webnovel

Chapter Ten

Gael stopped right in front of her. Ramdam ni Louise ang mga mata ng estudyante na nakatuon sa kanila. Tila may mga naghahabulang daga sa dibdib niya. Ang paligid na kanina ay walang kulay, ngayon tila nabuhay lahat. Ganito ang epekto ng lalaking ito sa kanya. Limang buwan na niya itong nobyo, pero hindi pa rin nababawasan ang epekto nito sa sistema niya.

"May I have this dance?" tanong nito sa kanya.

Before she could even respond, he already placed his hand at her back and pulled her closer to him. He guided her hands towards his neck.

He was holding her so close that Louise felt she's going to hyperventilate. Nasasamyo niya ang amoy nito, musky cologne and his natural male scent. Gael bent his head down so that his face was on her neck. She felt his breath there at isang masarap na kilabot ang gumapang sa buo niyang katawan.

"You smell sweet" he whispered.

Iginiya siya nitong sumayaw sa malamyos na tugtugin, all the while holding her so close to him.

For a few moments they just stayed like that, not saying anything. Louise closed her eyes. She wished this moment would last forever.

Nanginginig na mga kamay

ang puso kong hindi makasabay

pwede ba kitang tabihan

at kahit na may iba ka nang kasama

ito nang gabing di malilimutan

nang dahan dahan tayong nagtinginan

Parang atin ang gabi

para bang wala tayong katabi

at tayo'y sumayaw

na parang di na tayo bibitaw

Maya maya ay bahagya siyang inilayo nito at may dinukot sa bulsa, he went behind her and placed something around her neck.

It was a necklace. Dinama ni Louise ang kuwintas sa kanyang leeg. It was a simple gold necklace, may hugis puso itong pendant.

At one side of the pendant ay may nakaukit na mga letrang G & L.

"I love you, sweetheart" marahang bulong nito sa kanyang tenga... She froze.

Tama ba ang narinig niya? He just told her the very words that she had longed to hear for the past 5 months.

Gael slowly turned her around to face him.She was still grasping the pendant on her neck. Her eyes instantly began to tear up.

"What's wrong?" he worriedly asked, yumuko ito sa kanya upang tignang maigi ang kanyang mukha. She looks like an idiot right now she knows, pero tila sasabog ang dibdib niya sa kaligayahan sa sandaling iyon.

Gael must have mistaken her reaction for something else. He grabbed both her hands "I'm sorry if I'm late tonight. I had to wait for the necklace

sa bayan at - " naputol ang kung ano mang sasabihin nito nang mabilis niya itong halikan sa mga labi. It was a short dab to the lips na ikinagulat nito. She gently wiped the tears from her eyes and smiled at him.

"I love you too, Gael" she confessed.

She knows that what she just did means na hindi na sikreto ang relasyon nilang dalawa, and right at this moment, she doesn't really care.

"Totoo? mahal mo rin ako?" paniniguro nito, his eyes glittering.

She nodded, nasa mga labi pa rin ang isang malapad na ngiti.

"hindi mo alam kung gaano ako kaligaya ngayon!" he exclaimed na para bang hindi pa rin makapaniwala sa narinig nito. Biglaan siyang binuhat nito mula sa kanyang baywang at iniangat paikot.

"Woohoo! Louise Saavdera loves me!" tila batang sigaw nito.

"Ibaba mo ko, Gael, ano ba!" she exclaimed laughing while feeling a little embarassed sa ginawa nito, they were still in the middle of the dance floor. Ang mga taong naroroon ay animo nanonood ng shooting ng isang pelikula.

Dahan dahan siyang ibinaba nito. His eyes met hers at pakiramdam ni Louise ay tumigil ang pag ikot ng mundo. Na para bang sila lang dalawa ang taong naroroon. She doesn't care what others will say, o kahit pa malaman ito ng ama. She's about to graduate in a couple of months from now, siguro ay mauunawaan naman ito ng ama. She's never taken her studies for granted anyway, sa katunayan ay nasabihan na siya ng adviser nila na siya ang mag uuwi ng valedictorian title sa graduation.

"Remember sweetheart, for as long as there is air to breathe, akin ka lang at sayo lang ako" he emotionally said. Bumaba ang ulo nito and gave her a short, sweet kiss on the lips.

Umalingawngaw ang kantyawan at palakpakan ng mga tao sa kanilang paligid, tila nag enjoy ang mga ito sa nasaksikhan. Most faces she saw were smiling and cheering for them although hindi maitago ng ilang kababaihan ang panghihinayang. The most wanted bachelor of SMU is now officially taken. Nakita niya si Marcie na padabog umalis ng dance floor, leaving her partner behind. Mabilis itong sinundan nina Leana at Chelsea, ang mga kaibigan nitong parte ng "mean girls squad" kung kanyang tawagin.

