webnovel

CHAPTER 20

Ilang beses ng nagpagulung-gulong si Reyann sa kanyang kama, ilang beses na rin nitong tinakpan ng unan ang sariling mukha para sana makatulog, pero ni katiting na antok ay wala siyang maramdaman. Nakabalik na sya ng Sampaloc, Manila kasama ang kanyang mga kapatid at ang kanilang ina.

Dumating sila kaninang umaga, at tama nga ang sabi ni Francis, hindi na sila nagpang-abot pa, tahimik ang buong bahay ng binata, wala din ang kotse nito, senyales na nakaalis na ito.

Hindi mapakali si Reyann, sa konting panahon na pinagsamahan nila ng binata, hindi nya maipagkakaila na naging mahalaga na ito para sa kanya, higit pa sa kaibigan ang tingin nya kay Francis. Tulala at diretso lang sa kisame ang tingin ni Reyann, walang ibang laman ang kanyang isipan kundi ang binatang tanging nagpapabilis ng tibok ng kanyang puso.

Ipagpatawad mo, aking kapangahasan

Binibini ko, sana'y maintindihan

Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo

Napakunot-noo si Reyann ng makarinig ng tila ba kumakanta sa may malapit.

Ngunit parang sa 'yo, ayaw nang lumayo

Ipagpatawad mo, ako ma'y naguguluhan

Babalewalain na lang sana ni Reyann ang naririnig na kumakanta pero na-curious sya dahil madalang lang sa lugar nila ang nagpapatugtog kapag gabi  kung kaya't bumangon sya sa kama at tumungo sa may  bintana upang alamin kung saan nanggagaling ang kanta.

'Di ka masisi na ako ay pagtak'han

'Di na dapat ako pagtiwalaan

Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo

Ngunit parang sa 'yo, ayaw nang lumayo

Ipagpatawad mo, minahal kita agad

Nanlaki ang mga mata ni Reyann ng mapag-alaman kung saan nanggagaling ang malamyos na kanta, natutop din nito ang sariling bibig dahil sa gulat.

Ahh, minahal kita agad

Ahh, minahal kita agad

Ipagpatawad mo, ohh

Woh woh hoh

(Ooh) Woh woh woh oh

Minahal kita (ahh)

Kay tagal-tagal (ahh)

Maluha-luhang pinagmasdang maigi ni Reyann ang taong kumakanta sa tapat ng kanyang bintana, napaka gwapo at matipuno nitong tignan sa suot na navy blue long sleeve shirt at jeans. Ang binatang kanina pa tumatakbo sa isipan ni Reyann, ang binatang inakala niyang nakaalis na, ay nasa tapat ng kanyang bintana, kumakanta at tumutugtog ng gitara, nakatingala ito sa bintana kung saan naroroon si Reyann.

Sana nama'y ipagpatawad mo

Ang malabis na kabilisan ko

Ngunit ang lahat ng ito'y totoo

Hah, minahal kita agad

(Ipagpatawad mo) Hah, minahal kita agad

(Ipagpatawad mo) Hah, woh woh woh

(Ipagpatawad mo) Ipagpatawad mo, ipagpatawad mo, hoh

(Minahal kita agad, ipagpatwad mo) woh

(Ipagpatawad mo) ohh woh eaa

(Ipagpatawad mo) eaa

(Ipagpatawad mo) hahh

(Ipagpatawad mo)

Patakbong lumabas ng kanyang kwarto si Reyann at bumaba sa kung saan naroroon si Francis. Nadatnan ni Reyann sa may terrace ang kanyang ina, tinignan sya nito ng makahulugan.

"Good evening po" Bati ni Francis kay Nanay Marta, ang ina ni Reyann, nakapasok na ang binata sa terrace.

"Good evening din iho, halika tuloy ka" Nakangiting tugon ni Nanay Marta.

Tila natuod naman si Reyann sa kanyang kinatatayuan, diretso lang ang tingin nito sa bintana.

Sumunod si Francis kay nanay Marta, nasa pintuan na ito papasok sa sala ng mapansing hindi nakasunod sa kanila si Reyann, ng lumingon ang binata, nakita niya si Reyann na hindi ito umalis sa kinatatayuan kaya naman nilapitan nya ito.

"Hindi mo ba kami sasamahan sa loob?" Tanong ni Francis ng nasa harapan na sya ni Reyann.

Napakurap-kurap si Reyann, natauhan ito ng magsalita si Francis, napatingala sya sa binata, sa pagtingala nya kay Francis, napagtanto niyang nasa isang dangkal lang pala ang layo ng mga mukha nila, nag-init ang mukha ni Reyann, dahil dito ay muli siyang nag-iwas ng tingin sa binata.

"Ta-tara sa loob" Nauutal na aya ni Reyann kay Francis, nauna na itong naglakad papasok ng sala.

Nang marating ang sala, nadatnan nila si Nanay Marta na nakaupo na sa mahabang sofa, sinenyasan ni nanay Marta si Reyann na umupo ito sa tabi niya, sa pang-isahang sofa naman naupo si Francis.

