webnovel

Chapter Twenty Two

"Ms. Saavedra?" bati sa kanya ng unipormadong babae "Mr. Gascon is ready for you" nakangiting sabi nito na ang tinutukoy ay ang manager ng Rural Bank of Sta. Martha.

Umusal siya ng isang "thank you" sa babae at sinudan ito sa opisina ng manager.

"Ah, Ms. Saavedra! pleasure meeting you!" iniabot nito ang kamay sa kanya "please have a seat".

Tinanggap niya ang kamay nito "thank you for seeing me, Mr. Gascon"

"What can I help you with?"  Umupo ito sa swivel chair nitong nakaharap sa desk.

"I just wanted to look at what my options are if..if I wanted to take out a loan"

Bumuntong hininga ang lalaki bago sumagot "to be honest Ms. Saavedra, your father has been denied a loan from this bank a couple of months ago... I really don't see how your application would be any different..."

Parang gustong maiyak ni Louise sa narinig. So, sinubukan na rin pala ng ama na mangutang sa bangko.

"B-but I may have some assets na pwede kong i-offer, Mr. Gascon" she began pulling out some documents from the oversized Louis Vuitton bag she was carrying.

"I'm sorry Miss... I don't think we can help you. The bank is aware na nalugi ang mga negosyo ni Don Enrique, at na malapit na ring marimata pati hacienda" he paused, naroon ang simpantya sa mga mata nito "there's no way any bank would take that huge of a risk. I'm sorry" pinal na wika nito.

Laglag ang balikat na umalis ng bangko si Louise. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Kagabi ay tinawagan na niya ang kaibigan sa LA na si Rhea at pinakiusapang ilagay na for sale ang kanyang apartment. Whether or not babalik pa siya ng Amerika ay hindi pa niya alam sa ngayon, kung babalik man siya ay inaasahan na niyang medyo matatagalan pa. Mabuti na lamang at maunawain si Lloyd, at kahit pa gusto niyang mag resign ay pinilit siyang indefinite leave of absence na lang ang kanyang gawin.

Sa ospital siya nagtuloy matapos magtungo sa bangko, nagulat pa siya ng makasalubong palabas mula sa silid ng ama si Attorney Santos, ang abogado ng AG Group. Nginitian lamang siya nito at lumabas na ng silid. Nagtatakang sinundan niya ito ng tingin bago nagtuloy pumasok sa kwarto ng ama.

Dinatnan niya si Enrique na nakapaupo sa kama, ilang unan ang nasa likod nito upang kumportableng makasandal sa headboard.

Nagliwanag ang mukha ng Don ng makita siya "hija " nakangiti ito bagaman hindi maikakailang hirap pa rin itong huminga, naroon pa rin ang mga aparatong nakakabit sa dibdib nito at sa ilong. Sa isang kamay ay nakakabit ang swero. Nilapitan niya ito at hinagkan sa noo.

"Kumusta po ang pakiramdam niyo, Papa?"

"Mas mainam na, hija" ginagap nito ang palad niya "salamat hija...maraming salamat"

"Para saan po?"

"Nasabi na sa akin ni Atty. Santos na..." bahagya nitong hinabol ang hininga

"Enrique, sinabi na sa iyo ng doctor na huwag masyadong ma e-excite" paalala ni Adela rito.

"Ano ho ba iyon yaya?" pinaglipat niya ang tingin sa dalawang matanda.

Muling hinigit ng ama ang paghinga bago nagsalita "nasabi na ng abogado na...ibabalik ng AG ang  hacienda. Dahil daw sa iyo, anak" ngumiti ito.

Hindi siya makapaniwalang tumingin sa yaya Adela niya. Pasimpleng sinenyasan siya nito na huwag na munang kumontra sa sinasabi ng kanyang papa.

