webnovel

Chapter 1: BJ is back!

Bliss Joy's POV

After 2 years, now I'm back! I miss my school so much!

Gumising ako ng eksaktong 5:00 ng umaga kahit 8:00 pa ang pasok ko. Ganyan ako ka-excited!

"Bye ma!" Nakangiting sabi ko kay mama

"Wala ka na bang nakalimutan?"

"Wala na ma. Una na ho ako."

Namiss ko 'to sobra! Makakapasok na ulit ako!

***

"Bayad po. Isang estudyante." Sabi ko sa driver.

Binalik ng driver ang perang ibinayad ko.

"Wag ka nang magbayad 'nak, tutal wala pa akong panukli saka ikaw ang una kong pasahero ngayong umaga."

"Ay ganun po ba? Sige po, salamat! Gracias!" Nakangiti kong sabi kay kuyang driver."

May nakalagay pa na quote sa loob ng jeep; "Expect the Unexpected" & "Wear your beautiful smile everyday"

Feeling ko tuloy ang swerte ko ngayong araw.

May sumakay na pasahero sa tabi ng driver na naka-asul na polo, naka-salamin at black na cap na halatang antok na antok pa. Naalala ko tuloy sarili ko sa kaniya dati. Kulang na nga lang humiga ako sa loob ng jeep kapag walang ibang pasahero.

***

"Goodmorning Cathy and Doggy!"

"Goodmorning manong!"

"Goodmorning Ms. Herrera!"

"Goodmorning Mr. Sarmiento!"

Binabati ko lahat nang madaanan ko; 'yung aso at pusa na alaga ni Manong Guard sa school, si Ms. Herrera na pinatayo ako sa labas ng room namin sa loob ng isang oras noong Grade 11 pa ako at si Mr. Sarmiento na pinasayaw ako ng hiphop mag-isa sa P.E. namin noong Grade 10.

Sila pa lang ang nababati ko, ang aga ko kasi pumasok eh. Grade 12 pa lang ako ngayon.

***

Ayan na naman tayo sa introduce yourself. Bagong classmates ulit.

"...and I'm 17 years old."

Mukhang medyo kinakabahan pa rin ako magpakilala. 'Di bale na, ako na susunod.

"Goodmorning everyone! I'm Bliss Joy. I'm 19 years old. I also studied here last last year in my grade 11 days. You can call me BJ for short. And also, I hope, we can be friends!" Masaya kong pagpapakilala.

Napuno ng bulungan ang classroom.

"Narinig ko na 2 years daw siyang hindi pumasok."

"Baka naman bumagsak?"

"Balita ko nga na suki 'yan sa guidance dati."

"Dumaan kami sa court at usap-usapan ang ginawa niya dati sa mga athlete sa labas ng school natin. Nakakatakot tuloy siyang lapitan."

First day na first day pa naman ng pasukan ngayon. Bigla tuloy nawala ang mga ngiti sa aking labi. Kung alam lang nila ang storya ko, baka sila pa mismo ang kumaibigan at lumapit sa akin.

***

"Ok class, find your partner for our activity in creating the model of Electronic Devices and Household Gadgets for tomorrow."

Grabe naman 'to si mam. First day pa lang may activity na. Well as usual, 35 students kami dito and ako lang ang walang kapartner. 'Yung isa kong kaklase, kapartner na lang daw niya 'yung isa pa naming late or pwedeng absent namin na kaklase.

"Is it okay to you Ms. Laurent to do the task alone?"

"Y-yes mam! Of course!" Sabi ko naman. Alangan namang sabihin kong, "Mam, pwedeng tatlong members na lang sa isang activity?" Aba, mahirap nang ma-guidance ulit.

Natapos na ang first subject at lumabas na ang teacher. Makalipas ng ilang minuto, biglang may lalaking pumasok sa room namin na nakasuot ng blue na polo, naka-salamin at black cap. Siya yata ang kapartner ng isa kong magaling na kaklase. Aba!, mukhang pamilyar 'to ah.

Chương tiếp theo