webnovel

Apprehension

Chapter 22: Apprehension 

Haley's Point of View 

"I'm..."

Nakarinig kami ng pagbukas ng pinto mula sa baba. Malamang isa 'yon sa mga kaibigan ko. 

"Haley!" Tawag ni Kei mula sa baba. Kauuwi lang siguro niya kasama si Reed. 

Huminga ako nang malalim at inilipat 'yung tingin sa taong na sa kwarto ko. "Your sister?" Tanong niya nang hindi inaalis ang tingin sa pinto.

Lumunok ako habang pilit na iminumulat ang aking mata, gusto ko ng pumikit dahil nag-iinit na ang mga mata ko sa lagnat ko.

"Don't touch... her." Nanghihina kong udyok dahilan para lumingon siya sa akin.

"I have no business with her." Simple't walang buhay na tugon niya. 

"Ano ba talaga ang intensiyon mo?" Naguguluhan ko pa ring tanong sa kanya subalit lumakad na siya papunta sa bintana. Doon nanaman siya dadaan. 

"Pakitandaan 'yung sinasabi ko sa 'yo, Hailes." Pagtawag nanaman niya sa palayaw na 'yon saka siya lumabas sa bintana ko. 

Kinuha ko ang trashcan na nasa ibaba lang talaga ng kama ko saka sumuka ro'n. 

Kasabay naman niyon ang pagbukas ng pinto, pumasok si Kei at nagulat nang makita ako. "Haley!" Tawag niya at dali-daling lumapit sa akin. Hinihingal lang akong sumusuka habang hinahagod lang ng kapatid ko ang likod ko. 

***

ILANG LINGGO na ang lumipas simula nang huli ko siyang makita.

Pumupunta ako sa lugar na walang katao-tao dahil nagbabaka sakali ako na makita siya. Kung magpapakita kasi siya, madalas kaming dalawa lang. Kaso hindi ko na siya nakita pagkatapos nang huling punta niya sa kwarto ko. 

"I am warning you, not to leave the city."

Naalala kong babala ng taong iyon na nagpatungo sa akin.

It doesn't make sense at all. 

Isa ba siya sa mga kasamahan ni Ray? Sino ba siya?

Binuksan ko ang pinto ng rooftop at lumabas. Vacant time namin ngayon kaya tatambay muna ako sa pwede akong ma-relax. 

Pero napatingin ako sa itaas kung sa'n madalas tumambay noon si Rain. It's been awhile... 

Sambit ko sa isip ko at lumakad papunta sa pahabang bench. Hindi gano'n kainit dito dahil may'ron ng silong sa bawat mauupuan. 

Mayro'n ding mga nakalagay na halaman sa bawat tabi ng bench kaya para ang presko ng hangin dito. 

Sumandal ako 'tapos nagbuga ng hininga. 

May tumawag sa pangalan ko kaya napalingon ako sa kanya. Papalapit dito si Rose na may hawak-hawak na libro. Nandito pala siya, sa'n siya tumambay? 

Huminto siya sa harapan ko't inayos ang eye glasses niya. "Bihira lang kita makita rito, ba't mag-isa ka lang?" Tanong niya sa akin.

Sinimangutan ko siya. "Kailangan ko ring mapag-isa minsan," Sagot ko at ibinaba ang tingin sa hawak niyang libro. "Ano 'yang binabasa mo?" Tanong ko saka siya umupo sa tabi ko. 

"Ultimate guide ito para sa mga estudyanteng magre-retreat," Saad niya 'tapos humawak sa dibdib niya habang iniisip ang pwedeng mangyari sa darating na retreat. "At kailangan kong paghandaan dahil ito na 'yung huling activity na makakasama ko kayong lahat." Pinunasan niya ang gilid ng mata niya na animo'y may tumulo na luha. "As a class president, hindi ko pwedeng hayaan na hindi maging masaya itong huling taon ng high school natin." Pag-angat niya ng mga kamao niya, naha-hype siya sa sobrang excitement. 

Labas sa ilong akong ngumiti. "Sabagay, ano? Ito na 'yung huling taon natin sa high school," Tumingala ako. "Pagkatapos, maghihiwalay rin tayo para kunin ang fields na gusto natin. Medyo nakakalungkot nga." Malungkot kong sambit. 

