Tamara POV
Pinikit ko yung mata ko
Walang nang yari?
Binukas ko yung mata ko
Takte
Nakatingin lang sya sakin at yung kamay nya nasa bewang nya
Takte nakangiti mukang nang aasar nanaman to
"bakit ka tumatawa dyan?"
Tanong ko
"di panga dumidikit yung yung kamay ko sa muka mo yung itsura mo para kang hindi binayaran ng utang nag isang linggo!"
Pang aasar nya
"eh bakit ba syempre umpisa kaya takot pa ako balibhasa sanay kana sa sapakan eh!"
Sabi ko
Yabang
Nakangiti parin sya
"haha pero kahit nung umpisa hindi naman ako ganyan ka OA no!"
Sabi nya
"basta bahala na nga ayoko na aasarin molang naman pala ko ayoko na"
Kahit paalis na ako tumawa parin sya
"teka haha-"
Hinawakan nya yung braso ko pero tumatawa parin sya
"joke lang nakakatawa kasi yung itsura ko pag napipikon ka para katalang hindi bina-"
"sige tuloy mopa!"
Sabi ko
"hahaha sige teka kumain kana? Kakin muna ako gutom na ako mamaya nalang muna"
Sabi nya
Aba purkit alam nyang matakaw ako ayun yung gagamitin nyang panglaban sakin purket magaling kalang mag luto eh hmm sapakin talag kita dyan
Lumbas na sya ng gym
"hmm sapakin kita dyan eh"
At ginalaw ko yung kamay ko na parang sasapakin ko talaga sya
"(rumbling)"
Mukang gutom narin ako hindi pa ako nag aalmusal eh pero nilagyan kona ng gamot yung sugat ko
Pumunta ako sa kusina
Wow ang bango teka
Ang daming mga sangkap
Haling nya mag hiwa ng mga pagkain pino pa
"pede tumulong?"
Sabi ko at lumapit ako sakanya
Ang bilis naman nyang mag palit ng damit ako nga hindi pa nakakapag palit eh
"wag na baka pumangit yung sala sige ka ikaw di naman kakain nito lahat eh"
Pang aasar nyang sabi
hinampas kosya sa braso nya
"bakit totoo naman ah"
Pang aasar nya pa sakin
"edi wow puket masarap kalang mag luto eh yabang mona nakakainis ka!!!"
Sabi ko
"totoo naman eh sa itsura mo pala pag ikaw na nag luto for sure panis o bulok na aga yung pag kain!"
Pang aasar
Tignan mo nakangiti nanaman oh palibhasa may inaasar eh
Hinamapas ko ulit sya
"oy ikaw ah nag hahawak ka ng muscle bakit bilbil lang ba meron ka diet karin kasi minsan!!"
Takte hindi na tumihil sarap mag mura eh
"oy hindi!!!!"
Sabi ko
Takte hirap iwasan ng mga pang asar nya
"weh pag nakikita monga yung muscle o kayawan ko lalo na yung abs ko na tutulala ka !"
Pang asar nya
Sabihin na nating minsan peri takte pati ayun nahahalata nya grabe matinik nga talaga to sa babae
"napag hahalataan ka tuloy babaero ay oo nga pala babaero kanga pala talaga saka wag kang praning hindi kita gusto at hindi ako mag kakagusto sayu !!!"
Sabi nya
"sus mahirap mag salita ng tapos wala pang babae ang hindi na fafall sakin lalo na "
Humakbang sya palapit sakin
Mag katinginan lang kame sa mata
"yung niluluto ko masusunog!"
Sabi ko at tinuro ko yung kaldero
"hindi pa nakabukas yung apoy nyan"
Sabi nya at humakbang pa
Taket ang hirap maka lusot dito
"kahit lumapit kapa hindi gagana yan gumuho man ang mundo hindi ako parin ako mag kakagusto sayo!!!"
Sabi ko
"talagaba?!"
Tanong nya
Sankaka atras ko at kakahakbang nya paabante nagulat nalang ako dahil pader na pala
Nilagay nya yung kamay nya sa gilid ng ulo ko
"teka hoy di na ako nakikipag biruan!"
Sabi ko
Linapit nya yung maka nya sa muka ko
Pinikit ko yung mata ko
"hahaha"
Binukas ko yung mata ko
Lumayo sya sakin at bumlik sa lamesa
"tulong ako na bobord na ako dito!"
Sabi ko
"sige nanga hiwain mo yung mga carrots patatas sibuyas kamatis "
Sabi nya
"sige"
Sabi ko at kumuha ako ng french knife para hiwain yung mga sinabi nya
" medyo pino mo yung pag hiwa ah "
Sabi nya
"opo boss"
Sabi ko
Hiniwa kona yung mga carrots
Nagulat ako nang may biglang pumunta sa likod ko at hinawakan yung kamay ko
Napahinto ako sa pag hiwa ng carrot at tumingin sakanya
Sobrang lapit ng muka namin ng pag harap ko
Nag ka titigan kame
Bigla syang umiwas ng tingin
"tumingin ka sa hinihiwa mo!"
