webnovel

61. Knowing Our Past

Nang maka-pasok na ako sa loob ng opisina ko, tinungo ko na yung swivel chair ko at saka ako umupo doon. Inayos ko naman ang mga papel at sinimulan ko uling tinuloy yung trabaho ko.

Ilang oras kong inabala ang sarili ko sa trabaho. Napa-tigil ako sandali nang mapa-baling ako sa pinto ng may pumasok doon.

"Marsha!" natanaw ko siya mula doon na may mga bitbit na mga folders. At halatang sa mukha niya na masaya siya.

"Oh, ate Cecil. Bakit?" umupo siya harapan ko at sabay tinapunan niya ako ng tingin.

"May ibabalita ako sa'yo." parang na-excite naman ako sa sinabi niya. Dahil mukhang matatapos na rin ako sa ginagawa ko, minadali ko 'yon tapusin habang nakikinig sa kanya.

"There's a guy na nag-chat sa akin sa fb. And gosh! ang guwapo niya.." kinikilig pa niyang sabi. Napa-awat ako sa ginagawa ko ng saktong matapos ko na iyon. Mabilis akong humarap sa kanya sabay masaya ko siyang tinapunan nang tingin.

"Oh ano ate? Kayo na ba?" na-iintriga kong tanong.

"Gaga. Hindi pa 'no. Syempre, kailangan muna nating kilatisin yung guy. You know, there's a lot of posers in fb na halos nag-kalat na.." umayos siya ng upo niya at tumanaw siya sa malayo, sabay pumanga-lumbaba siya.

"Eh, anong lagay niyo?"

"Friends muna syempre. Saka na siya kapag hindi kami nag-katuluyan ni Steven. Reserba ko siya.." napailing nalang ako sabay napa-tawa.

Ang lakas rin ng babaing 'to. Hays, sabagay, kapag maganda ka nga naman tulad ko, kailangan mo ring maging matalino sa mga ganyang bagay.

"Ay siya nga pala ate Cecil.."

"Ano 'yon Marsha?" Inalis niya ang pagkakatungkod ng siko niya nang humarap siya ng maayos sa akin. "By the way, don't call me ate. Parang medyo may pagka-gurang na yung dating eh. Just call me in my name. Okay?" tumango naman ako sa kanya.

"Okay." Loko talaga.

Wala naman kayang masama 'don ha? Hays.

"Oh, ano pala yung ichichika mo sa akin, aber?" nang medyo napukaw na ang atensyon ko, saka ko naalala na may sasabihin pala ako sa kanya.

"Ah, ano..gusto ko lang malaman kung nakapanood ka na ba ng mga movie na alam mo na, may mag-asawa o magkarelasyon, tapos nag-huhubad si--"

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng tinakpan niya ang bibig ko. Napansin kong luminga-linga pa siya sa paligid sandali. Pagdaka'y, ibinalik niya na ang paningin niya sa akin.

"Marsha! Ano ka ba! Baka may maka-rinig sa sinabi mo!" mahina niyang sabi. Nagtaka naman ako.

"H-ha? Bakit, may mali ba sa sinabi ko?" nakita kong napasapo nalang siya sa ulo niya. Sabay seryoso niya akong tinignan.

"Ugh! of course, lalo na kung nasa public place tayo 'no..." luminga muna ulit siya sa paligid saka niya uli ako tinapunan ng tingin. "Anyway, bakit bigla mong naitanong 'yon? Ha? Don't tell me, oh my--" napa-salubong ang mga kilay ko sa naging reaksyon niya sabay napa-takip siya ng bibig niya.

"Bakit ganyan ka nalang maka-react jan?" napansin kong nilapit niya ng kaunti ang mukha niya sa akin. Sabay nagbitiw siya ng salita.

"Gosh, Marsha. You're now pointing out a sex life. Hindi mo ba alam kung ano 'yon?" napa-iling ako. Kaya nga tinatanong ko sa kanya eh. Jusme.

