Dumaan ang weekends na normal lang naman ang lahat. Maliban sa Mommy ko na na-discover na hinatid ako ni Marcus noong isang gabi kaya naman todo ang interview niya sa akin. i wonder kung sinong nagsabi sa kanya, I bet mga kapitbahay na naman naming wagas kung maki-chismis sa buhay ko.
"Hihihi, sana naman makapili ka na kay Marcus o Jared. Win win naman pareho 'yon e." aniya habang nagla-laptop ako at busy sa thesis revision namin.
Napakunot ang noo ko.
"Who's Jared?" tanong ko. May bago na naman bang recruit 'tong nanay ko?
"What? Bakit hindi mo pa kilala? Hindi ka pa niya kino-contact ulit?" tanong ni Mama. "Siya 'yong kapitbahay natin na kakalipat lang, remember? I gave him your number."
I shrugged. "Whatever, Mom. Tama na kasi pagrerecruit mo ng gwapo at mayaman."
"Sabi kasi ng Mommy ni Jared mahiyain dawtalaga 'yong anak niya kaya siguro hanggang ngayon hindi ka pa tinetext ulit, hintayin mo na lang siguro." dugtong niya pa.
"Really, Mom? Bakit ko hihintayin?!" Parang baliw tala 'tong si Mommy, parang game na game ibenta ako sa Jared na 'yon!!! GRRRR!
"E baka kasi mainip ka, ikaw pa mismo ang mg-message. Huwag gan'on anak, ha? Dapat tayo p rin ang sinusuyo. Hehehehe!"
"Came from you, Mom." tamad kong sagot.
"Pero ang sabi sa akin ng Mommy niya, nakausap ka na raw ni Jared one time sa school."
Muli na namang kumunot ang noo ko. "What? School mates kami?"
"Oo, hindi ko ba nasabi sa 'yo?" aniya. "Kaklase ka niya sa isang subject."
And now that's interesting. Hindi ako interesado doon sa jared mismo, kundi sa kung gaano kaliit ang mundo. Sino naman kaya itong Jared na 'to?
At that moment ay nagbeep na ang cellphone ko.
"Hi Via :)" -- from an anonymous number.
"Speaking of the devil," sambit ko kaya naman agad lumapit sa akin si Mommy. napangiting-aso niya noong mabasa ang message. Siniko niya naman ako.
"Yieeee, sagutin mo naman!"
"Yoko nga, ano isasagot ko diyan?"
"Aba'y malay ko! hay nako, mababale-wala lahat ng pagrerecruit ko kung hindi ka naman pala magaling makipagusap! Akin na nga!" inagaw ni Mommy ang cellphone ko.
"Moooom!!!" saway ko saka pinilit agawin ang phone ko, kaso ayaw niyang ibigay. Napagod ako sa pag-agaw kaya naman hinayaan ko na. I don't care anymore, it's not like kakausapin ko 'yang Jared na 'yan ng tunay. "What are you gonna say?"
Noong binalik niya sa akin ang cellphone ay nakapagsend na siya ng message.
"Hi jared ;) I heard from Mom kapitbahay ka namin?" -- Via to Jared.
"What the hell, Mom? Bakit may WINK emoji?!" sigaw ko dahil lumayo na siya.
Humalakhak lang si Mommy habang umaakyat pa-second floor namin. Halakhak ng tagumpay. Shiz! "Ganyan naman talaga makipagusap ang mga Millenial hindi ba?" aniya.
Umirap ako saka muling nag-beep ang phone ko.
"I'm glad your Mom talks about me.
Yes, nakaharap mo na ako once
but I'm too shy to talk to you." -- Jared
Napailing na lang ako sa kalokohan ng Mommy ko. I ignored the text and go on with what I'm doing. Kinabukasan ay nagising akong puno ng text ang inbox ko.
"Via, what time is your classes? You can come with me if it's okay"
"You still asleep?"
"I think you are, I saw your Mom and said you're still sleeping"
Haaaaay nako.
I ignored it again and prepared for school. Katulad ng dati ay napakahirap pa ring sumakay ng bus kaya naman palagi tuloy nagagamit ang skills ko para paunahin akong pasakayin ng ibang pasahero. Naalala ko tuloy 'yong una naming pagkikita ni Nico.
11AM noong nakarating ako sa school, tamang tama lang for my first class. Nag-lunch na rin ako with Geraldine para hindi kami magutom sa klase.
At ito yung class na kaklase namin si Marcus, tss.
"Hey, gurl, palapit na ulit si Marcus, loooook." bulong ni Geraldine noong nakaupo na kami sa isang bakanteng upuan sa classroom. Si Marcus naman ay nasa kanto ng room habang may mga kausap na tropa niya. Pero bago pa man manyari 'yong sinabi ni Dine ay may nauna pang nakalapit kaysa kay Marcus.
