kasi ako just make sure na hindi siya mabilis mapikom, kasi sa huli ay matatalo lang siya.

"Over my dead body, hinding-hindi ako ma-i-insecure sa 'yo!" Hindi naman mabubuo 'tong eksenang ito kung hindi niya pinapairal ang insecurity niya.

"Did I mention a name? You know what, I will allow you to judge my physical aspect, if you reach your attitude on my attitude. Eh kaso, hindi. So, back off." Inilibot ko ang paningin ko at napansing center na pala kami ng attraction ngayon dahil pinalilibutan na kami ng mga estudyante. Great, just great. Araw-araw na lang ba sira ang araw ko?

"Talaga lang, ha? Anong gusto mong palabasin? Na mabaho ang ugali ko?"

"Did I say that? Mismong sa bibig mo na nanggaling iyan. Pero tama naman." 

"Ang kapal talaga ng mukha mo, ano? Ang pangit mo na nga, mayabang pa."

"Do I have a care? At least, lagi kong kasama si Oliver, e ikaw? Ganda lang ang puhunan pero walang Oliver. How sad your life is?" malungkot kong tanong sa kanya na may kasamang pang-aasar. Kung si Oliver lang ang kahinaan niya, then I will implicating him.

"You are so freakin' irritating. I just wanna slap you, Girl!" gigil niyang sigaw.

"Then, do it on your freaking face. Don't be too immature, girl. Bye," walang emosyon kong paalam sa kanya at nagsimulang maglakad papalayo ngunit napapitlag ako nang maramdaman kong hinila niya ang bag ko mula sa likod ko at agad akong itinumba sa samento.

"We're not yet over!" bulyaw niya sa akin. Agad akong tumayo at sinamaan siya ng tingin.

"Ano bang problema mo? Kung gusto mo si Oliver, mangarap ka na lang. Let me tell you this, malabong magustuhan ka niya because on how you are acted right now. Napaka-immature mo!"

"How do you so sure na hindi niya ako magugustuhan dahil sa kinikilos ko?!"

"Just find out the answer on yourself. Hindi ako ang makakasagot niyan." Tumigil muna ako bago ipagpatuloy ang sasabihin. "For the last time, good bye and good luck to you." Naglakad na ulit ako at nilagpasan siya ngunit nagulat ako sa sinagot niya sa akin.

"Thank you."

Humarap ulit ako sa kanya at ningitian siya. Lumapit ako sa harap niya at binigyan siya ng mahinang sampal sa pisngi. "Opps, sorry. You're welcome."

-

Pagkapasok ko sa room namin ay padabog akong umupo sa upuan dahil sa inis. Nang-iinit ang kamao ko dahil sa babaeng iyon.

Kapansin-pansin na wala pa rin si Oliver, asa'n kaya siya? Lagi kasing mukha niya ang una kong nakikita everytime na pumapasok na ako pero ngayon, wala. Himala, nauna pa ako.

When I saw him as he opened the door, I immediately feel panic. Gosh, sumagi na naman sa isipan ko 'yong nakakahiyang pangyayari kasama siya. I hope he completely forgot it.

"Hey! Ang angas mo kanina, ah," bati niya at ginulo ang buhok ko. Nangingibabaw na naman 'yong pagiging feeling close niya sa akin.

"Napanood mo kami?"

"Yup."

"Did you see her face? Shucks! Dahil sa iyo ay nadamay pa ako."

"Sorry na, marami talagang babae ang naiinggit sa 'yo kasi lagi tayong magkasama. Sa totoo lang, you're very lucky," sambit niya, pagkatapos ay kumindat siya sa akin. Gosh. Dumadaloy na naman ang kayabangan niyang dugo.

"Sabihin mo, unlucky. Ang yabang mo!" bulalas ko sa kanya.

"By the way, asa'n na 'yong jacket na ipinahiram ko sa 'yo noon wednesday?" Ingat Jamilla, konting maling salita mo lang ay p'wede niyang ungkatin 'yong red spot mo. Pero siguro naman ay hindi, may respeto naman siya kahit papaano. Sana.

Napa-face palm na lamang ako nang maalala na nakalimutan ko pala 'yon sa bahay. Inalala ko pa iyon sa sarili ko kahapon na dadalhin ko ngayon ngunit nakalimutan ko pa rin pala.

"Oo nga pala. Sorry, naiwan ko sa bahay, eh."

"Pfft. Okay lang, sa 'yo na lang 'yon." Tumingin siya sa akin at ningitian ako nang malapad kaya iniwas ko ang tingin ko. Bakit ba hilig niyang magpa-cute?

Hindi na ako nag-demand kung bakit niya ibibigay sa akin 'yong jacket niya kasi baka i-open up niya 'yong red spot ko. Nakakahiya 'yon sigurado.

