webnovel

Chapter 18: Pagtago

Mary's Point of View

Nagising ako sa isang kuwartong may apoy at napasigaw dahil sa takot ng aking panaginip. Hinahabol ko ang aking paghinga habang ang aking mga oaninging ay lumalabo dahil sa usok ng apoy na kumalat sa isang karton.

Nakita ko bigla ang bangkay ni Rhandall na nakahiga sa aking gilid. Shet. Akala ko panaginip lang ito pero hindi. Hinawakan ko nang dahan-dahan ang aking mukha ngunit hindi ko na ito mahawakan dahil may paso ito. Pero mukhang panaginip lamang ang nakita ako ni Kevin.

Unti-unti akong naluha dahil hindi na maayos ang aking mukha gawa sa pagbabalat. Kumuha ako ng lakas para hilahin ang katawan ni Rhandall at maghanap ng lugar na matataguan.

Pumasok ako sa isang banyo sa tapat lamang ng kuwartong pinuntahan namin. Napansin kong naririto pa ang mga gamit katulad ng bathtub. Inilagay ko ang katawan ni Rhandall sa loob ng bathtub at tinakpan ito ng karton sa tapat lang ng banyo. Kinuha ko ang itak na nakasaksak pa rin sa tiyan ni Rhandall at ginamit ito para pumunit ng isang parte sa kaniyang damit. Hindi ko alam pero habang ginagawa ko ito, nakangisi ang aking

Agad kong napagtanto na parang nagbabago na ako.

"Hindi, hindi na ako ang Mary!"

Sigaw ko na umaalingawngaw sa buong kuwarto. Tumayo ako sa lababo na may isang salamin at pinagmasdan ang aking pangit na mukha. Ngunit sa hindi inaasahan, tinawanan ko ang aking sarili.

"Hahaha, mamamatay tao ka!"

Nang magsalita ako, bigla na lamang may humawak sa aking dalawang binti na nanggaling sa ilalim ng lababo. Tumingala muli ako at nakita ko na nag-iba ang aking repleksiyon.

Nakita ko ang isang babaeng may maikling buhok na duguan ang mukha. Natatakot ako. Hindi ko maigalaw ang aking mga paa at nakatitig lamang ako sa babaeng repleksiyon ko.

"Papatayin ka nila"

Halos nabingi ako nang sumigaw siyang nang malakas sa aking harap. Bumitaw sa aking paa ang mga kamay.

Nagsimula akong tumakbo dahil sa aking takot. Naririnig ko ang isang mababang boses ng isang lalaking tumatawa.

"Tigilan niyo ako!"

Sumigaw ako nang malakas habang tinatakpan ang aking mga tainga. Naririnig ako ang nakakakilabot na mga tawa ng dalawang lalaki kahit na wala akong nakikitang tao sa aking paligid.

Nakarating ako sa hagdan at mabilis na bumaba patungo sa labas ng mansyon. Lumilingon ako sa aking paligid para tingnan kung may nakakakita sa akin.

Patuloy ako sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa isang highway at sumakay sa isang dyip na halos walang taong nakasakay. Itinago ko sa loob ng aking damiy ang aking ginuoit na damit ni Rhandall.

Sa aking pagsakay ng dyip, agad naman akong kumuha ng aking pamasahe sa aking wallet at nagbayad sa tsuper ng dyip papunta sa Estamilia kung saan ibibigay ko kay Aling Rosing ang damit na ito.

Tila nakatingin nga sa akin ang isang pasahero dahil aa nasunog kong mukha na patuloy pa ring sumasakit. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dito.

Agad na naisip ko ang nangyari kanina. Bakit parang may naririnig akong mga boses ng lalaki sa aking isip kahit na wala namang tao sa paligid ko? Akala ko ba The Hummjng Lady lang ang nagmumulto dito?

Hindi ko pa rin alam kung anong nangyayari dito sa bayan na ito. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at nagdasal na sana ay mawala na ako sa paghihirap na ito.

I also miss Carmen at si Kuya Carlo at of course, si papa. Na-miss ko na ang dating nasa normal lang tayo sa ating kabuhayan. Ngayon, nagiging psychopath na ang dating kilala niyong Mary.