"Okay. I know it's kinda weird for you to explain but to make it short, 'yon yung ginagawa ng dalawang taong may affection sa isa't-isa. They're doing it for their self pleasure. Lalo na kapag mag-asawa kayo, 'yon yung cause to have a baby and to have their own family. But there's still other people na hindi nabibiyayaang magka-anak. Even though they still pursuing to do it.."

Habang sinasabi niya 'yon, sandaling may may naalala ako. Tama si mamá. Naalala ko yung sinabi niya sa akin. At ngayon na nalaman ko iyon kay ate Cecil, nagka-ideya na rin ako sa bagay na 'yon, at kung paano pala mag-pabuntis.

Pero paano naman nila ginagawa 'yon? Hanggang sa eksena lang kasi ng halikan yung alam ko e, kaya 'yon yung ginagawa ko madalas kay Logan.

Jusme Marsha. Kailangan mo na talagang lumevel-up.

"Did I get the point?" tumango ako sa kanya ng naka-ngiti.

"Pero Cecil, paano ba ginagawa 'yon?" sa pagkakataon na 'to, halatang nagulat pa siya sa tanong ko. Napakamot nalang siya sa ulo niya.

Sinabi niya sa akin kung paano 'yon ginagawa. At medyo nagiging interesado akong alamin. Kaya nang makakuha pa ako ng ideya sa kanya, alam ko na kung paano 'yon gagawin.

"And another thing Marsha. Don't make it a habit ha? Masama rin ang epekto 'non. Saka hindi sa lahat ng lugar, pwede kang manood ng mga videos 'non to get the exact point about how to do that. Mahirap na.."

"Salamat Cecil. Salamat sa payo mo.." naka-ngiti kong sabi sa kanya.

"Oh anyway, it's already seven. Uuwi ka na ba?" matapos niyang tumingin sa cellphone niya, tumayo na siya sa kina-uupuan niya. Sabay inayos na niya yung sarili niya saka yung mga bitbit niya.

"Oo."

"Sabay na tayo. Pauwi na rin kasi ako eh.."

Tinapunan ko ng tingin yung wall clock at alas-siyete na nga. Kaagad kong inayos yung mga gamit ko, saka ko rin inayos sandali ang sarili ko. Pagkatapos ay, tumayo na ako at saka kami lumabas ng opisina ko.

Nang maka-labas na kami sa elevator, saka ko naalala na makikipag-kita pala ako kay Steven.

"Ahh..ate, este Cecil. Mauna ka na pala. May pupuntahan pa kasi ako eh.." sabi ko sa kanya habang naka-tayo na kami pareho sa may gilid ng kalsada at nag-hihintay ng masasakyan.

"Okay. See you tomorrow.." saka naman may tumigil na taxi sa harap namin. Pero bago pa siya sumakay sa loob, nagbitiw ulit siya ng salita.

"Don't forget about what I've said to you earlier, ha? Bye!" pagka-sabi niya niyon, pumasok na siya sa loob ng taxi. Pagkatapos ay tumakbo na ito paalis. Naiwan naman akong naka-tayo dito mag-isa.

Sinubukan kong bumalik muna 'don malapit sa entrance ng building dahil may security guard 'don. Naalala ko kasi bigla na baka hablutin na naman yung cellphone ko. At baka rin kung magkataon pa, pati ako matangay na rin ng magnanakaw.

Kaagad kong kong kinuha yung cellphone ko sa loob ng bag ko, nang mabuksan ko na iyon. Sinubukan kong buksan yung screen ng cellphone, dahil baka nag-text na sa akin si Logan. Dahil sinabi niya kasi sa akin kanina na tatawagan niya ako.

Pero akala ko pa naman ay tumawag siya, wala kasi akong natanggap na tawag mula sa kanya. Pero may napansin akong isang text na dumating kaya kaagad ko naman iyon binasa.

