webnovel

GREEDY

Hi Guys!! Share ko lang.

May napulot kaming tuta, pinangalanan naming Greedy kasi napakasiba, nagagalit ito kapag iniistorbo habang kumakain. Nagustohan namin si Greedy kasi malambing ito, hindi maingay at hindi rin malikot. Nasa sulok lang siya natutulog oh di kaya'y nagmamasid lang sa mga ginagawa namin sa bahay. Nilagyan namin siya ng collar na may bell para malaman ng iba na may nagmamay-ari sa kanya sakaling lumabas ito ng bahay.

Dalawang linggo ang dumaan at mas lalong napamahal na sa amin si Greedy, hinahayaan namin siyang lumabas ng bahay at mabilis din itong bumabalik pagkatapos nitong tumae at umihi. Perfect dog para sa amin si Greedy, ngunit may napansin akong kakaiba sa kanya.

Maliit lang si Greedy ngunit kaya niyang tumalon sa mesa na parang pusa. Wala ring lumalapit na ibang aso sa kanya, parang pinangingilagan nila ang aming Greedy. Pero pinagkibit-balikat ko lang ang mga iyon kasi nga perfect dog para sa amin si Greedy.

Kagabi natulog ako ng 12:45 ng madaling araw nawili ako sa paglalaro ng ML (Oo, Nag i-ML ako add nyo ako "Jokan ni Mi_an" ang ign ID: 471306383 (3260) ). Bila akong nagising sa ingay ni Greedy, tahol ito ng tahol na parang may inaaway. Agad akong pumunta sa sala kung saan nanggagaling ang tahol ni Greedy at nakita ko ang dugo sa sahig. Nag-alala ako para sa aming Greedy, hinanap ko siya ngunit tumigil na siya sa pagtahol. Sinundan ko ang bakas ng dugo sa sahig papunta sa kusina. Laking gulat ko ng pagpasok ko may nakita akong paa ng tao na naka dapa. Gumagalaw pa ang paa at naririnig ko ang mahinang ungol ng lalake. Hindi ko pa nakita ang buong katawan ng nakadapang lalake kasi sa takot ko'y nanlambot ang tuhod ko't hindi ko na magawang humakbang pa.

Lumabas mula sa kwarto ang asawa ko at nakita akong nakasandal sa pader habang sumisilip sa kusina.

"Berto! Anong sinisilip mo dyan?!"

Napakalakas ng boses ng asawa ko na ikinagulat ko pa lalo. Sumenyas ako sa kanya na wag maingay ngunit...

"Ha?! Bakit?! Anong meron?!" Pasigaw na tanong ng asawa ko.

Nang marinig ng lalakeng naka dapa sa kusina ang boses ng asawa ko'y humingi ito ng saklolo. Halatang nanghihina ito at halos hindi ko na marinig ang kanyang boses. Naglakas loob akong humakbang patungo sa kusina at doon tumambad ang isang lalake na nginangatngat ang kanyang leeg ng isang nilalang na hindi ko mawari kung anong klase. Mahaba ang tenga nito, parang aso ang ulo ngunit may mahahabang mga pangil. Ang balat nito'y parang balat ng asong puno ng galis. May mahahabang kuko at buntot.

Ang unang sumagi sa isip ko ay kung nasaan si Greedy, kinain ba siya ng nilalang na iyon? Nagtago sa takot? O baka naman....

Nagsitayuan ang mga balahibo ko ng makita ko ang collar sa leeg ng halimaw... collar ito ni Greedy!!!

Tumigil sa pag ngangatngat sa lalake si Greedy at tumitig sa akin. Naalala kong ayaw ni Greedy na iniistorbo kapag kumakain kaya humakbang ako papalayo sa kanya. Bumalik naman si Greedy sa pagngatngat sa leeg ng lalake na sa mga oras na iyin ay tila wala ng buhay.

"Ano ba kasing nandyan?!" Sigaw ng asawa ko na nasalikod ko na.

Nagalit na nga si Greedy at itoy nag growl sa aming dalawa. Sa gulat sa kanyang nakita'y napaupo ang asawa ko. Dahan-dahan ko siyang pinatayo at bumalik kami sa kwarto. Pinakiramdaman ko ang mga nangyayari sa kusina habang tumawag naman ng pulis ang asawa ko. Ilang minuto lang at dumating na ang mga pulis (Oo, mabilis kumilos ang mga pulis dito sa amin).

Lumabas ako sa gate para papasukin ang mga pulis habang ipinapaliwanag sa kanila ang nangyari. Pagkapasok namin sa bahay sinalubong kami ni Greedy na anyong tuta na. Patahol2x pa ito na parang cute na tuta!

Sa kusina, wala na ang katawan ng lalake, ni bahid ng dugo sa sahig ay naglaho. Hindi ako makapaniwalang biglang naglaho ang mga ibidensya sa nangyari sa aming bahay sa gabing yun. Umalis ang mga pulis na masama ang loob sa akin, pinagsabihan pa akong sa susunod na i-prank ko pa sila'y ipakukulong na nila ako. Wala akong nagawa, ayaw nilang maniwala sa mga sinasabi ko. Walang naniniwalang nagiging halimaw ang tuta naming si Greedy. At walang naniniwalang kayang ubusin ni Greedy ang isang buong tao. Kaya tumigil nalang ako sa pagpapaliwanag at humingi nalang ako nang pasensya sa mga pulis at sa mga kapit-bahay na nagising ng dumating ang mga pulis.

Sa kasalukuyan, umiinom ako ng kape kasama ang asawa ko. Sabi niya sigbin daw si Greedy, hindi daw ako dapat matakot dahil loyal ang mga sigbin sa kanyang mga amo basta wag lang itong gugutumin kasi wala itong sinasanto kapag nagugutom.

Sa palagay ko, ang lalakeng nasa kusina kagabi ay isang magnanakaw na nagkamali ng bahay na nanakawan. Hindi niya alam na ang bahay namin ay binabantayan ng isang masibang tuta na nagngangalang GREEDY.

Chương tiếp theo