webnovel

Trust Your Instinct

One time, naiwan ni Gio yung phone nya while he's buying food sa labas ng campus. Sabi ko di na ko sasama dahil masama ang pakiramdam ko. I opened his phone, di pa naman sya nagpapalit ng password, looked at his messenger and saw a new gc. Meron pala silang gc for volleyball na pili lang ang kasali... at bakit di ako kasali?

I browse their convos and saw na may pictures, their pictures and then there's this picture which caught my attention. Isang group photo na kitang-kita yung closeness nila ng isang gurl, not this ate gurl na una kong pinagselosan, but another. I browse some more pictures and I noticed na lagi silang magkatabi. And saw this convos na pinagtatambal sila, the name? Alyssa... Alyssa Marie Ferrera.

I stalked her profile, also a volleyball player pero hindi namin team mate that's for sure. I found out na nakalaro pala nila sa isang match up game sa barangay nila some days ago which I was not informed. I want to stalk her more ng mapansin kong papalapit na si Gio. Nilapag ko agad yung phone nya na parang walang nangyari.

"Hungry? I bought you your favorite C1 spicy,"

"Thank you"

"and a coke float, of course.Here you go. "

How can he do this to me? Bakit parang napakanormal lang sa kanya na niloloko ako. Is that Alyssa girl the reason bakit ayaw nya ipahipo phone nya? Is she the new one? Bakit wala man lang bakas sa mukha nya na meron pa syang tinatago sakin. Importante yon, na sabihin nya sakin kung sino yung mga nakakasama nya, kung may inaasar sa kanyang girl, kung may iba syang nakakaclose na friends. Karapatan ko yon, di ba? Oo, wala kaming label pero given na nagkasundo kami to wait for each other until. makatapos ng college, di ba karapatan ko na yon na maging honest sya sa lahat-lahat?

We continue eating like nothing's bothering me. Kung magaling sya magtago, magaling din ako makaalam ng mga bagay-bagay na kelangan kong malaman ng ako lang. Let's see kung gano mo ko niloloko.

Just like before, inihatid nya ko hanggang sa gate lang namin, then waved goodbye. As I reached my room, hinawakan ko agad ang phone ko and stalked the girl. She's pretty. Maybe prettier than me. I feel insecure, pano kung nakahanap na nga sya ng iba? Naiinip na ba sya sakin...?

I browse all, as in literally, all of the thousands of pictures she has in her album. Sumasali pala sya sa pageant and may pictures na marami sila na nanonood at sumusuporta sa kanya, kasama na si Gio na mukhang ang saya-saya. I watched this one video and lahat sila nakaturo at inaasar si Gio while rumarampa si girl. Si Gio, ang sakit sa puso, pero nakikita ko sa mga mata nya yung pagiging proud nya. Ang sakit kasi ang dami na nilang pictures that show kung gano na sila kaclose. Ang dami ng occasions na nagkasama sila, dumaan ang sembreak pero bakit parang more than sa mga panahon na yun yung naging samahan nila? Bakit di ko naramdaman samantalang sobrang ok pa namin non? Bakit di ko nahalata sa kanya na may ginagawa syang kalokohan kapag di ako kaharap? Na may iba sya pag ibang tropa ang kasama? Why am I so idiot?

I let that go. Di ko pinahalata sa kanya the next days na may nalaman ako. Gusto kong humanap ng magandang tyempo yung kelan ko dapat sabihin na niloloko nya lang pala ako. I don't want to make a scene here in front of my classmates coz for sure mag-aaway kami and given na iyakin ako, I will for sure burst into tears bago pa lang ako magsalita. I don't know why pero yun ang isa sa mga kahinaan ko, na pag nagagalit ako imbis na magalit lang ako, nauuna yung iyak, yung hagulgol...

But I didn't expect the next scenarios, he asked me to talk privately. Kinabahan na 'ko non.

"Please, Linda, kahit sa isang sulok na lang dito sa room nyo, yung malayo sa friends mo para di nila tayo marinig."

Sumunod lang ako non sa kanya, kahit na di nga nila kami marinig, nakatingin at nakasubaybay naman sila sa amin. Feeling ko may nalalaman sila na dapat ko talagang ikabahala.

As we sit down, face to face, nakita ko yung serious face na I haven't seen before. Mukhang seryosohang usapan talaga ang magaganap ngayon. I somehow expect something sa sasabihin nya pero kinakabahan pa din ako kasi hindi pa ako ready, at kahit kailan, hindi ako magiging ready sa ganito.

Hinawakan nya ng dahan-dahan ang kamay ko.

"Linda? I just want to say how happy I am na nakilala kita. Ikaw yung isa sa mga naging dahilan, actually, ikaw ang pinakanaging dahilan kung bakit ako pumapasok ng masaya. Kung bakit ako ganado sa training. Kung bakit tumaas ang grades ko. You know how I loved you ever since. Lahat yon, for more than 3 years, lahat yon genuine. Walang peke. Walang gawa-gawa lang. "

Nakatingin lang ako non sa kanya, I am not expecting that my tears will fall agad. Siguro kasi alam ko na ang kahihinatnan ng sinasabi nya. Mas humigpit ang kapit nya sa mga kamay ko. Nakikita ko sa mga mata nya na matagal na nyang napag-isipang gawin ito. How ready he is for this day.

"Pero Linda, may hindi ako inaasahan na mangyari. Hindi ko to sinasadya, basta bigla na lang nangyari. Pinigilan ko naman eh, kaso kasi..."

Humihikbi na ako non, pero pinipiit kong humagulgol dahil nakakahiya sa friends and classmates ko and pinilit kong magsalita after his silence

"Kaso ano? Sabihin mo. May mahal ka ng iba? "

Tumitig muna sya sakin ng matagal, yung mga mata nya nangungusap, tila ayaw na nyang ituloy ang sasabihin nya. Siguro dahil nakikita nyang tuloy-tuloy and pagtulo ng mga luha ko.

"Sorry Linda, I tried... "

"Kelan pa to? Kelan mo pa ko niloloko? "

"Linda... "

"Kelan pa?! " medyo napalakas ata ang boses ko, naramdaman ko na mas marami ng nakatingin ngayon sa amin, kahit mga galing sa ibang section, nakasilip na.

"More than 3 months... but believe me I tried na hindi sya mahalin, pero di ko mapigilan. You know that I love you, but... sometimes, I can't help but think of her. "

"Did you do the first move o sya ang nagpakita ng motibo sayo? "

"It's my choice. Actually lumalayo sya, especially nung nalaman nya na may nililigawan ako because she doesn't want to end a happy relationship daw pero ako ang nagpumilit... sorry Linda, I'm really really sorry. I cannot continue this anymore. "

"So, sya qng mas pinili mo saming dalawa coz sakin ka nagpapaalam... ang sakit Gio... grabe... pinagkatiwala ko sayo tong puso ko, sabi ko naman sayo takot ako mainlove pero bakit... bakit mo ko ginanito...?

Hindi ko na napigilang umiyak ng umiyak. He's trying to hold me and to comfort me pero I resisted. Yung thought pa lang na hahawakan nya ko, masakit, kasi hindi na nya ko hinahawakan for love, for care, pero para iparamdam sakin na that's the last and he's touching me para iparamdam na tumahan na ko dahil wala na talaga.

This is the worst nightmare na kinatatakutan ko na nagkatotoo na...

Chương tiếp theo