webnovel

The Story of Dyosa

Hashtag: #TheDyosaStory

This part is my real-life story.

📌

Starring:

- Dyosa (Author)

- Lucky

- Theo

- Luisa

- Chita

📌

Dear Dyosa—I mean me—I mean myself... ah basta ako yun,

Ako nga pala si Ariadne, pero itago niyo na lang ako sa pangalang "Dyosa". Ikukuwento ko po sa inyo ang naging crush ko dati. Itago na lang natin siya sa pangalang "Lucky".

"Dyosa, gumising ka na dyan. Mahuhuli ka na sa klase mo." narinig kong sabi ni Kuya Theo (not real name). Ano ba yan! Lagi na lang istorbo si Kuya kapag natutulog ako.

"Five minutes Kuya." inaantok kong sabi sa kanya.

"Anong five minutes ka dyan? Babangon ka ba o bubuhusan kita ng tubig para mapabangon ka ng wala sa oras?" pananakot sakin ni Kuya Theo. Napakaharsh talaga ni Kuya.

"Opo, babangon na po." sarcastic kong sabi kay Kuya Theo tapos nag-ready na ako para sa school.

First day of school ko noon as Grade 3 student at dun ko nakilala ang crush kong si Lucky.

Pagpasok ko sa room ng Grade 3 section One ay naghanap agad ako ng vacant seat at saktong may vacant seat sa may first row, second to the last na malapit sa bintana.

Tahimik lang akong naka-upo sa seat habang hinihintay ang magiging teacher namin. Habang naghihintay ay naramdaman kong may tumabi sakin kaya napalingon ako sa tabi ko. Paglingon ko ay biglang nag-slow mo ang buong paligid.

Nang makita ko si Lucky sa unang pagkakataon ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko noon. Basta nag-slow mo lang ang buong paligid at malakas ang tibok ng puso ko.

"Hello bata." 

Natauhan ako bigla nang magsalita siya.

"Ah h-hello rin." nauutal kong bati sa kanya.

"Ako nga pala si Lucky. Ikaw bata, ano ang pangalan mo?" ang ganda naman ng pangalan niya.

"A-ako naman si Dyosa." nag-shakehands kami ni Lucky. Ang lambot naman ng kamay niya. Nakakakilig! Buong araw ng klase akong nakatitig kay Lucky at hindi ako nakikinig sa dinidiscuss ni Teacher. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maiwasang mapatitig kay Lucky. Napansin naman ni Teacher na hindi ako nakikinig sa kanya.

"Hoy Dyosa! Kanina ko pa napapansing hindi ka nakikinig sa dinidiscuss ko." natauhan ako bigla nang sumigaw si Teacher. Nagtawanan naman ang mga classmates ko kasali na si Lucky. Ano ba yan! Minus pretty points ako kay Lucky.

"Sorry po Teacher pero nakikinig po ako." pagsisinungaling ko kay Teacher. Sana maniwala siya.

"Kung nakikinig ka, sagutin mo ang tanong ko. Tumayo ka Dyosa." sabi sakin ni Teacher. Kinakabahang tumayo ako. Nanginginig ang kamay at paa ko dahil sa takot.

"Sa kwentong 'Si Pagong at Si Matsing', ano ang pinaghatian nina Pagong at Matsing?" tanong sakin ni Teacher. Hala! Hindi ko alam ang sagot. "Sagot na Dyosa." napayuko naman ako dahil hindi ko talaga alam ang sagot sa tanong ni Teacher.

Dahil hindi ko nasagot noon ang tanong ni Teacher ay inilipat niya ako sa last row, third to the last at nakatabi ko noon ang mortal enemy kong si Luisa (not real name).

Nang matapos ang Math Subject ay pumunta ako sa canteen para mag-recess.

"Sampung piso nga po ng special lugaw." sabi ko kay Aling Milda (not real name).

Nang makabili ako ng special lugaw ay umupo ako sa isang vacant seat. Inilapag ko sa mesa ang isang mangkok ng special lugaw na binili ko. Napakasarap talaga ng special lugaw ni Aling Milda. Kaya nga excited ako tuwing recess eh. Kahit malayo ay naaamoy ko ang special lugaw ni Aling Milda.

Habang kumakain ako ay saktong nakita ko sa kabilang table si Lucky. Kumakain siya at may kasama siyang dalawang babae na ikinainis ko. Pero mas nainis ako dahil si Luisa ang isa sa mga dalawang babae na kasama niya. That bitch!

