webnovel

Meeting the Warlocks

"Mrs. Clementine, napag-alaman ko na may dugong witch si Mira. Nadawit siya sa huling misyon na kinuha ko. Gusto..." pinutol na ng matanda ang mga sasabihin ni Loki ng ito'y nagsalita.

"Doon tayo magusap sa opisina ko." Ikinumpas lamang ni Mrs. Clementine ang kanyang hintuturo at napapunta na kami sa kanyang opisina.

"Ang galing naman! Pakiramdam ko talaga nasa isang fantasy novel ako or movie. Totoo pala talaga ang mga witches at wizards!" Biglang tumikhim si Mrs. Clementine. Napasobra na yata ang pagkamangha ko dahil sa mga naranasan ko simula ng makilala ko si Loki at dito, sa Lunaire.

"Teleportation spell" ani Mrs. Clementine "Nakakatuwa naman at sa simpleng spell lang ay humahanga ka na, paano pa kaya kapag natuto ka na ng magics and spells?"

"Ibig sabihin Mrs. Clementine, papayagan niyo pong pumasok si Mira dito sa academy?" tanong ni Loki kay Mrs. Clementine. Tumango si Mrs. Clementine kay Loki bilang sagot sa tanong nito. Ako naman napakurap-kurap. Hindi ko kasi inaasahan na papayag ang head ng Lunaire Academy. Ang problema ko nga lang, paano ko madidiskubre o matututunan ang kapangyarihan na meron ako.

"Mapag-aaralan mo naman iyon, Mira." Nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Mrs. Clementine, "Na.. Nababasa niyo po kung ano ang nasa isip ko?"

"Oo naman. Kung gugustuhin ko. Siya nga pala, bukas ng dapit-hapon ay pupunta ka sa examination room para malaman kung anong kapangyarihan ang mayroon ka at kung anong category mo as witch. Kapag naipasa mo ang exam bukas, isa ka ng Lunaireian."

"Lunaireian ang tawag sa mga mag-aaral ng Lunaire, Mira." ani Loki na seryosong tumingin sa akin. Hindi ko alam bakit biglang naging indifferent siya sa akin, siguro dahil kasama namin ang head ng academy.

"Loki, ikaw muna ang magtuturo sa kaniya kung paano ang pagsusulit dito. Hmm... Sabihin na natin na, Ikaw na rin ang gagawin kong mentor niya hanggang sa matutunan na niya ang kapangyarihan niya." ani Mrs. Clementine.

"Po?" ani Loki na tila gulat na gulat.

"Oo, may angal ka ba?" sagot ni Mrs. Clementine

"Wala naman po, pero Mrs. Clementine, isang malaking obligasyon po itong binibigay niyo sa akin, hindi ko po alam kung magagampanan ko ng tama ang..."

Pinutol muli ni Mrs. Clementine ang dapat na sasabihin ni Loki, "Alam kong kaya mo, ikaw ang pinaka-talentadong wizard dito, may tiwala ako sayo."

Biglang natahimik si Loki at napangiti sa sinabi ni Mrs. Clementine."Sige po, I'll try my best." Ngumiti si Mrs. Clementine kay Loki. "Bumalik na kayo sa dorm niyo para matulog. Loki, sa kuwarto niyo muna magpapalipas ng gabi si Mira."

"Te-teka po, eh kasama ko sina Calum, Gwydion at Rincewind sa kwarto." angal na sagot ni Loki.

"Gumawa ka ng paraan." sagot ni Mrs. Clementine sa kanya sabay biglang nawala ng parang bula ang matanda. Gumamit ulit siya ng teleportation spell.

"Tsk." Pumalatak si Loki, "Ano pa ba ang magagawa ko? Wala pa sigurong available na space sa witch's dormitory. Saka, ako ngayon ang teacher mo kargado kita." sabay tingin sa akin.

"Pero puro lalaki kayo doon, at ako lang ang babae?", nag-aalalang tanong ko sa kanya. Kumusta naman iyon, matutulog ako kasama nila. Natatakot ako para sa sarili ko.

