Si Janica ang kinausap ko para makasama sa Birthday Celebration ni Topher. Pareho kaming nag-leave sa trabaho n'ong araw na iyon. Sa kanila rin ako nakitulog muna dahil sa kanila mas malapit ang JCG Firm. Doon na lang rin kami susunduin ni Topher gamit ang kotse niya dahil nakakahiya naman kung sa bahay pa namin na malayo.
Lunch time noong sunduin kami ni Topher sa tapat ng condo building kung saan nakatira si Janica. May kanya-kanya na rin kaming malalaking bag na bitbit dahil sabi ni Topher ay 2 nights and 2 days daw kami doon.
"Grabe talaga Via, ang swerte mo!" Bulong ni Janica habang inilalagay ni Topher ang ilang mga gamit namin sa likod ng sasakyan niya.
"Ano ka ba, magkaibigan lang kami ni Topher." Sambit ko sa kanya.
"Kaibigan pa ba talaga 'yang ganyan? Yiiie, nakakakilig."
Mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni Janica. Gusto ko tuloy madaliin ang araw at matapos na 'tong birthday ni Topher. Gusto ko na ring linawin sa kanya kung anong mayroon kami, na hindi pa rin ako handa para sa panibagong relasyon o potential relationship.
Ang mahirap kay Topher ay hindi siya vocal sa feelings niya kaya naman hindi napaguusapan, pero halatang halata naman base sa mga galaw niya. That's more difficult to handle.
"You already had your lunch?" Ani ni Topher noong nakapasok kami sa kotse niya. Nasa driver's seat si Topher, nasa passenger seat ako, habang nasa likuran si Janica.
"We're okay Topher. Hehe. Thank you ha."
"Okay, then. Diretso na tayo sa JCG."
30 minutes lang ay malapit na agad kami sa JCG Firm. Tanaw na agad namin ang tatlong company bus na nakaparada sa harap ng building. May ilang mga taong nasa ibaba, at ang ilan naman ay nasa loob na ng bus.
Pumarada na si Topher sa loob ng property ng kompanya saka siya bumaba ng sasakyan at umikot para pagbuksan kami ng pinto. Malawak ang ngiti niya habang naglalakad na kami papalapit sa company bus. Natanaw namin ang limang kalalakihang nakatambay lang sa isang table malapit sa isang convinience store, may malaking umbrella naman ito na pumuprotekta sa kanila sa araw.
"Dude!" Tawag ng isa kay Topher noong natanaw kami. Kumaway naman si Topher.
"OMG, DANGER!" narinig kong sambit ni Janica. Napalingon ako sa kanya.
"Ha?"
"Mga miyembro ng DANGER iyan silaaa! Ayun! Yung nasa table na iyon! OMG!"
Ahh... akala ko may danger nang nangyayari. Lol. Napatingin ulit ako sa apat na lalaking nilapitan namin. Lahat sila, kung titignan isa-isa ay talagang may itsura.
"Bro! Happy birthday!" Bati ng pinakamatangkad sa kanila. Isa-isa silang tumapik sa balikat ni Topher na ngiting-ngiti. Pagkatapos nilang magbatian ay nilingon nila kami.
"I think you need to introduce us to these pretty ladies..." ani ng chubby sa kanila.
"Oh. Guys, oo nga pala, this is Janica..." nakipagkamay si Janica sa kanilang lima noong ipinakilala siya ni Topher. Halata ang kilig ni Janica noong ginawa niya iyon. "And this is Via." At gan'on rin ang ginawa ko, kinamayan ko silang lahat.
"You owe us an explanation, Dan Christopher." Ani n'ong pinakamatangkad habang nakatingin sa akin, sabay balik ng tingin kay Topher.
"Ano ba kayo... wala pa tayo d'on." Sagot ni Topher habang humahalakhak. Mukhang sila lang ang nagkakaintindihan.
"Okay... okay..."
"Nice to meet you, ladies... I'm Amiel." Ani ng pinaka-cute sa kanilang lahat. Singkit ito at itim na itim ang buhok.
"Thank you," ngiting ngiti si Janica.
"Nigel." Ani naman n'ong pinaka-matangkad na may hikaw na black sa kaliwang tenga.
"Garem..." ani naman n'ong chubby pero gwapo rin naman. Kinamayan rin namin siya.
"Call me Ethan." Masasabi ko namang maganda ang ngiti ni Ethan.
"Rain." Tipid na banggit naman n'ong pinakahuli. Mukha naman itong masungit at reserved base sa galaw niya. Hindi niya kami kinamayan. Tinaas niya lang saglit ang kamay niya upang irecognize kami.