"You actually do?" Hindi makapaniwalang reaksiyon ni Rose kaya ibinaling ko ang tingin sa hindi kalayuan. 

"Shut up." Nahihiya kong tugon saka nanaman niya ako hinahawak-hawakan. Iyan nanaman siya! 

Niyakap niya ako 'tapos ipinatong ang baba (chin) sa balikat ko dahilan para inis ko siyang tingnan. "Lumayo ka nga sa aki-- Ngh!" Marahan niyang hinawakan ang dibdib ko. 

"Haley, stress ka lately, 'di ba? Minsan i-relax mo rin 'yung katawan mo." Naramdaman ko ang pagkulot ng labi niya kaya namula ako.

"Wai--"

Idinikit niya ang kanyang katawan sa likod ko. This b*tch!

"At alam mo ba? Ito na 'yung huling taon na magba-bonding tayo, dapat mas maging close tayo ~" Malandi niyang sabi kaya itinulak ko ang mukha niya palayo sa akin. 

"Stop it, you perverted woman! Nakakadiri ka, 'lam mo ba 'yon?" Iritable kong sambit habang pilit siyang inilalayo sa akin. 

Naramdaman ko ang pag nguso niya. "Mag sorry ka sa mga babaeng sweet tulad ko." 

"Ikaw lang 'yung ganyan!" Bulyaw ko kaya natatawa naman siyang humiwalay sa akin.

"Geez, it's because you're so distant na kinakailangan mo rin ng physical touch." Pagkibit-balikat niya kaya mas namula pa ako kaysa kanina. 

"May problema talaga lahat ng mga sinasabi mo!" Sigaw ko sa sobrang hiya pero nag crossed legs lang siya 'tapos nginitian ako. 

"May katabi ka na ba sa Bus?" Tanong niya. Malapit-lapit na rin kasi ang retreat namin sa Baguio, 3-4 days iyon at medyo mahaba-haba. Gusto kong ma-excite pero hindi ko magawa. 

"I am warning you, not to leave a city." Muling pag-alala ko sa babala ng taong iyon kaya pikit kong ibinaling ang ulo ko sa harapan.

Why am I hesitating? 

"Wala pa akong katabi, pero hindi ako papayag na ikaw ang makakatabi ko." Tugon ko at unti-unting iminulat ang aking mata na ibinaba ang tingin. 

Should I trust that person? 

Humawak siya sa pisngi niya gamit ang kanyang kanang kamay. "That's harsh ~" Pag-iinarte niya. 

Ba't kailangan kong paniwalaan 'yung sinasabi ng taong iyon? Hindi ko naman siya kilala, at isa pa. Wala siyang magandang paliwanag para pagkatiwalaan ko 'yung sinasabi niya. Pero naiinis ako dahil parang may kutob ako na kailangan ko siyang sundin. 

"Hailes?" Tawag ni Rose dahilan para mapasinghap ako't mapatayo. 

Medyo napapitlag si Rose dahil sa naging reaksiyon ko. "A-Are you okay? Nakakatakot kang tingnan." 

Hindi ko napansin na lukot na ang mukha ko sa galit. 

Medyo hinihingal din ako dahil sa biglaang pagbigat nung dibdib ko. Sh*t, sh*t lang. 

Ibinalik ko ang tingin sa simento. "S-Sorry." Hinging paumanhin ko. 

"Kaya pala sabi ko may maingay, nandito ka pala, Haley Miles Rouge." Banggit ng pamilyar na tao sa kung saan. Sinundan ko ang tingin kung sa'n nanggaling 'yung boses niya.

Huminto iyon sa taas ng entrance staircase kung nasa'n ang antenna. Doon sa lugar kung saan nga madalas tumambay si Rain noon. Nakapameywang siya habang hinahangin ang skirt niya. 

Animo'y may narinig akong hiyaw ng tigre pagkakita ko sa panty niya. "Nice panty." Puri ni Rose kaya binigyan ko siya ng walang ganang tingin samantalang pulang-pula naman si Irish na ibinaba ang skirt niya't dali-daling bumaba mula sa ladder para pumunta sa harapan namin. 

Tinuro niya si Rose nang hindi inaalis ang tingin sa akin. "Sino ba 'tong babaeng 'to?!" Bulyaw niya sa akin pero tumayo lang si Rose upang hawakan ang mga kamay niya. Napatingin na sa kanya si Irish. 

