He drove my car noong sinabi niyang mayroon kaming pupuntahan. Syempre hindi ko na ginising si Mommy dahil malamang kung ano lang ang iisipin n'on. Baka mamayang madaling araw rin naman ay makakauwi ako.
Kung hindi man, mayroon naman akong baong damit dito sa kotse ko--
wait, what am I thinking?
Nilingon ko si Nico na busy sa pagmamaneho. His jaw line's so fine and his nose's so perfect here in my side to the point na muntik na akong tumulala sa kanya, when my plan is just to check him up.
Lumingon siya sa akin saka ngumisi noong nahuli niya akong nakatingin. Agad akong umiwas.
"S-saan tayo pupunta?" Tanong ko na lang pero hindi niya ako sinasagot. Ilamg minuto pa ay lumiko siya sa isang pamilyar na daan.
"We're here already." Aniya.
"Huh?"
Napatingin ako sa labas. Ang lapit naman? Wala pa nga yatang 10 minutes mula n'ong umalis kami sa bahay.
Pamilyar ako sa lugar at narealize na nandito kami sa Centennial... sa bahay niya.
Hindi ko alam kung bakit may kumiliti sa tiyan ko at kumalabog ang puso ko ng napakabilis.
"Why are we here?" I asked pero hindi siya sumagot ulit. Nagpark siya sa isang open space na medyo ilang lakad ang layo mula sa mismong bahay niya dahil doon lang may available na parking. Bumaba kami at agad akong binalot ng lamig.
I embrace myself before looking at him. He only gave me a playful grin bago siya lumuhod sa harap ko ng patalikod.
Napanganga tuloy ako.
"Anong ginagawa mo..."
"Sige na," Aniya. "Malayo-layo pa 'yong lalakarin." Sabay halakhak.
I pouted dahil hindi naman malayo. Tanaw ko na nga agad 'yong bahay niya mula rito. Mga ilang hakbang na lang naman.
Sinunod ko na lang ang gusto niya kaya naman I wrap my arms around his neck. I bit my lower lip noong hawakan niya ang upper legs ko upang suportahan ang bigat ko, saka siya tumayo at humalakhak.
"What?" Nacoconcious na tanong ko. "Mabigat ba ako?"
"Tss, ang gaan mo nga e. Kumakain ka ba sa lagay na 'to?"
"Psh," I rolled my eyes saka ipinatong ang baba sa kanyang balikat. I smiled habang sinisinghot ko ang kabanguhan ng leeg niya.
"Naalala mo ba?" He said habang mabagal pa rin na naglalakad... "When I'm courting you 6 years ago. I can't offer you anything but this."
I smiled habang inaalala 6 years ago kung paano niya ako piniggy-back papunta sa bus station noon. I closed my eyes 'cause this feels surreal.
"Oo naman," sagot ko. "How could I forget about that?"
It was the most real form of love I've ever felt. Sobrang raw. Walang halong ibang elemento katulad ng pera o ano. Basta pagmamahal lang.
Noong nasa tapat na kami ng bahay niya ay ibinaba na niya ako. Kinuha niya muna ang susi sa bulsa niya bago buksan 'yong dalawang kandado ng pinto. Habang busy siya doon ay tinignan ko ang paligid.
"Lika,"
Napalingon ako kay Nico noong hinawakan na niya ang kamay ko. Nabuksan na niya pala 'yong pinto. I smiled a little saka sumabay sa kanya sa pagpasok. I looked around the house when he turned on the light.
"Dito ka na titira ulit?"
"Yes," Aniya. Tumango-tango ako.
Maayos naman at malinis. Maliit na sala ang unang bumungad sa amin, pagkatapos sa gilid ay may hagdan paakyat sa taas.
Doon kami umakyat.
"Ikaw lang ba ang nakatira dito? I mean... any family...?" Kinagat ko ang labi ko upang mapigilan ang sarili ko. Baka kasi may masabi akong makakapagpalungkot sa kanya.
