webnovel

Chapter Eight

"what?!" pinanlakihan ng mata ang kaibigan sa narinig na sinabi niya.

"ssh.." mahinang saway niya dito, bahagyang tiningan ang ibang kaklase kung may nakapansin sa eksaheradong reaksyon ng kaibigan. Bukod kasi sa napalakas ang boses nito, napatayo pa mula sa kinauupuan.

"hinalikan ka niya?" pabulong na tanong nito.

She softly nodded, biting her lower lip.

"so ano na? kayo na? may boyfriend ka na?" kilig na tanong nito, ang ngiti ay tila nakaplaster na sa mga labi.

"e-ewan ko..."

"ayy!!! may boyfriend na ang bestfriend ko!" bulalas nito sa pinipigil na tili.

"tsk! wag ka sabing maingay! baka may makarinig sayo" mabuti na lamang at abala ang iba nilang kaklase sa sari-sariling chismisan at asaran ng mga ito, huling subject na nila para sa araw na iyon at hindi pa dumarating ang prof nila.

"eh ano kung marinig nila? inggit lang ng mga iyan! you got the hottest guy in campus bes! dapat nga proud ka" may katotohanan naman ang sinabi nito.

Eversince Gael transferred to SMU, mahigit ata kalahati ng campus from High School to college department ay may crush dito. He's got that certain charm. Hindi ito yung tipong gwalo na parang makikita mo sa mga Korean actors na kinahuhumalingan ng mga kababaihan ngayon. He is the opposite. Gael is very manly - moreno, matangkad and he has that hint of danger na hindi niya maipaliwanag na lalo lamang nakadagdag sa appeal nito.

"naguguluhan kasi ako bes. I just met him the other day, literally" nagbuntong hininga siya.

"now is your chance to get to know him" Cindy softly smiled at her "I can feel that he's a good guy. Hindi dahil gwapo siya, pero basta! Parang feel ko you're meant for each other"

Hindi siya sumagot. Ang totoo, gulo pa rin ang isip niya. She just met the guy for crying out loud! hindi naman siya easy to get na babae, sa katunayan ay marami na ang sumubok na manligaw sa kanya na puro rin naman may mga istura at sinabi sa buhay pero wala siyang binigyang interes ni isa sa mga ito. But with Gael, ewan ba niya pero whenever he's around, all her good reasoning seem to go up in the clouds.

Natapos ang maghapon na iyon na pakiramdam ni Louise ay tila pa rin sya nanaginip lamang. Kainis pa dahil tinawag siya ni Mr. Gonzales kanina at hindi siya nakasagot sa tanong nito ukol sa kanilang topic. Nakakahiya! She is one of the top students in her class. Marami nga ang nag a-anticipate na siya ang magiging valedictorian sa nalalpit na graduation. She needs to refocus kung gusto niyang gumraduate with honors.

Eto kasing Gael na to eh! mahinang paninisi ng isip niya.

She gave a sigh nang marinig ang ring ng bell, hudyat na tapos na ang klase. It's been a long day, she feels emotionally tired. Ang gusto niya ngayon ay makauwi na ng bahay at makapag babad sa bath tub. Isa isa niyang sinamsam ang mga gamit at isinilid sa bag. No need to rush, hinihintay pa naman niya si Cindy na nagpaalam munang magbabanyo. Muli muna siyang umupo at wala sa loob na binuklat buklat ang libro niyang nakalapag sa kanyang

mesa.

"eherm.." isang tikhim ang nagpaangat ng kanyang ulo.

Her jaw almost dropped ng makita ang lalaking laman maghapon ng kanyang utak na naroroon sa pintuan ng kanilang silid, ang likod nito ay

nakasandal sa hamba habang ang mga braso ay ipinagkrus sa dibdib. Tila itong isang modelong naghihintay kuhanan ng litratista para sa isang photo shoot. Damn! he really is hot! sa tuwing makikita niya ito ay hindi niya mapigilan ang lalong humanga.

"tara na?" nakangiting tanong nito.

"h- huh?" she blinked her eyes. Once, twice, hindi na niya mabilang in fact. Thinking that he would disappear in front of her if she blinked enough.

"ihahatid na kita" lumakad ito palapit sa kanya.

"m..may sundo ako" nauutal niyang sagot. Tahimik na ang buong silid at mukhang sila lamang dalawa ang naroroon.

Tumango tango ito pagkatapos ay umupo sa kanyang desk. Napatuwid ng upo si Louise. Her small "desk" was a part of her chair kaya naman feeling niya ay ang lapit na naman nito sa kanya.

