webnovel

Business Week Madness

It's Business Week at CPRU Business School!

Monday pa lang ay umpisa na ng week-long celebration. Sinimulan ito sa isang programa. Pagkatapos noon ay nag-umpisa na ang mga games. Simpleng mga palaro lang naman ito, katulad ng sack race at iba't ibang relays. For camaraderie purposes lang naman ito, at para na rin maging masaya ang mga estudyante ng Business School.

Ang bawat department ng BS ay counted as one group. Bawat grupo ay may signature color. Para sa Accountancy Department, red ang color na na-assign sa kanila. Ang mga estudyante ay nakasuot ng kulay na naka-assign sa department nila. Katulad ni Angel na naka-red V-neck T-shirt na tinernuhan ng brown skinny jeans and accentuated by a white belt and cream wedge sandals.

Sa programa ding iyon unang ipapakilala ang mga kasali sa Mr. & Ms. Business School. Kaya naman hindi malaman ni Bryan kung paano pakakalmahin ang sarili. Akala niya nasanay na siya sa mga pre-pageants na dinaluhan niya. Pero iba pala talaga kapag iyong totoong contest na.

"Bryan!"

Napatingin siya sa tumawag. Nakita niyang palapit sa kanya si Angel. Nasa may back stage sila noon at naghihintay na tawagin na ang mga contestant for their initial presentation.

"Ready ka na?" tanong ni Angel sa kanya.

"Kinakabahan ako." Hindi na niya nagawang itago ang nararamdaman.

"Relax ka lang. Kaya mo iyan. Maglalakad ka lang naman diyan sa stage. Tapos, tapos na."

"Iyon na nga, eh. Maglalakad ako sa harapan ng maraming tao. Hindi ko pa nagagawa iyon."

"Di ba, player ka ng basketball?"

"Iba naman iyon." Napaupo siya sa monoblock chair na nandoon. "Tapos magpapakilala pa."

Umupo rin si Angel sa isa pang upuang katabi ng kanya. Pagkatapos ay hinawakan nito ang mga kamay niya. "Kaya mo iyan. Ganito na lang ang isipin mo. Pumayag si Hannah na ikaw ang maging representative ng JPIA sa contest na ito dahil ikaw si Bryan de Vera. Alam niyang may chance na ikaw ang manalo dahil gwapo at matalino ka. Mabait ka rin at cool lalo pa't member ka na ngayon ng varsity team. And you don't have to do any other act whatsoever. Just you, standing there, is enough. So just be yourself because your self is already enough for you to be here."

Napangiti si Bryan. Hindi niya alam kung sinabi lang ba iyon ni Angel para pagaaanin ang loob niya, o sinabi nito iyon because she meant every word. But whatever the reason is, somehow, he felt better and more confident.

Nagawa na niyang magbiro ulit. "Solved na ako doon sa gwapo."

"Oo na." Inirapan siya ni Angel.

Bryan smirked, and Angel laughed at him.

"Kaya mo yan, Bryan de Vera."

Tinawag na ang mga kasali sa pageant. Muling dumagundong ang kaba sa dibdib ni Bryan, pero dahil sa mga sinabi ni Angel, at sa paghawak nito sa kamay niya, nawala kaagad ang kabang iyon.

"Wait for me here," aniya kay Angel. Tumango naman ang dalaga at saka ngumiti.

Pumunta na si Bryan sa mga kasamahan niya sa contest. Muli niyang sinulyapan si Angel sa huling pagkakataon, bago sila lumabas sa stage. Napakaraming tao sa loob ng auditorium. Lahat yata ng estudyante ng Business School ay nandoon nang mga sandaling iyon. Lahat ay naghiyawan paglabas ng mga candidates.

Napatingin sa paligid si Bryan. Dahil sa nakitang audience, bigla na naman siyang nataranta at hindi alam ang gagawin. Saka naman biglang bumalik sa kanya ang sinabi ni Angel kanina sa may back stage.

𝘑𝘶𝘴𝘵 𝘣𝘦 𝘺𝘰𝘶𝘳𝘴𝘦𝘭𝘧.