Pumanglaw ang mukha ko matapos kong basahin 'yon dahil nag-text siya sa akin na hindi pala niya ako masusundo. Ibinalik ko nalang ulit sa bag ko yung cellphone. At saka ako pumara ng taxi.

Maka-lipas ang ilang minuto, tumigil na sa pagtakbo yung taxi, dahil mukhang nandito na ata ako sa lugar na sinasabi ni Steven.

At sa pagkakataon naman na 'to, medyo naging kampante ako dahil kahit papano rin pala, hindi na ako nahirapang mag-palusot kay Logan para lang makipag-kita kay Steven.

Hays. Paano pala kung bigla niya akong makita dito? Ugh! Bahala na.

Bumaba na ako ng taxi matapos kong mag-bayad sa driver ng pamasahe. Pagka-labas ko, natanaw ko ang isang restaurant na nasa harap ko.

Narinig kong tumunog yung cellphone ko. Kinabahan ako bigla dahil baka si Logan iyon, pero nang makuha ko na 'yon doon sa loob ng bag ko, si Steven pala yung tumawag.

Medyo humupa naman yung kaba ko sa dibdib ko, pagdaka'y sinagot ko naman yung tawag niya.

"Hello? Steven?"

"Uh, yes. Where are you? Naka-alis ka na ba?" luminga ako sandali sa paligid.

"Ahh, hindi. Nandito na ako na ako sa lugar na sinasabi mo."

"Oh shit." rinig kong napa-mura siya. "Where are you?"

"Nandito na ako sa labas.." sabi ko. Naka-tayo pa rin ako sa labas.

"I'll go there immediately, okay? Don't leave." tumango ako.

"Okay.." pagdaka'y pinatay ko na yung tawag.

Nag-hintay ako ng ilang segundo. At ilang sandali pa ay, nakita ko naman siyang naglalakad na ngayon papunta sa kinatatayuan ko.

Naka-suot siya ng may mahabang sleeves na kulay puti na may necktie, at naka-pants siya na black.

"I'm sorry I make you wait for long.." malumanay nniyang sinabi.

"A-ayos lang." tugon ko sa kanya. Muli ay tinapunan ko siya ng tingin sa pagkakataon na 'yon. At habang naka-tingin ako sa kanya, pakiramdam ko na parang na-miss ko rin siya.

Napansin kong mas lalo siyang gumawapo at at dinagdagan pa ng nakakamatay niyang ngiti.

"Can we go there inside?" napukaw naman ang atensyon ko ng marinig kong kinakausap na pala niya ako.

"A-ahh oo.." pagdaka'y sabay kaming pumasok sa loob. Naramdaman kong naka-hawak siya sa'king likuran katulad ng ginagawa niya dati.

Nang naka-pasok na kami sa loob ay tinungo namin yung pag-pupuwestuhan namin, na mukhang pina-handa na niya. Kasunod ay pina-upo na muna niya ako saka siya umupo.

Nag-order muna siya ng makakain namin. Lumapit naman sa amin yung waiter at pagkatapos nun ay saka ito umalis ng makapag-order na kami pareho.

"By the way, How are you?" pag-sisimula niya ng usapan. Tinapunan ko naman siya ng tingin ng naka-tanaw ako sandali sa malayo kanina.

"A-ahh okay lang. Ikaw?" sabi ko, saka ko siya nginitian. Naka-pukol lang ang tingin niya sa akin ng ilang segundo, at normal lang ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"I'm not feeling well those days that had passed. because I still feel uneasy in myself because I know that I've done wrong on you.." bago pa ako makapag-salita, saka naman dumating yung mga inorder namin.

Maingat na inilagay ang lahat ng 'yon sa table namin. Pagkatapos ay, umalis na yung waiter. Bahagya kong iniyuko ang ulo ko dahil parang hindi ako komportable sa sitwasyon namin ngayon.

"Marsha.." inangat ko ang tingin ko sa kanya. Napansin kong malamlam ang kanyang mga mata, at bakas ngayon sa kanyang mukha na parang mapanglaw siya.