"Probably you don't know Rain, pero siya ang pinakabagong miyembro ng DANGER." sabi naman ni Topher.
"Ohhhh, kaya pala." Sabi ni Janica. "Fan niyo ako guys. Can I take a photo with you, please?"
"Sure thing!"
Janica giggled a bit saka iniabot sa akin ang cellphone niya. Babaita talaga ito, ginagawa akong taga-picture palagi.
"O sige, compress, 1... 2... 3...." sabi ko habang pinipicturean silang lahat. "Okay na."
"Thank you, Via!"
"Tara na, akyat na tayo sa bus, guys!" Yaya ni Topher.
"Saan si Nico, Topher? Hindi siya sasama?"
Naalarma ang tenga ko noong banggitin iyon ni Ethan, pero hindi ako nagpahalata. Naglakad lang ako kasabay si Janica na kinikilig pa rin sa tabi ko.
Hindi siya sasama?
"Sasama 'yon, maya-maya darating din 'yun..." Sagot ni Topher.
Nakahinga ako ng maluwag. I had to admit that I missed him. Or else sarili ko lang ang lolokohin ko. Oo, tanga na kung tanga pero hindi ko talaga maiwasang maramdaman e.
Kahit after that day na hinatid ko siya sa bahay niya, hindi ko na siya nakita ulit. Ni hindi niya ako tinawagan o tinext. Halos dalawang linggo na akong walang balita sa kanya.
Pagkasakay namin sa bus ay panay ang bati ng mga nandoon kay Topher. Puno na ang bandang likuran ng bus, habang bakante naman ang bandang unahan para daw talaga sa DANGER at sa iba pang espesyal na bisita ni Topher.
Sa pantatluhang upuan kami pumwesto. Si Janica ang nasa bintana, ako sa gitna at si Topher sa tabi ko. Bakante pa ang dalawang upuan sa katapat namin na row.
"Inimbitahan ko sana sina JM at Geraldine, kaya lang ay busy daw sila." Sabi ni Topher noong nakapagsettle na kami ng upo. "Sabi ni JM birthday niya rin next next week. Iimbitahin niya rin daw tayo."
"Talaga?"
"Yes, that would be fun, right? Sayang nga lang at 'di sila nakasama ngayon."
Tumango-tango lang ako sa kwento ni Topher. Pagkatapos n'on ay muling umingay dahil sa bagong akyat sa bus.
Kumalabog ng mabilis ang puso ko, lalo na noong nagtama ang mga mata namin ni Nico... kasunod niyang umakyat sa bus ang isang magandang babae na agad na humawak sa braso niya.
Napakurap ako dahil doon... hindi ko alam ang dapat na ireact ko kung kaya naman umiwas ako ng tingin para hindi makita iyon.
"Kuya!" Bati ni Topher nang makita ito. Nasa unahan lang naman kami ng bus kaya naman nagkita agad sila. "Didn't know na isasama mo si Hazmin... Hi Hazmin..." palagay ko ay nakipagbeso 'yong Hazmin kay Topher. "Dito kayo umupo sa tapat namin..."
"Oo nga e, late na nga rin ako nasabihan ni Tita Majeane..." Saglit akong pumikit upang hindi na pakinggan pa ang mga kamustahan nila.
Hazmin? Sino si Hazmin kay Nico?
At bakit ba ang tanga ko?
"Sino 'yong Nico na bagong dating?" Tanong ni Janica sa gilid ko. "Parang I saw him somewhere kasi... ah! Alam ko na. Siya 'yong sumundo sa 'yo sa bar... nung nagbar tayo last time? Kaano-ano niya si Topher."
"Magkapatid sila."
"Ahhh, okaaay."
"And this is Via..." tumalbog ang puso ko nang bigla akong ipakilala ni Topher. Kahit ayaw ko ay napilitan tuloy akong lingunin sina Nico at Hazmin upang suportahan ang sinabi ni Topher. Saglit kong dinaanan ng tingin si Nico na nakatingin rin sa akin, ngunit agad rin akong umiwas ng tingin.
"And she's Janica."
Kumaway naman si Janica.
"Ang ganda niya." Bulong ni Janica noong after siyang ipakilala ni Topher.
Mas lalo tuloy may namuong inis sa akin.
"Wow, Topher, sino sa kanila si---" natigilan si Hazmin saka humalakhak. "Just kidding. Peace!"
Humalakhak rin si Topher."
Kaya pala...
Kaya pala halos ilang weeks siyang hindi nagparamdam. Dahil mayroon nang Hazmin. Nabusy siya dahil kay Hazmin.