webnovel

chapter 41 jealousing?

Tamara POV

Teka bakit ang tigas ng unan na kayakap ko

Napadilat ang mata ko

"ahhhhhh!!!"

"aaaaahhhhhh!!!"

Sigaw namin at sabay bumangon

Tinignan ko yung katawan ko at kinumutan ko

"bakit kaya-kap moko?"

Tanong nya

"malay ko ikaw kaya yung yumakap sakin!!! "

Sabi ko

"ako seryoso ka eh ikaw nga dyan yung magulo matulog mabuti nalang-"

"ano!?"

Tanong ko

"wala!!"

Sabi nya at tumayo sabay alis

Tumayo nadin ako at nag hilamos , nag palit nadin ako ng damit at umalis sa kwarto namin

"magandang umaga mahal na prinsesa!"

Bati ni shine

"good morning din!"

Sabi ko

"halikana po handa napo yung almusal nyo!"

Sabi nya kaya sumama na ako sakanya

Pag katapos kong kumain nag palit na agad ako ng damit mag swimming na kame wuuuuuu

Ang lamig pero ang linis

Biglang may tumulak sakin kaya nadapa ako sa tubig sa dagar

Pag ahon ko si shine lang pala

"ganun pala ah!"

Hinahampas ko yung tubig papunta sakanya at ganun din yung ginagawa nya

Nakita ko si ervin naka upo lang

"ervin!"

Di ako pinansin?! Epal? Famous ka attitude ka?

"wag nyo na po sya tawagin sigurado hindi po maliligo yan dito sa beach !"

Sabi ni shine

"teka bakit !? Bakit ayaw nya !?"

Tanong ko

"ayaw nyang may kasabay na ibang tao pag nag swimming o naliligo sa isang swimming pool"

Sabi ni shine

Kaya pala nung dumating ako habang nag swimming sya umahon agad sya

...

Hanggang ngayon ng swimming paren kame sumasabay lang kame ni shine sa alon ang lalaki ng mga alon dito ah

" saglit lang po mahal na prinsesa kukuha lang po ako ng pag kain!"

Sabi ni shine

"sige"

Sabi ko

"wag po kayong pupunta sa malalim ah"

Sabi nya

"oo hindi naman ako bata para pumunta sa malalim no"

Sabi ko

Umalis muna sya

Yan na may susunod nanamang alon

Teka palalim na ako ng palalim hindi ako makaalis dito sa malalim hinihigop ako papunta sa lalalim

Biglang may malaking alon na tumama sakin

Hindi kona matapakan yung sahig at nasa ilalim na ako ng tubig

"tulong!!"

Sigaw ko habang sinusubukang makaahon sa tubig

"tulong!!"

Sigaw ko

Ervin POV

Buti pa dito sa may kubo kubo mas ok kesa dun sa may buhangin ang daming tao

"hay talagang dito kalang sa kubo malayo to sa beach , hindi naman maraming tao dun ah!"

Sabi ni benedict

"basta ayoko dun ang daming tao"

Sabi ko

"sige ah pupunta lang muna kame ng lola mo sa kwarto "

Sabi ni benedict at umalis

"tulong may nalulunod!!!"

Sigaw ng isang tao

May lifeguard naman siguro dyan

"tulong!"

Sigaw nya ulit

Natulog nalang ulit ako bahala nayun sigurado may tutulong dun

Teka boses yun ni shine ah di kaya

Nag madali akong umalis ng kubo at pumunta sa dagat

Pag dating ko huli na ang lahat

Nagulat ako sa nakita ko

Buhat buhat sya ni miguel

Lumapit ako sakanila

Wala malay si candice at hiniga sya ni miguel

CPR ni miguel si candice

"nako gumising ka mahal na prinsesa!"

Sabi ni shine habang umiiyak

Biglang may lumabas na tubig sa bibig ni candice at nag ka malay

"buti naman nagising ka kala ko mamamatay kana!"

Sabi ni shine at medyo natuwa

"lapitin katalaga ng panganib at perwisyo , lagi kang nang iistorbo sa sususnod kasi mag ingat ka"

Sabi ko at umalis

Ughhh nakakainis

Tamara POV

Ang sungit naman hindi naman sya ang nag ligtas sakin bakit naman sa na istorbo saka ginusto ko bato

Nagulat ako nang medyo nakangiti si shine

"bat ka naka ngiti dyan!?"

