Hashtag: #TDSMoises
📌
Guest:
- Moises
📌
DYOSA: "Magandang gabi—este umaga Team Wattpad and welcome to..."
AUDIENCE: "The Dyosa Show."
DYOSA: "Maki-tweet na Team Wattpad with our official hashtag for tonight—este today na #TDSMoises. I will read you tweets after the show.
Excited na ba kayo Team Wattpad for our next guest?"
AUDIENCE: "YEAH!"
DYOSA: "Excited na nga ang lahat. Our next guest for tonight—este today pala ay isa sa mga closest friend ko since Grade 11. Siya ay isa sa mga member ng 18 serenaders ko. Please welcome, my bestfriend, Moises."
AUDIENCE: "KYAAAAAAA!"
(Lumabas mula sa backstage ang kaibigan ni Dyosa.)
MOISES: "Hi fans."
MOISES' FANSCLUB: "WE LOVE YOU MOISES!"
DYOSA: "Wow! Ang dami mo namang fans Mhoii."
MOISES: "Ang gwapo ko talaga Dyosa."
DYOSA: "Wow! Porke't marami kang fans ay magmamayabang ka na sa show ko? Gwapo ka nga pero iisa lang ang abs mo. Correction, ab pala."
MOISES: "Grabe ka naman Dyosa. Kahit wala akong abs pero hot pa rin naman ako. Kaya nga pinagnanasaan mo ako sa tuwing topless ako."
DYOSA: "Manahimik ka nga diyan! Nakakainis ka!" *blushing*
MOISES: "Uuuuyyy! Si Dyosa namumula na."
AUDIENCE: "Yieeeeee!"
DYOSA: "Wag mo na nga akong asarin Mhoii! Baka maubos ang oras natin dahil lang sa pang-aasar mo sakin. Start na nga ang chikahan.
Naging classmate ko si Moises since Grade 11. Well, matagal ko na siyang kilala since elementary pa. Pero never kaming naging classmate. Bakit? Paki-explain Mhoii."
MOISES: "Noong elementary pa lang kami ay ahead ako ng 1 year sa kanya. Grade 1 siya noon, Grade 2 naman ako. Hindi kami naging close dati pero lagi ko siyang nakikita noon lalo na't sa tindahan nila ako bumibili ng load.
Grumaduate ako noong high school sa JNHS pero hindi muna ako nag-college. Pero nang magsimula na ang Senior High School ay napagdesisyunan kong bumalik sa JNHS para mag-aral bilang parte ng K-to-12 program at d'on na kami naging mag-classmate ni Dyosa dahil parehong kurso ang napili namin. Naging close kami ni Dyosa noon kasama na rin ang dalawa pa naming classmate na sina Sairen at Ate Tintin. Pero habang tumatagal ay may napansin ako kay Dyosa. Yun ay lagi siyang titig na titig sa'kin lalo na sa kat..."
DYOSA: "Tama na ang pagkukuwento Mhoii. May mga itatanong ako sa'yo na kailangan mong sagutin."
MOISES: "Ge."
DYOSA: "Okay first question, since graduate na tayo sa Senior High School. Saang school ka mag-co-college?"
MOISES: "Sa DGUP ako mag-co-college dahil libre ang tuition d'on."
DYOSA: "Nice dahil d'on din ako mag-co-college. Anong course ang kukunin mo?"
MOISES: "Well, I will take BSEd Major in MAPEH since I love singing, dancing and drawing."
DYOSA: "Napaka-talented mo talaga Mhoii."
MOISES: "Alam ko."
DYOSA: "Okay next question na tayo, nalaman kong may girlfriend ka na pala at si Maru pa talaga na naging classmate ko dati. How dare you na ilihim mo 'to sa'kin?"
MOISES: "Pasensiya na Dyosa kung inilihim ko sa'yo ang tungkol diyan. Ayoko kasing masaktan ko ang puso mo."
DYOSA: "Masaktan mo ang puso ko?"
MOISES: "Oo, dahil alam kong umaasa kang magiging tayo kahit hindi pwede."
AUDIENCE: "Aww!"
(Now Playing: Dahil Mahal Na Mahal Kita)
(A/N: Play the video above para ramdam mo ang pagbabasa.)