Nagiging psychopath.

-•-

|12:20 AM|

Naglalakad muli ako sa aking dinaanan papunta sa bahay nina Aling Rosing kung saan ubod ng katatakutan ang aking nakikita sa bawat sulok ng mga puno. Parang anumang oras ay may manggugulat na lamang sa iyo.

Nang makarating ako sa kanilang bahay, ay agad na kumatok ako sa kanilang pinto. Ilang katok din ang aking nagawa bago pa man buksan ito ni Mang Reynaldo.

"Oh, Mary, anong ginagawa mo rito?"

Tanong sa akin ni Mang Reynaldo habang umiinom siya ng isang tasa ng gatas.

Nakita ko si Aling Rosing na mabilis na lumapit sa akin na may mukhang nag-aalala.

"Eh kasi po, may napatay po ako"

Hindi ako nagdadalawang isip muna at agad kong inilbas sa kanila ang nagdurugong piraso ng damit ni Rhandall. Wala akong pake kung ano ang lumalabas sa aking bibig.

Lumaki ang nga mata ni Aling Rosing at mabilis na hinatak sa akin ang hawak ko.

"Napakagaling mo hija. Napakatapang mo! Haha!"

Ang kaniyang mga nakakakilabot na tawa ay nagbibigay sa akin ng masamang pakiramdam. Pakiramdam na parang nasa mali akong sitwasyon. Bakit parang hindi tama ang ginagawa ko?

Nanatili akong nakatayo sa pintuan habang pumasok si Aling Rosing sa kaniyang kuwarto.

"Pumasok ka muna dito, hija. Gabi na at puwede kang matulog dito dahil medyo nakakatakot na sa labas"

Banggit ni Mang Reynaldo. Magalang ko naman siyang nginitian at umupo sa isang mahabang sofa, nananatiling tahimik at puno ng mga iniisip.

"Napaano ka? Bakit ganyan mukha mo? Wala ka nang mukha!"

Nataranta sa akin si Mang Reynaldo dahilan para ako'y kabahan. Lumapit si Mang Reynaldo sa isang drawer at kumuha ng isang maliit na first aid kit.

"Huwag kang malikot. Papagalingin natin ang malawak na sugat mo"

Idinikit ni Mang Reynaldo sa aking sugat ang isang panyo na may malamig na tubig, at dahan-dahang inilagay sa aking sugat. Hindi ko alam nugnit parang nakakaramdam ako na ako ay comfortable dito. Paliramdam ko, nasa tabi ko ang aking mga magulang.

Tumingin muna ako sa aking cellphone at nakitang may isang message ako. Ang cellphone number Benedict.

"Meet me tomorrow. I have something to reveal"

Bigla naman akong kabahan sa kaniyang sinabi sa akin. Ano kaya ang sasabihin niya sa akin? Sana naman hindi makakasamasa aking buhay.

"Oh kumain ka muna"

Sumulpot sa aking gilid si Aling Rosing na may dala-dalang iilang mga cookies na binigay sa akin.

"Maraming salamat talaga hija, maaaring tumatahimik na ang aking kapatid habang ginagawa mo ito"

Sambit ni Aling Rosing habang siya ay nakangiti sa akin.

"Alam mo ba na ang unang pinatay mo ay asawa ng mayor natin? Hindi ka ba natatakot at baka ikaw ay hanapin?"

Nawala ang mga ngiti ni Aling Rosing nang ibahin niya ang pinag-uusapan.

"Bakit po kailangang matakot? Ang takot ay ang isang bagay na hihila sa iyo pababa"

Ilang saglit ay ako'y nagsalita at nanahimik na muli sa tabi ni Aling Rosing.

Ngunit nang maisip ko sina Ate Belle, napagdesisyunan kong makitawag kay Aling Rosing para malaman kung anong kondisyon nina Carmen at malaman nila na buhay pa ako.

"

Aling Rosing, puwede po bang makitawag sa inyo?"

