webnovel

CHAPTER 14

"Hey! What happen to you? Bakit may mga galos ka?" Tanong ni Francis nang dumating si Reyann galing sa pag-go-grocery.

"Wala naman, medyo napaaway lang" Sagot ni Reyann, di na niya balak pang sabihin kay Francis ang nangyari, siguradong magrereact lang ito at palalakihin pa ang issue. "Bakit nandito kapa? di ba sabi mo pupunta ka sa gym?" - Pag-iiba ni Reyann sa usapan.

"Tinamad na'kong umalis" - Sagot ni Francis. Lumapit ito sa dalaga at hinawakan ang magkabilang pisngi nito. "May sugat karin sa gilid ng lips mo" Ani Francis.

"A-ah meron ba? tinamaan siguro ako ng di ko namalayan" Iniiwas ni Reyann ang tingin sa binata. "Maliit lang naman ito, malayo sa bituka"

"Tara sa loob, kailangang magamot yan" Ani Francis at binitawan na ang pagkakahawak sa pisngi ng dalaga.

*****

"Aw! Dahan-dahan naman!" Reklamo ni Reyann.

"Bakit ka na naman ba napaaway?" Usisa ni Francis.

"A..eh, dati ko nang kaaway yun, naikwento ko na dati yun di'ba? Ano kasi eh..nagpang-abot kami kanina at medyo nagkapikunan" Pagsisinungaling ni Reyann.

"Ouch! Ano ba?! Dahan-dahan sabi!" - May kalakasang reklamo ulit ni Reyann.

"Ingatan mo naman yang sarili mo!" Parang bata na nagmaktol si Francis. "Pati ako pinag-aalala mo" May kahinaang dugtong ng binata.

"Ano?" Tanong ni Reyann. "Ano yung huli mong sinabi? Di ko gaanong naintindihan eh"

"Wala! Wag mo nang alamin" Inis na sagot ni Francis. "Ang bingi mo kasi!"

"Uy di ako bingi ah.. Ang gulo mo lang kausap, halos sumigaw kana sa una, tapos bigla nalang hihina yang boses mo" - Sagot ni Reyann.

"Tumahimik kana nga lang!" Inis na wika ulit ni Francis.

Hindi na nga nagsalita pa si Reyann, naguguluhan narin siya sa ugali nang binata, minsan mabait, pero madalas ay masungit, makulit din minsan, pero minsan lang iyon.

"Inom tayo pagkatapos magdinner" Ani Francis. "Ok na yang sugat mo, uwi muna ako, punta ka nalang sa bahay"

"Sige, salamat narin." Sagot ni Reyann.

*****

"Magkwento ka naman, puro nalang tayo laklak ng alak dito" Ani Reyann habang hawak ang basong puno ng beer.

"Ano naman dapat kong ikwento?" Walang reaksyong tanong ni Francis, medyo may tama narin siya ng alak dahil halos isang oras narin silang umiinom.

"Ikaw, ang buhay mo, kahit ano" - Sabi ng dalaga..

"Ano pa ba kailangan kong ikwento? Halos alam mo na ang buhay ko, I'm certified womanizer before, what else..?" Sagot ng binata.

"Ni minsan ba hindi ka nagseryoso sa relasyon?" May kaseryosohang tanong ni Reyann.

"Nagseryoso naman, when I was in college" Sagot ni Francis. "How about you? Kailan mo nalaman na tomboy ka pala?"

Napangiti ng bahagya si Reyann sa naging tanong ng binata, kasabay ang bahagyang pag-iling. "Simula pa nong bata ganito na'ko, mas gusto kong kalaro ang mga lalake, natural ika nga " - Napabuntong hininga si Reyann bago itinuloy ang sasabihin. "Pero kahit ganito ako kumilos at manamit, ni minsan ay hindi pa'ko nagkagusto sa babae"

"Really?!" Halos pasigaw na tanong ni Francis, malapad din ang pagkakangiti nito.

"Oh? Bakit ngiting-ngiti ka diyan?" Tanong naman ng dalaga.

"Wala naman, ibig sabihin malaki ang chance na ma fall ka sa isang lalake?" Nakangiti paring tanong ni Francis, masaya siya dahil sa nalaman.

Nagkibit-balikat naman si Reyann. "Siguro"

"Inom pa tayo" Sinalinan pa ni Francis ng beer ang baso ni Reyann. Hindi na nawala pa ang pagkakangiti ni Francis dahil sa nalaman, may pag-asa pa pala sya sa puso ng dalaga.

*****

Halos hindi na makatayo ng maayos si Francis dahil sa dami ng nainom na alak, inalalayan nalang siya ni Reyann papasok ng bahay, susuray-suray narin sa paglalakad si Reyann pero malinaw pa sa kanya ang mga nangyayare.

"Uy Francis umayos ka nga, matutumba tayo niyan eh" Ani Reyann habang akay-akay si Francis papasok sa sala.

"Okay naman ah" Mapupungay na ang mga mata ni Francis, at halos pipikit na.

Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa marating nila ang sala.

"Higa kana" Wika ni Reyann at dahan-dahang ibinaba sa sofa si Francis, maayos naman itong nakahiga. Tumalikod na si Reyann, hahakbang na sana siya upang lumabas at iligpit ang pinag-inuman nila ng bigla nalang siyang hawakan ni Francis sa kamay, dahilan para mapalingon siya sa binata.

"Dito ka muna" Nakapikit ang mga mata ni Francis. "Wag kang umalis"

"Magliligpit lang ako sa labas" Anang dalaga.

"Dito ka lang please" Pakiusap pa ni Francis, pagkasabi niyon ay mas hinila pa nito palapit ang dalaga, dahil dito ay na out-of-balance si Reyann at natumba sa ibabaw ni Francis.

Magkalapit na magkalapit ang mukha ng dalawa, nakamulat narin ang mga mata ni Francis, titig na titig ito sa magandang mukha ni Reyann, hanggang sa mapadako ang tingin niya sa mapupulang labi ng dalaga, at walang pag-aalinlangang hinalikan ito.

Nagulat si Reyann sa ginawa ni Francis, gusto niyang pumalag pero tila ayaw sumunod ng katawan niya, sa halip ay hindi ito nakakilos, nang maramdaman niya ang malambot na labi ng binata ay tila natunaw ang lahat ng pag-aalinlangan niya, malugod nalang niyang tinanggap ang halik ni Francis. Wala siyang idea kung papano tumugon sa halik ng binata sapagkat ito ang kanyang unang halik.

Kusang humiwalay sa halik si Francis, dahil dito ay napamulat si Reyann, pagmulat ng kanyang mga mata ay nakitang nakapikit na ulit si Francis.

Biglang nakaramdam ng hiya si Reyann sa nangyari, nagmadali siyang bumangon at lumabas ng bahay.

*****

Sampung minuto na ang nakakalipas mula ng lumabas si Reyann, nagmulat ng kanyang mga mata si Francis, nagkunwari lang siyang nakatulog, ayaw niyang samantalahin ang pagiging inosente ni Reyann sa mga ganitong bagay, kaya kusa niyang pinigilan ang sarili, at pinili niyang magtulug-tulugan upang hindi mailang sa kanya si Reyann.

Marahan niyang hinaplos ang mga labi at matamis na napangiti. "This is the best kiss that I ever had."

To be continue...

Chương tiếp theo