Cindy, nasan ka na ba? sinulayapan niya ang relo.

"may hinihintay ka ba? " kaswal na tanong nito.

"uhm, si Cindy. sabay kasi kami laging lumalabas ng campus." she stood up and gathered her things.

"sige, mauuna na ko" she needs to get away from him ASAP, hindi niya alam kung paano pa niya matatagalang umaktong normal sa harap nito kahit pa tila tambol ang puso niya sa pagkabog.

"Ihahatid na kita" Pinal na anito, as he grabbed the books from her without warning.

"hey! give them back" protesta niya at tinangka niyang kuhanin ang mga libro mula rito. Mabilis nito iyong itinaas gamit ang isang kamay. Sa taas nitong anim na talampakan, she probably looked like Samson trying to grab the books from Goliath. Sa pagpipilit niyang makuha ang mga libro mula rito ay

hindi niya napapansing lalo lamang siyang napapalapit dito.

A smile crossed his lips "I kinda like this sweetheart" nanunuksong sambit nito.

Agad niyang inilayo ang sarili dito. "Psh!" inirapan niya ito, pretending to be annoyed, kahit pa ang totoo ay tila mabibingi na siya sa lakas ng tibok ng puso niya.

Nagpatiuna siyang lumabas ng silid at sinubukang iwanan ito, but based on the footsteps behind her, alam niyang nasa likod niya si Gael. Lalo niyang binilisan ang lakad at hindi ito nilingon, baka magsawa din ito sa pagsunod sa kanya. Habang naglalakad ay tinawagan niya ang kaibigang si

Cindy upang sabihing nauna na siyang lumabas ng classroom. Naintindihan naman nito ang ibig niyang sabihin nag sabihin niyang "emergency".

"Hey Louise!" nilingon niya ang pinanggalingan ng tinig. Si Mark. Magiliw siya nitong kinawayan, palabas ito ng sariling klase. Pareho silang nasa senior nito sa high school, magkaiba nga lamang sila ng section. Mark is the son of the mayor, at lantaran ang pagpapahayag nito nang pagkagusto sa kanya.

Ilang ulit na nga niya itong binasted kung tutuusin, pero sadyang makulit ito at tila hindi napapagod na manligaw sa kanya. Mark is good looking, rich at playboy, mabait din naman daw ito pero may pagka spoiled brat lalo pa dahil maipluwensya sa bayang iyon ang ama nito.

She hesitantly stopped to greet him. Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya rito.

Nilapitan siya nito at may paghanga sa mga mata siyang tiningnan "lalo kang gumaganda ah!" papuri nito sa kanya.

Ngiti lamang ang naging tugon niya. Hindi niya napansin ang pagkulimlim ng mukha ni Gael, ganoon pa man ay nanatili itong walang kibo.

"Listen, I was thinking...maybe we could go to the movies together? showing na yung - " naputol ang sinasabi nito ng walang sabi sabi siyang inakbayan ni Gael at banayad na kinabig palapit dito. Gulat din siyang napatingin dito, hindi malaman ang gagawin.

"I'm afraid she can't go to the movies with you, kid" seryoso ang baritonong tinig nito

Kid! OMG! he called Mark a kid! kitang kita niya ang pagguhit nang pagka insulto sa mukha ni Mark.

"Louise sino ba to ha? bodyguard mo?" galit na tanong nito na tinitigan din si Gael.

"Hindi. Boyfriend niya" walang gatol na sagot nito.

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito, she tried to remove his arms around her, pero tila bakal iyon na hindi matinag.

"Boyfriend?" nakaka insulto itong tumawa.

Gael let go of her at nilapitan si Mark. Walang sabi sabi nitong kinwelyuhan ang binata and pressed him against the wall "don't mess with my girl. Wala akong pakialam kung anak ka ni mayor" his voice was full of danger na gustong panayuan ng balahibo ni Louise.

Nakita ni Louise na gumuhit ang takot sa mukha ni Mark. Hindi ito nakasagot kay Gael but he tried hard to maintain his composure. Matapos ang ilang sandali ay binitawan ito ni Gael.

"Pagsisisihan mo ito, Aragon!" banta ni Mark, pinipilit pagtakpan ang pagkapahiya sa nangyari.

"Looking forward to it" sagot ni Gael in a calm voice. Isa isa nitong pinulot mula sa sahig ang mga libro niyang binitawan nito roon. He then

grabbed her hand at hinila siya paalis sa sa lugar na iyon.

Mabilis ang lakad nito at walang magawa si Louise kundi sumunod. She tried to free her hand from his grasp pero mahigpit ang hawak nito sa kanyang kamay na tila ba siya tatakas.