Tanong ko kay Aling Rosing. Hindi siya sumagot at agad niyang kinalikot ang kaniyang mga bulsa para kunin ang maliit na cellphone.

Inilagay ko ang cellphone number ni Ate Belle at sinubukang tawagin. Sa gitna ng tahimik na paligid, tahimik pa rin ang aking tinatawag.

"This number cannot be reached, please try again later"

Rinig ko sa aking tainga. Nasaan sila? Hindi kaya ay natutulog lamang sila ngayong oras at hindi naririnig ang aking tawag?

"Naku! walang sumasagot"

Bigkas ni Aling Rosing habang nakatuon siya sa kaniyang cellphone. Lubos akong kinakabahan dahil hindi ko alam kung anong nangyayari kina Carmen at Kuya. Sana naman natutulog lang sila nang mahimbing kaya hindi sila makasagot.

"Anong gagawin natin sa iyong mukha? Gusto mo bang pumunta sa ospital?"

Nakisingit sa amin si Mang Reynaldo habang may dala-dalang isang planggana ng nagyeyelong tubig para sa aking sugat.

"Bakit hindi nga? Gawin natin iyon"

Pagsang-ayon ni Aling Rosing kay Mang Reynaldo habang patuloy sa paglagay ng malamig na tuwalya sa aking mukha.

"May problema po tayo, Aling Rosi-"

"Tawagin mo na lang akong Ate Rosing"

Pinutol niya ako sa pagsasalita. Lumaki ang aking mata nang marinig ko iyon. Hindi ko inaakalang sasabihin niya iyan.

"S-sige po ate Rosing"

Nakangiti kong pagbanggit ng kaniyang pangalan na ikinatuwa niya.

"Ano nga ba ang iyong problema, Mary?"

Tanong muli ni Aling Rosing or should I say ate Rosing.

"W-wanted po ako rito. Baka makulong po ako kapag na-identify nila ako"

Pagpaliwanag ko. Ngunit tumawa lamang siya nang malakas sa aking harap habay sinabayan pa ito ng pagpalakpak.

"Huwag kang mag-aalala. Kung hindi na puwede ang iyong sarili dito sa ating bayan. Iibahin natin ang iyong identity! Haha!"

Aniya sabay tawa muli nang malakas. Hindi ko siya maintindihan dahil masyadong magulo ang aking isip. Patuloy na lang ako nakatuon kay Mang Reynaldo na pilit na ginagamot ang aking mukhang puno ng paso.

-•-

|9:30 AM|

Naglalakad ako sa isang tahimik na maliwanag na daan kasama si ate Rosing habang patungo kami sa pinto ng ospital.

Nakatakip ang aking mukha ng isang pulang tela para matakpan ang mukha kong puno ng mga sugat.

"Maging mataray ka"

Bulong sa akin ni ate Rosing habang nakatingin kami sa guard ng ospital.

Nang kami'y makapasok sa ospital ay agad kaming dumiretso sa admitting office kung saan ililista ko ang aking pangalan para makapag-checkup na.

"Write down your name here, ma'am"

Magalang na binigay sa akin ng isang nurse ang isang listahan.

"Hi, we are visiting Ms. Trixie Mallena, what room is she admitted?"

Habang nagsusulat ako sa listahan, narinig ko ang boses ng isang demonyita. Si Angelia, kasama ang tatlo niyang kaibigan.

Naririto si Ma'am Trixie? Dito siya naka-confine? Nakakalungkot naman kung gayon. Pero mas nakakalungkot nang makita ko rito ang mga plastik na may tapang na bumisita ng guro.

Ngumisi na lamang ako habang kinumpleto ang pagsulat ko ng aking pangalan sa listahan at saka ko ibinigay sa nurse.

"Okay ma'am, good morning. Ms. Carmina Rosores! Just wait for your turn!"

Masiglang wika ng nurse.

Tumingin lamang ako kay ate Rosing na nakangisi sa akin. Ngumit na lamang ako pabalik sa nurse.

Binago ni ate Rosing ang aking pangalan. Ako na muna si Carmjna Rosores, na may misyong pumatay ng the seven deadly sinners.

Chương tiếp theo