Hindi muna ako umimik. "Are you still mad on me?" sa pagkakataon na 'yon, hindi muna ako nagbitiw ng salita. Makaraan ang ilang segundo, pilit kong nginitian siya at saka ako umimik.

"Hindi ako galit sa'yo Steven.."

Sa totoo lang, hindi naman talaga ako galit sa kanya. Kaso lang parang naninibago kasi ako sa lagay namin ngayon. Na dati masaya akong nakikipag-kuwentuhan sa kanya, pero ngayon, parang nag-iba na yung ihip ng hangin.

"I'm sorry Marsha about what I've said to you on that night. I know that it's unbelievable for you to believe, and it was just all a lie. It's okay if you don't accept it, I understand. Just disregard it.." matapos niyang sabihin 'yon, nagsalin siya ng alak sa kopita niya at saka siya sumimsim doon.

Pero napansin kong habang sinasabi niya iyon kanina, pakiramdam ko na totoo ang mga sinasabi niya. Nakaramdam ako na parang may tumusok sa dibdib ko, at dahil parang nakaramdam ako ng awa sa kanya.

"P-pasensiya na rin sa'yo, Steven. Pasensiya ka kung bigla nalang kitang tinalikuran nung gabing 'yon. Nabigla lang kasi ako sa mga nangyayari.." sabi ko. Sabay napayuko ako at saka ako napakagat-labi.

Pagdaka'y dahan-dahang napa-angat ng mukha ko nang naramdaman kong inangat niya iyon.

"I know, Marsha. But it's a fact actually..." sinandal niya ang likod niya sa likod ng upuan, habang hawak-hawak niya yung kopita. "But anyway, I understand your situation, that you just being shocked about what I've been said to you. But Marsha.." naka-tingin lang ako sa kanya na walang ekspresyon ang aking mukha.

"Even we had in our past, are you still don't accept it?" sa sandaling yaon ay napa-isip ako sa sinabi niya.

Naalala ko na hindi ko rin dapat sayangin yung oras ko na hindi ko natatanong at nalalaman mula sa kanya kung ano ba talaga ang totoo. Kaya pagkakataon ko na rin 'to, dahil ayoko nang problemahin pa yung mga bagay na 'yon. Ginugulo lang ako.

Pero tungkol sa sinabi niya, tanggapin ko ba 'yon o hindi? paano kung yung sinasabi niyang yaon ay tutulong sa akin para matapos na 'tong problemang 'to?

"Oh I see..you're still in doubt.." sabay sumimsim siya sa ng alak sa kopita niya.

"S-steven, gusto kong i-kwento mo ang lahat ngayon sa akin. Gusto kong malaman ang nakaraan natin.." matapos kong sambitin iyon, napa-tingin muna siya sa'kin sandali.

"You really want to know?" tumango ako sa kanya na medyo naka-ngiwi. Inilapag muna niya ang kopita niya sa table at sabay nagsalita siya.

"Marsha, its up to you if you'll believe or not. But our past is written and happened. And when the years had gone by, all things suddenly change.."

Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko mapakiwari kung magiging masaya ba ako sa malalaman ko ngayon o hindi.

Pero paano kung malaman ko sa kanya ang lahat na 'yon talaga ang nangyari? At kung sakaling bumalik ang mga alaala ko? Paano si Logan? Mamahalin ko pa rin ba si Logan?

paulit-ulit na tinatanong ko sa sarili ko. Ugh! Nalilito ako. Hindi ko alam kung ano bang gagawin ko..naguguluhan talaga ako.

Hello there!!

hope you like this another chapter again.

send gifts, votes and comments is my pleasure and inspiration to write up this Story!

ps. Happy 54k and still counting. Salamat po sa mga readers ng story na ito.

love you guys a lot. ❤️ ;-)

Maiden_pinkishcreators' thoughts
Chương tiếp theo