"Ako na ang magpapaliwanag kay, Louise, Enrique. Ang mabuti pa ay magpahinga ka na muna ulit" Isang mahinang tango ang itinugon ng Don at muling ipinikit ang mga mata. Si Adela ay nag buzz sa nurse's station upang i-request na muling ihiga ang pasyente. Matapos masigurong kumportable na si Enrique sa higaan ay maingat siyang iginiya nito palabas ng silid.

"Ano hong sinasabi ni Papa?" agad niyang tanong nang maisara ni Adela ang pintuan.

"Iyon nga hija, ang abogado ng AG Group ay naririto kanina. Inihatid ang balita sa iyong ama na maaari na niyang ipanatag ang kanyang kalooban dahil nagawan mo na raw ng solusyon kaya't ibabalik ng AG Group ang mga ari-arian ninyong naremata, kasama na ang hacienda"  may pag aalala sa mga mata nitong tinignan siya "ano ba ang nangyayari hija? hindi biro ang halaga ng mga ari-ariang iyon. Paano mong biglang nabawi?"

Umiling siya "hindi ko ho nabawi yaya."

"Kung ganoon ay bakit sinabi iyon ng abogado?" Lalong nadagdagan ang mga linya sa noo ng matanda sa pagkunot ng noo nito.

"Saka ko na ho ipaliliwanag. For now, I need to tell dad that this was a misunderstanding! Ayoko siyang bigyan ng false hopes!" tumalikod siya rito upang muling pumasok ng silid. Mabilis na hinawakan ni Adela ang kanyang braso upang pigilan siya.

"Hija, hindi mo yan pwedeng basta sabihin sa papa mo...alalahanin mong maselan pa ang kundisyon niya. Maaari niyang ikamatay ang sasabihin mo"

Natigilan siya. She never thought of that. Ngayon ay lalong lumilinaw sa kanya ang mga nangyayari. Sadyang ang ama niya ang pinuntahan ng AG para ma set-up siya sa isang sitwasyong hindi siya makalalabas. Ikinuyom niya ang mga kamay. That bastard!

Lumipas ang ilang linggo matapos bumisita ang abogado sa ama ay naging mabilis ang pag recover nito, na tila ba nagkaroon itong muli ng bagong dahilan para mabuhay. Kakikitaan ito ng sigla at kaligayahan. Kinausap na si Louise ng mga doctor na maaari na raw itong lumabas ng ospital sa lalong madaling panahon, kasabay ng warning na hindi raw ito masyadong maaaring magpagod. Iwasan din  daw ang mga bagay na maaaring mag trigger ng isa pang muling atake dito, kagaya ng sobrang ma-disappoint o di kaya naman ay malungkot o matuwa. The doctors warned her that next time, her dad might not survive another heart attack.

Napabuntong hininga siya. Ilang linggo na ang nakalipas ngunit hindi pa rin niya nasabi ditong hindi naman talaga niya nabawi ang hacienda o alinmang mga properties nitong napasakamay ng kumpanya. Ang katotohanan ay nagsimula na siyang magligpit ng ilang gamit nila at naghahanda handa na siyang umalis ng mansyon. Ang ibang gamit ay naipalipat na niya sa isang mas maliit na property nila sa bayan ng San Martin. Malapit na rin kasing matapos ang palugit na nakasaad sa eviction notice na natanggap nila. Pero paano ba niya ito sasabihin sa ama? Napabilis ang pag galing nito sa paniniwalang nagawan niya ng solusyon na mabawi ang properties nila, lalong lalo na ang mansion at hacienda. She needs to think of something upang maitago muna niya sa ama ang katotohanan na hindi ito makakahalata, at least until the day comes na mas ligtas na ito at maipaliliwanag na niya ang lahat. Bahala na!

Bumaba siya mula sa kanyang silid sa ikalawang palapag ng mansyon dala dala ang ilan pang gamit na nais niyang ilipat at halos mahulog siya sa hagdan ng makita ang lalaking kumportableng nakaupo sa malaking sofa nila sa living room. He really looks comfy habang humihigop pa ng juice. Kung napansin man siya nito ay hindi ito nag abalang tapunan siya ng tingin.