Tanong ko

"may nag seselos!"

Pang aasar nya

"ano baliw ka ba nakita monang galit yung tao nag seselos!?"

"ok kalang ba!?"

Tanong ni miguel

"ah oo pero teka nandito kadin?"

Tanong ko

"nag kataon lang na pumunta dito yung tita ko at sinama nya ako, nung maliligo na ako nakita kitang nalulunod kaya nag madali agad akong iligtas ka"

Sabi ni miguel

"ah ganun ba salamat!"

Sabi ko

Tumayo na ako at pumunta na kame ni shine CR

Habang papunta kame sa CR napatingin ako kay shine kasi mukang tahimik baka sinisisi nanaman nya yung sarili nya

Huh? Hindi sya malungkot

Nakangiti anggala

"huy para kang kinikilig dyan akala ko panaman na guilty ka yun pala nakangiti pa"

Sabi ko

"hindi ano po kase natatawa lang po ako nung nag selos ang prinsepe hindi ko akalaing napaka seloso nya at ganun sya mag selos!"

Baliw ba sya

"selos bakit naman mag seselos yun!?"

Tanong ko sakanya

Sige aber paki explain

"syempre ang prinsepeng si miguel ang nag ligtas sayo hindi sya!"

Sabi nya

"ano naman ang kinalaman nun?!"

Tanong ko

"syempre sa mga lalaki plus points lagi pag nagiging night and shining armor sila noh!"

Sabi ni shine

"ah pero imposible yang sinasabi mo wala syang gusto sakin at wala rin akong gusto sakanya"

Sabi ko

"sige pero sana "

Sabi nya

"hali kana nga nag gagabi na ! Mag banlaw na tayo!"

Sabi ko at inakbayan sya papunta sa CR

Walang pwesto kaya napag usapan namin na sa kwarto nalang namin maligo

Kumuha muna ako ng tuwalya at damit saka pumasok sa cr

...

Papunta na ako ngayon sa isang kainan

Kasama namin ngayon si miguel sa kainan dahil pag papasalamat daw ni lola sakanya

Naka poker face at tahimik lang si ervin akala konga mawawala sya dito at miguel dahil hindi sila close at baka gumala gala muna sila

Tapos na kame kumain at nag lakad lakad muna ako sa dagat

Ang ganda may xmas light kahit hindi xmas

Teka parang may nakita akong tao dun sa may dagat pero hindi ko makita yung sino dahil madilim

Paahon na sya at palapit ng palapit sa lupa

Ang hot nya

Kahit malamig sya ang nag papainit

Nakatulala lang ako sakanya ang lalaki pa ng mga muscle nya

"bakit nasa labas kapa!?"

Bigla ako natauhan

"huh?"

"anong ginagawa mo dito ano mag papalunod kananaaman ba!?"

Tanong nya

"ah hindi nag lalakad lakad lang ako!"

Sabi ko

"ts"

Sabi nya at umalis

"hmm pogi kalang pero sungit sungit mo!"

Sabi ko pero mukang hindi naman nya narinig

Sinadya ko talaga yun 😅 baka mas ma high blood pa sakin mukang galit na galit na eh.

Nakakainis ka talaga kalamo kung sino itsura lang naman panlaban mo

"ang ganda ng langit no?!"

"ay kamote!?!!!"

Sabi sa likod ko kaya tumalikod ako

Si miguel pala

"ikaw pala ah oo nga"

Sabi ko

Nag lakd lakad muna kame at nag kwentuhan

Umupo muna kame sa buhanging sahig

"kamusta kana kasama ang pinsan ko!?"

Tanong nya

"ah ok naman kaso minsan nakakainis sya"

Sabi ko

"ganun talaga pero pag nakilala mosya marerealize mo at magugulat ka na ganun pala sya"

Sabi ni miguel habang nakatingin sa langit

Siguro nga may tinatago ding bait si prince ervin

Biglang may humawak sa kamag ko ng mahigpit

"ervin!?"