webnovel

Kayo muna, sa susunod ako naman sana

Noong namatay siya, nakita ko rin kung paano namatay ang saya sa mga mata mo

Kahit na narito sa gilid, laging suporta sainyong dalawa

Kahit na alam kong tayong dalawa ay walang pag-asa

Lagi't lagi kong iintindihin, siya ang pinakaimportante sayo

Kung hadlang ang tadhana sainyong dalawa

Ako ang titindig, susubukin na kalabanin ang tadhana makita ka lang na sumaya

Para sainyong dalawa na nagmahal lang naman, ngunit sa maling panahon

Sa ibang mundo sana kayo ay masayang magkasama sa mahabang mga taon

Kasama ang kasiyahan mo sa mga panalangin ko

Kasama ang mahabang buhay niya sa panalangin ko

Sa mga dalangin umaasa na maging masaya kayong dalawa

Kahit na habang buhay nalang kita mamahalin.

Kahit na hinding hindi masusuklian ang damdamin.

Tanggap ko sinta ko, na siya lang lagi ang magiging bukambibig mo.

Sa pag-ibig na alam ko ang dulo, ako ay hinding hindi susuko sayo.

Para bang hindi ko na kayang humanap ng katulad mo.

Sa bawat nakikilala ko, hinahanap ko ang tamis ng iyong mga ngiti.

Ito na ata ang nakatadhana sa buhay ko.

Mahalin ka nang buo kahit na ako ay hindi mo pinili.

Ok so I just remembered that I need to upload this!! Dapat nung Friday pa to but napatay ko na yung laptop ko and forgot to click the publish so nawala na yung unang author's note lol.

Prelims done finally!! and I got a chance to write this. Ang dami ko pang gustong isulat and lahat sila nasa drafts ko pa, minsan kasi pag napapanaginipan ko tas naalala ko pagka gising sinusulat ko agad.

We're almost 95k views, I can't believe we reached this far! (I hope the young me is happy). Not going to lie medyo toxic pa rin me with myself but I think I'll be better with this soon (hopefully).

I don't know when yung next update but probably I'll post from time to time ganern. Happy reading!!

LonelyMonstercreators' thoughts
Chương tiếp theo