Inis na inis ako noon kay Luisa. Kahit bata pa kami noon ni Luisa ay marunong na siyang lumandi. May balak siyang agawin sakin si Lucky.

Ilang araw ang nakalipas pero hindi ako pinapansin o kinakausap ni Lucky. Hanggang titig lang ako teh. Ang huling pag-uusap namin ay noong nagkakilala kami.

"Dyosa, ang lagkit naman ng titig mo kay Lucky. Crush mo noh!" narinig kong sabi ng classmate kong si Chita (not real name).

"H-hindi ah." pagsisinungaling ko kay Chita. Oo, crush ko si Lucky.

"Wag ka nang magsinungaling. Halatang-halata naman na crush mo si Lucky. Ayieee!" sabi sakin ni Chita sabay sundot sa tagiliran ko.

"Ano ba Chita! Tigilan mo yan." inis na sabi ko kay Chita.

"Aminin mo muna na crush mo si Lucky. Ayieeee! Aamin na yan." pangungulit sakin ni Chita sabay sundot na naman sa tagiliran ko.

"Oo na. Aamin ko na. Crush ko si Lucky." napalakas yata ang pagkakasabi ko dun kaya napatingin sakin ang mga classmates ko. Waaaa! Nakakahiya. Lupa, lamunin niyo na ako please!

"Wow Dyosa! May pagnanasa ka pala kay Lucky." sabi sa'kin ng mortal enemy kong si Luisa. Nagtawanan naman ang mga classmates ko sa sinabi ni Luisa. Kahit kelan talaga pahamak siya. 

Napatingin naman ako sa kinaroroonan ni Lucky at nakita ko siyang nakatitig sakin. No reaction ang mukha niya. Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya.

Ilang araw, linggo, buwan at taon ang nakalipas pero hindi pa rin ako pinapansin at kinakausap ni Lucky. Akala ko ay papansinin na niya ako nang malaman niyang crush ko siya pero nagkamali pala ako.

Noong Grade 9 ako ay may natutunan akong isang bagay. Yun ay ang pagsusurfing sa internet. Nakatulong sakin ang internet dahil naiistalk ko ang profile ni Lucky lalo na sa FB. Kapag may mga bagong post siyang picture sa FB ay lagi ko itong sinisave at rinirepost ko ito sa FB account ko privately. Pinalitan ko rin ang username ng FB account ko na @lucky.loves.dyosa. Ang landi ko diba. 😁

"Hoy bruha!"

"Ay kabayong pusa." 

Nabigla ako nang sinigawan ako ng frienemy kong si Chita. Frienemy dahil friend ko siya at enemy ko naman siya sa puso ni Lucky. Opo, enemy ko siya sa puso ni Lucky. May gusto rin pala 'to sa crush ko.

Ay oo nga pala, nakalimutan ko, hindi ko na pala classmate ang mortal enemy kong si Luisa. Simula nung naging high school student ako ay wala na akong masagap na balita tungkol sa kanya. Hindi ko nga alam kung saan siya nag-high school eh. Pero who cares!

"Ha? Kabayong pusa? Meron ba yun?" nagtatakang tanong ni Chita.

"Meron at ikaw yun." sagot ko sa kanya. Sinamaan naman niya ako ng tingin. 

"What? I'm just telling the truth." sabi ko kay Chita. Totoo naman ang sinabi ko eh. Parang siya ang nawawalang anak nina Doraemon at Vice Ganda. XD

"Ikaw, mukha kang palakang baboy." sabi sakin ni Chita. Aray! Ang sakit n'on ah. Magsasalita sana ako pero inunahan ako ni Chita.

"Kyaaaaa! Nandito na si Lucky." kinikilig na sabi ni Chita. Napatingin naman ako sa paligid at saktong napatigil ako nang makita ko ang crush kong si Lucky. Waaaaa! Ang hot niya ngayon. Topless kasi siya. Kahit wala siyang abs pero ang hot niyang tignan.

"Bruha! Kunan mo ng picture." kinikilig na sabi sakin ni Chita. Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko sa bag at inopen ang app na Camera 360. Kukunan ko na sana ng picture si Lucky pero nalungkot ako nang makita kong nakadamit na siya.