Kahit na nagmumukhang tanga 🎵🎶🎤
Kahit na sinasaktan ako 🎵🎶🎤
Umiiyak ako dahil sa'yo 🎵🎶🎤
Heto pa rin ako 🎵🎶🎤
Halos baliw sa'yo 🎵🎶🎤
DYOSA: "Bakit Mhoii? Bakit hindi mo ako kayang mahalin? Binigay ko naman ang lahat ng gusto mo eh. Pera, sapatos, kotse, binayaran ko rin ang SSS mo, pati mga gastusin mo sa school ay binayaran ko rin, binilhan din kita ng mga damit at shorts na puro imported, cellphone, tablet, laptop, computer at kung ano-ano pa. Ano pa ba ang kulang at hindi mo ako kayang mahalin?"
AUDIENCE: "OUCH!"
Dahil mahal, mahal na mahal kita 🎵🎶🎤
Hindi ako matatakot, mahihiya 🎵🎶🎤
Anuman ang sabihin nila 🎵🎶🎤
Dahil mahal kita 🎵🎶🎤
MOISES: "House and lot pa ang kulang Dyosa. Kaya mo bang ibigay y'on sa'kin?"
DYOSA: "Kaya kong ibigay yan. Kapalit lang ang pagmamahal mo sa'kin. Kaya mo bang ibigay yun?"
Dahil mahal, mahal na mahal kita 🎵🎶🎤
Gagawin ko ang lahat 🎵🎶🎤
Pangako mo lang 'di ako iiwan 🎵🎶🎤
Dahil mahal 🎵🎶🎤
Mahal na mahal kita 🎵🎶🎤
MOISES: "Pasensiya na Dyosa, hindi ko kayang ibigay ang hinihingi mong pagmamahal sa'kin. Ibabalik ko na lang sa'yo ang lahat ng binigay mo sa'kin."
DYOSA: "Ganun-ganun lang yun Mhoii? Ibabalik mo lang sa'kin ang lahat ng pinaghirapan ko para sa'yo? Okay lang sana kung may warranty pa ang lahat ng ibinigay ko sa'yo o 'di kaya'y pwede pang i-refund. Kaso hindi na pwede eh. Pati puso ko ay hindi pwedeng i-refund sa iba dahil sa'yo lang 'to nakalaan for free."
AUDIENCE: "Aww!"
MOISES: "Sana balang araw ay mapatawad mo ako Dyosa. At sana mahanap mo na rin ang lalaking magmamahal sa'yo ng totoo."
DYOSA: "Next question na tayo. Nagiging madrama na ang show ko."
MOISES: "Ge."
DYOSA: "Kung mawala na ang lahat sa'yo pati ang babaeng mahal mo, lalapit ka ba sa'kin para humingi ng tulong, pero ang kapalit nito ay ang pagmamahal mo?"
MOISES: "Hindi, mas pipiliin ko na lang ang mamatay kung mawawala lang naman sa'kin ang babaeng mahal ko."
DYOSA: "Nakaka-inggit naman si Maru." *pabulong*
MOISES: "Ha?"
DYOSA: "W-wala, ang sabi ko ay ito na ang huling tanong ko para sa'yo."
MOISES: *tango*
DYOSA: "Ano ang nakita mo kay Maru kaya nagustuhan mo siya?"
MOISES: "Marami. Maganda siya, talented, mabait, masipag, matulungin, lahat ng mga katangian ng babaeng gusto ko ay nasa kanya na."
DYOSA: "Thank you for guesting here in my show Mhoii."
MOISES: "You're welcome Dyosa. Sige, mauna na ako dahil may date pa kami ng girlfriend ko."
DYOSA: "Sure. Go ahead."
(Umexit na si Moises.)
DYOSA: "Since wala na tayong oras ay hindi ko na mababasa pa ang inyong mga tweets. Pero thank you sa lahat ng nag-tweet dahil trending nationwide at worldwide ang #TDSMoises. Ramdam talaga namin ang pagmamahal ninyo Team Wattpad.
See all next time sa No. 1 midnight show ng bansa. Ito ang..."
AUDIENCE: " The Dyosa Show."
DYOSA: "Waaaaaaaaaaaaaah! Ang shakeeeeeeeeeeeetttt!" *while crying*
- END OF EPISODE 7 -
📌
Yung mga batuhan namin ng linya ni Mhoii is just an entertainment. Imagination ko lang yun. Hahaha!