"Nay...si Francis po" Nahihiyang pag-papakilala ni Reyann, hindi sya sanay na may pinapakilalang lalake sa kanyang pamilya. "Francis...si nanay"

Tumayo si Francis upang makipagkamay kay nanay Marta. "Francis Tan po, nice to meet you"

Malugod namang tinanggap ni Nanay Marta ang kamay ng binata. "Kinagagalak kitang makilala iho, tawagin mo na lang akong nanay Marta" Matamis ang ngiting turan ni nanay Marta.

Napangiti rin ng ubod tamis si Francis, mukhang effective ang kanyang first move, sa ngiti ni nanay Marta, nahuhulaan niyang hindi kokontra ang ginang sa binabalak niya.

Bumalik sa kanyang pagkakaupo si Francis, si nanay Marta naman ang tumayo.

"Dun lang muna ako sa kusina, maghahanda ako ng maiinom natin" Paalam ni nanay Marta.

Napatango lang si Reyann, speechless ito sa mga nangyayari, hindi parin sya makapaniwala na nasa kanyang harapan si Francis.

"Nagustuhan mo ba yung kinanta ko?" Napaigtad si Reyann ng magsalita si Francis, nasa tabi na pala niya ang binata. "May problema ba? Kanina ka pa wala sa sarili mo?" May bahid ng pag-aalalang tanong ng binata, nawala na rin ang ngiti nito sa labi.

"Wa-wala! Walang problema!" Pinilit ngumiti ni Reyann. "Maganda yung kanta mo, nagustuhan ko" Dagdag pa ni Reyann, totoong nagustuhan nya ang kanta ng binata, ngayon nya lang nalaman na may talent pala si Francis sa pagkanta, masarap sa pandinig ang boses nito, nahahawig sa boses ng singer na si Garry Valenciano.

"Really?" Paniniguro ng binata.

"Nagustuhan ko nga! Kulit nito" Natatawang wika ni Reyann. "Teka nga muna! Bat ka nga pala nandito? Sabi mo pupunta kana ng Australia?" Kunot-noong tanong ni Reyann.

"I just realized na mas mahalaga ka kaysa sa Australia" Nakangiting sagot ni Francis. "Gusto pa kitang makasama Reyann" Hinawakan ng binata ang kamay ni Reyann. Namula ang mukha ni Reyann, kasabay nito ang tila kuryenteng dumaloy sa kanyang mga ugat dahil sa paghawak ni Francis sa kamay nya.

"At gusto kong manligaw sayo, you see..inumpisahan ko na, kahit hindi na uso ang harana, ginawa ko parin, I want to show how much you mean to me, kahit na konting chance lang ang pinanghahawakan ko, handa akong sumugal" Madamdaming wika ni Francis.

Muling naramdaman ni Reyann na tila may mga paru-parong nagliliparan sa kanyang tiyan, at pakiramdam niya ang kasing pula narin ng kamatis ang mukha niya.

"Pano ang Papa mo? Magagalit na naman sya sayo kapag nalaman niyang sinuway mo na naman sya" Nakayukong wika ni Reyann, pilit niyang tinatago ang pamumula ng kanyang mukha.

Napabuntung-hininga si Francis. "Yeah, I know magagalit sya, expected ko na yon" Anito, hinawakan niya sa baba si Reyann at tinitigang maigi. "Look at me Reyann" Kahit nahihiya ay tinignan narin ni Reyann sa mata ang binata. "I love you..handa kong isugal ang lahat makasama lang kita, at higit sa lahat, handa kong gawin ang lahat, mapaibig lang kita"

Natameme lang si Reyann, hindi nya alam kung ano ang dapat niyang sabihin sa binata, sa tanang buhay nya, sa 26 years niyang nabubuhay sa mundo, ngayon lang may lalaking naglakas loob na magtapat sa kanya.

Binitawan na ni Francis ang pagkakahawak sa baba ni Reyann. "Sa ayaw at sa gusto mo, liligawan kita, kaya wag mo nang subukang tumanggi" Ani Francis.

"Sino bang may sabing tatanggi ako?" Nahihiyang wika ni Reyann.

Nagugulat na napatingin si Francis kay Reyann. "You mean to say, pumapayag kang ligawan kita?" Gulat na tanong nito, ang inaasahan nya ay tatanggi si Reyann, kaya naman inunahan na nya ito.

Napatango-tango si Reyann, kasabay ang matamis na ngiti sa mga labi.

Sa labis na tuwa, biglang niyakap ni Francis si Reyann ng sobrang higpit, nagulat si Reyann, kalaunan ay napangiti narin ito at niyakap pabalik ang binata.

"Ehemm!" Tikhim ni Nanay Marta, biglang naitulak ni Reyann si Francis palayo. "Magkape muna tayo"

"Sa-salamat po" Nahihiyang turan ni Francis. Kinuha nito ang isang mug ng kape at nag-iwas ng tingin.

Hindi naman makatingin si Reyann sa kanyang ina, na tila ba nahuli itong nangupit ng barya sa wallet.

Nagpalipat-lipat naman ang tingin ni nanay Marta kina Francis at Reyann. "Dalaga na ba ang tibo ko? Boyfriend ka ba nya iho?" Namamanghang tanong ni nanay Marta.

Napabuga ng hangin si Francis sa tanong ni nanay Marta, si Reyann naman ay napatakip na sa kanyang mukha, hindi talaga sya sanay sa ganitong scenario.

To be continue...

Chương tiếp theo