Chapter 75: Farewell, My Dear Sister. Part I
Reed's Point of View
Nawalan ako ng balanse matapos kong marinig mula kay Lara ang buong kwento't katotohanan. Napaupo ako sa bermuda grass. Hindi pa rin makapaniwala sa aking nalaman.
"That ain't… a lie?" Nanghihina kong tanong, medyo basag din ang boses na lumabas sa bibig ko.
Hindi siya kaagad umimik, pero lungkot niyang ibinaba ang tingin saka siya humarap mismo sa akin. Bigla ring lumakas ang ihip ng hangin dahilan para sumabay ang mga buhok namin sa kung saan patungo ang hangin. "I'm not asking for your forgiveness, but I do hope this won't be the reason para iwasan mo si Haley."
Tumingala ako para makita siya. Nakatingin na siya sa akin ng diretsyo. Ang lungkot, pero na sa mata rin niya 'yung determinasyon. "Hindi mapapalitan ang buhay ng kapatid mo, ang nangyari sa kaibigan mo," Tukoy niya kay Mirriam. "At ang mga nangyari sa mga tao sa paligid mo," Tukoy naman niya kay Sir Santos at sa mga kaibigan ko. "Ang gusto ko lang mangyari, kung ano ang turing mo sa kapatid ko, ganoon pa rin sana pagkatapos ng lahat ng mga ito."
Suminghap ako nang kaunti lalo pa noong sumikip ang dibdib ko.
"Hailes… My sister," Panimula niya na may malungkot na tono sa kanyang boses. "I don't want her to get hurt because of me again. I know I'm being selfish--"
"You're not." Mabilis kong sambit dahilan para mapahinto siya. Nagtaka ito pero hinintay lang niya akong magsalita. Humawak ako sa mga tuhod ko upang makatayo, nanghihina pa rin ako sa mga nalaman ko.
Nakakagalit, nakakagalit kasi ngayon ko lang nalaman. Wala akong ideya na may ganoon na pa lang nagaganap. Rain is my little sister but I don't have any single clue what's going on with her life. It's not even normal!
Ang bata bata pa ni Rain para mapasama sa ganoong organisasyon.
Hindi ba siya nagdalawang-isip na sumali? Bakit siya nagpasyang pumasok sa gera na alam naman niyang ikapapahamak niya?
Bakit hindi mo pinigilan, Lara? Pero alam ko rin sa sarili ko na wala kang kasalanan.
Walang may kasalanan. Pero masakit… Nasasaktan ako. Gusto kong tumakbo paalis, pero walang mangyayari kung gagawin ko 'yon. Ilang taon na ang nakalipas nung mamatay 'yung magulang ko, at ang kapatid ko-- si Rain.
Gustong gusto kong malaman lahat kung bakit nangyari 'yon sa kanila pero ngayong na sa harapan ko na ang kahuli-hulihang sagot. Aalis pa ako?
Napakahina… Hindi 'to magugustuhan ni Rain kapag nakita niya ako ngayon.
"Lara." Tawag ko sa pangalan niya kaya umangat ang ulo niya nang kaunti. Kasabay niyon ang pagkuha ko sa pulso niya't hinila palapit sa akin upang ikulong siya sa aking bisig. Hawak ko ang likurang ulo niya gamit ang kanan kong kamay. "Salamat."
Narinig ko ang kaunting pagsinghap niya saka ko naramdaman ang ulo niya na lumingon sa akin. "Salamat?" Naguguluhan niyang ulit sa sinabi ko. "Hindi kita maintindihan--"
Niyakap ko siya nang mahigpit. "Nawawalan ka ng pakielam sa sarili mo kung kapatid mo 'yung pinag-uusapan," Naglabas ako ng hangin sa ilong. "No matter who you're against, you will protect her. Ganoon din ang kapatid ko sa kanya,"
Lumabo ang mata ko dahil sa namuong luha sa aking mata. Hindi dahil sa lungkot, kundi sa saya. "Salamat dahil sinabi mo lahat lahat sa akin." Pagpapa-salamat ko habang sinusubukang panatilihing okay ang boses kong nababasag na dahil sa aking pagpipigil ng luha. "Kasi kung hindi, baka hindi ako matahimik."