Napatingin ako sa fries and milktea na nilapag nito sa table ko, saka ako napaangat ng tingin sa kanya. Nahihiyang ngumiti siya saka kumamot sa kanyang batok.
"G-Good morning... V-Via..." aniya.
I know him. Siya 'yong nakasalamin na nag-offer ng pamaypay sa akin noong araw rin na nakasalamuha ko si Nico sa Buenavista. Sabay pa nga sila ni Marcus na nagoffer ng pamaypay.
"Uhm..." magsasalita pa lang ako noong sumingit si Geraldine.
"Grabe ka naman Jared! Si Via lang talaga ang meron?" reklamo niya. Bahagya namang lumaki ang mata ko.
"So you're Jared?" taka kong tanong.
Nahihiyang tumango si Jared habang nakahawak sa strap ng back pack niya.
"Oo naman, Via. You don't know him?" ani ni Geraldine.
"I don't have to know everyone else from their names," sagot ko kaya naman tinapik ako ni babaita.
"Ano ka ba, Via!" bulong niya saka hinarap si Jared. "Thank you dito Jared ah? Nagustuhan ni via. Hehehehe." siniko niya ako.
"Y-Yeah, yeah, thanks Jared." sabi ko saka saglit na ngumiti.
Lumawak naman ang ngiti ni Jared saka na dumiretso sa bakanteng upuan sa likod.
"Gurl, don't be too harsh nga! Lalo na doon kay Jared, medyo sensitive 'yon dahil may sakit siya sa puso." pangaral sa akin ni Geraldine noong medyo makalayo sa amin si Jared. Dahil doon ay medyo nakonsensya tuloy ako.
"How come you know everything about our classmates?" I asked her instead.
"How come you didn't know everything even their names?" sagot niya. "Ako sa isang tingin ko pa lang alam ko na." aniya saka tinuro ang isang tahimik rin na lalaki sa isang gilid. "See that cute guy?"
"Oh?"
"Hindi ko pa siya nakakausap, but I know he is an artist and his name is John Michael Ayson."
"Oh, tapos?"
"At crush niya ako." sagot niya.
Pfft! Muntik na ako mapabuga sa pagtawa. Lakas talaga ng babaeng 'to, kaya mahal ko 'to e. Parang baliw lang.
"Ewan ko sa 'yo! Ang sabihin mo, you're a creepy stalker!"
"Dyan ka nagkakamali, ang tawag sa akin ay Researcher." sagot niya pabalik, which makes sense dahil magaling naman talaga siya sa research.
Tumawa lang ako sa kabaliwan ni Geraldine. Hindi naman sinasadyang mapadpad ang tingin ko kay Jared na nakatingin rin pala sa akin. Noong magtama ang mga mata namin ay ngumiti siya at umiwas ng tingin na parang kinikilig.
Napailing na lang ako. Did I sent him false signal? i hope not dahil ayokong magpaasa.
Labasan ng first subject noong biglang sumingit sa paglalakad ko si Marcus.
"Why is Jared talking to you?" aniya, sounding like a jealous boyfriend.
Nauna nang maglakad ang mga kaibigan niya upang iwanan siya. Si Geraldine ay mauuna na rin sana pero agad ko siyang pinigilan.
"Geraldine!" saway ko, bago humarap ulit.
"Are you entertaining him too?" dugtong pa ni Marcus. Doon na tumaas ang kilay ko.
"Excuse me?" sagot ko. "Am I entertaining you?"
Kumunot ang noo niya. "So you are not entertaining me but you let me walk you home?"
"Sino bang nagpumilit na ihatid ako, ha, Marcus?"
"But..."
"Ako ba? Did I ride on fvcking your car?" inis muling tinanong ko. Hindi naman agad siya nakasagot kaya muli na namang umikot ang eyeballs ko.
"You should stop acting like you own me. No one owns me." saka na ako nagmartsa palayo kasabay si Geraldine.
"Via!" tawag pang muli ni Marcus but I don't care, kay aga-aga sinira kaagad ang araw ko.
"Grabe naman si Via, akala mo kung sino na. Puro mukha lang naman ang meron."
"Ang harsh niya kay Marcus. Siya na nga 'yong sinusuyo e."
"Sama pala ng ugali ng babaeng 'yan."
Naririnig kong bulungan ng mga estudyanteng nakapanood ng away namin ni Marcus. I don't care again, at inaamin ko naman talagang masama ang ugali ko. I am not perfect. Hindi ako kasing bait ni Geraldine, but hindi ko matatanggap kung kasing-ugali ko sina Lindsey. I am neither of them, I am different.
"Via, 'wag mo na lang silang intindihin." bulong sa akin ni Geraldine, dahil siguro narinig niya rin yung mga bulungan tungkol sa akin.
"Don't worry, I won't."
