Sa departure area, isang ina, si aling Susan ay umiiyak na nagpapaalam sa kanyang anak na si Leila na anim na taong gulang.
Si Leila ay iiwanan ni aling Susan sa pangangalaga ng kanyang lola, si lola Igna.
"Inay kayo na po ang bahala sa anak ko, huwag nyo po siyang pababayaan", ang bilin ni aling Susan sa kanyang ina.
"Oo anak at mag-ingat ka sana sa pupuntahan mo, tatawag kang lagi sa amin", ang paalala kay aling Susan ng kanyang ina.
"Opo inay at magpapadala po ako kaagad ng pera upang mapalitan na ang 3310 na cellphone ninyo", ang nakatawang sabi ni aling Susan sa ina.
"Tumigil ka nga diyan kung hindi sa cellphone na ito ay hindi ka makokontak ng agency mo", ang tugon ng ina ni aling Susan.
May ilan na kapag sinabi na sa abroad nagtatrabaho ang isang tao ay sasabihin..."buti pa siya sa abroad nagtatrabaho". Subalit ang hindi alam ng iba ay hindi lahat ng nagtatrabaho sa ibang bansa ay masaya, maaaring sa ilan. Subalit karamihan sa kanila ay na ho-homesick. Ang iba ay inaabuso ng kanllang employer at ang iba naman ay tumatakas dahil sa ginagawang pagmamalupit, ang iba ay kulang naman ang mga ipinasasahod at marami pang ibang dahilan upang hindi sila maging masaya.
Tinawagan na ang mga aalis papuntang ibang bansa.
"Leila aalis na ang nanay, kiss na ako, makikinig ka sa lola mo ha?", ang bilin ni aling Susan sa anak.
"Opo inay balik ka kaagad ha?", ang sabi ng musmos na si Leila.
Sa sinabi ni Leila na 'balik ka kaagad' ay natawa si aling Susan dahil sa musmos na kaisipan ng anak ay para bang sasakay lang siya ng bus at makababalik siya kaagad.
Naluha si aling Susan dahil mangungulila siya sa kanyang anak at ito ang magiging kalbaryo niya ang laging maalala ang anak, mahal na mahal niya ang anak dahil ito ang naiwang alaala ng yumao niyang asawa.
Sa ibang bansa na pinuntahan ni aling Susan ay payapa naman siyang nakarating. Sinalubong siya ng driver ng kanyang employer.
Lumipas ang isang taon kay aling Susan ng kalungkutan subalit patuloy pa ring nagtitiis na hindi makita ang anak na si Leila.
Sa gabi madalas siyang lumuluha dahil laging iniisip ang kalagayan ng anak at ng minsang makausap ang ina sa phone at ibinalita na may sakit ang anak ay labis siyang nag-alala. Nagbigay sa kanya ito ng labis na kalungkutan at nasabi niya sa sarili..."Alang alang sa iyo anak ay magtitiis ako"...at siya ay naluha.
Sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkaroon ng kaguluhan sa bansa na pinuntahan ni aling Susan. Marami ang mga demonstrador sa lansangan. Hindi ma-cotrol ng mga otoridad ang mga estudyante na tumigil sa kanilang mga ipinaglalaban. Sumali na rin ang ibang mga mamamayan na nakikisimpatya sa mga demostrador.
Si aling Susan habang naglalakad malapit sa pinagdarausan ng kaguluhan ay dinampot ng mga pulis at napagbintangan na kasama sa mga nanggugulo.
Mabuti na lang at mabait ang kanyang employer at siya ay tinulungang makalaya. Ikinatwiran ng kanyang employer na inutusan lang nila si aling Susan at napadaan siya sa kung saan ay may kaguluhan.
Anupat laking pasasalamat ni aling Susan sa kanyang employer at sa pagkakataong iyon ay naalala niya ang kanyang anak, at siya ay naluha.
"Anak alang alang sa iyo pagtitiisan ko ang lahat ng ito, ang inaalala ko lang ay kung may masamang mangyari sa akin dito ay papaano ka na?", ang nasabi na lang ni aling Susan sa sarili habang siya ay naluluha sa nangyayari sa kanyang buhay.
Dumaan pa ang isang isang taon at ngayon ay nasa ikalawang grado na si Leila sa paaralan. Si Leila ay kakakikitaan ng likas na talino dahil matataas ang kanyang mga marka sa pagsusulit nila sa school.
Sabi nga ng isang guro, ang talino ni Leila ay pang ika-tatlong grado na. Mabilis na itong matuto sa lahat ng pinag-aaralan nila..
Sa kabilang dako, sa Maynila ay maayos naman ang kalagayan ng mag-lola.
Isang araw kinausap ni Leila ang lola Igna niya.
"Lola, gusto ko pong pumunta kay kuya Eddie", ang sabi ni Leila sa kanyang lola.
"Sinong kuya Eddie?", tanong ni lola Igna.
"Iyon pong namimigay ng pera kapag kasali ka po sa palabas nila sa telebisyon", ang paliwanag ni Leila.
"Ah kay kuya Eddie, pero tanggapin ka kaya doon?", ang may pagdududang tanong ni lola Igna kay Leila.
"Opo lola, kapag tinanong ako kung ano ang gagawin ko ay sasabihin ko po na tutula ako...ako po ang gumawa ng tula ko lola, tinuruan ako ng aking guro", ang sagot ni Leila.
Nag-isip si lola Igna sa gustong mangyari ng kanyang apo. Iniisip niya na baka mapagod lang sila sa pagpunta sa show ni kuya Eddie.
"Ewan ko, pero sige sasamahan kita kung iyan ang gusto mo", ang pag-sang-ayon ni lola Igna.