"Ngh."
"Makakahinga na rin ako nang maluwag," Binaon ko ang mukha ko sa mga balikat niya dahil sa panghihina ng tuhod ko. Umiyak na rin ako, hindi na-kontrol ang emosyon na sinusubukang labanan. "Salamat…"
Rain…
'Yung taong dahilan ng pagkamatay mo, wala na siya. Inasikaso na ng ate Lara mo. Tahimik na ulit…
Kaya makakahinga na rin nang maluwag si Kuya, kaya magpahinga ka na rin.
Hindi ko inaasahan 'yung mga ganitong pangyayari. Minsan, kaya tayo nagiging kampante sa buhay kasi akala natin, hanggang doon lang. Pero hindi natin alam, may nakatago pa sa mundong ito na hindi lang natin napagtutuunan ng pansin.
Akala natin, alam na natin ang lahat kaya wala tayong ginagawa. Kuntento na tayo sa kung ano ang nakasanayan, kaya sa huli. Nasasaktan tayo.
May parte sa 'tin na… nagsisisi.
Tumalikod na ako kay Lara at nagsimula ng maglakad. Ilang hakbang ang ginawa ko sa damuhan bago ako tumingala para makita ang kaulapan.
Itinaas ko ang kamay ko na parang inaabot sila. "I'll see you in a right time again…" Pagpapaalam ko sa pamilya ko kasabay ang pagtulo ng kahuli-hulihang butil ng luha.
Watch over me…
***
LUMIPAS ANG ilang araw, ngayon ang labas ni Haley sa ospital kaya ibig sabihin ay ito rin ang kahuli-hulihan na makikita namin si Lara.
Na sa labas lang ako ng kwarto ni Haley kasama si Jasper habang nag-aayos pa siya ng gamit sa loob.
"Nasaan pala si Lara?" Hanap ni Jasper sa kapatid ni Haley.
Kinuha ko naman ang phone ko para makita kung may text message. "Hmm, wala pa ring text, eh. Baka nandoon pa rin sa bahay nila," Ipinasok ko ang phone sa bulsa ko. "Hindi naman tayo nagmamadali kaya hayaan muna natin siya." Naisip ko kasi na baka sinusulit din niya 'yung kaunting oras niya sa Mama niya.
"Sabagay." Pagsang-ayon ni Jasper at umupo sa waiting bench. Bumuntong-hininga siya at nagpamulsa. "Grabe, sa dami ng pangyayari. November na pala, ang bilis. Magbi-birthday rin pala ang magkapatid." Tukoy niya kina Lara at Haley.
Sumandal ako sa pader. Hindi ba nila ise-celebrate magkapatid 'yung birthday nilang pareho?
"Nandiyan na pala kayo." Pareho kaming napalingon sa kaliwang bahagi. Nandiyan na pala si Lara.
Umalis ako sa pagkakasandal habang napatayo naman si Jasper. "Nandito ka na kaagad? Hindi mo sinulit 'yung oras mo sa Mama mo." ani Jasper.
Huminto na sa tapat namin si Lara at nagbuga nang hininga. "Hindi ko kailangan na magtagal. That's more than enough." Umiwas siya nang tingin. "And what's the matter with Kei? Ang hilig niyang dumikit-dikit. Hindi ba siya naiirita?"
Ngumiti ako nang pilit. "Well, because you keep on ignoring her. Kapag sinusungitan mo siya, mas lalo siyang didikit sa'yo."
Tumaas ang kaliwang kilay niya. "What?" Nawe-weird-uhan niyang reaksiyon.
Parehong-pareho talaga sila ni Haley.
Tumangu-tango si Jasper ngayong nakahalukipkip. "Kei thing."
Tumawa lang ako sandali.
