webnovel

Special Section

[Makaraan ang sampung taon...]

ISA sa mga prehistiryosong paaralan ng bansa ay ang Academia de Adler. Saksi ang mga estudyante sa kabi-kabilang mga parangal na natatanggap ng akademiya. Lagi ding laman ng mga pahayagan at telebisyon ang mga nangyayari sa paaralan. Wari ba'y isa itong celebrity school kung ituring.

Ang Grade 12–Euclid ng naturang paaralan ang madalas na ipambato ng eskwelahan sa mga patimpalak. Nandito kasi ang mga talentado na hindi rin magpapahuli sa angking ganda't talino—dahilan upang marami ang magnasa na mapabilang sa klaseng ito.

Unang araw na naman ng klase kaya marami ang nagkukumahog na hanapin ang mga silid-aralan na kinabibilangan nila. Marami pa rin ang nag-aasam na sana ay swertehin man lang silang mapabilang sa seksyon Euclid.

Sa gawing kanan ng paaralan ay agad na mapapansin ang hilera ng mga bagong lipat na mga estudyante na sinusundan ang presidente ng student council na si Winter Acosta.

"Any clarifications? Violent reactions?" aniya habang marahan siyang nagpalinga-linga sa kanyang mga kaharap.

"Mr. Pres, saan po banda yung TBA na room?" nahihiyang turan ng isang mataba na lalaking estudyante—na sinundan naman ng tawanan ng kapwa niya ring mga transferees.

Bigla naman siyang siniko ng kanyang katabi, "Gago! Tito Boy Abunda yun!" Tawanan na naman ang lahat.

"So that settles it. Enjoy your first day, freshies," masiglang turan ng presidente at dahan-dahan na rin siyang umalis kasama ang sekretarya ng student council.

Nakahiwalay sa ibang gusali ang gusali ng klasrum na kinalalagyan ng seksyon Euclid. Espesyal ang turing sa kanila ng prinsipal kaya minabuti niyang ihiwalay ng gusali ang special section na ito.

Ang seksyon naman ng Euclid ay nasa loob lang ng kanilang klasrum sa pangalawang palapag. Samut-saring mga ingay ang maririnig sa loob ng klasrum. May mga nagkukuwentuhan patungkol sa kanilang mga summer vacation, may nanti-trip mambato ng mga nilukot na papel at may iba ring nanood ng palabas sa kanilang mga laptop. May iba rin namang tahimik na nagbabasa ng libro at nakikinig lang sa mga ingay ng kanyang mga kaklase. Samantalang may iba rin namang nasa railings ng palapag—tumitingin sa ibaba kung paparating na ang kanilang guro.

"Do you see someone coming here na ba, Hugh?" maarteng tanong ng Campus Queen na si Eliza Wellington sabay lapit dito.

"Ayon sa aking radar... wala pa naman," astig na sagot ni Hugh Laurel sabay sampa ulit sa railings.

"You sure? E who's that gorgeous as fvck pala na papunta na rito?"

"It's Miss Dorovan!" sigaw ng binata dahilan upang marinig siya ng mga nasa loob at magkumahog ang lahat na hanapin ang mga naka-assign sa kanilang mga upuan. Sa isang iglap naman ay para bang walang nangyayari kanina. Nasa tamang ayos na kasi ang lahat na tila ba'y ginamitan lang ito ng isang mahika.

"Good morning class! I'm Miss Alexa Dorovan... and I'll be your class adviser sa taong ito," masiglang bati ng guro.

"At dahil new school year na naman, may bago kayong kaklase," turan ng guro na sinundan naman ng kabi-kabilang komento ng klase.

["Omayghad! Hope it's someone pogi!"]

["Saan na?"]

["Bro, chix ata?"]

["Another bitch or beast?"]

["Tumatanggap pa pala sila ng bago?"]

["Ang tagal mag-start ng klase."]

"Let's welcome him. Come on, Come here," sumenyas si Miss Dorovan na pumasok na ang transferee.

Bumungad sa seksyon Euclid ang isang binata na tila ba tahimik lang.

"Oh. He's mute nga pala guys but he can hear you all. The name is... " Huminto muna ang guro upang tingnan ang school id ng estudyante. "Theodore Lucas A. Fuha," turan ng binibini.