Sabi nya kaya hindi kona sya tinignan at sa pagkain ako tumingin ako sa hinihiwa kong gulay
Hawak hawak nya parin yung kamay ko ang akward sa feeling
"dapat ganto pag hihiwa at kailangan dito ka lagi nakatingin dahil pede kang masugatan!"
Sabi nya
"ah sige"
"(pakkkkkk)"
Bigla kameng napatingin
Nalaglag na bagay ng inang reyna
Hala sya pala
"lola!!!???"
Sabi ni ervin
Napabitaw sya sa pag bitaw nya sa kamay ko nahiwaan tuloy yung daliri ko
"aray"
Sabi ko
Lalapit na sana si ervin sa lola nya kaso nung narinig nya akong nag salita lumapit sya sakin
" ayos kalang?"
Bigla nyang hinawakan yung isa kong daliri ko at tinignan nya
Lumapit kame sa lababo at binuksan nya yung gripo at dun nya pinabuhusan yung sugat ko
Di ko napansin nandyan pala ang inang reyna
Pag katapos nya hugasan bigla kame napaharap sakanila
Hala kasama pala sila shine at benedict
"ah hello po!"
Sabi ko at ng bow ako
Tinignan ko si shine kinikilig kainis nakita ata nila na hawak ni ervin yung kamay ko at tinutulungan nya pa akong mag hiwa ng gulay
"lola napadakawa kayo bakit aalis naba kame dito?"
Tanong ni ervin
"hindi pumunta lang ako para bumisita at sakto ang dating ko dahil mukang nag luluto kayo!"
Sabi ng inang reyna
"ah opo pero hindi papo sya luto eh"
Sabi ko
"ayos lang mag hihintay kame"
Sabi ng inang reyna
"diba kumain na tayo madam sa chinese resturant ah"
Bulong ni joshua
Nakita ko na hinapas sya patago ng inang reyna
"sige maupo na muna kayo lola at mag kuluto lang kame!"
Sabi ni ervin
Nag luto kame ni ervin
Tapos na kame mag luto at naka hain na ang pag kain sa lamesa
"mukang puro gulay at prutas ang kinakain nyo dito ah"
Sabi ng inang reyna
"ah opo "
Sabi ko
"kamust naman candice at ervin ang pag tira dito?"
Tanong ng lola ni ervin
"ayos naman po"
Sabi ko
"ok lang"
Sabi ni ervin at naka poker face
Anobang problema ng lalaking to ang moody
"mukang kumakain kana ng gulay apo"
Sabi ng inang reyna
"kailangan wala nang ibang pag kain"
Sabi nya
Pero kahit nung puro hindi masusustan ang kinakain nya maganda parin yung katawan nya
Tapos na kame kumain si shine na ang nag hugas ng plato
Si ervin ng lalaro ng ps4 kasama si benedict at si shine inaayos yung gamit nila
Ako naman gusto ako makausap ng inang reyna
Pumunta ako sa isang kwarto
"umupo ka "
Sabi ng inang reyna
Kinakabahan ako ano kayang sasabihin nya
" kamusta naman ang paninirahan nyo dito ayaw mobang umalis dito lalo na nung muntik kanang magahasa"
Sabi ng inang reyna
Alam nya pala
"ok naman po at yun pano nyo po nalaman yung tungkol dun?"
Tanong ko
"sinabi sakin ni ervin"
Sabi ng inang reyna
" ah ganun po ba? "
Tanong ko
"mukang nagiging malapit na kayo sa isat isa"
Sabi ng inang reyna
"hindi naman po siguro yung kanina tinuturuan nya lang po ako "
Sabi ko.
"pero pano mo naman sya napakain ng gulay dati hindi sya kumakain nu kahit anong pilit ko hindi sya kumakain at diba may sugat ka ok kana ba pano ka nakakagawa ng gawaing bahay ?"
Tanong ng inang reyna
"nung nag luto po po ako ng gulay kumain naman po sya at nung nag ka sugat ako parang nag bago po sya , sya nga po humagawa ng gawaing bahay kahit pag nag luluto yung iba tumatawag nalang po sya sa isang cleaning company"
Sabi ko
"totoo ba? siguro medyo natauhan sya dahil dun sa nang yari sayu dahil dati may kaibigan syang babae nung kinuha sya ng nangunguha ng bata walang nagawa si ervin nun kung di tumakbo espesyal ang babaeng yun dahil yun ang una nyang naging kaibigan at ngayon hindi na nya alam kung nasaan na yung batang babae na kaibigan nya"
Sabi ng inang reyna
"ah siguro naalala nya po yun sakin"
Sabi ko
"siguro nga"
Sabi ng inang reyna
Bayan napaka babaero naman nun ang daming babaeng misteryoso
Una si tanya tas yun naman aba aba tas ano pati ako gagawin nyang panakip butas kaya pala ang bait pwes di nya ako mauutakan