"Ang bagal mo naman bruha. Yan tuloy, hindi natin siya nakunan na naka-topless." inis na sabi sakin ni Chita. Sayang yun ah! Wala pa naman akong topless pic ni Lucky. Pero may next time pa naman para dyan.

Last year, when I was Grade 10. May isang pangyayaring ikinadurog ng puso ko. Yun na yata ang pinakamasakit na pangyayari sa buong buhay ko, at yun ay ang malaman kong may nililigawang babae si Lucky. Alam kong wala akong karapatan dahil hindi naman naging kami pero may karapatan akong umiyak dahil sa ginawa niya. Pitong taon ko siyang hinangaan at pitong taon ko rin siyang minahal at iniistalk pero ang lahat ng yun ay balewala lang sa kanya. Sinayang ko ang buong pitong taon na yun para sa kanya.

Pagkatapos ng klase ay agad akong umuwi sa bahay.

Pagkauwi ko ay dumiretso agad ako sa kwarto at dun ko binuhos ang luha ko. Hindi na ako nakapagbihis pa dahil hinang-hina ako ngayon.

Habang umiiyak ako ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Nakalimutan ko pa lang i-lock.

"Anong nangyari sa'yo Dyosa? Bakit ka umiiyak?" narinig kong tanong ni Kuya Theo. Halata sa boses niya na nag-aalala siya sakin. Hindi ko sinagot ang tanong ni Kuya Theo at patuloy lang ako sa paghikbi at pag-iyak. "Wag ka nang umiyak Dyosa." sabi ni Kuya Theo at tumabi siya sa'kin.

"Magbihis ka nga Kuya." naiiyak kong sabi sa kanya.

"Sus, pinagnanasaan mo na naman ang katawan ko Dyosa." pang-aasar sakin ni Kuya Theo.

"Sira." sabi ko sa kanya sabay irap.

"Bakit ka kasi umiiyak? May lalake bang nanakit sa'yo? Gusto mo, bugbugin ko?" sabi sakin ni Kuya Theo at hinanda na niya ang kamao niya.

"Wala 'to Kuya. Naiyak lang ako sa ending ng Romeo at Juliet kanina sa school." pagsisinungaling ko kay Kuya Theo. Hindi ko pwedeng sabihin kay Kuya ang tungkol kay Lucky. I'm sure magwawala yun sa galit.

"Ang babaw mo naman Dyosa. Movie lang yun pero iniiyakan mo? Oh siya, magbibihis na ako. Ayokong mahawa sa ka-OA-han mo." sabi sakin ni Kuya Theo at lumabas na siya sa kwarto ko. Nice talking huh.

Dun na nga ako natauhan na hindi talaga ako magugustuhan ni Lucky. Hindi naman ako kasing-ganda ng Nanay niya at kasing-sexy ng Ate niya. At hindi rin ako kasing-talino ng girlfriend niya. Opo, girlfriend na niya po ang nililigawan niya since Grade 10. Angela (not real name) ang pangalan ng girlfriend niya.

Simula nang masaktan ako dahil kay Lucky ay sinimulan ko nang mag-move on sa kanya. Dinelete ko ang lahat ng pictures niya sa FB account ko at pati na rin sa gallery ng phone ko. Pinalitan ko rin ang username ng FB account ko from @lucky.loves.dyosa to @prettyandsingledyosa. Binlock ko rin siya sa FB account ko.

Ngayon ay Grade 11 na ako at ito ang first time na hindi ko naging classmate si Lucky. General Academic Strand kasi ang kurso niya samantalang ako ay Caregiving ang course ko. Siguro hindi talaga kami para sa isa't isa.

Tinuon ko muna ang pansin ko sa pag-aaral bago lovelife para makamit ko ang aking pangarap na maging isang Professional Chef.

Dun na lamang po,

Dyosa

- END OF EPISODE 6 -

📌

At yan ang kwento ko. Oh diba? Bata pa lang ako noon pero lumalandi na ako. Kaya huwag gayahin. Hahaha! Charot. 

Okay lang na magka-crush ka pero dapat may limitation ka para hindi masaktan unlike me na sobrang desperada na magustuhan niya ako. Kaya ang bagsak, ayun broken-hearted. 

How sad pero okay lang. I know na may plan si God para sa lovelife ko pero sa tingin ko ay hindi pa ngayon. Baka next time pa. 

O siya! Outie muna ako.