["Ano ba naman 'yan."]

["His parents should have enrolled him in a SPED school."]

["Pabigat lang naman 'yan."]

["Ssshh. He can hear you guys."]

"You can sit beside Miss Vanessa Esteban, our class president," tinuro ng guro ang bakanteng upuan sa tabi ng bintana.

"So let's begin our lesson today by opening the pdf I have sent you yesterday."

•••••

TANGHALING-TAPAT. Kasalukuyang kumakain ang magkakaibigang sina Mayumi Nara, Rioka Yu, Katheria Irene Singh at Eliza Wellington sa main cafeteria ng eskwela. Gusto kasi nilang marami na naman ang makapansin sa kanila kahit na may sarili namang kainan ang Euclid Building.

"Itadakimasu!" turan ni Katheria sabay lamutak sa kanyang mga pagkain.

"Jeez... can you slowly eat your food? Para kang hindi mayaman e," malumanay na saway ni Mayumi sa kanya. Palibhasa, isa kasi siyang TV Personality kaya kailangan niyang panatilihin ang pagiging mabait upang matuwa sa kanya ang kanyang talent manager at ipalabas na naman siya sa mga programa sa telebisyon.

"Just shut up, okay. Wala kang pake kung ganito ako kumain. I can fvcking buy you, and your family by just wasting my coins," pahayag ni Katheria habang may subo-subo pang hotdog ang dalaga. Agad namang nagtawanan sina Eliza at Rioka.

["Uy besh! Andito ang hot girls ng Euclid!"]

"And what do you want from us?" maarteng saad ni Eliza sabay taas sa kanang kilay nito.

Bigla namang natahimik ang babae pero agad namang nagsalita ang kasama nito.

"Gusto lang naman naming mag-pa-picture sa inyo. Kung pwede lang naman... " nahihiyang sabi ng babae habang nakayuko pa ang ulo nito.

"Pwede naman. As long as you like my facebook page, follow my instagram account at riokasalvador, subscribe to my youtube account and watch my daily vl—" saad ni Rioka pero biglang isinubo ni Kath sa bunganga niya ang isang hotdog dahilan upang mabilaukan ang una.

"Sige, you can take pictures with us," ngiting sambit ni Mayumi.

Walang anu-ano'y bigla na lang sinabunutan ni Eliza ang isang babae sa kabilang lamesa, pinipilit na lumapit sa kanila.

"Picturan mo kami, dali!" sigaw ni Eliza sa naanginginig na babae. Wala namang magawa ang kasama ng babae kung hindi ang tingnan na lamang ang kanyang kasamang nagsisimula na ring umiyak.

"Susunod ka rin naman e. Dami mo pang arte."

Sa cafeteria naman ng Euclid Building na nasa unang palapag ng naturang gusali matatagpuan ang Euclid Hot Boys—ang sikat na bansag sa magbabarkadang sina Xyryl Co, Lawrence Hilario, Hugh Laurel, Miko Xander, at Gian Zamora. Sa katunayan, mayroon namang pumupuntang mga kahit hindi taga-Euclid sa kantina ng gusali. Chef kasi ang nagluluto ng mga pagkain dito kaya siguradong masarap at elegante ang mga inihahain ng naturang kantina.

"Bro, what do you think of the hot girls? Asan na naman kaya 'yung mga iyon?" tanong ni Gian sabay lagok sa kanyang Cream Cheese Milk Tea.

"Bakit bro? Ikaw ha, type mo ata si Mayumi? O baka silang lahat?" saad ni Hugh na sinabayan naman ng tawanan ng iba.

"E bro, ano naman ngayon? I'm the Campus King here. Natural lang naman maging playboy ako, 'di ba?" ani Gian.

"Baka naman type mo rin yung mga commoner na kaklase natin, ha?" giit sa kanya ni Lawrence.

"Check them out bro. Mukang tayo ang topic nila o. Pati si Chynna nakatingin sa 'yo!" pabirong sambit ni Miko sabay siko sa katabing si Hugh. Saglit nilang tiningnan ang pwesto ng kanilang pinag-uusapan at natuklasang sa kanila nga nakatingin ang mga babaeng iyon. Napangiwi silang lahat dahil sa pandidiri.