"Tss. Alam ko iniisip mo Mira, huwag ka magalala, may powers naman ako, kaya kong gawan ng paraan iyan."

"Teka, nabasa mo ba ang nasa isip ko?"

"Hindi no, instinct ko lang yun. Hindi ko pa napag-aaralan ang mind reading magic."

"Ah", Iyon na lamang ang nasabi ko ng biglang hinawakan niya ang kanang kamay ko. "Tara na sa kwarto namin." Ikinumpas niya ang kaniyang wand sa ibabaw ng ulo namin. May mga kumikinang na alikabok ang dumadampi mulo sa ulo hanggang sa aking mga paa at unti-unti kaming nawawala, hanggang sa napapunta kami sa loob ng isang silid. Malawak ito at may apat na kama, ngunit magkakalayo ito. Siguro may mga sampu o labinlimang hakbang ang layo ng bawat kama. May TV na rin sa loob, book shelves, study tables at dalawang bathrooom. Mas malawak pa ito sa kuwarto namin ni Chelsea sa dorm namin sa Heather, kaya siguro naisip ni Mrs. Clementine na dito muna ako magpalipas kahit isang gabi lang.

"Whoa!" nagulat ako at napalingon sa aking likuran.

"Bro, sino siya? Girlfriend mo?" tanong ng lalaki na tinapik ang balikat ni Loki, mga five-six ang height niya, sakto lang ang pangangatawan dahil mukha siyang naggy-gym. Kulay kahel ang buhok niya at maputi na parang hindi na naaarawan ang kanyang balat. Manipis ang kaniyang mga labi, may matangos na ilong, mahahabang pilik at malamlam na mga mata. Nakasuot ito ng pangtulog na tila ay uniform ng Lunaire.

"Calum, tigilan mo nga ako, hindi ko siya girlfriend." Tanggi ni Loki. May kung anong kumurot sa puso ko dahil sa pagtanggi niya. Pero iyon naman ang totoo, hindi niya ako girlfriend. Walang namamagitan sa amin. We're just mere acquaintances.

"Bro! Welcome back!", sigaw ng dalawang lalaki na kapapasok lang ng silid at biglang niyakap si Loki. Mabuti pa mga 'to, bromance huh. Napangiti na lamang ako sa mga eksenang nakikita ko.

"Balita ko may nakaharap ka raw na hell hound, nakakatakot 'yon" ani ng lalaki na kasingtangkad ng tinatawag nilang Calum, moreno ito na may pangangatawan na katulad ni Jak Roberto, ang artistang hinahangaan ko sa mundo ng mga tao, may malalim na dimple rin siya kapag ngumingiti. May kakapalan ng kaunti ang kanyang mga labi, may matangos na ilong at malamlam na mga mata at parehas sila ng suot ni Calum, parang lahat ng suot nila dito sa academy ay halos magkakaparehas. "Ayos lang naman Gwydion, akala mo lang nakakatakot sila kayang kaya mong ilampaso mga 'yon hahaha" pagmamayabang ni Loki

"Teka lang bro, sino pala 'tong binibini na ito?" sabay turo sa akin ng lalaking blonde ang buhok. Siya ang pinakamaputi sa kanilang lahat. Magkasing katawan lang sila ni Loki, at nakasalamin siya. Mukhang weird din siya dahil messy ang buhok niya, pero kahit ganun, cute siya. Matangos ang ilong niya na may hindi kasingkitan na mata na katulad ng kay Loki. Ang kakaiba lang, kulay berde ang kaniyang mga mata. Hindi katulad ng kayna Loki, Calum at Gwydion na kulay brown.

"Ah, buti naitanong mo Rincewind." ani Loki na kumuha muna ng buwelta bago magsalita. So, Rincewind pala ang pangalan niya. Biglang tumingin sa akin ng mapanuring tingin si Rincewind at hindi ko alam, bakit hindi ako mapakali sa tingin niya. May dumi kaya mukha ko?