Nakarating nga sila sa show ni kuya Eddie at natanggap naman si Leila bilang contestant sa show.
Matapos matanong ni kuya Eddie ang ibang contestant ay si Leila naman ang tinanong.
"O ikaw naman Leila, sino ang kasama mo?", tanong ni kuya Eddie.
"Ang aking maganda at mabait na lola, si lola Igna", ang masayang sagot ni Leila.
"Ano naman ang masasabi mo sa lola mo?", tanong ni kuya Eddie.
"Lola, mahal na mahal kita po...kahit wala si inay ay ikaw na ang nag-aalaga sa akin, sa iyo lola ko maraming salamat po", ang madamdaming sinabi ni Leila.
"Bakit Leila, nasaan ang itay mo o ang inay mo?", ang tanong ni kuya Eddie.
Wala na po akong tatay kuya Eddie, namatay po siya noong sanggol pa po ako, kuya Eddie", ang sagot ni Leila.
"E ang ina mo, asan siya?", muling tanong ni kuya Eddie.
"Ang nanay ko po ay nasa ibang bansa, doon po siya nagtatrabaho, kuya Eddie", ang sagot ni Leila.
"O Baka nakikinig ang nanay mo Leila, ano naman ang masasabi mo sa iyong inay?",ang sabi ni kuya Eddie.
"Inay, mahal na mahal po kita...kahit sa phone lang kita nakakausap ay sabik na po akong mayakap ka, sa school nga po namin ay tinutukso ako ng aking mga kaklase, ang sabi nila sa akin ay hindi mo daw po ako mahal kasi inaalagaan mo ang anak ng iba, samantalang ako ay hindi mo naman inaalagaan, kaya inay bumalik ka na po sa atin...miss na miss na kita po...gusto kitang yakapin", ang umiiyak na sinabi ni Leila.
Sa sinabi ni Leila ay marami ang naantig ang kanilang damdamin at sila man ay naluha rin.
Nagkaroon ng kaunting katahimikan bago nagsalita si kuya Eddie.
"Alam ninyo, totoo iyon na kapag ang isang magulang ay sa ibang bansa naghahanapbuhay ay nakalulungkot iyon sa mga naiiwan dito", ang paliwanag ni kuya Eddie.
"Ano naman ang talent mo Leila?',tanong ni kuya Eddie.
"Tutula po kuya Eddie", ang mabilis na sagot ni Leila.
"Pakinggan natin si Leila", ang sabi sa audience ni kuya Eddie.
"Ang pamagat po ng aking tutulain ay INA", ang pasimula ni Leila.
"NGAYONG AKO AY MALAKI NA AKING INA
SA GINAWA MONG PAG-AARUGA SA AKIN NOONG BATA PA
IKAW ANG NAGING GABAY KO O AKING INA
HINDI MO AKO PINABAYAAN DAHIL LOVE MO AKO
NASABI MO SA AKIN NA NOONG SANGGOL PA AKO
HABANG KALONG MO AKO O AKING INA
NAIHI AKO SA IYONG KANDUNGAN O INA KO
TUMAWA KA PA NGA AT ANG SABI MO'IKAW BATA KA'
SA PAGTAWA MO O INA BAKAS ANG LIGAYA SA MUKHA MO
AT SINABI MO AKO ANG LIGAYA MO SA AKING PAGLAKI
NGAYONG AKO AY MALAKI NA AKING INA
MAY SARILI NG LAKAS AT ISIP SA BUHAY NA ITO
AY IKAW NAMAN O AKING INA SA IYONG PAGTANDA
GAGAWIN KO LAHAT NG GINAWA MO SA AKIN
AALAGAAN KITA AT AAKAYIN SA PAGLAKAD
ITATAYO KAPAG MAHINA NA ANG TUHOD MO O INA
KAPAG MAYROON KANG PAULIT ULIT NA SINASABI
HINDI KITA SASABIHAN NA ANG KULIT KULIT MO
AT KUNG SA SINASABI KO, HINDI MO MAINTINDIHAN
HINDI KITA SASABIHAN NA BINGI KA AKING INA
AT KUNG SA IYONG HIGAAN AY NADUMI KA O INA
LILINISIN KO NG BUONG PAGMAMAHAL AKING INA
DAHIL INARUGA ,MO AKO NG AKO AY SANGGOL PA
NGAYON NAMAN INA KO, AKO ANG MAG-AARUGA SA IYO
HABANG IKAW AY MAY BUHAY SA PILING KO AKING INA"
Sa ginawang pagtula ni Leila ay napaluhod ito at napaiyak.
Si Leila, sa ginawa niyang pagtula ay marami ang nakadama ng pagmamahal ng isang anak sa kanyang ina, kaya hindi nila napigilan ang lumuha sa mga narinig sa binigkas ni Leila.
At dahil sa ipinadinig ni Leila sa kanyang pagtula ay nasiyahan ang lahat dahil nagbigay ito ng inspirasyon sa kanila, kaya pinalakpakan nila si Leila.
Anupat natapos ang show ni kuya Eddie at kahit hindi nanalo si Leila ay masaya pa rin siya pati ang kanyang lola Igna, masaya silang umuwi.
Sa kabilang dako, sa ibang bansa na pinagtatrabahuhan ni aling Susan ay nakita niya at dinig na dinig ang ginawang pagtula ng anak at hindi niya naiwasan ang maluha. Subalit kailangan niyang magtiis at maging matatag para sa anak niya kahit ang matindi niyang kalaban ay 'HOMESICK'.
Sana nagbigay sa lahat ng inspiration ang kuwentong ito
Another inspiring short story is coming, enjoy reading.
Thanks,
Rio Alma