And be himself is what he did. Hindi na niya inisip pa kung paano ba maglakad ang mga modelo sa catwalk. He just walked there, showed everybody the confident Bryan de Vera that he is. At mukhang nagustuhan naman ng lahat ang ginawa niya. Naghiyawan ang mga ito pagdaan niya. At dahil doon, lalong lumakas ang loob niya.

❣︎ఌꨄ❦ ❣︎ఌꨄ❦ ❣︎ఌꨄ❦

Natutuwang nanonood sa may backstage si Angel. Natutuwa siya at parang okay na ulit si Bryan. Full of confidence na ulit ito, kabaligtaran ng kinakabahang lalaking naabutan niya kanina dito sa may back stage.

Bumalik na ang ever confident na si Bryan de Vera. She had always known him for being a confident guy. It was actually one of the things that she hated about him. Sobrang confident nito na nagiging mayabang na ang dating nito. Or maybe, siya lang ang nag-iisip ng ganoon. Iyong ibang babae kasi, gusto nila ang pagiging cool ni Bryan. Kaya nga ito crush ng bayan sa Business School, kung hindi man sa buong CPRU.

Pagkatapos ng unang pagrampa, isa-isa nang nagpakilala ang mga contestant. Panghuling nagpakilala ang mga representative ng JPIA. Una si Bryan, pagkatapos ay si Kim.

"A pleasant morning to everyone. This is Bryan de Vera, representing the Department of Accountancy."

Hiyawan at palakpakan ang mga tao. Ang daming kinilig sa ngiting iniwan ni Bryan bago bumalik sa puwesto nito sa may tabi ni Kim. Maging si Angel ay napangiti. Natural born charmer talaga itong si Bryan. Hindi nakapagtatakang maraming nagkakagusto dito.

Pagkatapos noon ay bumalik na sa back stage ang mga contestant. Hinintay ni Angel si Bryan sa may mono block chair na inupuan nila kanina.

"Congrats! Ang galing mo, ah!" bati niya kay Bryan nang makalapit na ito.

Bigla na lamang siyang niyakap ng lalaki. Nagulat si Angel at hindi nakagalaw.

"Thank you so much for giving me a boost."

Napangiti si Angel sa sinabi nito. And then slowly, she hugged him, too. She felt good holding him, or was it because he's holding her? Whatever it is, she feels good with what Bryan did. Nginitian niya ito nang maghiwalay na sila.

Nginitian din siya ni Bryan, and for a moment, Angel's world seemed to stop. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Was it the hug that they just shared? Was it the red shirt that Bryan is wearing that made him look more handsome? Or was it the manly but good scent of his cologne? Angel suddenly felt mesmerized.

Until Gina came into the picture.

"Bryan!" Literal na hinablot niya ito at saka hinalikan sa labi.

Bumalik sa planet Earth ang panimanman ni Angel na papunta na sana sa Mars. Oo nga pala, the girlfriend is just around the corner. Bakit ba kung ano-ano ang bigla niyang naiisip at nararamdaman kay Bryan?

"You did well earlier, Honey," ani Gina kay Bryan.

"Ah... Thanks." Napatingin kay Angel si Bryan.

Umiwas na lamang ng tingin si Angel. Pasimple siyang pumunta na lang kay Kim na nag-aayos ng mga gamit niya.

"Kim, you did great!"

"Salamat, Ate," ani Kim. "Sobrang kinakabahan nga ako kanina."

"Ano ka ba? Ang ganda-ganda mo kaya."

Ngumiti si Kim. Ginantihan niya rin ito ng ngiti.

"Sige, mauna na ako sa labas."

"Sige po, Ate."

Lumabas na ng back stage si Angel. Pinilit niyang huwag lumingon at tuloy-tuloy lang sa paglakad kahit na nga hindi niya maiwasang marinig ang paglalambing ni Gina kay Bryan. Binilisan na lamang niya ang hakbang para kaagad siyang makalayo doon.

♥️♥️♥️

♥︎♡︎♥︎ 𝑊𝚎 𝚠𝚎𝚛𝚎 𝚝𝚘𝚐𝚎𝚝𝚑𝚎𝚛. 𝙸 𝚏𝚘𝚛𝚐𝚎𝚝 𝚝𝚑𝚎 𝚛𝚎𝚜𝚝. - Wᴀʟᴛ Wʜɪᴛᴍᴀɴ ♥︎♡︎♥︎

Chương tiếp theo