"Ikaw na naman?!" mataray niyang bati dito, kipkip pa rin ang mga gamit " paano ka nakapasok dito?"

Tumawa ito na tila ba nag jo-joke lang siya sa kanyang tanong. Inilapag nito ang juice sa lamesita at iniunat ang magkabilang kamay sa kahabaan ng sofa, ang binti ay ipinagkrus "the last time I checked, I own this place, sweetheart" he answered back, a smug smile on his lips.

"Hindi pa tapos ang deadline for eviction, and even if you own this place technically, you still have to respect our rights and not just barge in like this!"

"Who said anything about barging in? Pinapasok ako ng mga kasambahay niyo. Ask her if you want" malapad ang ngiti nito na tila lalo siyang iniinis!

Nilingon niya ang katulong na nakatayo sa di kalayuan, nakatingin ito kay Gael at mukhang kinikilig pa! Naiiling niya itong tinawag at ibinigay ang mga dala niya "paki sabi kay mang Domeng na paki sama ito sa dadalhin sa San Martin. At sa susunod, huwag kang nagpapapasok ng kung sino sino lang" matalim niyang tinapunan ng tingin ang binatang tila hindi naman apektado sa galit niya.

"What do you really need from me, Mr. Aragon? Bakit mo ito ginagawa?" Seryosong tanong niya, ang boses niya ay malamig pa sa yelo.

Sumeryoso ang mukha ni Gael at tumayo mula sa kinauupuan. Kinabahan si Louise nang humakbang itong palapit sa kanya. He was wearing faded blue jeans and dark blue long sleeved shirt na ang magkabilang manggas ay itiniklop hanggang siko. Ilang mga butones niyon sa harapan ay hindi nakasara, dahilan upang masilip ang bahagi ng matitipunong dibdib nito.

"Ikaw, sweetheart" he said huskily. " ikaw ang kailangan ko..." Nakatapat ito sa kanya at may ilang pulgada lamang ang pagitan nila. Nasasamyo niya ang amoy nito, just like how she remembered him - his natural male scent mixed with a hint of his musky cologne. For a moment, it instantly took her back to those times when she wildly responded to his kisses, his lips soft against hers, crushing them into a fiery, passionate kiss...

"Louise..." he let his fingers trail down her cheeks. Pinanayuan ng balahibo si Louise kasabay ng dumadagundong na pintig ng kanyang puso. It's been such a long time since her heart got excited like this. She's like in a trance that moment dahil ni hindi siya gumalaw sa kabila ng muli nitong paghakbang palapit sa kanya. Marahan nitong inilagay ang kaliwang kamay sa kanyang batok kasabay ng pagbaba ng mukha nito. His face was so close to hers she could smell his breath.

"I want you, sweetheart" usal nito, just when his lips were an inch away from hers.

Hindi niya alam kung anong masamang espiritu ang sumalakay sa kanya dahil imbes lumayo ay ipinikit niya ang mga mata at hinantay ang mga labi nito. Ngunit bigla ang pagsingit ng isang pangit na ala-ala doon: Gael and Cindy, in bed together...

Tila bumalik ang kanyang huwisyo, marahas siyang nagmulat ng mga mata at biglaan itong itinulak palayo sa kanya. Bagaman halos hindi ito natinag ay halatang nagulat ito sa ginawa niya. Louise took a few steps back away from him.

"Y- You think your charms will still work on me, Mr. Aragon?" she smiled at him bitterly "think again. Sinabi ko na sa iyo, hindi na ako ang inosenteng dise-sais anyos na Louise" she managed to say sa kabila ng panginginig ng tuhod.

Without a word ay tinawid nito ang pagitan nila, his arms instantly wound around her waist, hinapit siyang palapit sa katawan nito. She was pinned against him at hindi siya makagalaw.

"Why don't we try and confirm that?" bago pa nakabawi sa pagkabigla si Louise ay walang babalang bumaba ang mga labi nito sa kanya, crushing her lips in a brutally passionate kiss.

Chương tiếp theo