Kinalimutan ko na agad 'yong mga nangyari at umattend na sa second class namin. Mabuti na lang at wala akong kaklase na Marcus o Lindsey o kung sino pa mang toxic sa buhay kaya naman naging matiwasay ang mga sumunod kong oras sa school. Hanggang sa mamalayan ko na lang na uwian na.
"Bye, Via!" sabi sa akin ni Geraldine noong nasa gate na kami pareho. Magkaiba kasi ang way namin.
"Bye," sabi ko sabay beso.
Maglalakad na sana ako nang biglang may tumatakbong nilalang na humarang sa harapan ko. Walang iba kung hindi si Jared. Halatang hingal na hingal siya mula sa pagtakbo.
"V-Via..." habol ang hiningang sabiniya, habang nakangiti pa rin. "Uhm, uuwi ka na ba?"
"You shouldn't run that far para lang itanong sa akin 'yan!" medyo nangangaral na sabi ko. "May sakit ka sa puso, hindi ba?"
Imbis na matakot dahil sa pangangaral ko ay bigla siyang napangiti. "S-salamat... Nag-alala ka ba? Sorry..." aniya kaya napakunot ang noo ko. "I didn't know na you know something about me."
Wait... Did I sent wrong signal again? Oh, gawd! Ang dami kong katarayang linyang naiisip pero hindi ako ganoon kasama para hindi i-consider ang lagay niya. Kailangan ko pa ring piliin ang mga salitang bibitawan ko sa ganitong kahinang puso.
"What is it?" mahinahon nang tanong ko.
"Your mom told me to bring you home." aniya kaya muntik na naman akong mapasapo sa noo. "I mean, I ask her if I could bring you home, and she said yes." sabay abot niya sa akin ng phone niya na kinuha ko naman agad.
"Mom!" sabi ko sa kabilang linya.
"Baby, please? Pagbigyan mo muna kahit isang beses lang? Ihahatid ka lang naman, ayaw mo n'on, naka-kotse yan!" Napatingin ako kay Jared. Kahit hindi naman naka-loud speaker itong phone niya e nahihiya pa rin ako dahil pakiramdam ko maririnig niya ang pinagsasabi ng nanay kong mahilig sa mayayaman. UGH!!!
"Ahm, sorry, layo lang ako konti ah? Kausapin ko lang Mommy ko." nakangiwing paalam ko sa kanya, kasi syempre phone niya 'tong hawak ko.
"S-Sure, Via..." nauutal niya ring sabi. Ngumiti ulit ako ng pilit saka umirap pagkatalikod, as if kaharap ko itong nanay ko.
"Mommy naman! Paano kung dalhin ako nito kung saan? Bakit ganito kabilis mo na lang ako ipagkatiwala?!"
"Grabe naman itong anak ko, oo! Bago ako pumayag syempre kinilala ko muna 'yan! At saka hindi ka gagawan ng masama niyan dahil kapitbahay nga lang natin sila, remember?"
"Kahit pa, Mom--"
"Sige na anak? Kahit ngayong uwian lang. Malay mo naman diba, madevelop ka sa kanya. Hihihihi~"
"Mommy!"
"Sabi ko 'baka' so ibig sabihin, hindi ako sigurado doon."
Napapikit na lang ako sa inis dahil wala na akong matinong maisasagot sa nanay kong ito. Mukhang desididong desididong ibenta ako sa Law Student na 'to.
"Fine, Mommy. Just this once!" inis na bulong ko. "After this, hindi mo na ako iseset-up. Kahit. kanino." saka ko inend ang button.
Ngiting-ngiti si Jared habang straight ang tayong inabot ang cellphone niya. Pilit ulit akong ngumiti sa kanya.
"S-So... ahm... h-how was it? A-are you going to--"
"Yes," sagot ko. Hindi ko alam kung bakit parang masyado siyang mabait, kaya naman nakakakonsensya siyang sungitan. Hindi katulad ni Marcus na go lang.
"Talaga?!" masayang tanong niya. "So... tara na?"
Ngumiti ulit ako ng pekeng sumunod sa paglalakad niya pabalik sa parking lot.
"Mabuti na lang at naabutan kita. Medyo late kasi nagpalabas 'yong prof namin." kwento niya bago pa kami makarating sa kotse niya. Pagdating doon ay mayroon na siyang driver na nagbukas pa ng pintuan para sa aming dalawa.
Ayokong maging sobrang sungit pero hindi rin ako nagpapakita ng interes tuwing nagsasalita siya, kaya hangga't maaari ay puro tango at oo lang ang sagot ko. Bahagya akong natigilan noong dumaan ang sinasakyan namin sa bus station.
"Ahm... buti walang traffic, no?" puna ni Jared nang mapansin sigurong tahimik lang ako habang bumabyahe.
"Hmm," tumango lang ako saka tumingin sa bus station na mabilis lang naming nilampasan.
At wala ring Niconduktor ngayong pauwi.