Naiiling si Yna habang pinapanood ang video na ni-record ni Fred.
"Good job Fred & Jasmin! You can proceed now to your next assignment." Pagpuri niya sa mga ito. Matapos siyang iwanan ng dalawa ay agad niyang idinayal ang telepono. Boses ng isang babae ang sumagot sa kanya sa kabilang linya.
"I am looking for Mr. Gian Hernandez. Can I talk to him just for a minute?" Ani niya sa babae sa kabilang linya.
"Wait lang po, Ma'am." Sabi nito saka umiral ang sandaling katahimikan. Maya-maya pa'y sumagot uli ito.
"Pasensiya na po Ma'am pero busy daw po kasi siya ngayon. Tawag na lang daw po kayo bukas." Sabi nito. Napabuga naman siya sa hangin sa inis.
"Pakisabi sa kanya Miss, na si Yna ito, asawa niya. At kapag hindi niya ako kinausap ngayon, di ko na siya kakausapin kahit kailan." Mariin niyang sabi.
"Ok po, Ma'am. Wait lang po." Muling paalam nito.
"Honey, I'm really sorry. Hindi kasi agad sa akin sinabi na ikaw ang tumatawag." Hmahangos sa kabilang linya na ani ni Gian. Napangiti naman ng malawak si Yna.
"At dahil diyan you need to treat me later." Tila nagtatampo ang tinig na sabi niya.
"Su-sure my loves. Sunduin kita mamaya. Dinner tayo." Nauutal na sabi nito. Alam niyang nagtataka ito sa pagbabaubaya niya ngayon sa lalake. Mula ng magkakilala kasi sila ay kailan ma'y hindi siya naki-pagdate dito.
"Ok. I'll wait for you later, Gian." Sagot niya dito na may pilyang ngiti sa labi.
"Talaga? Seryoso ka Yna?" Balik na tanong nito sa kanya. Napatawa naman siya sa tinuran nito.
"Yes. I miss you na kasi." Tila malambing na sabi niya. Matagal bago nakasagot si Gian na lalong nagpalawak ng kanyang ngiti.
"O-ok. My god, Yna. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Ok. Sunduin kita sa inyo." Masiglang sabi nito.
"Ok. O siya, mamaya na lang. Baka mapagalitan ka pa ng boss mo. Bye." Sabi niya.
"Ok, honey. Bye. I love you." Pahabol na sabi nito.
Nang ibaba niya nag telepono ay napangisi siya saka inayos ang sarili.