Shine POV
Inalalayan ko si prinsesa candice sa kwarto nila ni prinsepe ervin pero bakit parang walang pakealam ang prinsepe sa prinsesa nung hinatid ko sya kanina sa kwarto para din gamutin
nakita ko ang prinsepe parang wala syang pakealam kahit nung ginagamot na nang doctor yung pilay ni prinsesa wala lang syang pakealam ni di man lang nag tanong kung anong nang yari o kung ok na basya o makakalakad ba sya hayts ano kayang meron nag away ba sila? Hmmm normal lang yun sa mag asawa pero parang grabe naman yung galit ng prinsepe halos mapilayan na yung prinsesa wala lang syang pakealam
Paalis na sana ako sa kwarto nila ng makarinig ako ng sigaw sa loob mukang ako lang makakarinig dahil di naman gaano rinig sa labas yung sigaw kaya lumapit ako sa pinto naririrnig kong parang nag aaway sila
Nang marinig kong parang bubuksan yung pinto umalis agad ako kaso ang bilis ng pang yayari
"shine!!?"
Gulat na gulat na sabi ng prinsesa
"ah di kopo sinasadya napadaan lang po ako!"
Sabi ko at nag bow ako
Nakita koring nakita ako ng prinsepe at bakit may dalang unan ang prinsesa teka di kaya pinaalis sya ng prinsepe sa kwarto grabe naman
Sinarado ni prinsesa candice ang pinto
"ah kanina ka paba nandyan?"
Tanong ng prinsesa
"ah opo!"
Sabi ko
" yung nakitamo-?!"
"ah normal lang po sa mag asawa ang nag aaway!"
Sabi ko
"pero teka po bakit po kayo may dalang unan at lumabas pa kayo?!"
Tanong ko
"shine may alam kapabang kwarto kahit anong kwarto basta kwarto yung pedeng matulugan!!!?"
Tanong nya sakin at hinawakan nya yung kamay ko
"ah bakit po !"
Tanong ko
"pero kamahalan kung nag aaway po kayo di po dapat nag kakalayo kayo kasi dapat ang mga bagay bagay na pinag aawayan ng mag asawa dapat pinag uusapan para di na lumala ang away!"
Sabi ko
"pero pls meron paba?!"
Tanong nya
Hays sige nanga
Dinala ko sya sa isang kwarto maliit liit lang yung kwarto at yung kama maliit lang din
"ok lang po ba kayo dito!?"
Tanong ko
"ok lang salamat ah !"
Sabi ng prinsesa
"pero mahal na prinsesa sigurado po ba kayo!?"
Tanong ko sakanya
"oo mas ok nato kesa sa balcony saka candice nalang wag nag kamahalan o prinsesa!"
Sabi ni candice
"ah ganun po ba sige po utos nyo po eh! Sige mauna na po ako mag pahinga napo kayo!"
Pag papaalam ko sakanya sabay alis na sa kwarto nya
Tamara POV
Hay mas ok na to kesa naman lagi kong nakakaaway yung punyetang prinsepeng yun!
Hayts mabuti pa matutulog na ako
Trina POV
Nag lalakad ako papunta sa palengke para bumili ng mga gulay at iba pang sangkap pang luto
nung nasa palengke na ako nadaanan ko yung resturant ng kaibigan ko kaya pumasok muna ako
"hi friend!"
Bati ko sakanya
"oh napadalaw ka?!"
Tanong nya
"wala ayoko muna umuwi nakakainis sa bahay ako nalang lagi pinapagawa ng gawaing bahay kung di lang dahil dun sa candice na yun di sana ang sarap sarap ng buhay ko ngayon!"
Sabi ko sakanya at napakamot nalang ako sa ulo ko
"pano yang katulong nyo dati ay prinsesa na wala kang magagawa dahil prinsesa na sya!"
Sabi ni casandra alam mo nakakainis din to eh kaya nga ako pumunta dito para maka relax relax tapos sesermonan pa ako at ipapaalala kung gano na kasarap ang buhay ng bruhang yun haytsss
" bakit ba kasi sya yung naging asawa ni prince ervin bat yung pinsan kopa!"
