webnovel

Pakawalan

Ngumisi si Jason noong inilayo ako ni Janica sa kanya, saka naglakad patungo sa mga kaibigan niya sa isang gilid. Mukhang lasing na nga siya agad.

Kami naman ni Janica ay umupo na sa tabi nila Torie.

"Guys, kung hindi niyo pa sila kilala. She's Via Cruz, and she's Janica Ferrer. Mga kaworkmates rin namin."

Ang ilan sa nasa harap namin ay tumayo upang kamayan kami. Ang iba ay itinaas lang ang baso upang irecognize kami.

Ngumiti lang rin ako at hindi na nagsalita pa. Hindi naman sa nahihiya ako, hindi ako madaling mahiya. Siguro dahil wala talaga ako sa mood makipagsocialize at ang pinunta ko lang ay ang uminom at kalimutan saglit ang mga iniisip ko.

Naglagay ng panibagong set ng alak at pagkain ang mga waiter sa table. Nagsimula na ring umikot ang baso sa kung sino mang iinom.

Noong una ay puro kwentuhan lang at pagpapatawa. Paminsan minsan ay sumasagot ako sa tanong nila, paminsan minsan ay tumatawa. Palagay ko nakakadalawang baso na rin ako ng alak na hindi ko maintindihan ang lasa.

O shit, I can't be drunk, magdadrive nga pala ako.

"Ganito na lang, let's play spin the bottle habang hindi pa peak ng party. Mamaya na tayo sumayaw sa dance floor." Suhestyon ni Irish.

"Ang luma naman 'yan, at sobrang highschool! Truth or dare?" Sabi naman ni Pat.

"Okay na 'yan, para nga magkakilala tayo lalo e." Ani ni Jason sabay tingin sa akin. Nagsihiwayan tuloy ang lahat.

"Sus, isa lang naman dito ang gusto mong makilala ng lubusan e!" Asar nila.

Nagpatay malisya ako at ininom ang baso ng alak na para sa akin. Nagpatuloy ang usapan at ginawa na nga nila ang suggestion ni Irish na laro.

"Ganito ang rule ha, truth or dare. Kapag hindi mo ginawa ang dare at hindi mo sinagot ang truth, 2 shots for you!"

Pumalakpak sa excitement ang lahat. Ibinaba ang ilan sa nakapatong sa glass table saka ipinaikot ang bote na wala nang laman.

Maraming tinapatan ng bote na hindi ko kilala. Marami na ring inutos na hindi ko tanggap kung ako ang gagawa.

"O, Steph, 5-second kiss with Ian. Walang malisya!"

"Kyaaaaaa! 5 seconds!!! Walang malisya!!!" Hiyaw ng lahat.

Napailing na lang ako at ngumisi. Sa kapipilit ay ginawa na nga n'ong dalawa. Mukhang okay lang naman dahil halata namang nagliligawan sila.

Lumipas ang sandali at sa akin natapat ang bote.

Umiling-iling agad ako dahil hindi naman talaga ako kasali. Bahala sila diyan, KJ na kung KJ. Wala akong pake.

"Ang daya Via! Sumali ka na!" Reklamo ni Janica.

Ang dami pa nilang pangonginsensyang sinabi. Ayoko namang magalit sila sa akin kaya naman sa huli ay pumayag na ako.

"Truth." Sambit ko.

"Yownnnnn!" Hiyaw nilang lahat.

"Ano bang pwedeng matanong kay Via? Hindi pa naman palakwento ng buhay 'to."

"Ako'ng magtatanong." Sabi ni Jason sabay lapag ng basong ininuman niya. Kuminang ang labi niya dahil sa alak, pero pinunasan niya iyon agad. Nagsihiyawan ang lahat.

"Tapang, Jason ah!!!"

Ngumisi siya. "Isang tanong, isang sagot." Aniya pa. "Topher o ako."

"YOOOWN!!!"

"ANG LAKAS! TOPHER VS. JASON PALA 'TO."

Nabingi ako sa hiyawan ng lahat pero bored ko lang na tinignan si Jason, sabay sambit ng "Topher."

