webnovel

Can I Have This Dance?

Kabanata 1

Can I Have This Dance?

Halos isang taon ang lumipas lang ng gan'on-gan'on. Hindi ko na lang namalayan ang araw. May mga oras na okay lang ako at tingin ko nakalimutan ko na ang lahat, pero tuwing nagiisa ay doon ako nakakaalala.

May mga araw na natutulog na lang ako sa byahe pauwi. Bawat sulok kasi ng bus ay siya lang ang naiisip ko. Sa bawat kundoktor na sumasampa ay araw-araw rin akong umaasa na sana siya...

Na sana nandyan pa rin siya.

Pagkatapos ng aksidenteng naganap na iyon ay natakot na sina Mama na pasakayin ulit ako ng bus. Anila'y mas okay nang mag-book na lang ako ng sasakyan pauwi. Ang dahilan ko naman, kahit na ano pang sakyan ko pauwi e, lahat naman pwede akong maaksidente ulit. Pero ang totoong dahilan kung bakit pa rin ako sumasakay ng bus dahil nagbabakasakali pa rin akong makikita ko siya.

Pakiramdam ko kagaya ng mga nasa telenobela na paglalayuin lang kami saglit, tapos pagkikitain ulit. Akala ko may himalang mangyayari... Akala ko kasi kami na talaga e. Pero hindi.

Wala.

Kahit anino niya wala akong nakita.

Lumipas ang ika-dalawang taon. Graduate na ako lahat-lahat sa aking kursong Banking and Finance. Ang gusto ni Mommy ay sa bangko malapit sa Buenavista na lang ako mag-apply ng trabaho para mas malapit, pero mas pinili ko pa ring mag-Maynila.

Sabi ko kay Mommy, mas maganda ng opportunity sa Maynila, bukod doon ay mas malaki la ang sweldo....

Pero iyon lang ba ang dahilan ko? Hindi. Ang totoo ay dahil gusto ko pa ring bumalik-balik sa bus station pauwi ng Buenavista. Oo, ang tanga, pero oo.

Hinihintay pa rin kita.

Ikatlong taon.

Sobrang nabubusy na ako sa trabaho bilang isang Financial Auditor sa isang sikat na bangko. I'm doing great, I guess? I've gained a lot of friends sa aking trabaho... and suitors. Yes. Pero tulad naman noong college ay gan'on pa rin ang trato ko sa mga iyon.

"Via, hanap ka ni Jason..." asar sa akin ng katrabaho kong si Janica isang araw noong naglunch break kami.

"Sino na naman si Jason?" Tanong ko sabay upo dala ang tray ko ng pagkain. Nandito kami ngayon sa pantry ng office.

"Iyung engineer na nagtatrabaho diyan sa JCG Corp? Ano ka ba, malaking company 'yon kaya sigurado ako big time 'yon!"

I rolled my eyes. Simula college pa lang ako sanay na sanay na akong sinasabihang swerte dahil nga mayayaman ang nagkakagusto sa akin.

"Hay nako, hindi ako interesado no."

"Ayan ka na naman, e!" Sabi ni Janica. "Single ka naman pero hindi ka pa rin ready to mingle. Nako kung ako ang may mukha na ganyan? Nakuuuu. Sinasabi ko sa 'yo, Via! Pahiram nga muna niyang pagkatao mo kahit isang araw lang. Paexperience naman besh!"

Natawa na lang ako sa sinabi niya't napailing.

Ika-apat na taon ay na-promote ako bilang isang Financial Analyst. Sobrang saya ko n'on dahil syempre mas makakatulong ako kay Mommy sa mga gastusin namin sa bahay. Nakapag-ipon na rin ako para makabili ng sarili kong sasakyan.

"Naku, Anak magiingat ka sa pagdadrive ha, Diyos ko!"

"Oo naman, Mommy. Saka ano po ba kayo, para namang hindi ako nag-practice at hindi ako lisensyado! Wag nga kayong OA!"

"Sinong di matatakot e dati nga diba muntik ka nang mapaano noong naaksidente 'yong bus na sinasakyan mo!"

At gan'on na lang 'yon... naalala na naman kita. Ngumiti lang ako kay Mommy para hindi siya ma-guilty na dahil sa sinabi niya e, nawasak na naman ang ilang buwang tiniis ko para hindi maalala ang lahat. Buong gabi na namang laman ng utak ko ang buong nangyari, na akala mo kahapon lang nangyari iyon.

Gan'on yata kasi talaga. Kahit na maikling panahon mo lang nakasama ang isang tao, kapag naghiwalay kayo ng biglaang at walang closure ay hindi ka agad makakalimot.

Siguro kung ang nangyari ay nambabae na lang siya o di kaya sinaktan niya ako ay mas madali pa. Mas matatanggap ko pa. Mas mabilis akong makakalimot.

Pero hindi e.

Ni hindi ko alam kung ano nang nanyari sa kanya. Kung okay lang ba siya. Kung nasaan ba siya? Ang sakit... ang sakit sakit.

Muli na namang kumirot ang tibok ng dibdib ko. Nakatingin ako sa kisame at ramdam ko ang guhit ng luhang kumawala sa mata ko. Agad ko rin namang pinunasan ang luhang iyon.

Napaka-unfair.

Bakit hindi man lang kami binigyan ng closure ng tadhana? Kahit isang oras na closure lang.

Ika-limang taon.

Nagpapatuloy pa rin naman ang araw ko. Tulad ng dati ay marami pa rin ang umaaligid. Kinasal na rin ang college bestfriend ko na si Geraldine kay John Michael...