"Glad you ask, I'm Rose Marie Cadano. Interesado ka ba sa massaging?" Malapad na pag ngiting tanong ng babae kaya napabuntong-hininga ako. 

"N-No, thanks-- Hoy, Haley!" Tawag niya sa akin pero tinakpan ko lang ang tainga ko. Sabi ko kailangan kong mapag-isa pero nandito itong dalawang ito. 

Naramdaman ko naman ang paglingon ni Rose sa akin. "Haley, who's this beautiful lady?" Parang kumikinang ang mata ni Rose nang tanungin niya sa akin kung sino raw si Irish. 

Ibinaba ko ang mga kamay kong nakatakip sa tainga ko at lumingon sa kanila na may pagtaas na kilay. 

I looked Rose with disbelief. "Beautiful?" Ulit ko sa binanggit ni Rose at tiningnan si Irish. "You blind?" Dagdag ko. 

"Luh. Porke cute 'yang mukha mo, ah?" 

I blushed. "W-Wala naman akong sinasabing cute ako, ah?" Kunot-noo kong depensa sa sarili ko. 

Tumalikod na nga lang si Irish kaya nawala na 'yung pagkakahawak ni Rose sa mga kamay niya. "Whatever. Tutal, nandito ka rin naman. Ibig sabihin pwede kong puntahan si Reed." 

Pumitik ang ugat sa sintido ko. Talagang naghahamon ng away ang babaeng ito. 

Humalukipkip si Rose. "Oh, iyon pala ang sitwasyon." Naglabas siya ng notepad at may isinulat doon. "Ilalagaya ko 'yan sa data ng club namin." 

Nilingon nang kaunti ni Irish ang ulo niya para ngisihan ako. "Kung wala kang gagawin, wala talagang mangyayari sa 'yo. Kaya bye ~" At patalon-talon siyang pumasok sa loob. 

"Hoy!" Tawag ko at napahilamos. "Geez!" Inis ko hiyaw bago siya sundan. Iniwan ko na si Rose roon sa bench. 

Mabilis akong bumaba sa hagdan matapos kong maisara ang pinto.

Nagpalingon-lingon ako upang magbakasaling makita si Irish, pero nandoon siya sa hindi kalayuan kaya patakbo akong naglakad papunta sa kanya't pinantayan ang lakad niya. 

Napatingin siya sa akin at namilog ang mata nang makita ako. "Why are you following me?" Naguguluhan niyang tanong 'tapos kunot-noo akong tiningnan. "Wala akong ideya na stalker pala kita, ah?" Pang-aasar niya. 

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ang assuming mo naman para isiping stalker mo 'ko."

Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti. "Edi ano'ng ginagawa mo ngayon--? Oh my gosh, don't tell me fan kita?"

I laughed sarcastically. "Fan? Anong talent ang nagawa mo para maging fan mo? Sa harot ka lang naman magaling." 

Mukha namang naasar na siya dahil biglang kumunot ang noo niya, subalit hindi niya inaalis ang linya ro'n sa labi niya. 

"Hoy, Haley Miles Rouge. 3rd year ang kausap mo kaya dapat hindi ka nagsasalita ng ganyan" 

Nginisihan ko siya. "At 4th year senior student ang hinahamon mo, kaya dapat ginagalang mo 'ko, tama?"

Nawala na ang ngiti sa kanyang labi at napalitan ng masamang tingin. "I'll kill you" nanggigigil nyang sabi. 

Mas lumapad ang ngising nakaukit sa labi ko. "Try me" Hamon ko.

Bumaling na siya 'tapos mabilis na tumakbo.

"Hoy-- Kaasar!" At tumakbo rin ako para mahabol siya.

Napagtitinginan na nga kami ng mga estudyante sa daan at malay ko ba kung anong pumasok sa utak ko at ginagawa ko itong mga ito.

Napaka childish!

"Bakit saka ka lang kikilos kapag sinusubukan ko siyang kunin sa 'yo?" Naguguluhan niyang tanong habang patuloy pa rin kami sa pagtakbo. Hindi ko rin talaga maintindihan 'yung sarili ko sa totoo lang. 

He changed my life without even trying but I don't think I could tell that through my mouth. I want him to look at me, but I turn my head everytime he does. I can't explain why.

And IF! If he asked me if I wanted to go out with him, I wouldn't really know. 