Mas nakabibinging hiyawan ang umugong sa buong bar. Ang iba pa sa kanila ay niyuyugyog ang nakangising si Jason.

"TOPHER PALA EH!"

"KAWAWA NAMAN JASON!!!"

"BOOM!!!"

Tatawa-tawa lang si Jason saka tinanggap ang isang shot ng alak.

"Wala e, mas mayaman at mas sikat. Malamang 'yon ang pipiliin." Aniya habang nakatingin sa akin, sabay lagok nito.

Pakiramdam ko uminit ang tenga ko sa sinabi niya. Pinararating niya na pinili ko si Topher dahil mas mayaman ito at mas sikat?

Well that's not the issue! Sa kanilang dalawa, mas kapili-pili si Topher dahil mas maayos siyang kasama. Hindi tulad niya na halatang gimikero.

I just hissed my thoughts off. Hindi ko na lang siya inintindi. Nandito ako para kalimutan ang problema, hindi para dagdagan ang stress.

Naka-ilang round na ng ikot ang shot glass at hindi ko na rin nabilang kung ilan ang nalagok ko. Hindi ko alam pero biglang nabuhay ang dugo ko, lalo na noong mas umingay at mas lumakas ang tugtog sa dance floor. Mataas na rin ang energy ng lahat kaya naman nakaapekto ito sa energy ko.

"WOOOOO! THE DANCE FLOOR IS ON!!!" sigaw ng mga kasama ko.

"TARA NA SA GITNA!!!"

"VIA TARA!!!" hihilahin sana ako ni Janica pero tumigil ako saglit.

"Wait lang," sambit ko saka hinubad ang black jacket na sagabal sa pagsayaw ko. Tinitigan ako ni Janica from head to toe, saka laglag pangang pinuri ako.

"Wow, ang ganda mo Via! Bakit ngayon mo lang hinubad 'yan!!!" Aniya. Humalakhak ako.

"Kasi ngayon pa lang magiistart ang totoong party!" Sagot ko. "O SIYA, TARA NA! WOOOOOOO!"

Patakbo kaming nagpadala sa dagat ng mga nagsasayawang mga tao. Si Torie ay may dala-dala pa ring bite ng alak at baso at inaabutan ang mga kakilala naming lasing na lasing na habang sumasayaw.

Nakita niya ako kaya naman hindi ako nakaligtas mula roon. Tinanggap ko ang binigay niya at pakiramdam ko ay tuluyan nang umalon ang paningin ko, kasabay pa ng mas nakakahilong neon colors.

But I don't care! I dance my heart out hanggang sa makalimutan ko ang mga iniisip ko.

Ilang sandali nang mapansin kong wala na sa tabi ko si Janica. Pipikit pikit na tumingin ako sa paligid upang hanapin siya, pero hindi ko magawa. Umaalon na ang buong paligid at pakiramdam ko, isang malaking hakbang na lang ay tutumba na ako.

"Sa wakas, nasolo rin kita." Tumalbog ang puso ko noong may naramdaman akong kamay na humablot sa bewang ko. Napakapit ako sa dibdib nito, saka pipikit pikit na tumingin sa kanyang mukha.

"A-ano b-ba!" Mas lalo akong hinapit palapit ni Jason. Iniwas ko ang mukha ko sa kanya saka sinubukang itulak siya palayo.

"Ang hirap mong solohin e, no. Ngayon wala ka nang kawala."

Hindi ko na namalayan ang mga susunod na pangyayari sa sobrang hilo. Namalayan ko na lang na may kung sino pang humawak sa bewang ko upang ilayo ako mula kay Jason. The last thing I saw, nasa lapag na si Jason at nakahandusay.

Nagsigawan ang ilang mga nakakita at napatingin sa direksyon namin. Nakita kong itinayo ng mga kaibigan niya ang nakatulog na si Jason.

Sino ba ito?

Pinilit kong tingalain ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Hawak niya ang braso ko habang nasa likuran niya ako at parang pinoprotektahan sa kung sino.

Noong una ay hindi ko siya makilala, pero noong lumingon siya ay tumama ang nagaapoy niyang mata at kunot na noo.

Si Nico...