"I am very proud to say na isa ako sa mga taong nakasaksi noong nagsisimula pa lang sila..." sabi ko sa mikropono sa harap ng mga bisita ng kasal nina Dine at JM. Tapos na ang kasal at nandito na kami sa reception area para mag-celebrate. "I still remember it clearly... tinanong ko kay Dine na how come she knew everything about our classmates? Kasi likas ang pagkachismakels nitong kaibigan natin e... Hahahaha!" Nagtawanan ang lahat dahil sa kwento ko lalo na ang mga kabatchmates namin na isa rin sa mga bisita. "She said ba naman, how come I didn't know everything even their names? Sabi niya, siya daw kasi sa isang tingin niya pa lang kilala na niya ang isang tao. Then that moment, tinuro niya si JM." Tumingin ako kina JM at Dine. Si JM tawa ng tawa, ganoon rin si Dine. Sinasabihan niya pa ako na huwag ko daw siya ibulgar, pero wala I need to spill this for fun. "See that cute guy? She said. Sabi ni Dine, hindi niya pa nakakausap si JM, pero alam niyang artist ito and his name is John Michael Ayson. At di lang yon, she claimed na may crush sa kanya si JM that day!"

Nagtawanan ang lahat at ganoon rin ako.

"I'm sorry, beshy! HAHA! But is that true, JM? Crush mo nga ba noong panahon na yon si Geraldine?" Lumapit pa ako sa kanila sa inuupuan nila na akala mo e, ako yung host ng event.

Humalakhak si JM, "Actually," tinitigan niya si Dine na katabi lang niya. "Nope, hindi ko siya crush n'on. Kasi that time, I'm already madly and deeply inlove with her."

Naghiyawan ang lahat dahil sa sweet na sagot ni JM. May mga kabatchmates pa nga kaming sumigaw ng "SANA ALL". Tumawa na lang ako't nagpasalamat para makaupo na.

Sumunod sa program ay ang paghahagis ng bulaklak ni Geraldine. May pamahiin na kung sino man ang makasalo nito ay siyang susunod na ikakasal....

....at hindi ko alam kung bakit ako ang nakasalo.

Hiyaw ng hiyaw si Geraldine dahil doon. Inasar na tuloy ako sa mga lalaking may gusto sa akin noong oras na iyon. Ang ilan ay ka-batchmates namin kaya noon ko pa kilala, pero ang ilan ay ngayon ko pa lang nakilala.

Marami pang sinabi ang host ng party ni Dine at JM pero wala na akong naintindihan. Nakatingin lang ako sa bulaklak na nasalo ko na nakapatong ngayon sa lamesang may white silk cloth na sapin. Naagaw lang ang atensyon ko dahil sa hiyawan ng mga tao dahil sa taong lumabas sa stage.

Napa-palakpak na lang rin ako kahit ang totoo ay hindi ko naman ito kilala.

"Sino 'yan, Mel? Sikat?" Tanong ko sa kabatch namin na katable ko. Si Dine at JM kasi ay nasa unahan na dahil syempre araw nila ito.

"Oo? Rising star 'yang si Topher no! Member kasi siya ng isang sikat na banda!"

"Ah, okay..." napatingin ako sa stage at nagsisimula nang kumanta 'yong sikat daw. May hawak siyang gitara at mukhang magaling. May itsura rin kaya naman halos lahat ng mga babae ay naghihiyawan.

Sa unang strum niya ng gitara ay tumibok ng napakabilis ang puso ko. Hindi dahil sa galing o ganda ng boses niya, hindi dahil sa gwapo ng mukha niya,

kundi dahil sa ala-alang binabalik ng kantang kinakanta niya.

I had a feeling that you're

Holding my heart

And i know that it is true

Napatitig ako sa mukha niya at unti-unti ay nakikita ko ang isang lalaking matagal ko nang gustong makita.

You wouldn't let it be broken apart

'Cause it's much too dear to you

Forever we'll be together

No one can break us apart

For our love will truly be

A wonderful smile in your heart

"OMG Via! Nakatitig sa 'yo si Topher!"

Doon lang ako natauhan, doon nagising. Napatingin ulit ako sa kumakanta sa unahan at oo nga, nakatitig ito sa akin ngayon. Na para bang para sa akin niya kinakanta 'yong kinakanta niya.

You brighten my day

You're showing me my direction

You're coming to me

And giving me inspiration

How could i ask for more

From you my dear

Maybe just a smile in your heart

Napainom ako sa wine na nasa table. Bigla akong pinawisan dahil sa kahihiyan. I'm almost carried away! Muntik ko nang mapaniwala na si Nico 'yong nasa stage... pero nagkamali na naman ako.

Hindi ko na napakinggan pa ang ilang parte ng kanta. Nagkulong na muna ako sa CR para ikalma ang utak ko. Noong lumabas ako ay tapos na ang program at after party na ang nagaganap. Ito yung part na lahat ng bisita ay nasa dance floor na upang magenjoy.

Ngumiti lang ako habang ang ilan sa mga ka-batchmates ko ay inaaya ako sa unahan noong nakita nila ako. Hinayaan ko lang sila, samantalang ako naman ay umupo muna at ininda ang sakit ng paa dahil sa heels ko.

Ilang minuto pa ay binago ang dance music into slow dance.

Narinig ko ang ilang pagtatalo sa likuran ko na kahit maingay ay rinig ko

"Dude, ako nauna! Ako munang maga-ayang makipagsayaw, tapos saka ka na!"

"Hindi pre! E pano kung pagod na siya after niyo? Ako muna!"

Natawa na lang ako pero hindi ko sila nilingon. Nabigla na lang ako noong may kamay nang nakalantad sa harapan ko. Noong pag-angat ko ng tingin ay namukhaan kong siya 'tong singer kanina... si Topher.

"Can I have this dance?" Aniya habang nakangiti ng matamis sa akin.

Chương tiếp theo