"Hmm,"
Tumungo siya habang sinusundan ko lang ang likuran niya.
Kumakalabog na ang puso ko pero hindi ko na lang inintindi. Sinusundan ko siya sa bawat lakad niya. Hanggang sa pagakyat namin ay isa na namang pintuan ng isang kwarto ang aming hinintuan.
He looked at me before opening the door. Umiwas ako ng tingin dahil uminit ang pisngi ko. Dahil doon ay humalakhak siya, saka niya binuksan 'yong pinto.
Tumambad sa mata ko ang isang table for 2 dinner set up... may magagarang kandila sa mga side tables at dim lang 'yong lights.
"Uh, I did this here kasi hindi kasya 'yong set up sa sala..." aniya sabay tawa. Hindi ako agad nakareact dahil busy ako sa pagtingin sa buong paligid.
Queen size bed ang nasa bandang kaliwa ng kwarto. May mga picture frames naman na nakasabit sa dingding sa gilid nito. Hindi ko namalayang nakanganga na pala ako habang pinagmamasdan ang mga litratong iyon. May isang litrato na isang magandang babae ang may hawak na baby... tingin ko si Nico 'yong baby na iyon. May isang litrato na binata na si Nico, at 'yong isa naman ang graduation picture niya.
Hindi ko alam kung bakit kumikirot ang puso ko. I felt so lonely looking at those pictures... May ilan pang mga pictures na kung hindi siya mag-isa ay si Topher ang kasama niya.
"Via..." Napalingon ako kay Nico na ngayon ay hinila na ang isang upuan sa dinner table for two na para bang sinasabing umupo ako doon.
Muli lang akong napanganga nang makitang may nakaflash nang projector sa isang plain na wall sa harap ng kama.
Napangiti ako sa dami ng pakulo niya.
"I just wanna tell you a story," aniya saka muli akong iginiya sa upuan. Umupo ako doon saka pinagmasdan ang mga nasa ibabaw.
Kanina ay may takip pa iyon na silver na na mga takip. Noon ko lang napagmasdan ang nasa mesa, may electric grilling pan sa gilid... noong tinanggal niya 'yong mga silver na takip ay may ilang mga frozen meat at korean side dishes tulad ng kimchi o kung ano pa man.
"May inihanda ka palang ganito, paano kung hindi pala ako pumayag?" Sabi ko sabay ngisi.
"Edi ako lang kakain sa lahat ng 'yan. Pero pumayag ka naman kaya..." Ngumuso siya kaya naman natawa ako. "O basta ito na," he bit his lower lip para pigilan ang tawa, saka tumingin sa naka-project na slideshow. Napatingin rin ako doon at black lang noong una dahil magloloading pa. Tumayo siya upang may ayusin sa projector at sa laptop, pagkatapos may hawak siyang wireless remote para ilipat 'yong powerpoint pagkaupo.
Ako naman nagsimula na akong mag-grill ng meat para sa aming dalawa. Yung laptop niya ay nakapatong sa maliit na table sa harapan namin kung saan doon rin nakapatong 'yong projector. Napangiti ako dahil ang dami niyang pakulo habang busy ako sa pagbaliktad ng meat sa grilling pan.
"Okay, Mr. Garcia... you may start your presentation now..." ani ko sabay crossarms na parang boss at halakhak. Napatawa rin siya sabay kamot sa batok niya.
"Bakit parang mas nakakakaba pang mag-present sa 'yo kaysa kay Mrs. Garcia." Napailing siya. "Uhm,"
Pagkaclick niya ng next slides ay lumabas na ang title slide. Binasa ko ang nakalagay doon.
What happened to Nico six years ago...
"Tonight," aniya, napalingon ako sa kanya. "I'm going to tell you a story, about what really happened to me six years ago..."
Natahimik ako noong sumabay sa pagsasalita niya ang isang pamilyar na kanta. Mahina lang ito pero nanunuot pa rin sa puso ko.
"Unang taon," aniya...