"Guys, siya pala si Mira Luna Crescencia. Nakita ko siya sa mundo ng mga tao habang nasa misyon ako. Isinama ko siya dito kasi, ka-uri natin siya. Mira, sila naman si Calum Aeris, Gwydion Randall at Rincewind Martin" Inalok nila ako ng pakikipagkamay, ngunit ang binatang nagngangalang Rincewind, tinitigan pa rin niya ako na parang pinagaaralan niya ang buong pagkatao ko bago ito nakipagkamay sa akin.

Ikinuwento ni Loki ang lahat ng nangyari sa mundo ng mga tao hanggang sa pagpunta namin dito at ang engkwentro kay Mrs. Clementine kung bakit sa kuwarto nila ako matutulog para na rin hindi na magtanong ng kung anu-ano ang mga kaibigan niya. Nanatili lamang akong tahimik at hinayaan ko sila na magkuwentuhan.

"Si lola mo pala ang may kasalanan kung bakit dito siya matutulog" ani Calum. What the? Lola pala niya si Mrs. Clementine, pero hindi naman niya ito tinatawag na lola.

"Kailangan sumunod guys, ito ang policy ng academy, at sinusunod lang ni lola ang Council para sa ikabubuti natin." ani Loki.

Ngayon ko lang din napagtanto na mayroong mas mataas pa sa lola ni Loki, ang tinatawag nilang Council. Mukhang napaka-komplikado ng sitwasyon nila rito pero sa mga pinapakita nilang ekspresyon ng mukha at postura, parang ayos lang sila.

"Mira, dito ka pala matutulog sa kama ko, tatabi na lang ako kay Calum. Huwag kang magalala, maglalagay ako ng barrier para hindi ka namin makita. Ang awkward din 'no na may kasama kaming babae dito." ani Loki kay Mira na medyo namumula ang mga pisngi.

"Okay lang." nakaramdam ako ng kaunting pagkapahiya sa sinabi ni Loki ngunit napansin ko ang mga pisngi niya. Namumula ba ang mga ito? Nakalimot ako sa sarili ko at tinitigan kong maigi si Loki

"May problema ba?" pinitik ni Loki ang noo ko.

"Aray ha!"

"Love birds tama na 'yan, ang cheesy na lalanggamin kami dito." pang-aasar ni Calum sa aming dalawa.

"Hindi kami love birds!" sabay na sigaw namin kay Calum.

"Whatever!" sagot na lamang ni Calum habang si Gwydion at Rincewind ay patulog na din. Itinago na ni Loki ang kanyang wand sa drawer at isinabit ang kapa sa kaniyang closet. Ikinumpas ni Loki ang kaniyang kanang kamay at ang school uniform niya ay naging sleeping pajamas na katulad sa kaniyang mga kaibigan.

"Matulog ka na Mira, mag-eensayo pa tayo bukas." Muli niyang ikinumpas ang kanang kamay niya sa akin at laking gulat ko, iba na ang damit ko. Terno siya na pajamas na katulad din ng sa kanila, ngunit pambabae ito.

Ngumiti ako kay Loki, "Salamat".

Ngumiti din siya sa akin bilang tugon. Ikinumpas niya ang mga kamay niya na parang gumagawa siya ng pader sa pagitan namin. Pagkatapos niyon ay unti-unting nawawala ang kanilang mga imahe. Parang nakakulong ako sa isang isolated na lugar. Pero mas mabuti na iyon, para hindi ko sila makita at hindi rin nila ako makita.

Napatingin ako sa aking mga palad. Bukas na ang judgment day. Ang entrance exam ko. Sana makapasa ko. Hindi ko alam pero gusto kong matutunan ang mga spells at magic. Hindi ako naiilang sa Lunaire, pakiramdam ko nga dito talaga ako nagmula. Ang tahanan ko. Sa sobrang pag-iisip ko para sa pagsusulit bukas ay hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.

Chương tiếp theo