Bigla namang dumating si Rixxtan Fukuda dala-dala ang kanyang alagang pusa, sabay apir sa kanila.

"Sorry bro, I'm late. Had to change my clothes. Natae kasi si Panther e," saad niya sabay lagay ng kanyang alagang pusa sa ilalim ng kanyang upuan.

"What? Seriously, bro? Kakatae mo lang? E ba't ka pa nakipag-apir sa amin?" sigaw ni Xyryl na akmang manununtok na ata.

"Woah!"

"Easy bro!"

"Yung pusa 'yung tumae hindi ako, gago!" natatawang sambit ni Rixxtan sa katangahang ginawa ni Xyryl. "Babasagin mo pa ata ang gwapong mukha ko e."

"Itigil niyo na nga 'yang tae-tae na 'yan! Kumakain kaya tayo, fck!" sigaw ni Xyryl na nagsisimula na ring mainis. Tinawanan naman siya ng lahat.

"'Kala mo naman ang guguwapo," naiinis na hayag ni Chynna Macaraeg sa kanyang mga kasama na sina Vanessa Esteban, Krystall Morgan at Zaira Salvador.

"E talaga namang gwapo sila ate Chynna e. Kyaaaahhh!" tili ni Krystall habang kinikilig.

"Hoy tumigil ka nga Krystall! Parang 'di ikaw ang pinakabata sa klase a?" saway sa kanya ni Vanessa.

"Ok po, Miss President. Titigil na po," pilosopong sagot naman ni Krystall.

"Ang kulit mo talagang bata ka," natatawang saad ni Zaira sabay subo sa kinakain nitong leche flan.

Samantala, ang magkakaibigan naman na sina Hazel Muhlach, Andrea Veneracion, at Kian Zamora, kasama ang bagong salta na si Theo, ay kasalukuyang nakatambay sa gazebo—na nasa tapat lang ng Euclid Building. Kakatapos lang nilang kumain kaya napagpasyahan nilang magpapahinga na muna. Tahimik na nagbabasa ng librong mga katatakutan sina Theo at Andrea na pawang mga dala ni Kian—na kasalukuyan ding naglalaro ng mobile games sa kanyang cellphone. Aliw na aliw naman si Hazel sa pagkuha ng mga litrato gamit ang kanyang DSLR nang bigla na lang itong sumigaw nang nakakatakot.

"AAAAHHHHH!"

Agad naman siyang dinaluhan nina Andrea at Kian nang makitang umiiyak si Hazel dala ng takot. Itinuro nito ang kanyang kamera.

"Hazel, sabihin mo sa amin kung anong nangyayari," ani Kian.

Humikbi muna si Hazel bago magsalita,"Pinicturan ko lang naman kayo e nang bigla na lang may sumali."

Sabay naman na tiningnan nina Andrea at Kian ang picture sa recent photos ng kamera at nakita nila dun ang bagay na dahilan ng takot ni Hazel.

Isang itim na pigura ng babae ang makikitang nasa likod nina Theo, Andrea at Kian! Bigla tuloy nagpulasan sa pagtakbo ang apat at walang anu-ano'y nabangga nila ang editor-in-chief ng kanilang school publication, si Agustus White.

"May multo!" sabay na sigaw ng tatlo samantalang tuwid na tuwid namang nakatayo si Theo.

"Sa'n banda?" tanong ng lalaki. Agad namang ipinakita ni Hazel ang nakuhanang litrato sa kanyang kamera.

"'Yan. Agustus. Tingnan mo dali," nanginginig na turo ni Kian sa kamera. Animo'y hindi niya tipo ang mga bagay na katatakutan dahil sa kanyang inaasal ngayon.

Saglit na hindi kumibo ang binata. Makaraan ang sampung segundo ay misteryoso itong nagsalita dahilan upang mangilabot silang lahat.

["May dalawang rason lamang kung bakit nagpapakita ang mga multo. Una, malapit niyo silang kaanak na nanghihingi ng taimtim niyong mga dalangin. At pangalawa, nagpapakita lamang sila kung nararamdaman nilang magiging kagaya niyo na rin sila."]

Chương tiếp theo