After 5 minutes, dumating na rin si Mrs. Melina pero kapansin-pansin na kasama niya 'yong babaeng nakaaway ko kanina. Wait, Don't tell me ay dito siya papasok sa room namin? Magka-grade level lang pala kami. This is gonna be so much fun for me. What a destined.

"Good morning, class!" Tumayo kami at binati rin si Mrs. Melina. Tumingin ako sa babaeng kasama niya at ningitian siya nang nakakaloko ngunit pinanglakihan lang niya ako ng mga mata at napadako ang tingin kay Oliver. Sabagay, makita ba naman na katabi ko ang dahilan ng pag-aaway namin, ewan ko na lang kung anong maaari niyang maramdaman. "Okay, sit down."

"Class, you will have a new classmate here. She's Daenice. Daenice introduce yourself properly," pagpapakilala ni Ma'am at bumaba na siya sa mini stage namin.

"Hi! My name is Daenice from South Academy, if you guys didn't know yet, apo ako ng may ari ng school na 'to," Dire-diretso niyang pagpapakilala na may kasamang ngisi, tumingin siya sa akin at ningitian ako nang mapalad. Nagulat at sunod-sunod na laway ang inilunok ko. I can't believe this. "That's it, thank you."

Sinadya niya talagang 'yong lang ang sabihin niya para lang takutin ako. I bit my lower lip. Bumilis ang tibok ng puso ko dulot ng kaba, nagsimula na rin mag-isip ng kung ano-ano ang utak ko.

"Okay na?" Mrs. Melina asked her.

"Yes. Hindi na naman kailangan ng marami pang pagpapakilala, tutal 'yong lang naman ang hindi alam ng iba d'yan tungkol sa akin."

Tumingin ako kay Oliver at nagtama ang tingin naming dalawa. "Kinakabahan ka ba na ma-kick-out? Ayun 'yong nababasa kong takot mula sa mga mata mo."

"Yes? Slight lang," halos pabulong kong sagot ngunit sapat na upang marinig niya.

"Chill, you don't deserve it, wala kang ginagawang masama. So, you don't have to worry about. Karma na lang para sa kanya." I smiled a little.

"Sabagay kaso kapag nagtagal pa siya rito, tatagal din ang pag-aaway naming dal'wa kaya puwede niya akong siraan."

"Hindi 'yan. Imposible, sa inaarte niyang ganyan, talo 'yan."

Hindi ko na lang siya sinagot, sa halip ay kinuha ko na lang 'yong bottled water ko mula sa bag ko at agad itong ininom. Sa ganoon paraan ay mapapakalma ko ang aking sarili.

"Humanap ka na ng mauupuan mo, Daenice," utos ni Mrs. Melina sa babae.

I manage myself to act that I'm not affected on her when her eyes veer at my place. Malakas ang kutob kong gusto niyang umupo sa inuupuan ko dahil kay Oliver.

"Uhmm.. Mrs. Melina, can I sit besides of Mr. Lee?" magalang na tanong ni Daenice kay ma'am. Like what I expected, aagawan niya ako. Tumingin ako kay Oliver ngunit seryoso lang ang tingin niya kay Daenice, walang halong kahit anong emosyon.

"But Ms. Arevallo is already taken at that seat."

"So? I don't care. Basta, gusto kong umupo doon! Sundin mo na lang ako!" Kung anong ikinagalang niya kanina ay ganoon naman naging bastos ang matabil niyang dila. Kung hindi sinusunod ang utos, nagiging bastos.

"Spoiled brat na nga, immatured pa," bulong ko sa sarili.

"But—" Naputol na ang sasabihin ni ma'am dahil bigla na akong sumabat. Ayaw kong patagalin pa ang eksenang ito, ayaw kong aaksayahin lang namin ng mga kaklase ko ang oras na ito dahil sa kanya.

"Hoy! Ito na. Parang upuan lang ay magiging ganyan ka! Para kang bata." 

Tumayo na agad ako at padabog na binitbit ang gamit. Naghanap pa ako ng ibang vacant seat at doon umupo. Ang sakit sa ulo niyan si Daenice. Para siyang bata na hindi binilhan ng candy.

"Get out from there." Isang pamilyar na boses ang narinig ko sa kanan ko. Tumingin ako sa katabi ko at gulat na nakitang inaayos na ni Oliver 'yong sarili niya. My heart accelerated. Kinabahan ako bigla na hindi ko malaman ang rason kung bakit.

"Bakit ka lumipat?" gulat kong tanong sa kanya.

"Ang landi kasi ng babaeng iyon. Hinawakan agad 'yong kamay ko na akala mo'y close kami. Nakakawala ng respeto." Hindi ko alam kung bakit pero may umukit na malawak na ngiti sa aking mga labi. "Kaya mas gusto kitang makatabi."

—*——*———

Ganito po i-pronounce ang name ni Daenice (Dey-nays)

Chương tiếp theo