Matapos ang insidente't madala rito sa ospital si Haley. Wala pa ring ideya sila Harvey at Kei sa mga totoong nangyayari sa paligid nila. Tila parang normal lang ang lahat. Pero nagsu-suspetsya si Harvey at kung anu-ano rin ang tinatanong. Ang maganda lang ay nagagawang umarte nang maayos ni Lara kahit na minsan pa'y hindi na rin niya nako-kontrol at nawawala siya sa pag-arte.
Pero isa lang ang ibig sabihin niyan. Kumportable siya sa kung sino siya kapag kasama 'yung mga ordinaryong tao sa edad niya. Ewan ko kung nagiging assumero lang ako pero hindi na rin naman siguro masama kung iisipin ko 'yon, 'di ba?
Labas sa ilong akong napangiti. "Mas magiging masaya 'yung kapatid mo kung nandito ka." Bulong ko kaya napalingon sa akin si Lara.
"Did you say something?" Tanong niya na inilingan ko.
"Wala." Sagot ko at nagpamulsa na pumaharap ang tingin sa pinto ni Haley.
Kinalabit ako ni Jasper kaya lumingon naman ako sa kanya. "Ano?"
"Nauuhaw ako."
Sinimangutan ko siya. "Eh, ano'ng gusto mong gawin ko? Wala akong tubig dito."
Tumuro siya sa kung saan. "Bili mo'ko." Sabi niya na parang isang batang nagpapabili ng laruan na makikita sa daan daan.
May pumitik sa sintido ko. "Ikaw bumili mag-isa mo!"
Ngumuso siya. "Wala kang kwenta." Sabay tingin kay Lara at nag puppy eyes. "Ate La--" Bago pa man matapos ni Jasper 'yung pagtawag kay Lara ay binigyan na siya nang matalim na tingin nito kaya napaatras si Jasper at napaurong ang ulo.
"A-Ah…" Nauutal siya. Ikiniskis niya ang mga palad niya. "Bibili na lang ako ng inumin natin. Mag tubig tayong lahat, para healthy." Sabay pasok ni Jasper ng kamay sa bulsa ko para kunin ang wallet ko. Luh! "Wala akong pera ritong dala, kaya pa-holdup!" Tumakbo na siya paalis.
"Hoy!" Tawag ko at napasapo sa noo. "Ano ba naman 'yung lalaking 'yon."
Humarap na nga lang ulit ako sa pinto. Ilang minuto rin iyon at hindi naman nagsasalita si Lara kaya pareho lang kaming nganga. Ang awkward.
Nag-usap lang kasi kami nang masinsinan nung na sa puntod kami ni Rain. Sa school naman, nag-uusap lang kami kapag kinakailangan. Saka hindi kami naiiwan na kaming dalawa lang kaya ang awkward ng feeling na 'to.
Ano ba'ng dapat na pag-usapan?
"Reed." Biglang tawag ni Lara sa pangalan ko kaya ako naman itong parang natarantang lumingon sa kanya.
"A-Ano? Bakit?" Kinakabahan kong tanong. Uminahon ka nga, Reed. Tinawag ka lang, eh.
"By any chance," Panimula ni Lara at lumingon din sa akin para tingnan ako pabalik. "Do you love my sister?" Tanong niya na nagpatulala sa akin ng ilang segundo, hanggang sa mamula ako nang mag sink in sa utak ko ang tanong.
"H-huh?! B-Bakit mo biglang natanong 'yan?" I flustered. Humalukipkip ako't naglayo ng tingin para hindi niya makita ang sobrang pagpula ng mukha ko. "P-Pero alangan namang magsinungaling pa ako sa'yo, 'di ba? Ito na nga 'yung huling pagkikita natin. Kaya sige, o-oo! Gusto ko siya-- mahal pala. Mahal na mahal…" Bigla akong nalungkot dahil sa isang kaisipan. Kaya napatungo ako. "Pero tingin ko, hindi ako 'yung para sa kanya." Mas naglayo pa ako nang tingin. "Ilang beses ko ng sinubukan na umamin, pero palaging may hadlang maliban sa pagiging duwag ko.
Senyales ba 'yon? Dahil hindi ko siya magawang maipagtanggol, o ma-protektahan?" Duda ko sa sarili ko.