Pakiramdam ni Louise ay nangamatis sa pula ang mukha niya. She glimpsed at Gael, he seems to be enjoying this. Hindi ito kababakasan ng pagkapahiya, sa halip hinawakan nito ang kanyang kamay and playfully lifted it up, tila lalong pagkokompirma sa nasaksihan nila, as if to say "yes, we are official"

Ilang kaibigan ni Gael ang lumapit sa kanila "pare, epic yun ah!" nakangising sabi ni Jax na tinapik si Gael sa balikat.

"Finally, may nakabingwit din dito kay Gael" nanunuksong sabi naman sa kanya ni Ronald.

Kaibigan at kaklase ni Gael ang dalawa sa Engineering Dept.

Tila lalong nag init ang pisngi niya. Nanatili lamang siyang nakayuko. Louise! pull yourself together, will you? bulong niya sa sarili.

"Pare, mauuna na muna kami" paalam ni Gael sa mga ito "may ipakikita pa ako kay Louise"

"Naku pare! dise-sais lang yan ha, baka kung ano ipakita mo diyan" biro ni Jax.

"Gago!" natatawang sagot nito.

Gael led her out of the dance floor. It was only 11 in the evening, at dahil alas dos pa ang paalam niya sa ama, she has time to go with Gael. She will need to explain sa ama kinabukasan. Paniguradong nakarating na sa kaalaman nito ang mga pangyayari. Bukas na niya iisipin at haharapin ang kung ano mang backlash nito mula sa ama.

"Cindz, aalis lang muna kami ni Gael ha. I will be back before 2 at bago dumating si Mang Erning" paalam niya sa kaibigan na ang tinutukoy ay ang kanyang sundo

"Saan kayo pupunta?" tanong nito.

"Hindi ko din alam eh, supresa yata" nasisiyahan niyang sagot "look! he gave me this and told me he loves me!" ipinakita niya sa kaibigan ang kuwintas sa kanyang leeg.

"Aba! mabuti naman sa wakas at nagsabi din siya"

"Grabe bes, hindi ko maipaliwanag nararamdaman ko. Alam mo yung parang nasa ulap lang?" she said dreamily.

"Hay naku! in love talaga ang bestfriend ko!" said Cindy " oh wag munang susuko ang Bataan ha?" paalala nito.

She blushed. Si Cindy talaga! pano nitong naiiisip agad ang ganoong mga bagay? Ni sa hinagap nga ay hindi nga iyon pumasok sa isip niya.

"Ikaw talaga bes!"

"Paalala lang sakin bes" si Cindy ulit. "I know na in love ka at unang boyfriend mo si Gael pero, just take care of yourself ok?"

"I will. thanks bes" bineso niya ito bago umalis.

Lihim niyang naipagpasalamat nang makitang sa halip na motorsiklo ay isang pick up truck ang dala ng binata. Kulay pula ito at may kalumaan na, ang mga gilid ay kakikitaan ng bahagyang pangangalawang. Still better instead of motorbike for tonight, considering what she's wearing! Naka pang promdress pa rin siya at naka heels pa!

Gael took off his leather jacket at ipinasuot iyon sa kanya "wear this" he commanded "malamig ang hangin at tiyak na lalamigin ka sa daan"

"Saan tayo pupunta?" Gael helped her get in the vehicle.

"You'll see" nakangiting sagot nito.

Umikot ito sa driver's seat at pagkatapos ay dumukwang sa kanya upang ikabit ang kanyang seatbelt. Nagkabit din ito ng sariling seatbelt.

"Are you scared?" he asked

Isang iling ang ginawa niya "I trust you"

"Good" a satisfied smile crossed his lips

They drove for about 20 minutes hanggang narating nila ang harapan ng isang lumang bahay. She was sure nasa San Martin sila, ang bayang karatig ng Sta. Martha.

Inalalayan siya nitong bumaba ng sasakyan at binuksan ang maliit na gate niyon para sa kanya.

Dalawang palapag ang bahay na iyon na gawa sa brick at kahoy. Ang bintana ay old style na yari sa capiz. Mayroong isang malaking punong mangga sa kanang bahagi ng bakuran, iba't iba ang mga bulaklak na nakatanim sa paligid. It was an old spanish style house ngunit maliwanag ito at maaliwalas, ang buong labas ng kabahayan ay naliliwanagan ng mga nakasabit na patio bulbs.

"Anong ginagawa natin dito? kaninong bahay 'to?"

"Nabili ko ang bahay na ito, Louise. With the little money that my parents left for me" Iginiya siya nito papasok sa kabahayan.

Oh yes, nabanggit nito sa kanya noon na namatay ang mga magulang nito when he was 14.

Iginala niya ang mata sa kabahayan, hindi iyon kalakihan at wala pang mga gamit. Ang sahig nito'y yari rin sa kahoy.

"What do you think?" nakangiting tanong nito.

"It's beautiful. Full of character... pero anong ginagawa natin dito?" for sure he didn't take her here para lang sabihing nakabili ito ng bahay.

Niyakap siya nito mula sa kanyang likuran "when you turn 18..." he hesitated for a bit then continued "...I want to ask you to marry me, sweetheart. Binili ko ang bahay na ito para sa atin"

"Huh?" ang tanging naiusal niya. Is he proposing right now?

Chương tiếp theo