Pag mamaktol ko.
"excuse me miss!"
Ay kupal bayan
"bayan kuya nang gugulat ka bigla bigla kanalang nasulpot sorry di ako free!"
Sabi ko sakanya nang makita kona ang muka nya putek ang gwapo
"ah bakit oo oo!!"
Sabi ko habang nakatingin lang sakanya
"ah kilala mo ang asawa ni prince ervin!?"
Bigla akong napasimangot
"ah oo pinsan nya!"
Sabi ni casandra
"ah ganun ba ako si vince friend ako ni prince ervin!"
Sabi nya sakin at inabot yung kamay nya kaya kinamayan korin sya
"ah wait ano bang gusto mo!? Bat mo ako tinatanong sa about sa pinsan ko?!"
Deretsuhang kong tanong dahil halata namang di ako ang habol nito
"ah di nagulat lang ako na nakita ko yung pinsan nung laging kinukwento sakin ng prinsepe!"
Sabi nya
"ah ganun ba?!"
Sabi ko sakanya
Nag usap kame ng mga isang oras hanggang sa umalis na ako dahil naalala ko na inuutusan pala ako ni mommy kaya nasermonan tuloy ako pero binigay nya yung number nya at mag kita daw kame sa park bukas ng umaga wow kinikilig ako sawakas mag kaka love life na ako at gwapo pa plus mukang mayaman at friend din nya ang prinsepe baka dahil dun mapalapit ako sa prinsepe,ako na ang piliin nya yieeeee
Umaga na nag ayos na agad ako para pumunta sa park pag dating ko nakita ko sya nakatayo malapit sa fountain
"ah kanina ka paba?"
Tanong ko sakanya
" hindi kararatingko lang !"
Sabi ni vince
"ano halikana?!!"
Tanong nya
"sige!"
Sabi ko at nag lakad lakad kame sa park hanggang sa na gutom na kame at kumain na kame sa isang resturant
"so pede ba malaman kung anong pangalan ng pinsan mo?"
Nagulat ako sa tanong nya at kita sa muka ko ang pag tataka
"pati yung kapatid mo at nanay mo!"
Ah kala ko basta yun lang pala
"ah yung kapatid ko princess yung pinsan ko candice-"
"ah candice!"
Sabi nya ng mahina
" mag rerest room lang ako"
at nag ayos muna ako
nung hapon na nag paalam na kame sa isa't isa
"hayts teka naiwan ko ata cell phone ko sa resturant "
Tamara POV
"(ting!)"
Kinuha ko yung phone ko
"(new messege from trina)"
Pinindot ko
"(trina: candice pede ba tayong mag kita sa park mga 6:00 hihintayin nalang kita may sasabihin lang akong importante!)"
Huh ano naman ang sasabihin nya hays pupunta nalang ako pero baka di ako payagang makalabas dito sa palasyo ay alam kona papatulong nalang ako kay shine
"shine pede ba samahan mo ko sa labas ng palasyo!"
Tanong ko kay shine
"huh? bakit po saka bawal po kayong lumabas lalo na may pilay papo kayo !"
Sabi nya
"pero importante kasi eh sige na plssss!"
Sabi ko sakanya at nag pa cute ako
"hay sige na nga po kahit malalagot ako-"
"ako bahala pag pinagalitan ka!"
Sabi ko sakanya
"opo mag bihis lang po kayo nag damit pero dapat po saglit lang baka mahalata po na nawawala kayo !"
Sabi ni shine
"sige!"
Nag bihis na ako at agad kameng nakalabas ng palasyo at 6:30 na kame nakarating sa park dahil traffic pa
"(candice:trina nasaan kana ?)"
"(Candice: nandito na ako sa park! )"
"( trina: pumunta ka sa may bandang eskinita! Dun mo ako ma kikita!)"
Pumunta nga ako sa sinasabi nyang eskinita nakakatakot naman tong lugar na to wala ring tao baka di dito yung sinasabi nya
Dahil hinanap ko sya sa eskinitang to naiwan kona si shine dun sa park
Paalis na sana ako kaso biglang may humawak sa bibig ko na panyo at unti unti akong nahihilo at nawalan ng malay