"What do you think are you doing?!" Sigaw niya sa akin. Pero ni katiting ay hindi ako nagpatinag.

Muling bumalik ang mga mapapait na nakaraan na pilit kong kinalimutan kanina. Lahat ay muling nagsibalikan.

"Bitawan mo nga ako!" Iyan ang isinigaw ko. Sinubukan kong alisin ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Bitawan mo ako! Huwag mo akong hahawakan!"

"Bakit?! Sinong gusto mong humawak sa 'yo?! 'Yong gagong 'yon?"

"Oo!" Sigaw ko sa mukha niya. "Kahit sino! Kahit sino, huwag lang ikaw!"

"VIA!" Napalingon kami kay Janica na sumulpot sa gilid namin. Napatingin siya kay Nico. "Anong nangyari?"

Naramdaman kong muli ang paghawak ni Nico sa braso ko. Kahit anong taboy ko ay hindi niya ako pinakakawalan. Mas lalo na akong nahihilo. Manhid na ang buong katawan ko at hindi ko na masyadong maintindihan ang nasa paligid ko.

"We are going home. Ikaw ang kaibigan niya diba? Na sa 'yo ba ang susi ng sasakyan niya?"

"Sino ka? Kaano-ano ka ni Via?" Tanong ni Janica.

"Kapatid ako ni Topher."

"Bitawan mo ako, Nico! Ayoko sa 'yo! Ayokong makita ka!" Hindi ko mapigilan ang sarili kong sambitin ito. Pinalo-palo ko siya at itinataboy, pero patuloy lang akong bumabagsak sa dibdib niya. "Bitawan mo ako, Nico. Ayoko sa 'yo. Ayokong makita ka!"

"Miss! Ano na? Saan nakalagay ang susi niya?"

Mas lalong nagdilim ang paningin ko. Umikot ang sikmura ko at agad akong lumayo upang ilabas ang mga kanina'y kinain ko.

Ugh! Napaupo ako sa lapag saka pinunasan ang ilang isinuka ko na natira sa paligid ng bibig ko.

Muli ay naramdaman kong tuluyan nang may bumuhat sa akin pataas.

"Sobrang tigas ng ulo mo! Hindi ko na alam gagawin ko sa 'yo!" Aniya.

Mas lalo kong sinubukan ang kumawala lalo na ngayong buhat niya lang ako gamit ang mga braso niya.

"Bitawan mo nga ako sabi e! Ayoko nga sa 'yo. Ayokong makita ka!" Naramdaman ko ang sakit sa puso ko. Sobrang sakit ng tibok nito. Sa aobrang sakit ay natigilan ako sa paglalaban at tuluyan na lang napaiyak. Isinandal ko ang ulo ko sa kanang dibdib niya, at sinubukan kong hampasin ang kaliwang dibdib niya. "Bitawan mo ako... Ayoko na sa 'yo... Ayokong makita ka... bakit ka pa kasi bumalik..."

Unti-unting nawala ang mga nakakahilong ilaw at unti-unti na kaming nakakalayo sa ilaw. Unti-unti na ring dumilim ang paligid.

"No, I won't let go, Via." Narinig kong sagot niya...

Mas lalo akong humagulgol. Siguro dahil alam naman ng puso ko na hindi totoo lahat ng ito. Na kapag bumalik na ako sa wisyo ay babalik lang sa reyalidad na hindi na rin ako mahal ni Nico. Na hindi niya ako naaalala. Na tuluyan niya na akong pinakawalan,

pero bilanggo pa rin ako ng ala-ala naming dalawa...

"Pakawalan mo na ako..." sambit ko pa.

Naramdaman kong ibinaba niya na ako. Nawalan ako ng balanse kaya naman muli akong napayakap sa kanya noong muntik na akong matumba at sinalo niya ako.

Muling nagtama ang mga mata naming dalawa.

"Oo, kung iyan ang gusto mo." Sambit niya. Malamig at malumanay... "Pero hindi ngayon, Via. Hindi ngayon. I need to bring you home."

Iyon na lang ang huli kong narinig bago tuluyan na nagdilim ang buong paligid.

Chương tiếp theo