Kumuyom ako dahil sa pagkakataon na 'to, nakaramdam ako ng inis. Ang hina ko, wala akong binatbat. "May iba pang may deserve para sa kanya."
"And who do you think it is?" Tanong niya kaya tumingala ako para makita siya. Ang lamig kasi bigla nung tono ng boses niya.
Nakaharap ang ulo niya pero nakatingin siya sa akin gamit ang gilid ng mata.
Samantalang nakabuka lang ang bibig kong nakatitig sa kanya. "A-ahm…"
Lumingon na nga siya sa akin. "Kung hindi ikaw, sino?" Ulit pa niya tanong niya. "Sabihin nating tama ka, may mas better pa para sa kapatid ko kaysa sa 'yo. Pero tingin mo doon masaya si Haley?" Tanong niya na mas nagpabuka sa bibig ko.
Ano ang ibig niyang sabihin? Eh, wala lang naman ako. Kaibigan lang ako ni Hale--
Napatikum ako. Hindi, tigilan na natin 'yung pagloloko natin sa sarili natin. Alam mo 'yung totoo, Reed Evans. Natatakot ka lang…
Pasimpleng bumuntong-hininga si Lara. "Ngayon ko lang 'to gagawin, bilang isang ate na rin ni Haley" Humarap na siya sa akin kaya humarap na rin ako sa kanya. Ang seryoso na nung mukha niya. "Not all girls want to be protected, including Haley. She's a reckless stubborn girl who doesn't like to listen to anyone around her. Kung ano lang 'yung tingin niyang mas okay sa kanya, iyon ang gagawin niya. So don't get the wrong idea."
Nakapamilog lang ang mata kong nakatingin kay Lara. "Pero hindi ko rin sinasabi na hindi niya kailangan ng protection. Pero ang kailangan niya, 'yung taong mananatili sa tabi niya. 'Yung magpapasaya sa kanya, at ikaw 'yon."
Dahan-dahang umangat ang mga kilay ko nang marinig ko ang mga katagang iyon mula sa kanya. "That's why I don't think you have to fret about trivial things. Hindi ka isang superhero, hindi mo siya mapo-protektahan physically, but you can protect her emotionally, by making her smile wholeheartedly." Humalukipkip siya at ngumiti nang kaunti, ipinikit din niya ang kaliwa niyang mata. "That's all it matters." Dagdag niya.
Napahawak ako sa dibdib ko. Nakaramdam ako ng kakaibang saya, nakikiliti rin 'yung tiyan ko.
Dinaan ko ang gilid ng hintuturo kong daliri sa aking ilong habang humahagikhik. "Nabuhayan ako," Labas ngipin kong nginitian si Lara. "Salamat. Sister-in-Law." Biro ko saka ako awkward na napangiti. Bigla akong nakaramdam ng hiya, eh.
Binuksan na niya ang isang nakapikit niyang mata bago siya sumenyas na yumuko ako nang kaunti. Nakakapagtaka man, ay ginawa ko.
Akala ko may kukunin lang siya sa ulo ko o kukurutin lang niya 'yung tainga ko pero laking gulat ko nang hawakan niya ang ulo ko para itungo ako. 'Tapos ay lumapit ang mukha niya para ilapat ang kanyang labi sa aking noo,
Nanlaki ang mata ko. Eh?
Tanging nasabi ng utak ko bago na niya ilayo 'yung sarili niya sa akin. Pero mas ikinagulat ko 'yung mukha na ginagawa niya ngayon. 'Yung ngiti na ngayon ko lang nakita ay siyang nagiging dahilan para maging magaan ang pakiramdam ko. Animo'y nagliliwanag siya habang tinititigan ko siya.
Pero ang isang ikinalulungkot ko. Kailan siya ulit ngingiti pagkatapos?
"Please take care of my sister." Huling sabi niya sa akin.
*****
Multimedia Illustration drawn by Crispy Paotato is now available on my page.
Visit here: https://web.facebook.com/YulieShiori.Writer