"L-let go of me!"

Wala itong kibo at madilim pa rin ang mukha. Hindi niya alam kung saang parte ba ng campus sila papunta, hanggang sa marating nila ang maliit na espasyo sa likod ng Engineering building.

Halos humangos si Louise mula sa mabilis na paglakad. May kalayuan din ang Engineering building mula sa high school building.

"ano ba problema mo?!" iritadong tanong niya.

He gave her a dangerous look at inilang hakbang ang pagitan nila. Itinukod nito ang magkabilang kamay sa pader, trapping her yet again. Strangely, obvious man na galit ito pero hindi takot kundi excitement ang naramdaman ni Louise.

"I thought I told you that you are mine sweetheart..." he said huskily.

Napalunok si Louise. Awtomatikong nag flashback sa isip niya ang halik nito sa library. She blushed.

Gael's face softened nang makita nito ang pamumula ng pisngi niya. He lifted her chin with his thumb and forefinger "look at me" he commanded.

Louise slowly met his gaze. Sino nga bang babae ang hindi matutunaw kapag tinitigan nito nang ganito? Tila nangungusap ang mga iyon.

"You're mine sweetheart. At ayokong may mga gagong umaaligid sayo" nagtiim ang bagang nito.

"I don't know Gael... I didn't think you were serious sa nangyari kanina sa..sa...library" hindi niya maituloy tuloy ang sasabihin.

"Oh hell I am serious!" Muli siyang tinitigan nito "I've never been more serious in my life, Louise. And I've never wanted any woman as much as I want you" seryosong pahayag nito, marahang hinaplos nito ang pisngi niya.

She looked straight into his eyes, trying to find the right answers there. Gaano man kumontra ang isip niya, tila hindi niya makontra ang puso niya.

Dahan dahan lumapit ang mukha nito sa kanya. She knows what's coming and she does not have any desire na iwasan iyon. Ipinikit niya ang mga mata at hinantay ang mga labi nito. Just like earlier today, sa library, his lips were so gentle on hers. It brushesd softly against hers, ang hininga nito ay nasa

mukha niya. Naramdaman niya ang isang kamay nitong bumama sa kanyang baywang at hinapit siya palapit rito, ang paraan nang paghalik nito ay tila nag iba, his kiss seems to be seeking for something. Unkowingly, she slightly parted her lips....

Gael silently groaned in delight when Louise slightly parted her lips, he deepened the kiss, tasting and exploring every sweet corner of her mouth with his tongue.

He heard her inhale sharply. He knows this is her first real kiss and he didn't want to scare her away. He had to restrain himself and kiss her as gently as he can. God! he wants to take her right here and now, if only he can. He can feel the heat course through his body and he felt that familiar kind of "pain" in between his thighs, that he had to slightly move his body away from hers. The last thing he wants to do is to scare her away.

 *****************

Tila nalulunod si Louise sa ginawa nito, ang mga tuhod niya ay tila biglang naging kandila. Pakiramdam niya ay nawalan siya ng lakas upang tumayo mag isa. Hindi pa siya nahalikan ng kagaya ng halik na iginawad nito sa kanya. It was a very gentle and very sensual kiss.

Matapos ang ilang sandali ay pinakawalan nito ang mga labi niya ngunit nanatiling hapit ang kanyang baywang. Idinikit nito ang noo sa kanyang noo "there. I hope this time, it's enough seal proving that you're my girl now"

Louise felt like she's floating on cloud nine, ang puso niya ay wala na yatang balak tumahimik sa kanyang dibdib.

"It's official now, right?" paniniguro nito, bahagyang inilayo ang mukha sa kanya upang tignan siya.

Isang nahihiyang tango ang naging tugon niya, she raised her head and tried her best to meet his gaze.

"Parang wala naman na akong choice eh" birong sagot niya, smiling shyly.

Tumawa ito ng malakas sa sinabi niya.

"yess!!!" malakas na sigaw nito, itinaas pa nito ang dalawang kamay sa ere na akala mo nanalo sa isang patimpalak.

Magkasabay nilang nilisan ang parte ng campus na iyon, hawak nito ang kamay niya. What will it be from here? Hindi niya alam. Saka na niya iisipin kung paano maiiwasang malaman ito ng ama. For now, she will just give this a chance. Kung mayroon man siyang hindi maitatanggi, iyon ay ang atraksyon na mayroon siya para kay Gael. Hindi basta atraksyon, ngunit matinding atraksyon.

Oh my! be still, you foolish heart! bulong niya sa sarili.

Chương tiếp theo