"Haley, you stupid!" Parang nakukunsume nitong sabi hanggang sa magkasabay na kami ng takbo. 

"And now you're calling me stupid?" Naguguluhan kong sambit. 

"Because you are indeed STUPID." Pag emphasize pa niya.

"H-Hoy! Tumingin kayo sa harapan!" Sigaw ng isang estudyante kaya pareho nga kaming pumaharap ng tingin ni Irish. Matatamaan namin 'yung mga nakaharang na timba kung hindi kami hihinto, pero dahil sa sobrang bilis ng pagtakbo namin ay hindi na namin ito napigilan.

Kaya ang nangyari ay nadulas kaming dalawa at natapon sa amin yung laman ng timba.

"Ugh..." I moaned in disgust. 

"I-Iyong pwet ko..." Nauutal na wika ni Irish habang nakahawak sa pesteng butt niya. Mukhang malakas 'yung pagkakatama sa sahig. "This is all your fault!" Paninisi niya sa akin. 

Lumingon ako sa kanya. "And now you're blaming me?" Hindi makapaniwala kong sabi saka tumikhim ang kung sino sa harapan namin. 

"Ah." Paggawa namin ni Irish ng tunog nang mapagtanto naming si Sir Santos ito. 

Yumuko siya para ilapit ang mukha sa akin. "Linisin n'yo 'to, ha? Miss Rouge." 

Nanginginig ang kilay ko na nakatingin sa kanya hanggang sa inis kong tiningnan si Irish mula sa peripheral eye view. 

***

MATAPOS MANGYARI ang pagkakalat at paglilinis ay naligo kami ni Irish.

Pinahiram lang kami ni Kei at Mirriam ng extra nilang damit.

Sinarado ko ang locker at kinuha na 'yong bag, 'tapos saglit na sinulyapan si Irish na kasalukuyang nagbibihis.

Sumimangot ako at aalis na sana nang magsalita siya. "Saglit lang" huminto nga ako gaya ng gusto niyang mangyari, lumingon ako sa kanya't tinaasan ito nang kilay. 

"Bakit kailangan pa kitang hintayin?" Pagtataray ko, nilaro laro niya ang mga daliri niya habang nakatuon ang tingin sa kanan niya.

"W-well... 'Di ba, pupunta kayo sa Baguio?" Tanong niya na mas nagpataas sa mga kilay ko. 

Kita ko ang pagpula ng mukha niya. "Pupunta raw kasi 'yung KPOP group doon, b-baka gusto mong dumaan? Hingan mo ako ng Fan Sign?" Pag-angat niya ng tingin sa akin.

Tumagilid ang ulo ko dahil sa hiningi niyang pabor. Hindi talaga ako makapaniwala sa babaeng ito. 

Huminga ako ng malalim na kaagad ko ring ibinuga. "Hindi kami pupunta sa Baguio para maglakwatsa. Bye." Pagtalikod at paalam ko sa kanya.

Iniwan ko na siya sa shower room pero narinig ko pa 'yung pahabol niya. "Sungit mo!" Sigaw niya mula sa loob pero hindi ko lang pinansin at nagpatuloy lamang sa paglalakad. 

Hindi ba niya alam na nag-aaway lang kami kanina? Tss, baliw. 

Pabalik na ako sa classroom at naglalakad na sa corridor nang mapatingin ako sa labas ng bintana. Nanlamig ang katawan ko't malakas na pumintig ang puso ko nang makita ko siya sa experimental laboratory na hindi madalas gamitin ng mga estudyante. Na sa kabilang gusali siya pero na sa mismo kong harapan. 

Animo'y binabantayan niya ang kilos ko bagama't umalis din siya nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. Balak ko siyang sundan pero tinawag ako ni Miss Kim. "Magta-time na, pumasok ka na sa klase." 

Lumingon ako sa kanya, siya kasi 'yung susunod na klase namin. Tinanguan ko si Miss Kim 'tapos ibinalik sandali ang tingin kung sa'n ko unang nakita ang taong iyon, pagkatapos ay walang nagawa kundi ang dumiretsyo sa classroom. 

Malalaman ko rin kung sino ka. 

***** 

Leave a rate or feedback para alam ko kung ano 'yung dapat na kailangan mai-improve. Hehe! Tenchuu!

Yulie_Shioricreators' thoughts
Chương tiếp theo